HER POV How come na nalaman nila na nandito ako? Hindi ko alam kung kaba ba ang mararamdaman ko o ano. Kaya ko naman silang harapin kesa sa mga magualng ko, pero they’re one of the reason kung bakit kami naging ganito ni Dylan. Sila ang pumilit sa amin, sila ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay namin. Napalunok naman ako bago ako naglakad papasok sa opisina ni Dylan. Napakita ko si Dylan na napatingin sa akin sabay napahawak sa kaniyang ulo. Kitang-kita sa mukha niya na naiinis siya. “Dad I told you, Rhianne is off limits!” diin na sabi ni Dylan. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari dito kanina pa pero dama ko na nag-iinit na silang lahat dito. “Rhianne, finally you came back.” Agad naman na lumapit sa akin si Tita Victoria sabay niyakap ako. “Ikaw ang dasal namin, Rhianne. Y

