THIRD PERSON Halos isang lingo na mula ng maghiwalay si Richard at Angel, unti-unti ng nakakabangon si Angel sa sakit na gawa ng pag-ibig. Araw-araw pinipilit niyang maging masaya para sa pamilya niya. Maagang gumising si Angel, ngayon kasi ang interview niya sa agency papuntang Canada. Naayos niya na lahat ng requirements na kakailanganin niya at kapag naipasa niya ang interview at good to go na siya pa-Canada. "Anak, dito ka ba kakain mamaya?" tanong ng kanyang mama. "Baka hindi na po Ma, hindi ko pa alam anong oras matatapos ang interview." sagot naman ni Angel. "Kasama mo ba si Raf?" "Hindi po may duty po siya sa ospital ngayon, ayaw ko na rin po siyang abalahin. Ang dami biya na pong naitulong sa akin." muli namang sagot ni Angel. "Sige anak, mag iingat ka. Ingatan mo palagi an

