Chapter 20

2311 Words

Hindi ako mapakali. Paulit-ulit sa utak ko ang mga putok. Ang sigawan sa labas. At ang mukha ni Markus kanina na seryoso, alerto, parang ibang tao. Sabi niya huwag akong lalabas. Pero paano ka hindi lalabas kapag pakiramdam mo may mangyayari? Nu’ng nasa tindahan pa lang ako pakiramdam ko eh mamamatay na ako. Nasa loob lang ako ng kwarto, nakaupo sa sahig, yakap ang tuhod ko. Naririnig ko ang yabag ng mga paa sa labas. May mga sumisigaw. May mga nag-uutos. Pero may mga tunog din na hindi pang-pulis. Hindi ko maipaliwanag, pero alam kong may mali. “Markus…” pabulong kong sambit. Hindi ko alam kung nasaan siya. At mas kinabahan ako dahil doon. Tumayo ako saka lumapit sa bintana. Sumilip ako sa maliit na siwang ng kurtina. At doon ko nakita, may dalawang lalaking nagtatakbuhan sa eskinita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD