ANGEL Sigurado akong nakita ko si Richard, pero paglingon ko ay bigla na lang siyang nawala. Ang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ko alam kung siya ba ang nakita ko o namamalikmata lang ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali sa ilang taon naming magkasintahan kilalang-kilala ko na siya. Pero bakit parang dinadaya ako ng aking paningin, palaging siya ang nakikita ng mata ko pero pag titignan ko ulit ay biglang naglalaho. "Miss, ikaw na ang kasunod," sabi sa akin ng lalaking nasa likuran ko. Bigla akong natauhan at naglakad papunta sa immigration officer. Mabilis lang naman niyang tinatakan ang passport ko at wala ng maraming tanong. Nasa departure area na ako, umupo ako sa Gate 3 kung saan ang flight papuntang Canada. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Richard, ginugulo niya pa rin ang isi

