Chapter 18

2177 Words
Katatapos lang ni Markus ayusin ang kama ko. Mukhang bago na ulit. Matibay na ring tingnan. Parang handa na sa mga pagsubok ng buhay. Charing! At heto ako, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang unan, pinapanood siyang magpunas ng pawis sa noo gamit ang likod ng kamay. Pwede naman sanang ako na ang pumunas nu’n pero mas pinili kong titigan siya. Yes, nakatitig ako. Hindi ko na ikakaila. Sa sobrang gwapo niya ay wala na akong lakas para magkunwari. “Bakit?” tanong niya bigla na hindi tumitingin sa akin. “Ha? W-wala!” mabilis kong sagot. “Iniisip ko lang kung pwede ka bang i-hire sa barangay bilang official carpenter,” sambit ko at kinindatan siya. “Tigilan mo ako.” “Hindi, seryoso. Multitalented ka. Tahimik, pogi, may martilyo—” “Lara.” “Yes po?” agad kong sagot. Napailing siya. At doon ko na naman nakita ang munting ngiti sa labi niya. Feeling ko talaga isa na akong certified delulu survivor pero may resibo na. Naptingin ako sa pinto nang biglang may kumatok. Sunod-sunod. Malakas, at walang pasintabi. Napatalon ako sa gulat. “PATAY!” bulong ko. “Si nanay.” Napatingin agad si Markus sa pinto. “Nope,” sabi niya. “Mas maingay ‘to.” Paglingon ko nga sa pinto ay napapikit ako. “LARA!” Boses ni Cora. Iyong boses na walang preno at nangangapitbahay talaga. “Huwag mong bubuksan,” bulong ko kay Markus. “Bakit?” tanong niya. “Para namang hindi mo kilala ang babaeng ‘yan. Papatayin niya ako sa tsismis at mga tanong na walang laman,” sagot ko. Nanigas ang panga ko nang buksan niya ang pinto. Wala man lang babala. Hindi na ako nakakilos pa. Pumasok si Cora at kaagad na napatingin sa akin. Natigilan siya at tumingin sa kama. Tumingin sa martilyo tapos tumingin kay Markus. Tumingin sa akin na mukhang kriminal na nahuli sa CCTV. Tapos tumahimik. Lumipas ang halos anim na segundo kaya lalo akong nabahala. “AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!” Napapikit ako’t napatakip sa aking tenga. Sabi na nga ba eh. “OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOD! ANONG NANGYARI RITO? BAKIT MAY MARTILYO? BAKIT KAYO MAGKASAMA SA KWARTO? BAKIT ANG KAMA PARANG DINAANAN NG BAGYO?” Kaagad na nilapitan ko siya’t tinakpan ang kaniyang bibig. “CORA!” sigaw ko. “Tumahimik ka nga, nakakahiya sa kapit-bahay,” saway ko at inirapan siya. Nginisihan lang naman ako ng mabait. “PAANO AKO TATAHIMIK?” balik niya. “BESTFRIEND KITA, HINDI AKO HANDA SA GANITONG BALITA SA UMAGA!” Napatingin siya kay Markus. Taas-baba. Slow motion inspection kaya sinuway ko na. “Ano ba?” “Kuya Markus…” mahinang sabi niya. “Ganito ka pala kasipag sa kama.” “CORA!” muntik ko na siyang batuhin ng tsinelas. Kalmado lang si Markus at tinawanan siya. “Bakit? Hindi ba ganito si Bruno? Last time I check nasira niyo rin ang—“ Hindi na niya naipatuloy pa at humalakhak si Cora. Napatingin naman ako sa kaniya at kaagad siyang nag-peace sign. May hidni sinasabi eh. “Wala ‘yon, ano ka ba? Exercise lang ‘yon,” depensa niya. Tapos bigla siyang lumapit sa kama at hinawakan ang paa nito. “Matibay na ‘to ah,” sabi niya. “Hindi na mauulit ang trahedya kagabi.” “ANONG TRAHEDYA?” sigaw ko. “Sus! Kunwari ka pa talaga, Lara. Huwag mong sabihing bumagsak lang siya nang kusa,” aniya at inirapan ako. Hindi naman ako makapagrason. “WALA! NATAON LANG! NAGLAGLAGAN ANG KAMA DAHIL SA—SA—” “DAHIL SA LOVE,” dugtong ni Cora. “DAHIL SA LINTIK KA!” sigaw ko. Pangiti-ngiti lang naman si Markus sa gilid. “Good morning.” Boses ni Bruno na kararting lang at may dalng pandesal. At mukhang aliw na aliw. Napalingon si Cora. “OHO!” sigaw niya. “ISA PA! KUMPLETO NA ANG CAST NG TELESERYE!” Napailing si Bruno habang pumapasok. “Akala ko tahimik dito,” sabi niya. “Bakit parang may fiesta?” “BRUNO,” ani cora at agad na lumapit sa kaniya. “SUMAKTO KA SA REVELATION!” “Anong revelation?” tanong niya. Tinuro niya ang kama. Ang martilyo. Si Markus. Ako. Kaya Tumaas ang kilay ni Bruno. “Ah,” sabi niya. “So na-fix na pala.” NAPAMULAT SI CORA. “NA-FIX?!” “OO!” sigaw niya. “ALAM NIYO? ALAM NIYONG DALAWA?” Tumawa si Bruno. “Relax ka lang, hindi ka pa ninang.” “YET,” sagot ni Cora. Diyos ko naman! Bakit ba may kaibigan akong ganito? Napaka-OA. Natigilan pa kami nang mrinig ang boses ni nanay sa labas. “Lara? Nakalimutan ko kahapong dalhin ang-“ Nagkatinginan kaming lahat. Si Cora, parang nakakita ng multo. Si Bruno, napamura pa nang bahagya. Ako, halos himatayin na sa kaba. Paano ko ipapaliwanag? Si Markus ay kalmado pa rin. Hinila niya ako palapit sa kanya. Mahina lang pero may diin. “Sa loob,” bulong niya. “Ha?” bulong ko pabalik. “Ngayon.” Tinulak niya ako pabalik sa kwarto. “Cora,” sabi niya. “Harangin mo.” “Ako pa?” bulong ni Cora. “Para sa dangal ng kaibigan mo.” “GRABE KA HA,” sagot niya. “AKO NA NAMAN ANG SASALO NG KARMA!” Lumabas si Cora sa sala. Ako, halos gumagapang sa likod ni Markus. Narinig ko si nanay na papasok na sa sala. “Ay Cora, andito ka pala!” “Opo, Tita. Nag-pilates kasi kami ni Lara sa loob,” sagot niya. Hindi man lang nangutal ang walang hiya. “Ha? Sa umaga?” “Oo naman po, para healthy body, healthy love life soon,” sagot niya. “Anak, anong sinasabi mo?” “Wala naman po, bakit po? May narinig po ba kayo?” ani Cora. Napapikit ako sa kaba. Hinawakan ni Markus ang kamay ko. Mahigpit na parang sinasabi na kalma lang. After ilang segundo ay biglang nagsalita si Cora. “Uuwi na po ako tita!” sigaw ni Cora. “May date pa kasi ako eh, see you po! Pa-kiss n lang ako kay, Lara hehehe.” “Ah ganon ba, sige ingat ka.” Nang magsara ang pinto ay bumagsak ako sa kama. “PATAY NA AKO,” sabi ko. “PATAY NA TALAGA AKO.” Umupo si Markus sa tabi ko at naptitig. “Hindi pa.” “Papatayin ko talaga si Cora mamaya,” sagot ko. “Worth it,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya. “Ano?” Hindi na siya sumagot. Ngumiti lang siya. Pagkaalis ni Cora kanina akala ko tapos na ang bangungot. MALI AKO. Bandang hapon, kakauwi ko lang galing tindahan, pagbukas ko pa lang ng pinto ay kagad akong napalunok. “Umupo ka riyan.” Si Cora. Nasa sala. May hawak na notebook at ballpen. Mukhang NBI agent sa pelikula. Nakaligtas nga kay nanay pero sa kniya wala talaga. Malabo masiyado. “Cora, bakit parang may hearing?” tanong ko. “Malamang dahil may krimen at ikaw ang suspect. Tang-ina! Buti hindi kayo naabutan kanina ni nanay,” aniya. Umupo ako sa sofa, nanginginig ang kaluluwa. “Simulan natin,” sabi niya sabay click ng ballpen. “Anong oras nangyari ang bed incident?” “Cora, tigilan mo—” “Anong oras?” “Gabi.” “Gaano kagabi.” “Mga after eleven.” Napapiksi ako s agulat nang bigla siyang sumigaw. “OH MY GOD, LATE NIGHT SPECIAL!” “WALA NGA KAMING—” “ANO’NG SUOT MO.” “SHORTS AT T-SHIRT!” “SIYA?” “T-shirt din.” “WALANG JACKET?” “CORA!” Tumayo siya at naglakad-lakad sa sala. “Alam mo bang ilang buwan kitang sinabihan na may something sa inyo tapos ikaw pa tong deny nang deny?” “EH KASI HINDI KO RIN ALAM!” sigaw ko. “BIGLA NA LANG KASI—” “BIGLA KAYONG NAHULOG SA KAMA. TAPOS MAY SRILING BUHAY ANG MGA DAMIT NIYO’T BASTA NA LANG NAHUBAD? GANOON?” Napapikit naman ako. “BIGLA KAMING NAG-USAP!” “BIGLA KAYONG NAGKAINITAN!” “BIGLA KANG BALIW!” NAPASIGAW KAMI PAREHO. Tapos bigla siyang umupo sa tabi ko. “Pero bes…” mahina niyang sabi. “Masaya ka ba?” Napatigil ako. “Oo.” Ngumiti siya. Tapos bigla ulit sumigaw. “EH DI CONGRATS SA VIRGINITY LOSS— ESTE SA PAG-IBIG!” “CORA!!!!” ————-⭐️⭐️⭐️ Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging rom-com ang buhay ng amo ko. Pero ngayong araw, sigurado na ako. Nasa shop kami. Inaayos niya ang makina. Tahimik at malamig. Mukhang walang pakialam sa mundo. Pero alam ko na ang totoo. “Boss,” sabi ko habang ngumunguya ng candy. “May tanong ako.” “Hmm.” “Anong pakiramdam ng matulog sa kama na hindi bulletproof?” Hindi siya tumingin sa akin. “Normal.” “Talaga?” ngumisi ako. “Kasi base sa tsismis ng barangay…” Tumigil siya sa ginagawa niya. “Anong tsismis.” “May nag-collapse raw na kama.” Tinamaan siya. Alam ko. “Coincidence,” sagot niya. “Ah oo,” sabi ko. “Coincidence din siguro na mas maaga kang gumising para ayusin ‘yon.” Tahimik siya. Sabay sabi ng “…Shut up.” Natawa ako. Sus! “Boss,” sabi ko. “Matagal na kitang kilala. Ngayon lang kita nakitang nagmamalasakit sa kutson.” “Tigilan mo na ang kahibangan mo gago.” “Next time, mattress na bilhin mo. Investment ‘yan.” Sinulyapan niya ako. May babala sa tingin. Pero may konting hiya. Oo bes. —————⭐️⭐️⭐️ Tahimik ang lugar. Masyadong tahimik. Perfect para sa ambush. Nasa loob ang babae. At kung tama ang impormasyon madalas bumabalik ang target dito. “Visual confirmed,” bulong ko sa radyo. “Safehouse adjacent to civilian residence.” Tahimik sandali. “Wait for signal. Do not engage yet.” Ngumiti ako. Hindi pa tapos ang laro, Rasgild. ⸻⭐️⭐️⭐️ Gabi na ulit. Tahimik na ang bahay. Nakatayo ako sa kusina, umiinom ng gatas, utak ko punong-puno ng nangyari buong araw. Narinig ko ang yabag ng paa sa likod ko. Si Markus. “Tulog na si nanay,” sabi niya. Tumango ako kahit na kinakabahan na naman ako. Ang mga kamay niya kasi eh. Bagamat malamig at tahimik, pero ang kamay niya eh may hokage moves. “Masaya ka ba?” tanong niya bigla. Napatingin ako sa kanya. “Oo,” sagot ko. “Kahit magulo.” Lumapit siya. Hinawakan ang pisngi ko. Dahan-dahan. Parang ayaw akong takutin. “Pasensya na kung magulo ang buhay ko,” sabi niya. “Hindi ko ‘yon ginusto para sa’yo.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi ko rin ginusto ang sa’kin,” sagot ko. “Pero nandito ka na.” Sandaling katahimikan. Tapos hinilig niya ang noo niya sa noo ko. “Lara…” bulong niya. “Kung alam mo lang kung gaano kita gustong ilayo sa lahat ng gulo.” “Eh di huwag mo akong ilayo,” sagot ko. “Samahan mo lang ako.” Napapikit siya. Parang nahirapan sa sinabi ko. Tapos hinalikan niya ako sa noo. Mahina Pero puno ng emosyon. “At kung isang araw bigla na lang akong mawala?” tanong niya. “Edi maghihintay ako,” sagot ko. “Pero huwag mong gawing isang linggo ulit.” May bahagyang ngiti sa labi niya. “Hindi na.” Hinila niya ako palapit. Pero ramdam kong may paparating na bagyo. Ayaw ko sa ganitong klase g katahimikan. Nakakatakot. At hindi ko alam kung handa na ba akong harapin ‘yon. Kasama siya. Akala ko ordinaryong gabi lang. Mainit, maingay, may nagkakaraoke sa kanto na sintunado, may naglalaro ng basketball sa court. Nasa tindahan kami ni Cora. Nagbibilang kami ng paninda. “Teka bes, may kakaiba sa hangin,” sabi ni Cora. “Parang may eksena.” “Eksena mo sa lovelife?” sagot ko. “Hoy hindi—” Hindi niya natapos. Dahil biglang may nakakabinging sirena. Hindi isa. Hindi dalawa. Marami. Sunod-sunod. Parang may hinahabol na sindikato sa pelikula. Nagulat ang buong barangay. “NBI? Pulis?” tanong ko. “Buy-bust ‘to,” sabi ni Mang Tino na dumungaw sa tindahan. “May target yata.” Hindi pa ako nakakareact ay may pumutok. Isang malakas tapos may kasunod ulit. Sunod-sunod na putok ng baril. Nagsigawan ang mga tao. Maski ko ay inatake na ng nerbyos. “TAKBO!” “PASOK SA BAHAY!” “ISARA NIYO ANG MGA PINTO!” Hinila ako ni Cora pababa sa sahig. “LARA! HUWAG KANG TATAYO!” Sumabog ang bote sa kabilang tindahan. May sigawan. May iyakan. May mga batang umiiyak. Nanlalamig ang mga kamay ko. “Nasaan si Markus…” pabulong kong sabi. At doon ako mas kinabahan. Dahil sa lahat ng gulo hindi ko siya nakita. Si nanay naman ay saktong may outreach sa bukid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD