Buong byahe namin patungo sa syudad ay wala akong imik. Tahimik lang ako sa backseat habang nakatingin sa kawalan at pinagmamasdan ang bawat dinaraanan namin.
Lumagpas kami sa mahabang tulay na nagdurugtong sa isla ng La Esperanza at sa syudad. Sinubukan kong matulog at magpahinga sa byahe pero maraming naglalaro sa isip ko.
Hindi lang isang beses kong naisip na sabihan si Creed na bumalik kami, na hindi na ako tutuloy, na hindi na ako aalis, na hindi ko na lang iiwan si Seatiel. But I kept my mouth shut for hours. Sa tuwing nagigising ako mula sa mababaw na idlip ay si Seatiel ang naiisip ko, sina Ate Aly, Nay Issa, sina Margaret, at ang mga bata.
Panay ang tingin sa ‘kin ni Creed sa rear mirror ng sasakyan. Nagtanong siya isang beses ngunit nang wala siyang nakuhang sagot sa ‘kin ay nagbuntonghininga na lang siya at bumalik sa pagmamaneho.
“Tumigil muna tayo bago tumuloy sa airport. Kung gusto mo, ikukuha kita ng hotel room. Magpahinga ka muna,” sabi ni Creed.
“Ayoko, hindi na kailangan.”
“You look fragile. At tingnan mo nga iyang sarili mo? Bakit kanina ka pang tulala?” tanong ni Creed at inilingan ako. “Bago magtanghali pa ang nakuha kong flight. Wala ka ring magagawa kundi magpahinga muna. Kung ayaw mo, pwede ko namang ibalik itong sasakyan sa La Es—”
“Oo na, Creed,” pigil ko sa kaniya, ayaw marinig ang sinabi niyang ibabalik niya ang sasakyan.
“That’s what I thought,” ngisi niya at pinaharurot ang kotse.
Tumigil kami sa isang malaking hotel sa main city. Pinag-book niya ako roon habang may pupuntahan daw muna siya. Iniwan niya sa ‘kin ang mga gamit. Hindi talaga siya nagbibiro na dinalhan niya ako ng mga gamit at damit na masusuot. Kahit pagkain binilhan niya ako.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Para akong pinagbagsakan ng samu’t saring problema dahil sa tamlay. Bawat galaw ko ay may kasamang malalim na paghinga, sinusubukang kontrolin ang emosyon at ang mga luha ko.
Naupo ako sa dulo ng kama matapos mag-ayos. I’m really going back to Manila, pero wala akong maramdaman ni katiting na tuwa o excitement. Para akong pupunta sa isang okasyon kahit ang gusto ko naman talaga’y manatili lang sa bahay.
Inabot ko ang telepono para tawagan si Louisiana at sabihing tanghali ang flight namin. Binigyan niya ako ng address ng isang bahay sa Manila kung saan ako pwedeng tumuloy. Hintayin ko raw siya roon. Ang sabi ni Louise ay walang nakaalam sa bahay na ‘yon dahil pinasadya niya ‘yon para sa pagdating ko.
Kahit sa hotel ay hindi ako nakatulog. Nakaidlip ako sandali pero nagising din sa tawag ni Creed dahil naghihintay na raw siya sa baba. Na-guilty tuloy ako na pati bayad dito sa hotel ay sinagot niya.
“Ano ba ang nangyari?” pagtatanong ni Creed habang kumakain kami sa restaurant ng hotel. Parang nanibago ang panlasa ko sa mamahaling mga pagkain. Agad-agad ay na-miss ko ang luto ni Ate Aly.
Tumulo ang luha ko. Kanina pa ako nagpipigil at kung kailan nandito na si Creed, saka pa ito kumawala sa pesteng mga mata ko.
Ginusto mo ito, Isla. You left. You’re the one who left him. You’re the one who broke your heart!
Wala na akong karapatan ngayon kay Seatiel. I ran away from him. Tinakbuhan ko ang sana’y pakakasalan ko noon, and now, I ran away from someone again. Ngunit ang kaibahan sa nararamdaman ko, hindi ko mahal at kinamumuhian ko pa ang lalaking ipakakasal sa ‘kin ng mga magulang ko noon, pero ngayon... iba si Seatiel...
“Sino ba ang umaway sa ‘yo? At nang makapag-utos na ako sa tauhan ko,” saad ni Creed at inabutan ako ng tissue. Inilingan ko siya at hindi ko maiwasang mas maiyak.
Wala akong karapatang umiyak pagtapos ng ginawa ko. Alam ko iyon. Dahil sinong babae ba ang makikipag-s*x at bigla na lang lalayas?
I did something... unforgiveable.
Tumigil ako sa pagkain at napayuko. Tumigil si Creed at inalo ako.
“I-I like him, Creed... h-hindi ko alam kung anong gagawin ko.” I didn’t have a choice. Binanggit ko iyon sa kaniya. Lahat-lahat. Na gusto ko si Seatiel. Na magkasama kami bago ako umalis sa La Esperanza.
Na hindi na ako babalik. Na baka hindi na ako makabalik kahit gustuhin ko.
Napagod ako sa pag-iyak. Walang sinabi si Creed at nanatili lang sa tabi ko. Kahit nasa airport na kami at paalis na ay hindi ako nagsasalita. Tanging sinabihan ko lang si Creed na babayaran ko agad-agad lahat pagkarating namin sa Maynila at ang pasasalamat ko sa lahat ng tulong niya.
Hapon kami nakarating sa Maynila. Nakatulog ako sa eroplano at hinayaan naman ako ni Creed. Ang sabi ko’y hanggang doon na lang niya ako samahan at pwede niya na akong hayaan. Kahit siya ay hindi ko gustong ipakilala sa totoo kong buhay rito. I don’t want him to get involved anymore.
Sobra-sobra na ang mga itinulong niya sa ‘kin at ang mga pabor na hinihingi ko. Nahihiya na rin ako kay Creed at ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan at pagtulong niya sa ‘kin.
“As much as I respect your decision, hindi kita pwedeng hayaan, Lauren. Ihahatid kita diyan sa address na ibinigay sa ‘yo... o tatawagan ko ang boyfriend mo ngayon din?”
“Hindi ko nga boyfriend si Seatiel, Creed,” pagod na paliwanag ko dahil kanina niya pa pinipilit. Ginawa niya pang pang-blackmail ang bagay na ‘yon.
“Okay, okay, I get it,” naiiling na sabi niya kahit hindi naniniwala. “Oh, ano? Ihahatid ba kita o ida-dial ko na ‘tong number niya?” Pinakita niya sa ‘kin ang number ni Seatiel. Nagulat ako na meron siyang number nito. Ang sabi niya’y kinuha niya raw kay Margaret kanina lang.
Now, I regret telling Creed that I like Seatiel. Pakiramdam ko’y ipagkakalat niya ‘yon sa sandaling makatapak siya pabalik ng La Esperanza.
“Gusto mong kunin?” Sumilay ang ngisi sa labi ni Creed. I was tempted. Gusto kong makuha ang number pero alam kong ang kapalit niyon ay ihahatid niya ako sa address.
“F-Fine, pero hanggang doon na lang talaga. Hindi mo pwedeng malaman kung saang bahay. Pagkatapos ay umalis ka na agad,” iyon ang sabi ko, kapalit ng pagbibigay niya ng number ni Seatiel.
Mabilis na lumipas ang tatlong araw sa Maynila. Hindi bumalik si Creed sa La Esperanza. Ang sabi niya’y may aasikasuhin din naman siya rito at sasamantalahin niya na iyon habang narito siya. But I know, he just doesn’t want to leave yet. I know he’s just around. Hindi niya lang alam kung saan ako eksaktong nakatira pero alam niya ang lugar.
Ako ang sumundo kay Mommy sa hospital. Gulat na gulat siya nang makita ako. Maluha-luha ang mga mata niya at hindi niya inaasahang babalik ako.
“I-Isla...”
Nasa pinto pa lang ay naramdaman ko na agad ang pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Never in my wildest dream I have ever thought she’ll want to see me like this, nasasabik, na para bang kay tagal niyang nangulila sa ‘kin.
Dahil lagi na lang si Papa. Lahat na lang ng gusto ni Papa, gagawin niya. It’s always her husband over me. Kaya kahit alam niyang nasasaktan ako noong gusto nila akong ipakasal sa kung sino na lang, hindi siya tumutol kay Papa.
Parang marupok na pundasyon ang gumuho sa puso ko nang makita ko siya. Mahina akong tao lalong-lalo na pagdating sa pamilya at iyon ang pinakamalaki kong insekyuridad sa buhay. Inggit na inggit ako sa may masayang pamilya.
Buo ang pamilya namin, pero pakiramdam ko magkakakilala lang kami at hindi magkakadugo. Ang layo ng loob nila sa ‘kin ni Papa. Paulit-ulit kong kinukwestyon kung masama ba akong anak kaya ganitong pamilya ang mayroon ako.
“I-Isla, oh, goodness... I-I miss you, my daughter...” Pumatak ang luha sa pisngi niya.
Tuluyang bumagsak ang mga luha ko at sinalubong siya ng yakap.
“Mommy...” I cried in her shoulder, like a child wanting to feel loved and needed by her own parents.
Miss na miss ko siya. Ang dami-dami kong nararamdaman ngayon. Gusto kong sabihin sa kaniya at isumbong lahat. Lahat-lahat. Lahat ng masakit, lahat ng magulo sa isipan ko, lahat ng nangyari sa ‘kin... gusto kong hanapan ng kakampi.
“I-Isla, anak, saan ka galing? What did you do to yourself?” umiiyak na tanong niya. Nangingislap ang kaniyang mga mata sa luha. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
Hindi ko napigilan at muli ko siyang niyakap. “Mommy, ang s-sakit-sakit po...” Humagulgol ako sa kaniya.
Sinabi ko sa kaniya ang nangyari sa ‘kin. That some men tried to r*pe me. That I was lost. That someone tried to k*ll me. May humahabol sa ‘kin at nagtatangka sa buhay ko. Sorry siya nang sorry. Wala siyang ibang masabi kundi ang katagang iyon.
“I am so sorry, anak. I didn’t know...” Umiiyak siya. Ang bigat ng loob ko. Akala ko kapag nag-sorry sa akin si Mommy, gagaan ang loob ko, pero mas masakit pala. Dahil parang inamin niya lahat, na tama ako sa lahat ng naisip ko. “I regret treating you like this, hija. Please, I’m sorry. F-Forgive me, Isla...”
“I was hurt, Mom... m-muntik na po akong mamatay. I... I was touched. I escaped. I fell. Alone. Hindi ko mabilang kung ilang beses. H-Hinawakan nila ako, Mommy... t-they pointed a gun at me, they... t-they said they will k*ll me.”
Ipinakita ko sa kaniya lahat ng bakas ng mga sugat na natamo ko. Hindi siya nakapagsalita. Walang kapagurang I’m sorry ang tanging narinig ko mula sa kaniya. At doon ko napatunayang hindi pala nagagamot ng sorry ang kahit anong sugat, hindi napapawi ang sakit, at sa halip ay mas nadadagdagan.
Sandali kong iniwan si Mommy sa mansion ng mga Medrano. Bumabalik din ako sa kaniya kahit sa ibang bahay ako tumutuloy kung saan wala akong kasama. Palagi ko siyang pinupuntahan lalo pa’t kalalabas niya lang ng hospital. Ayaw ko siyang iwang mag-isa.
Wala si Papa. Kasalukuyang nagtatago dahil sa pagkakasangkot niya sa isang illegal business. Ayon kay Louise ay hindi na ito ma-contact. Kaya rin siguro nagkasakit si Mommy Ruella, dahil sa nangyayari kay Papa.
Pang-apat na araw ko na sa Maynila pero ni isa sa mga problema’y wala pa akong nasosolusyunan. Pagod akong asikasukin ang lahat. Bumalik din ako sa kompanya at kinausap ang board members ng aming kompanya.
They said that the company is going down very quickly. May mga nag-pull out na dahil sa issue ni Papa sa isang illegal business.
Minsan naiisip ko na lamang bumalik sa La Esperanza. Naisip kong kung kasama ko siya, baka hindi ganito kahirap dalhin lahat. Baka hindi ganito...
At sa tuwing naiisip kong galit siya sa ‘kin sa pag-iwan sa kaniya, mas lalo lamang akong nasasaktan.
It is indeed true, that you’ll only realize how something means so much to you when they’re gone...