Chapter 17

3073 Words
Isang linggo. Isang buong linggo na simula nang huli kong makita si Markus. At isang linggo na rin mula nang biglang nawala si Bruno. Walang paalam. Napakahayop talaga ng mga gagong ‘yon. Walang kahit anong paliwanag. Parang bigla na lang silang binura sa buhay namin ni Cora. At ang mas masakit? Wala kaming karapatan magtanong. Dahil technically wala naman kaming karapatan sa kanila. Si Cora medyo meron pa dahil magjowa sila. Pero masakit pa rin. Sobra. Tinikman lang yata ako ng tang-inang iyon. “Nakakainis talaga,” sigaw ni Cora habang nakahandusay kami sa kama ko, magkabilaang yakap ang mga unan. “Boyfriend ko ‘yon tapos biglang mawawala parang multo? Ano ‘to, horror movie?” Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip kung kailan pa naging ganito kahirap huminga. “Kahit man lang text, bes,” patuloy ni Cora. “Isang ‘busy lang ako’ o ‘buhay pa ako’ jusko kahit emoji man lang ng tae, tatanggapin ko na!” Napangiti ako nang kaunti. Pero sandali lang. Dahil bumalik din agad ang bigat sa dibdib ko. “Si Markus nga… wala talaga,” mahina kong sabi. Tahimik si Cora. Alam niyang mas masakit ‘yon sa akin. Dahil bago siya nawala eh may mga sinabi siya. May mga ginawa siya. Mga bagay na hindi madaling kalimutan. “Girl… baka may emergency lang,” pilit na pagpapalubag ni Cora. “Baka may… family problem?” Napailing ako. “Hindi naman sa pagiging paranoid, bes,” sabi ko, “pero bakit sabay silang nawala ni Bruno?” Tahimik na naman. Oo nga naman. Ang daming tanong. Pero walang sagot. At ang pinakamasakit sa lahat? Parang wala lang sa kanila ang pagkawala nila. Samantalang kami parang may kulang sa araw-araw namin. ⸻ Sa tindahan, lutang ako. Ilang beses na akong napagsabihan ng mga customer. Mali ang sukli. Mali ang order. Minsan, nakatitig lang ako sa pinto, umaasang papasok siya, bitbit ang kape niya, tahimik, parang walang nangyari. Pero wala. Palaging wala. “Lara, kanina ka pa nakatitig diyan,” sabi ng tiyahin ko. “May hinihintay ka ba?” Wala. Pero gusto kong meron. “Wala po,” sagot ko. Sinungaling ang bibig ko pero paki ko. ⸻ Kinagabihan, dumalaw si Cora sa bahay. Pareho kaming mukhang zombies. May dark circles. May galit. May tampo. May gutom pero walang ganang kumain. “Kapag bumalik ‘yon si Bruno,” sabi ni Cora habang kumakain ng chichirya, “hindi ko siya papansinin for three days.” “Three days lang?” tanong ko. “Okay, five days.” Napabuntong-hininga ako. “Kapag bumalik si Markus,” sabi ko, “hindi ko rin siya papansinin.” “Talaga?” “Talaga.” “Girl, kilala kita,” tawa niya. “Isang tango lang nu’n, tunaw ka na ulit.” “Hoy!” Pero alam naming pareho na may katotohanan ‘yon. At nakakainis. Dahil bakit gano’n? Bakit kahit galit ka, kahit nasasaktan ka, kahit alam mong hindi tama gusto mo pa rin silang makita. Mga hayop! “Ang mas masakit, bes,” sabi ko bigla, “hindi ko alam kung may karapatan ba akong magtampo.” Napatingin sa akin si Cora. “Bakit wala?” “Hindi naman kami,” sabi ko. “Hindi naman niya sinabi na official kami o kung ano man.” “Pero may ginawa siya, bes,” mariing sabi ni Cora. “May sinabi siya. May pinaramdam siya.” Napayuko ako. Oo. At iyon ang mas masakit. Dahil hindi ko alam kung totoo ba ‘yon o kung laro lang sa kanya. “Kung ganito lang pala,” mahina kong sabi, “sana hindi na lang siya nagsalita.” Tahimik si Cora. Lumapit siya at niyakap ako. “Babalik ‘yon,” sabi niya. “Kasi kung hindi pupuntahan natin at kakaladkarin ko si Bruno palabas ng kung saang lungga siya nagtatago.” Napatawa ako nang kaunti. “Sasamahan mo ako sa pag-kidnap kay Markus?” tanong ko. “Oo naman. Team tayo sa kabaliwan.” Pero sa kabila ng mga biro namin at sa kabila ng galit sa kanila, sa kabila ng tampo ay may isang katotohanang hindi ko kayang itanggi. Miss ko na siya. Miss ko ang katahimikan niya. Miss ko ang paraan ng pagtitig niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Miss ko ang presensya niya kahit hindi naman siya nagsasalita. At mas kinaiinisan ko ang sarili ko dahil doon. Dahil hindi ko dapat mamiss ang taong kayang mawala nang walang paalam. Letse siya! ——————⭐️⭐️———— Gabi na nang mangyari ‘yon. Tahimik ang buong bahay. Tahimik din ang loob ko. Iyong klaseng katahimikan na hindi na umiiyak kasi pagod na. Nakahiga lang ako sa kama, nakatitig sa kisame, hawak ang cellphone na ilang beses ko nang chine-check kahit alam kong wala namang bagong mensahe. Wala pa rin. Isang linggo na. Isang linggo na akong parang tanga na umaasa sa kahit anong sign na naaalala niya pa rin ako. Napapikit ako. At saka napamulat. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Mahina. Pero malinaw. Napadilat ako agad. Bumilis ang t***k ng puso ko. Sino ang kakatok sa ganitong oras? Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Tahimik ang sala. Patay ang ilaw. Tanging liwanag lang mula sa poste sa labas ang pumapasok sa bintana. Lumapit ako sa pinto. “Na—nay?” mahina kong tawag. Walang sagot. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto. At parang biglang huminto ang mundo ko. Nakatayo siya roon. Si Markus. Pero hindi ang Markus na kilala ko. Hindi ang tahimik na laging mukhang walang pakialam sa kahit ano. Dahil ang lalaking nasa harap ko ngayon ay duguan. May dugo sa gilid ng labi niya. May bahid sa leeg niya. At ang damit niya ay hindi na itim. Pula na. “Ma—Markus…” halos pabulong kong sambit. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napansin niya agad ‘yon. Humakbang siya palapit. “Huwag,” mahina niyang sabi. Pero huli na. Nahilo na ako sa kaba at takot. Mabuti na lang at nahawakan niya agad ang braso ko. “Hey,” sabi niya nang mas malumanay na. “Okay ka lang. Hawak kita.” Hawak niya ako. At doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ako. “Ano’ng… ano’ng nangyari sa’yo?” tanong ko, halos hindi lumalabas ang boses. Tinitigan niya ako saglit. Parang nagdadalawang-isip. “Talo lang sa suntukan,” sagot niya. Napapikit ako. Sinungaling. Hindi ganyan ang itsura ng “talo lang sa suntukan.” “Pasok ka,” sabi ko agad. Hindi na ako naghintay ng sagot. Hinila ko siya papasok sa loob. Isinara ko ang pinto at binuksan ang ilaw. Mas lalo kong nakita ang lagay niya. May gasgas sa sentido. May sugat sa gilid ng kilay. At may dugo pa rin sa kamay niya. “Umupo ka,” utos ko, nanginginig ang boses. Umupo siya sa sofa, tahimik, sunod lang. Parang biglang naging ibang tao. Kinuha ko ang first aid kit sa kabinet, halos matapon ko pa sa pagmamadali. “Hindi ka ba pwedeng magpatingin sa ospital?” medyo tumaas na ang boses ko. “Huwag,” mabilis niyang sagot. Napatingin ako sa kanya. May something sa mga mata niya. Parang… takot. Hindi para sa sarili niya. Kundi para sa iba. Para sa akin. “Markus…” mahina kong tawag. “Anong nangyari sa’yo?” Tahimik siya habang nililinis ko ang sugat niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya tuwing nadadapuan ko ng bulak ang sugat. “Masakit ba?” tanong ko. “Hindi.” Tipid. Gaya ng dati. Pero ngayon ay may bigat. “Isang linggo kang nawala,” nanginginig kong sabi. “Wala kang pasabi. Wala kang kahit anong iniwan.” Tumahimik siya. “Alam mo ba kung gaano kami nag-alala?” “Si Cora halos gusto nang sugurin ang mundo. At ako—” Napahinto ako. Ayokong aminin kung gaano kasakit. Pero lumabas pa rin. “Akala ko… iniwan mo na lang kami.” Doon siya napatingin sa akin. At doon ko nakita na hindi siya walang pakialam. May laman ang mga mata niya. Maraming laman. “Hinding-hindi kita iiwan,” mahina niyang sabi. Parang hindi para sa akin lang. Parang sumpa sa sarili niya. Napasinghot ako. “Edi sana nagpaalam ka,” sabi ko, pilit na matapang. “Hindi naman kita pag-aari. Hindi mo kailangan magtago.” Saglit siyang natahimik. Tapos bigla siyang tumayo. Napaatras ako sa gulat. Pero hindi siya galit. Mukha siyang conflicted. “Hindi ako pwedeng magpaalam,” mababa niyang sabi. “Mas delikado.” “Delikado saan?” tanong ko. “Anong klaseng buhay ba meron ka, Markus? Naguguluhan na ako sa ‘yo.” Tinitigan niya ako nang matagal. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan. “Hindi mo kailangang malaman,” sagot niya sa huli. Mas masakit pa ‘yon kaysa sa sigaw. “Hindi ko kailangang malaman?” ulit ko. “Eh ano ako sa’yo? Extra lang sa buhay mo?” Lumapit siya sa akin. Masyadong malapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Ang bigat ng presensya niya. “Hindi ka extra,” mababa niyang sabi. “Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga—” Napahinto siya. Parang nakagat ang dila. At doon ko nakita ang takot sa mata niya. Takot na magsalita nang sobra. “Markus…” mahina kong sabi. At bago ko pa namalayan ay niyakap niya ako nang mahigpit. Parang natatakot siyang mawala ako. Parang buong isang linggong takot at galit at pagod ang ibinuhos niya sa yakap na ‘yon. Napatigil ako. Tapos dahan-dahan kong niyakap din siya pabalik. “Bumalik ka na lang bigla,” bulong ko. “Na duguan. Na parang may tinatakbuhan.” Humigpit ang yakap niya. “Pasensya na,” mahina niyang sabi. “Hindi ko na uulitin.” Hindi ko alam kung totoo ‘yon. Pero sa sandaling ‘yon gusto ko lang siyang paniwalaan. Tahimik ang bahay. ‘Yung klaseng katahimikan na parang may inaabangang mangyari. Wala rin si nanay. May outreach daw kasama ang mga BHW, mag-o-overnight sa kabilang barangay. Dati, normal lang ‘yon. Pero ngayong gabi hindi. Dahil nandito si Markus. At nandito rin ang kabog ng dibdib ko na parang may sariling buhay. Nasa kwarto ako, nakaupo sa kama, yakap ang unan, nag-iisip kung bakit ba ako kinakabahan na parang may exam bukas. Narinig ko ang yabag ng paa niya sa labas. Isang katok sa pinto. Mahina pero kaya nu’n guluhin ang utak ko. “Lara.” Boses niya ‘yon. ‘Yung boses na kalmado pero kayang guluhin ang buong sistema ng katawan ko. “Y-yes?” sagot ko, sabay tayo at ayos ng buhok na parang may dadating na presidente. Binuksan niya ang pinto. Nakatayo siya roon, naka-t-shirt lang, buhok medyo basa, parang kagagaling lang maligo. Lord, tulong. “Okay ka lang?” tanong niya. Tumango ako agad. Masyadong mabilis. Parang tanga. “Hindi ka pa natutulog,” dagdag niya. “Hindi ka rin naman,” balik ko. Tahimik. Tapos biglang naging awkward. ‘Yung klase ng awkward na ramdam mo sa hangin. Na parang may gustong mangyari pero walang gustong mauna. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang sa nasa harap ko na siya. Hindi niya ako hinawakan agad. Tinitigan niya muna ako nang matagal. Parang may sinusukat. Parang may iniingatan. “Kung ayaw mo—” sabi niya. Hindi ko na siya pinatapos. Hinawakan ko ang shirt niya nang sovrang higpit. “Hindi ko sinabing ayaw ko,” mahina kong sabi. At doon ko nakita ang ngiti sa gilid ng labi niya. Maliit pero totoo. Hinawakan niya ang pisngi ko. Dahan-dahan. Parang natatakot na baka mabasag ako. “Lara…” bulong niya. Tapos hinalikan niya ako. Hindi padalos-dalos. Hindi marahas. Kundi mabagal. Mainit. Parang sinasabi ng halik niya na matagal niya nang gustong gawin ‘yon. Nawala na lang ang lahat ng isip ko. Ang natira na lang ay siya at ako. At ang kama na tila naghihintay sa aming dalawa. Napaungol ako nang hilahin niya ako at nilakumos ng halik. May pagmamadali sa halik niya at sinagot ko rin naman kaagad. Kapwa kaming habol hininga at miss na miss ang isa’t isa. Nakagat ko na lamang ang labi ko nang basta na lang niyang pinagtatanggal ang aking saplot. Hinayaan ko siya at gusto ko rin naman. Hinubad niya rin ang suot niya. Iniwas ko ang aking mata na mapunta sa pototoy niya. Letse naman kasi nakaka-distract. Nahigit ko ang aking hininga nang hilahin niya ako at isinandal sa dingding. Napapikit ako nang laliman niya ang halik sa ‘kin. Ramdam ko ang mamasa-masa niyang sa aking taenga pababa sa aking leeg. Sa dibdib, sa tiyan. “Ahhh!” Napahawak ako sa buhok niya nang lumuhod siya at basta na lang na hinawakan ang isang paa ko’t nilamutak ang aking pgkababae. Halos hindi ko na alam kung saan pa titingin dahil bawat haplos niya pakiramdam ko ay mawawaln ako ng ulirat. “Oohhh! Ahhh! M-Markus!” “You like that?” tanong niya habang patuloy na nilalaro ang aking tinggil. “Ohh! Putragis! Sige pa,” mahina kong sambit at napanganga. Grabe ang ekspertong labi niya halos mawalan ako ng lakas sa paa. “Ahhhh!” Lalo niyang pinag-igihan ang kaniyang ginagawa sa ibaba ko at hindi naman akonmagkamayaw sa paghila sa buhok niya. Ilang saglit pa ay parang may sumabog sa ‘kin. Tumayo siya at hinalikan na naman ako. Sinabayan ko ang galaw niya at napatigil saglit nang maramdaman ang tumutusok sa aking ilalim. “What?” aniya at nginitian ako. “Ughhh!” Hindi ako handa sa ginawa niya. Bigla na lang akong pinasok kaya nakagat ko ang balikat niya. “Ano ba?” reklamo ko at napaungol din ulit nang magsimula siyang gumalaw. “Ahhh! Ahh!” Pakiramdam ko hindi siya nawawalan ng lakas. Nakarating na ako sa rurok at siya naman ay hindi pa rin. Wala siyang kapaguran. Dinala niya ako sa higaan at kaagad na itinaas ang aking dalawang kamay. Hawak-hawak niya iyon saka sinagad na naman ako. “Oohh! Ohh!” “I’ll f**k you hard and rough,” aniya. Napatango na lang ako. Nababaliw na ako sa ginagawa niya sa ‘kin. “Oohhh!” Ang bilis ng paglabas masok niya. Rinig na rinig ko ang basang salpukan namin sa ilalim. “f**k!” Bumilis na naman ang galaw niya. Ilang sandali pa ay pareho kaming natigilan nang maramdaman ang pagtunog ng kama ko. “Tomorrow, I’ll fix it. We’ll buy another one,” wika niya at kaagad na unulos na naman siya. Kadiyot kadiyot kadiyot! “H-Hindi pwede, m-magtataka si nanay,” sagot ko naman. Naibaling baling ko na ang ulo ko kahit saan sa sarap na hindi ko na alam. “Ahhhh!” Ilang minutong pag-ulos pa at ramdam kong nalalpit na naman ako sa rurok. Hindi ako magkamayaw sa sarap na pinapdanas niya sa akin. Kapwa kami basa ang noo dahil sa pawis. Wal pa rin siyang kapguran. Lumyhod siya at hinila ako saka hinawakn ang aking dalawang paa at bahagyang naangat ang aking likod saka niya ako pinasukan ulit t naglabas masok. Ilng ulos pa at bago siya nilabasan. Halos hindi ko na maramdaman ang paa ko pagkatapos at pgod na pagod ako. “Good night, Lara,” aniya. Bahala na siya. Kinabukasan… Saka ko na-realize na hindi pala pang-olympics ang kama ko. Napabalikwas ako sa kama sa lakas ng katok. “Ano ‘yon?” sigaw ko. Parang may gumigiba ng bahay. Narinig ko pa ang boses ni Cora sa utak ko. Girl, kung ganyan ang tunog ng umaga mo, congrats, babae ka na. Bumangon ako, sabog ang buhok, at pagbukas ko ng pinto ay nandoon si Markus. May hawak na martilyo. May hawak ding pako. At ang kama ko eh nakaangat ang isang paa. Mukhang biktima ng lindol. “Teka lang,” sabi ko, halos matulala. Saka ko lang napansin na sa pahabang upuan na pala ako nakahiga kanina. “Bakit parang nire-repair mo ang dignidad ko?” saad ko at napapikit na lamang sa sobrang sakit ng balakang at paa ko. Lintik! Tinalo ko pa ang nag-training ng gymnastics. Napatingin siya sa kama. Tapos sa akin. “Nasira,” sabi niya. “Obvious nga,” sagot ko. “Pero bakit parang kasalanan ko pa?” Tumingin siya sa akin nang diretso at natawa sa ‘kin. “Hindi lang sa’yo.” Hmm buti naman. “Markus Alonzo!” sigaw ko. Kakaiba na naman ang titig niya. “Tumigil ka nga,” inis kong sambit at inirapan siya Kalmado siyang bumalik sa pagmamartilyo. Kaya hinayaan ko na. Ang sakit pa rin ng balakang ko. “Masisira ulit ‘yan mamaya,” sabi ko at kaagad ding natakpan ulit ang bibig. Tumigil siya at tumingin ulit sa akin. “Hindi na, tinibayan ko na pra sigurado,” aniya at kinindatan pa ako walang hiya. Ramdam kong namula ako nang todo. “Hoy!” sigaw ko sabay kuha ng unan at binato sa kanya. “Ano ba?” Nasalo niya ang unan at ngumiti sa ‘kin. Parang proud. Ang gwapo niya talaga. Parang satisfied. “Ayusin ko muna,” sabi niya. “Para komportable ka.” Napatigil ako. Bigla na namang uminit ang pisngi ko. “Hindi mo kailangang—” “Kailangan,” putol niya. “Responsibilidad ko. Gusto ko ring focus ka sa nararamdaman mo at hindi sa ingay ng kama mong gawa pa yata nu’ng panahon ni kupong-kupong.” Tapos tinuloy niya ang pag-aayos. Habang ako ay nakatayo sa gilid, hawak ang unan, hindi alam kung maiinis, kikiligin, o tatawa. “Kung alam ko lang na ganito ka pala ka-handy, matagal na sana kitang—” Napatingin siya sa akin. “Matagal na?” “W-wala!” mabilis kong bawi. “Martilyo ka lang diyan!” “Lara,” tawag niya bigla. “Yes?” sagot ko, parang aso. “Natatawa ka ba?” Tumawa ako. Mahina muna. Tapos malakas na. “Oo,” sagot ko. “Kasi… sino bang mag-aakalang ganito ang umaga ko.” Tumingin siya sa akin. Hindi na malamig ang tingin. Hindi na rin deadpan. Malambot. “Hindi rin ganito ang plano ko sa buhay,” sabi niya. “Pero… hindi na masama.” Mas lalo akong natahimik. At mas lalo akong kinilig. May cash advance siya sa ‘kin mamaya hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD