“Just hold on, Isla... magiging maayos din lahat.”
Niyakap ako ni Louisiana. I cried in her shoulder again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak sa kaniya sa loob ng ilang araw ko rito sa Maynila.
“You love him... hindi ka magkakaganito kung hindi mo siya mahal.” Bumuntonghininga ang kaibigan ko habang niyayakap niya ako nang mahigpit.
Napatingin ako kay Louise. Mahal ko ba talaga si Seatiel?
Tinaasan niya ako ng kilay. Hinawi niya ang maikli niyang buhok at ngumisi. “Gaano ba kasi ‘yan kagwapo para mag-iiyak ka nang ganiyan? Umuwi ka sa pamilya mo, dapat masaya ka! Kaya sabihin mo... sobrang gwapo ba talaga niya?”
Hindi ko alam kung matatawa o mas maiiyak ako kay Louise. Ang dami ko nang problema pero iyon pa talaga ang concern niya sa lahat!
“Louise, kailangan ko pang intindihin ‘yong nangyayari kay Papa... hindi ko naman siya pwedeng hayaan na lang na makulong.”
Bumuntonghininga si Louise at kinuha ang kamay ko. Mataman siyang ngumiti na tila sinasabing magiging maayos din ang lahat. “Wala kang magagawa kung hindi natin mahanap si Tito Frank. Hindi mo na ito kasalanan. Kung alam ko lang na aalis siya at magtatago, sana hindi ka na nagpunta rito. Pero mabuti naman dahil nagkaayos kayo ni Tita Ruella, hindi ba?”
Tumango ako at niyakap siya. She hugged me. Si Louise ang tanging nag-iisang kaibigan na kahit kailan, kahit anong nangyari, hindi ako iniwan.
“Thank you, Louise... I missed you.”
Marami kaming pinag-usapan. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa La Esperanza. Mas marami ang naikwento ko sa kaniya kaysa sa mga nabanggit ko kay Mommy. Marami akong hindi nasabi kay Mommy Ruella, tanging ang aksidente lamang at kung anong klaseng pamilya ang kumupkop sa ‘kin.
Hindi ko binanggit sa kaniya si Seatiel, so she has no idea. Ni hindi ko sinabi sa kaniya ang pangalang La Esperanza. Hindi ko alam kung bakit. Mahal ko si Mommy, mahalaga sa akin ang mga magulang ko dahil kung hindi, wala ako rito ngayon sa Maynila, pero may parte sa ‘king nasiraan ng tiwala dahil sa nangyari.
They broke my trust. Masama mang aminin ngunit naisip kong maaari nilang gamitin na naman ang mga sasabihin ko para makuha ang gustuhin nila. They can use it against me. They can use... the person I love against me, the people I care for against me. Sila ang pinakamagaling magmanipula sa damdamin ko. Napatunayan ko ‘yon noon pa nang gusto nila akong ipakasal.
Napaangat ang tingin ko nang lumabas ako sa mansion ng mga Medrano at makita ko si Lucas, nakatayo sa labas ng kotse niya habang naghihintay sa gate namin.
Malalim akong bumuntonghininga at nagtuloy-tuloy ng lakad paalis. Napatigil lamang ako nang hablutin niya ang kamay ko at pilit hinarap sa kaniya.
Matangkad siya kung kaya’t madali niya akong nadala nang hilahin niya ako palapit para yakapin. “Isla, p-please, nagsisisi na ako, babe. I’m sorry! Please, come back to me... I promise I’ll be better.”
“Bitawan mo nga ako, Lucas!” Itinulak ko siya kaya bahagya siyang napaatras. Marahas siyang sumandal sa kaniyang sasakyan. Damn his car and damn his thick face! “Ang kapal ng mukha mo. Huwag kang lalapit sa akin at huwag na huwag mo na akong kakausapin! Hindi ka ba nahihiya?!”
Marahas siyang bumuntonghininga habang madilim ang tinging ipinukol sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong mali sa kaniya na pagkatapos niya akong lokohin ay magmamakaawa siyang balikan ko siya!
Pangalawang araw niya na itong paghihintay sa ‘kin sa labas ng mansion ng mga Medrano. Nagagalit na ako sa pamimilit niyang magkabalikan kami at pamimilit na patawarin ko siya at ayusin namin ang lahat na parang hindi niya ako niloko noon, na parang hindi niya ako pinagbantaan na hindi iyon ang huli naming pagkikita noong pinahiya ko siya sa art exhibit!
“Ang tagal kitang hinintay! Damn it, Isla! B-Bakit hindi mo ako patawarin? It was one time! One f*cking time!” Lucas clenched his jaw. Kalaunan ay lumambot ang kaniyang ekspresyon at napasandal na lamang sa kaniyang sasakyan.
“Pinapatawad na kita! Kung ‘yan ang gusto mo, okay, pinapatawad na kita! Ngayon, makakaalis ka na... huwag ka nang magpakita sa ‘kin.”
Napatigil siya’t hindi makapaniwala akong tiningnan at nang talikuran ko siya ay muli niyang hinablot ang braso ko. Marahas niya akong hinarap sa kaniya. “Putangina, tapos ano?! I said I want us back! I want you back, Isla... p-please, babe... don’t leave...”
Nagulat ako nang yakapin niya ako. I am so disgusted with him. Nanuot sa aking pang-amoy ang magkahalong pabango at alak kay Lucas. Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa ‘kin at itinulak siya.
“Lucas! Lasing ka ba?!” singhal ko. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa ‘kin na parang ang tagal niya akong hinintay...
Nakaramdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magaling siyang magpanggap, hindi ko malalaman kung kailan siya nagkukunwari at kung kailangan siya sincere sa isang bagay. He cheated on me... I feel so disgusted with his presence.
Nilapitan niya ako at hinapit. Napasinghap ako at nagpumiglas pero dahil mas malakas siya ay nagawa niyang idiin ako pasandal sa kotse. He held on to my wrist para hindi ko siya maitulak. Idiniin niya iyon sa gilid ng ulo ko sa kotse niya at tila walang pakialam kahit mabasag ang salamin nito.
“Lucas! B-Bitawan mo ako!” sigaw ko. Walang makarinig sa ‘kin dahil nasa madilim na parte kami ng villa.
“Bakit ayaw mong makipagbalikan, huh? Nakahanap ka na ng bago? Ano, Isla? Did you find someone else, huh? May nakagalaw na ba sa ‘yo?!”
Ang pumipiglas kong kamay ay diretsong sumampal sa pagmumukha niya. Sa sobrang lakas niyon ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Napabaling sa gilid ang mukha niya habang nag-iigting ang kaniyang panga’t masama ang tinging ibinalik sa ‘kin.
Nanginginig ang palad ko. Nagsimulang mag-init ang sulok ng aking mga mata. “Don’t you f*cking dare disrespect me!”
Masama niya akong tiningnan. Nawala lamang iyon nang biglang tumunog ang cellphone niya at mayroong tumatawag.
“Bullsh*t!” Malutong siyang napamura at hinampas ang bubong ng kotse niyang kinasasandalan ko.
Napaigtad ako sa gulat at kahit natatakot ay pilit kong tinapangan ang sarili habang kaharap siya.
“Babalikan kita... hindi pa tayo tapos, Isla Laurena...” mariing sabi niya’t umikot sa driver’s seat para sumakay. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya paalis at naiwan akong nakatulala sa kawalan.
Nag-umpisang magpatakan ang mga luha ko. Nanghina rin ang mga tuhod ko at para akong tinakasan ng hangin.
Napatingin ako sa paligid. Pinawi ko ang luha sa aking pisngi at sinikap kong makapagpatuloy sa paglalakad habang binabawi ang paghinga sa naninikip kong dibdib. Umuwi akong mag-isa sa tinutuluyan ko.
Pagod na pagod akong pumasok sa loob nito at napasandal sa pinto. Napapikit ako at pilit kinakalma ang sarili. Nanginginig ang mga kamay ko at namumutla ang mga labi. Wala akong nagawa kundi umiyak. Kahit ang pinto ay hindi ko na nagawang mai-lock at basta ko na lamang ibinagsak ang sarili sa higaan.
Hanggang sa pagtulog sa maliit na kama ay wala ako sa sarili. Tulala lamang ako sa kisame. This house is small. Walang mga kwarto. Iisa ang kinaroroonan ng kusina, sala, at ang pangdalawahang kama.
Panay ang pagtulo ng luha ko na paulit-ulit kong pinapawi. Gumalaw ako sa kama at tumagilid. Hinarap ko ang lamp shade sa maliit na mesang katabi nitong kama kung saan nagmumula ang mapusyaw na ilaw na tanging pumupuno sa buong kwarto. Napatitig ako rito at pagod na ipinikit ang mga mata.
Hindi ko magawang makatulog kahit gaano kapayapa ang paligid, kahit gaano katahimik at tanging kuliglig lamang mula sa labas ang maririnig. Halos nag-iisa ang bahay na ito sa sulok ng isang lugar, sadyang tago at may mga puno sa labas.
At mag-isa ako.
Mababaw ang tulog ko kahit na pagod at antok. Kahit sa pagpikit ng mga mata ko ay si Seatiel ang nakikita ko. It’s funny how I left him, at pagtapos ay ako ang may gustong hanapin niya ako, balikan niya ako, kunin niya ako...
Marahil dala ng sobrang pag-iisip kay Seatiel kaya napanaginipan ko siya. Pakiramdam ko’y totoong-totoo. Nabaliw na yata ako dahil parang buhay na buhay sa pakiramdam ko ang yakap niya sa ‘kin.
Lumubog ang kama sa aking tabi na tila may sumampa at nahiga rito. Gusto kong maiyak sa panaginip ko dahil tila ba may brasong pumaikot sa tiyan ko upang yakapin ako. A familiar hot breath from the back of my head and ear gave me comfort.
Ang mainit na dibdib na yumakap sa ‘kin mula sa likod ay pumawi sa lamig na nararamdaman ko. “S-Seatiel...” tawag ko sa lalaking laman ng panaginip. A tear fell from my eye. Gusto kong gumising ngunit dala ng pagod at ng panaginip ay tila ayaw ko nang magmulat ng mga mata.
I cried more when I felt his familiar kiss at the back of my head. Mababaw na humahalik sa buhok at leeg ko ang malambot na mga labing iyon habang kinukulong ako sa init ng mga bisig niya.
Kahit ang malalim niyang paghinga’y parang nadarama ko, na parang nasa tabi ko talaga siya. This dream felt so real... that I refuse to open my eyes. Natatakot akong matapos ang panaginip na iyon at hindi ko na ulit siya makita at maramdaman.
“Goodnight, Isla... mahal kita.” Pabulong at malalim ang mga salitang iyon, na parang sobra niyang lapit.
Ang huli kong naramdaman ay ang haplos sa buhok ko at isang mababaw ng halik sa aking ulo. Pumatak muli ang luha ko, ngunit bago pa ako makasagot ay tuluyan na akong nakatulog.
Nang magmulat ako’t magkamalay sa paligid ay maliwanag na sa labas. Makulimlim at mahamog. Bumangon ako at malakas ang kabog ng dibdib. Natanaw ko sa labas ng bintana ang banayad na pagsasayaw ng mga dahon sa puno at ang nahuhulog nitong mga dahon sa sementadong daan.
Unti-unting kumalma ang dibdib ko at napalitan iyon ng kirot at sakit. Nilingon ko ang buong paligid ng tahimik na kwarto ngunit katulad pa rin iyon nang bago ako makatulog.
There’s no one here. Seatiel is not here... he’s just in my mind... he’s just in my dreams.