Hindi ko na alam kung pang-ilang araw na iyon. Nakakabaliw ang dilim at katahimikan. Sa malamig na kwartong amoy lumang kahoy at kemikal. Walang pang bintana letse! Isang ilaw lang sa kisame at may isang kama. Hindi ako ginapos. Hindi rin ikinulong. Pero alam kong hindi rin ako malaya. Sa una ang buong akala ko panaginip lang lahat. Na magigising ako at nasa kwarto lang ako. Na tatawagin ako ni Mama mamaya. Na kukulitin ako ni Cora. Na yayakapin ako ni Psalm. Pero hindi. Gising ako. Dilat na dilat ang mga mata ko ngayon at mag-isa. Hanggang sa bumukas ang pinto. Napaurong ako sa kama. Saka napakapit ang kamay ko sa kumot. Pagod na ako sa nararamdaman kong takot. At nang makita ko kung sino ay napatayo ako bigla. “Adam?” nanginginig kong sambit. Nakaharap lang siya sa akin. Malini

