“Do you know who’s that Adam is, Bruno?”
Natigilan ako sa ginagawa kong paglilinis ng interior saka nginitian ang bossing kong pogi.
“Ba’t niyo po natanong? Pero nabanggit nga iyan sa ‘kin ni, Coraling na masugid na manliligaw ni, Lara,” sagot ko.
Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Aba’y iba ito ah.
“Bakit po pala boss?” tanong ko ulit.
“What’s his background?”
“Anak po ng barangay captain dito at kilalang guro sa sekondarya,” sagot ko.
Nagtatakang tiningnan ko siya. Mukhang inetresado yata ah.
“Okay,” tipid niyang sagot at nagsindi ng sigarilyo.
“Boss, nga pala, tumawag kanina ang Tita Bela mo at pinapauwi ka na,” mahina kong wika.
“I can’t and I won’t. Maghintay sila kung kailan ako babalik,” malditong sambit niya.
Sumasakit na rin ang ulo ko sa away pamilya nila. Hindi ko sila maintindihan at puro mga matatapng. Ang kambal niyang si Percival ay hindi rin nagpapakita. Parang mga kriminal na may pinagtataguan.
“What?” tanong niya sa ‘kin. Magkadikit ang kilay at tila gusto na akong suntukin. Umiling lamang ako at nginitian siya nang maluwang.
“Sasama ako sa Sabado sa lakad niyo,” matigas niyang sambit.
“Po?”
“Are you deaf?” Galit na naman niyang asik. Kung hindi pa ako sanay paniguradong nanginginig na ’tong mga daliri ko kaso sanay na ako. Mas takot ako sa kaniya kapag tahimik siya. Iba ang mga Rasgild. Ang kwento sa ‘kin ni, Don Leon ay noon hindi siya tinitipid ni Don Infernu. Kada baril niya five million. Itong apo sigurado akong wala man lang pag-alala sa akin. Magpasalamat ka na lang kung mura ang matatanggap mo. Gaya ngayon, kailangan ko na namang timplahin ang mood niya para hindi siya bad mood buong araw.
“Galit kaya si Lara sa ‘kin? I noticed that she changed a bit. Hindi na siya nagpapapansin,” wika niya.
“Hindi na po ako magtataka boss, sinusungitan niyo lagi eh,” sagot ko.
Napapikit naman ako nang batukan niya ako.
“Kasalan ko pa ngayon na ganito ang tabas ng hitsura ko? Na ganito ako sumagot?” asik niya.
Napakamot naman ako sa batok ko.
“Boss naman eh, ganoon naman kasi talaga ang mga babae. Hindi mo alam kung saan ka lulugar minsan. Toyoin pa kaya ganon. Nangangapa nga rin ako kay, Coraling ko eh,” wika ko.
He glared at me. It was so lethal.
“I need a new shirt for tomorrow Make sure that I will look good on it. Beter than that mother fucker Adam, okay?”
Mabilis na napatango-tango naman ako.
“Oo nga pala, buy an attach case for me. May pagagamitan ako,” seryoso niyang sambit.
“Opo.”
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Tumatawag ang kambal niya.
“Boss, tumatawag ang kamabl mo,” mahinahong saad ko.
Kunot ang nong kinuha naman niya iyon at huminga nang marahas.
“Spill it. Huwag mo ng hinataying uminit ang ulo ko,” inis niyang saad.
“Putang-ina mo ka, Psalm, umuwi ka na. Drop that f*****g mission. Hindi ka isang agent. That’s not your job. Come back here at marami ka pang dapat na asikasuhin. I have a lot of things to do. I can’t cover you for long. My head aches for so long now. Huwag mong pagtaguan si, Gomez ano ka ba? Bumahag na ba ang buntot mo? Malaman ko lang kung nasaan ka I—-“
“Shut your f*****g mouth, Percival. I know what I’m doing. This responsibility should be shared kaya dapat lang na ikaw ang umasikaso riyan. I’ve been solving problems for ages. Gamitin mo rin ang walang laman mong utak paminsan-minsan at baka sakaling lumaki ‘yan at may magawa man lang na maayos.”
Kinuha ko ang mineral bottle sa gilid at pinaglaruan iyon habang naghihintay na matapos ang tawag nila.
“Pwede ka naman kasing umampon ulit ng pusa kung gusto mo. Don’t get too indulged with revenge. It was fate for Rosie. Walang dapat sisihin sa pagkawala niya,” sambit ni Percival sa kabilang linya.
Napapikit ako. Hindi niya dapat sinabi ‘yon.
“Who are you para pagsabihan ako? Get your own ass, idiot! I don’t need your stupid advice,” galit namang wika ng amo ko. Hindi ako sasabat at baka magkaroon ng panibagong kulay ang mundo ko kapag nasapak ako.
“Boss, dumaan si Lara hindi lumingon dito. Mukhang hindi na nagpapapansin ah. Halos mag-iisang linggo na hindi kagaya nu’ng unang dating mo rito. Halos araw-araw nagpapapansin sa ‘yo. Expire na ba ang gayuma mo?” asik ko.
Pinanlakihan niya ako ng mata kaya nginitian ko siya nang malapad.
“Joke lang boss, baka busy lang siya,” wika ko at alanganing ngumiti. Tinakpan ko nga ang aking bibig at basta na lang na kinurot iyon. Pahamak talaga.
“Come on, Psalm. Ano ba talaga ang purpose mo para magtago? Inaakala tuloy ni, Gomez takot ka sa kaniya,” wika ni Percival.
“Takot? Are you for real? Hindi mo ba alam na ubos ang manukan niya?” wika naman ng amo ko. Kitang-kita ko kung paano kumurba ang ngiti sa labi niya. Napakasama talaga ng ugali.
“You really did that? Akala ko ibang kalaban niya ang nagpasabog sa farm niya. Kaya pala galit na galit siya,” sagot naman ni Percival sa kabilang linya.
“Nabibwesit na ako sa boses mo. Don’t ever call Bruno again lalo naman ako, hindi ko rin naman sasagutin. I’m well, and I’m alive. Pakisabi kay mommy at daddy. Huwag niyo muna akong gulohin at marami akong dapat na gawin. I’m busy, bye,” aniya at pinatay na ang tawag.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang basta na lang niyang itapon sa akin ang cellphone. Hindi naman ako magkandamayaw sa pagsalo. Paano na lang ang aking Coraling?
“Sigarilyo nga,” aniya. Kaagad na kumuha ako at sinindihan iyon.
“Boss, baka pag-uwi natin may TB ka na. Hinay-hinay lang,” paalala ko sa kaniya.
Wala naman siyang pakialam at tila walang narinig.
“Hindi ako nandito para sa babae at lalo na sa babeng ‘yon. Kung trip niya na huwag akong pansinin let it be. Baka nakakalimutan mo kung ano ang pakay natin dito,” seryoso niyang wika.
Napatango naman ako.
“Pasensiya na,” sambit ko. Hindi naman niya ako nilingon.
“Huwag mong kakalimutan ang damit ko bukas. Magpapagupit ako mamaya kaya ihanda mo ang motorsiklo,” saad niya at bumalik na sa pag-aayos ng sasakyan.
Naiwan naman akong natigilan at natawa na lamang.
“Walang paki raw. Kunwari pa kasi eh. Hindi na lang aminin na manghang-mangha siya kay, Lara. Buong buhay niya pampered lahat ng babaeng nakita niya. Hindi halos pinapahawak at pinapagawa ng gawaing bahay. Kaya alam kong sobrang mangha niya nu’ng makita si Lara,” mahinang saad ko at napailing.
Bumalik na rin ako sa trabaho at bandang tnghali ay nagulat ako nang tawagin na naman ako ni Boss P.
“Kumain ka na ba?” usisa niya.
“Hindi pa po eh, libre mo ako?” Nakangiti kong tanong.
“Sakay na,” aniya at pinaandar ang napakasakit sa tenga ng tambutso ng kaniyang motor.
“Saan tayo boss?” usisa ko.
“Sa karenderya malamang,” sagot niya.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko pero hindi mapuknit ang ngiti sa labi ko. Makikita ko na naman ang aking Coraling.
Pagdating nga namin ay kaagad kaming pinagtitinginan ng mga kustomer. Sino ba naman ang hindi eh napakagwapo namin ng boss ko.
“Hi,” bati ko kay Cora. Mukhang gulat pa na makita ako.
“Hello,” sagot niya at nginitian ako nang matamis. Kinilig naman ako. Ang ganda niya ngayon.
Umorder na ako at nang matapos ay naghanap ng table.
“Boss,” wika ko at bahagyang siniko siya. Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya lang ang tray niyang may lamang order niya at umupo sa table kung saan nakaupo rin si Lara. Pasimple akong natawa. Kunwari pa kasi eh.
Ilang sandali lang naman ay maraming mga dalaga ang kumain sa loob. Pumuwesto na rin ako sa bakanteng upuan sa table ni Lara at tahimik na nagmamasid sa kanilang dalawa.
“Hi, Lars,” bati ko kay Lara at nginitian siya. Ramdam ko naman ang tingin ni Boss P na halos tumagos sa kaluluwa ko. As if naman kukunin ko si Lara.
“Hello,” sagot naman niya.
“Okay lang ba na makiupo kami rito?” tanong ko.
Natawa naman siya.
“Ano pa ba ang magagawa ko? Deritsong upo nga si Markus eh. Alangan namang magreklamo pa ako eh nandiyan na kayo. Ang bastos naman nu’n,” sagot niya.
Napakamot naman ako sa ulo ko at tiningnan ang boss kong busy sa pagkain niya. Ito na naman sa sobrang kalkuladong pagkain niya. Kahit na rugged siya tingnan hindi pa rin nu’n maiaalis na galing siya sa isang napakayamang pamilya. Ang kilos niya ay hindi pa rin nagbabago. Ngunguyain ang pagkain ng dalawampung beses bago lunukin. Tapos sigurado pang ni isang butil ng kanin ay hindi mo makikita sa plato niya.
Napatingin ako kay Lara na nakatingin din pala sa amo ko. Nag-abot ang tingin namin at ngumiti siya nang alanganin. Halatang nahihiya. Bagay na bagay sila ng boss ko. Bagama’t para itong yelo sa kalamigan eh may kabaitan naman kahit papaano. Hindi ko masasabing sobrang bait pero may kabaitan basta ganoon.
Ilang saglit pa ay binigyan ako ng Corling ko ng softdrinks. Kaagad na napangiti ako sa kaniya.
“Kain ka lang ha, magpakabusog ka,” paalala niya sa ‘kin. Tumango naman ako at kaaagd na sumubo ng kanin.
“Here, favorite mo ‘to,” matigas na sambit ni Boss P at ibinigay sa ‘kin ang siling espada. Ang lalaki nu’n pero hindi naman masiyadong maanghang. Pero kung uubosin ko ‘yong ibinigay niya paniguradong labas lahat ng toxin sa katawan ko.
“Meron pa oh, gusto mo?” tanong sa ‘kin ni Lara at inilapit sa ‘kin ang mangkok niyang may lamang sabaw ng sinigang.
“S-Salamat,” alanganin kong sagot kay Lara at napalunok. Napatingin ako kay Boss P na tapos na ring kumain at matamang nakatitig sa ‘kin. Ibig sabihin nu’n ay kainin ko ‘yon lahat. Kung bakit kasi sumama pa ako sa kaniya. Sana naglakad na lang ako kanina. Alam na ngang iba itong trip niya sumakay pa talaga.
“Sure ka bang favorite mo ‘yan?”paninigurado ni Lara sa ‘kin.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
“O-Oo naman,” sagot ko at pikit matang kinain na iyon.
“A-Ang sarap,” wika ko at halos hindi ko manguya iyon.
Nang matapos nga ang kalabaryo ko ay nagpaalam na si Lara na babalik na sa tindahan at maraming kustomer. Sumunod din naman si Boss P mga ilang minuto ang lumipas. Nagtataka ako sa galawan niya eh. Paniguradong kunwari bibili na naman iyon ng V-fresh tapos ako ang pakakainin. Ang hirap niyang mahalin. Hindi man lang ako makapag-enjoy nang maayos. Sasama pa talaga sa lakad namin grabe.
“Uy, okay ka lang ba?” tanong sa ‘kin ni Coraling ko at umupo sa katapat kong upuan. Buo na naman ang araw ko. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng babaeng parang anghel na bumaba sa langit.
“Bakit?” nakangiti niyang tanong sa ‘kin.
“Namamangha lang ako sa kagandahan mo, Coraling. Para kang anghel na bumaba sa langit,” sagot ko at nginitian siya nang matamis. Kinilig naman siya saglit tapos natigilan.
“A-Anghel na bumaba sa langit?” Paninigurado niya. Tumango-tango naman ako.
“p**e mo naman. Kahit na sobrang ganda ko hindi ako papayag na tawagin ng ganiyan. Para mo namang sinasabing suwail ako. Para akong fallen angel. Kahit ganito ako mahal ko ang Diyos no,” aniya at napabusangot.
“Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mesa.
“Hmmp, eh ano ba ang iniisip mo? Ba’t ganiyan ang sinabi mo sa ‘kin? Pwede namang sabihin mong mukha akong anghel. Ba’t kailangan pa dagdagan ng bumaba sa langit?” reklamo niya.
Grabe ang cute niya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na lalong magustuhan siya.
“Hey! Tara na!”
Napalingon ako sa labas at nandoon na nga si Psalm. Okay lang at buo na ang araw ko.
“Oo nga pala, gusto niyang sumama sa gala natin sa Sabado,” wika ko kay Cora na maganda.
Kaagd na natuwa naman siya.
“Talaga? Sige, dadalhin ko na lang iyong isa pa namang kaibigan ni, Lara at baka ma-out of place siya sa ‘ting apat. Alam mo naman, may kasama na rin si Lara eh sayang,” wika niya.
“Iyon bang Adam na sinasabi mo? Sino ang mas guwapo sa kanilang dalawa ni, Markus?” usisa ko sa kaniya.
“Siyempre iyang kaibigan mo. Guwapo rin si Adam pero mas malakas kasi ang dating niyang si Markus eh. Kaso suplado naman at walang paki sa frenny ko kaya huwag na lang,” sambit niya.
Napatango naman ako at nginitian siya saka nagpaalam na rin. Kumaway siya nang makasakay na ako sa motor at umalis na kami.
‘“Para kang babae na nakikipagmaritesan sa jowa mo,” komento ni Psalm.
“Boss, ganoon talaga kapag in love,” sgaot ko. Hindi naman siya kumibo.
“Saka sabi ni, Cora mas gwapo at mas may appeal ka kaysa Adam na ‘yon,” wika ko.
Kita kong natigilan naman siya. Gusto niya iyong naririnig niya.
“Sasama ba si Lara sa ’tin bukas?” tanong niya.
“Oo naman, kaso si Adam ang kasama niya. Pero ang sabi ni, Coraling ay may isasama pa siyang ibang kaibigan nila ni Lara para may kasama ka at hindi ma out of place,” wika ko.
Tila wala naman siyang pakialam.
“Boss, gusto mo ba si Lara?” Usisa ko sa kaniya, Kumunot naman ang kaniyang noo.
“It’s too early to say that. Hindi pa nga tayo nag-iisang buwan dito ang laki na ng improvement ng emotional aspect mo. I believe that in that area, ay hindi ako capable. So whatever I am feeling right now is just purely seeking attention. Wala pang babaeng nagpa-in love sa ‘kin and I don’t plan to,” sagot niya.
“Okay,” tripid kong ani. Kunwari pa kasi eh. Akala niya siguro hindi ko mahahalata. Iyong mga tingin niya kapag hindi nakatingin si Lara. Naiintindihan ko na talagang humahanga siya sa tapang at sipag nito sa buhay. Hindi pa man sigurado pero ako ang nae-excite sa kung ano ang mangyayari sa boss ko at kay Lara.
Kung ganda lang naman ay halatang nagagandahan siya. Hindi makolorete ang mukha pero sobrang ganda at simple. Sa sobrang kasimplehan ay hindi na maalis ang tingin ng boss ko kay Lara. Kahit nga si Gargol gusto na niayng ibitin patiwarik pero kakaiba rin kasi ang self control ng boss ko kaya ayon, tiis-tiis muna.