Hindi ‘to buy-bust. Alam ko agad sa tunog pa lang ng unang putok.
Masyadong maikli ang pagitan ng bala.
Masyadong pulido ang galaw ng mga tao sa dilim. At higit sa lahat—maling-mali ang pwesto ng mga baril para sa isang operasyong pang-pulis.
Centuri.
Walang duda.
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng bintana, bahagyang nakasiksik sa kurtina, mata kong sinusuri ang bawat anino sa kalsada.
May dalawang lalaking naka-hood sa bubong ng talipapa. May tatlong nakapuwesto sa eskinita. At may isa sa dulo ng kanto na kunwari’y nakikisabay sa mga nagtatakbuhan.
Hindi sila nandito para sa isang target.
Nandito sila para sa akin.
“Boss,” bulong sa earpiece.
Boses ni Bruno.
“May galaw sa west side. Hindi pulis ang galawan.”
“Alam ko,” sagot ko nang mababa.
“Keep them away from the house.”
Saglit na katahimikan.
“Boss… baka oras na para ilipat siya.”
Napapikit ako sandali. Hindi. Hindi pa.
Hindi ngayon.
“Hindi pa,” sagot ko.
“Hindi ako aalis.”
“Psalm—”
“Bruno,” putol ko.
“Kung susundan nila ako, susundan nila ako kahit saan. Mas mabuti nang dito, kung saan kontrolado ko ang galaw.”
Tahimik siya. Alam kong hindi siya sang-ayon. Pero alam din niyang tama ako. Isang putok ang mas malapit.
Mas malakas.
Napamura ako sa isip.
At doon ko siya nakita.
Si Lara.
Nasa labas pa.
Hinahatak ng kaibigan niya. Takot na takot.
At sa sandaling ‘yon, may isang bagay na pumutok sa loob ko.
Hindi galit. Hindi adrenaline. Kundi takot.
‘Yung klaseng takot na hindi ko naramdaman kahit ilang beses na akong muntik mamatay.
“Putangina,” bulong ko.
Hindi na ako nag-isip.
Tumakbo ako palabas.
“LARA!”
Napalingon siya. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Ang takot. At ang relief nang makita niya ako. Hinila ko siya palapit sa akin.
Isang kamay sa ulo niya, isang kamay sa likod niya. Tinakpan ko ang tenga niya.
“Sa loob. Ngayon.”
“Markus, anong—”
Hindi ko siya hinayaang magsalita.
Hindi ngayon. Hindi sa gitna ng putukan.
Pagkapasok namin sa bahay, isinara ko agad ang pinto at ni-lock.
Nilagyan ko pa ng bar.
Huminga ako nang malalim.
Pero hindi para sa sarili ko. Para sa kanya.
“Manatili ka muna rito,” sabi ko.
“Huwag kang lalabas kahit anong marinig mo.”
Tinitigan niya ako. Alam kong nararamdaman niyang may mali.
Hindi na ito simpleng gulo sa kanto.
“Markus,” mahina niyang sabi.
“Hindi ‘to normal, ‘di ba?”
Saglit akong natahimik. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo. Hindi pa.
“Sumunod ka muna sa’kin,” sagot ko.
“Please.”
May kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita kong tumango siya. Walang tanong. Walang reklamo. Pero may tiwala.
At mas lalo lang akong napamura sa isip ko. Dahil kung may mangyari sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
⸻
Lumabas ulit ako sa likod ng bahay.
Doon naghihintay si Bruno.
May dugo sa gilid ng braso niya.
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Gasgas lang,” sagot niya.
“Pero malinaw na ‘to, boss. Hindi na ‘to intimidation lang.”
“Alam ko.”
“May tatlong spotter na umatras, pero may naiwan sa north side.”
“Centuri style,” sabi ko.
“Hindi sila aalis hangga’t hindi nila nasisigurong nakuha nila ang atensyon ko.”
Napangisi ako at hindi dahil natutuwa ako.
They’re getting into my nerves.
“Sige,” sabi ko.
“Gusto nila ng atensyon ko.”
Humawak ako sa baril sa bewang ko.
“Pero hindi rito. Hindi sa harap ng bahay niya.”
“Ano ang plano mo?” tanong ni Bruno.
“Ililihis natin ang galaw nila,” sagot ko.
“Pag lumayo sila sa perimeter, tsaka mo ipasara ang area.”
“Copy.”
Huminto siya sandali.
“Boss… tungkol kay Lara—”
“Hindi siya dapat madamay,” mabilis kong sabi.
“Kahit anong mangyari.”
Tahimik si Bruno.
Alam niyang iyon ang pinaka-imposibleng utos sa mundong ito. Dahil sa oras na pumasok ka sa buhay ng isang sibilyan dadalhin mo ang digmaan sa pintuan nila.
At kasalanan ko ‘yon.
Habang papalayo ako sa bahay, isang bagay lang ang laman ng isip ko.
Hindi pa tapos ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi pa tapos ang hinahanap ko.
At hindi pa ako pwedeng umalis hangga’t hindi ko nasisigurong hindi siya magiging collateral damage sa digmaang hindi naman niya pinili.
Centuri thinks this is a warning.
Pero sa akin isa lang ‘to.
Simula pa lang. At kapag sinubukan nilang lapitan ulit ang bahay na ‘yon hindi na ako magtatago sa pangalang Markus Alonzo.
————-⭐️⭐️⭐️
BRUNO
Putangina! Ito na ‘yung kinakatakutan ko.
Hindi ito simpleng harassment.
Ito ay babala. At kapag babala ang galaw ng Centuri laging may kasunod na mas malala.
“Naka-lock na ang perimeter sa east,” sabi ko sa radyo.
“Pero may gumagalaw sa alley malapit sa bahay ni Lara.”
Tinakbo ko ang likod ng mga bahay.
May dalawang lalaking naka-hood.
Hindi pulis. Hindi rin normal na gangster.
Centuri.
Sigurado ako.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Tinumba ko ang una. Sumigaw ang isa pa kaya hinabol ko. Hindi puwedeng makarating sa bahay. Hindi puwedeng makita si Lara.
Hindi puwedeng madamay siya sa mundo ni boss.
“Target neutralized,” sabi ko sa radyo.
“May isa pang papasok sa west side.”
Tahimik sandali.
Tapos—
“May galaw sa harap ng bahay,” sabi ng isa sa mga tauhan.
“Civilian zone.”
Napamura ako.
Hindi na ‘to simpleng babala.
May sinusubukan na silang gawin.
Masyadong tahimik bago pumutok ang unang putok.
Alam ko na agad. Hindi ‘to simpleng buy-bust. Hindi ganito kumilos ang mga pulis.
Hindi ganito kumilos ang mga Centuri kapag trip lang manakot.
Ito ang klase ng galaw na may mensahe.
At ang mensahe ay malinaw. Alam nila kung nasaan ako. Sumilip ako sa labas ng bahay. May dalawang unmarked vans sa dulo ng kanto.
May mga lalaking nakapwesto sa bubong ng sari-sari store.
Snipers.
Tahimik.
Disiplinado.
Hindi adik. Hindi pulis but the Centuri’s.
“Damn it,” mahina kong mura.
—-PSALM
Nasa loob si Lara. At iyon ang hindi nila dapat nadadamay.
Pinindot ko ang earpiece sa tenga ko.
“Bruno,” bulong ko. “Move the perimeter. Now.”
“Copy, boss,” sagot niya agad. “May anim sa north, tatlo sa rooftop, may dalawa papasok sa likod.”
“Keep them off the houses.”
Saglit na katahimikan.
“Boss… nasa barangay ‘to.”
Alam ko.
At iyon ang mas nakakagalit.
Ginagamit nila ang mga inosente bilang cover.
Ipinatong ko ang baril sa baywang ko.
Hindi ko balak gumamit nito hangga’t kaya.
Pero kung lalapit sila sa bahay ay Wala na akong iisipin pa. Lumabas ako sa eskinita.
Hindi ako tumakbo agad. Gusto kong makita nila ako. Gusto kong alam nilang nandito pa rin ako.
At gaya ng inaasahan may kumurap na ilaw sa rooftop. Laser sight.
Ngumiti ako nang bahagya.
So, ganito na pala tayo maglaro ulit.
Bigla akong sumugod sa gilid.
At kasabay noon ay pumutok ang unang bala. Tumama sa pader kung saan ako kanina nakatayo.
Sumunod pa.
Dalawa.
Tatlo.
Nag-iba na ang ingay ng gabi.
Sumigaw ang mga tao.
May nagtakbuhan.
May nagsarado ng mga pinto.
At doon na nag-umpisa ang gulo.
Tumalon ako sa mababang bakod at sinugod ang likod ng sari-sari store.
May lalaking nakabantay roon.
Hindi pa siya nakakaharap nang buo at sinuntok ko na agad ang sikmura niya.
Napahingal siya. Hinila ko ang ulo niya pababa at binangga sa tuhod ko. Narinig ko ang pagkabitak. Bumagsak siya sa sahig.
Hindi ko na tinignan kung buhay pa.
May dalawa pang papasok sa likod ng mga bahay. Hinabol ko.
Isa ang nahabol kong umatras habang nagpapaputok. Tumama ang bala sa balikat ko. Hindi ko naramdaman agad.
Sanay na. Sinugod ko pa rin siya.Tinamaan ko ang pulso niya.
Nahulog ang baril.
Sinakal ko siya at itinulak sa pader.
“Wrong place,” malamig kong sabi, sabay suntok sa mukha niya.
Bumagsak din.
Pero hindi pa tapos.
May mga putok pa sa unahan.
“Boss, may paparating pa,” boses ni Bruno sa earpiece. “Mukhang secondary team.”
“Delay them.”
“Copy.”
Napatingin ako saglit sa bahay.
Naka-ilaw pa ang kwarto ni Lara.
At doon ako kinabahan. Hindi ako natatakot mamatay. Pero hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.
Kaya mas bumilis ang galaw ko.
Mas naging marahas. Mas walang awa.
Isang lalaki ang tumalon mula sa bubong.
Sinalubong ko ng siko sa panga. Sumunod ang sipa sa tagiliran. Narinig ko ang paghingal niya habang gumugulong sa lupa.
May isa pang sumugod sa akin mula sa gilid pero nahawakan ko ang kwelyo niya at ginamit ang bigat niya para ibato sa poste.
“Centuri scum,” bulong ko.
Pero kahit gaano pa karami ang bumagsak alam kong hindi ito ang last move nila.
This was a test.
A reminder. Na kahit saan ako magtago ay maaabot pa rin nila ako. At mas masahol nadadamay ang mga taong wala namang kinalaman.
Pinindot ko ulit ang earpiece.
“Bruno, pull back. Don’t escalate.”
“Boss—”
“Now.”
Saglit na katahimikan.
“Copy.”
Unti-unting humupa ang putukan.
Ang mga van sa dulo ng kanto ay umatras.
Parang wala lang. Parang walang nangyari.
Pero alam kong babalik sila.
At sa susunod mas malala na.
Huminga ako nang malalim.
Ramdam ko na ang hapdi ng sugat sa balikat ko. Pero mas ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Dahil sa unang pagkakataon— hindi lang buhay ko ang nakataya.
May nadadamay na akong iba.
At ang pinakamalaking pagkakamali ko—
ay ang manatili rito nang matagal.
Sa tabi ng babaeng hindi ko dapat minahal.
Pero huli na. Dahil kahit anong mangyarihindi ko na kayang talikuran si Lara. At alam ng Centuri iyon. Which makes her my greatest weakness.
Hindi ako pwedeng makita ng pulis.
Kaya dumaan ako sa likod.
Sa eskinita.
Sa pader na dati ko nang tinatalunan na parang walang kahirap-hirap.
Pero ngayon, ramdam ko na ang sakit sa balikat.
Mainit.
Dumidikit na ang dugo sa damit ko.
Pero wala akong pakialam. Ang iniisip ko lang ay si Lara.
Pagbukas ko ng bintana sa kusina, pumasok ako nang tahimik. Akala ko aabot pa akong makapagpalit ng damit bago niya mapansin.
Nagkamali ako.
“Markus…?”
Boses pa lang niya alam ko nang mali ang lahat. Pagharap ko at nakatingin siya sa akin.
Sa dugo.
Sa sugat.
Sa mukha kong hindi ko na naitago ang galit. Napaatras siya. Isang hakbang.
Dalawa.
“May d-dugo ka…” nanginginig ang boses niya.
“Lara, it’s nothing,” agad kong sabi, pilit na kalmado ang tono. “Gasgas lang ‘to.”
Pero mali ang sinabi ko.
Kasi nakita ko ang pagbabago sa mata niya.
Hindi simpleng takot.
Hindi gulat lang.
Parang may bumigay.
Bigla siyang napaupo sa silya.
Hawak ang dibdib niya.
Mabilis ang paghinga. Masyadong mabilis.
“Hey—hey, look at me,” lumapit agad ako sa kanya. “Lara, tingnan mo ako.”
Pero hindi siya makatingin.
“Hindi ako makahinga…” mahina niyang sabi. “Markus… parang… parang nasusuka ako…”
Doon ako kinabahan.
Hindi sa Centuri.
Hindi sa pulis. Pero Sa kanya.
Lumuhod ako sa harap niya.
Hinawakan ko ang mukha niya kahit duguan pa ang kamay ko.
“Sorry… sorry, okay? Tingnan mo ako, breathe with me,” mahinahon kong utos kahit nanginginig na rin ang boses ko. “One… two… dahan-dahan.”
Pero mas lalo lang siyang napaiyak.
“Akala ko… akala ko may nangyari sa’yo…” humikbi siya. “Naririnig ko ‘yung mga putok… tapos pagbalik mo ganito…”
Mas lalong uminit ang dugo ko.
Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa galit.
Sa mga taong nagdala ng ganitong takot sa buhay niya. Sa mundo ko.
“Wala nang mangyayari sa’yo,” mariin kong sabi. “Hindi ko hahayaan.”
Pero kahit ako alam kong kasinungalingan iyo. Kasi nandito na sila At hindi na sila aalis.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
Pinilit kong pakalmahin siya hanggang sa unti-unting bumagal ang paghinga niya.
Pero ang mga luha niya ay hindi tumigil.
At bawat patak noon parang may hinihiwa sa loob ko.
Kinagabihan
Natutulog na siya nang kausapin ko si Bruno sa likod ng bahay.
Tahimik ang paligid.
Pero sa loob ko maingay ang galit.
“Walang warning shots next time,” malamig kong sabi. “Wreck their shipments. All of them.”
“Boss, that’ll start a war,” sagot ni Bruno.
“Matagal na silang nagsimula,” sagot ko.
Humigpit ang panga ko.
“They came into civilian ground. They crossed the line.”
Tumango si Bruno.
“May intel kami sa tatlong container bukas ng gabi.”
“Sunugin niyo kung kailangan.”
“Copy.”
Tahimik sandali.
Tapos biglang…
“Boss… about Lara—”
“Walang dapat malaman.”
Pero huli na ang lahat.
Dahil sa likod ko may mahinang tunog ng hakbang. At nang lumingon ako ay nakita ko siya. Nakatayo sa may pinto. Maputla. Nanlaki ang mga mata. At alam kong narinig niya ang lahat.
Container.
Shipment.
Sunugin.
Digmaan.
“Lara…” mahina kong tawag.
Pero umatras siya.
“Anong… anong sinasabi niyo?” nanginginig ang boses niya. “Anong shipments? Anong sunugin?”
Tahimik si Bruno.
At alam kong wala na akong matatakbuhan.
Lumapit ako sa kanya.
“Lara, listen—”
“Hindi,” putol niya agad. “Ikaw ang makinig sa’kin, Markus. Ano bang klaseng buhay ‘yan? Bakit may baril? Bakit may humahabol sa’yo? Bakit ka duguan?!”
Hindi ako nakasagot agad. Hindi dahil wala akong sagot. Kundi dahil hindi ko kayang ibigay ang totoo.
Hindi sa babaeng ito.
Hindi sa ganitong paraan.
“Hindi mo kailangang malaman lahat,” maingat kong sabi.
“Hindi?” mapait siyang natawa. “Markus, muntik na akong himatayin sa takot kanina. Tapos sasabihin mo sa’kin hindi ko kailangang malaman?!”
Lumapit pa siya sa akin.
Pero ngayon—
hindi na siya takot.
Galit na.
“Anong klase kang tao?” tanong niya.
At doon ay hindi ko na napigilan ang sagot.
“Yung klase na hindi dapat napalapit sa’yo.”
Biglang tumahimik ang paligid.
Nasaktan siya.
Kita ko sa mata niya.
Pero mas pinili kong saktan siya kaysa ilubog pa siya sa mundong ito.
“Bruno, go,” utos ko.
At agad siyang umalis.
Naiwan kaming dalawa. Sa katahimikang mas mabigat pa sa putok ng baril.
“Lalayo ka na ba?” mahinang tanong niya.
Hindi ako sumagot agad. Pero sa loob-loob ko alam kong dapat.