Chapter 29

1507 Words
Mabilis. Masyadong mabilis ang t***k ng puso ko. Parang gusto na ring tumalon palabas ng dibdib ko. Habang humaharurot ang sasakyan, isa lang ang nasa isip ko. Hawakan mo lang, Psalm. Hawakan mo lang si Lara. Kahit isang segundo lang. “Mas bilisan mo,” utos ko sa driver. “Boss, delikado—” “MAS BILISAN MO!” I gritted my teeth in anger. “f**k!” Hindi na ako nag-iingat. Wala na akong pakialam kung bumangga kami. Kung mamatay kami. Kung masira ang lahat. Basta makarating lang ako sa kaniya. Sa Lara ko. Pagliko namin sa isa pang eskinita ay may bodega. Madilim, tahimik, at walang tao. Napapikit ako at nasabunot ang sarili kong buhok. This is too much. Mas lalo akong kinabahan. “Stop here,” utos ko. Bumaba ako kaagad. Bitbit ang baril sa kamay ay kailangan kong maging alerto. “Spread,” bulong ko sa mga tauhan ko. Tahimik kaming pumasok sa loob. Kalkulado ang bawat galaw. Hindi pwede ang ingay. Binuksan ko ang pinto nang malakas. Unaasa ako na pagbukas ko ay nandoon siya pero wala. Wala si Lara. Walang kidnappers, walang kahit anino. Tanging lubid lang sa sahig. Upuang baliktad. At bakas ng dugo sa semento. Nanlamig ang buong katawan ko. “Hindi…” bulong ko. Lumapit ako at hinawakan ang lubid. Basang-basa pa. Parang kakakalas lang. “Boss…” sabi ni Bruno sa likod ko, “umalis na sila.” Parang binagsakan ako ng bundok. “Hindi pwede,” sabi ko. “Hindi pwede.” Sinipa ko ang upuan dahilan para lumipad iyon. “PUTANGINA!” Sumigaw ako. Buong lakas, umaasa ako na kahit papaano ay maibsan man lang ang galit at lungkot ko. Bumalik ang echo sa bodega. Pero walang sumagot. Kahit magsusumigaw pa ako magdamag ay walang Lara na babalik. I lost her again. Wala na naman siya. “Nasaan siya?” sigaw ko. “Nasaan? Hanapin niyo! Mga putang-ina niyo! Mga walang silbi! Kung kailangan niyong halughugin ang buong mundo gawin niyo,” singhal ko. Walang makasagot. Kasi wala rin silang alam. Kuyom ang kamaong napaluhod ako. Sa gitna ng maduming sahig. Sa gitna ng abandonadong lugar. Parang wala na akong lakas. Parang may humila sa kaluluwa ko palabas. “Huli na naman ako…” bulong ko. Hinawakan ko ang ulo ko nang mahigpit. Parang gusto kong durugin ang utak ko. “Lagi na lang. Lagi na lang akong huli. f**k!” Bumalik sa isip ko ang mukha niya. Ang pag-iyak niya. Ang pagtakbo niya. Ang pagtalikod niya. At ang mga salitang sinabi ko. “I like her body.” Putangina! Kung pwede lang bawiin. Kung pwede lang burahin. Kung pwede lang saktan ang sarili ko pabalik sa oras na ‘yon. Sinuntok ko ang pader nang usang beses. Pero hindi ko maramdaman ang sakit. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang may gawa ng lahat. Sinunyok ko ulit hanggang dumugo ang kamao ko. “Kasalanan ko ‘to,” sabi ko kay Bruno. “Kung hindi ako nagsalita ng ganon—” “Boss—” “Kung hinabol ko agad—” “Boss—” “Kung hindi ako naging tanga—” “BOSS!” Hinawakan niya ang balikat ko. “Hindi pa tapos ‘to,” sabi niya. “Hahanapin natin siya.” Tumingin ako sa kaniya. Pula ang mata. Puno ng galit. Puno ng guilt. Pun ng sakit. “Hahanapin ko siya,” sabi ko nang mahina pero matatag. “Kahit maghukay pa ako ng impyerno. Kahit magdilim ang mundo. Kahit masunog ang lahat. Hahanapin ko si Lara.” Lumabas ako ng bodega saka tumingala sa langit. Madilim at walang bituin. Walang buwan. Parang sumasalamin sa loob ko. “Maghintay ka lang,” bulong ko. “Hindi kita iiwan. Hindi na. Hindi na kita bibiguin.” Kahit sa loob-loob ko ay natatakot ako. Na baka huli na talaga. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng totoong takot. Wala akong pakialam noon kung mamatay ako. Wala namang silbi ang buhay ko. Pero iba na ngayon. She really is my kryptonite. Hindi ko kaya na wala siya. Papatayin ko kung sino man ang dumukot sa kaniya. Tatlong linggo. Dalawampu’t isang araw. Limandaan at apat na oras. Ganyan ko binibilang ang pagkawala niya. Hindi dahil gusto kong maalala. Kundi dahil hindi ako makalimot. Hindi ako natutulog nang maayos. Kapag pumikit ako siya ang nakikita ko. Umiiyak, at tumatakbo palayo sa ‘kin. At ako ay nakatingin lang. Walang nagawa at nakatingin lang. Walang silbi. “Boss, may report po—” “Wala,” putol ko. Hindi ko man lang siya tiningnan. “Na-check na natin ‘yan.” “Pero boss—” “SABI KONG WALA.” Tumahimik ang buong opisina. Walang nangahas magsalita. Lahat sila takot. Lahat nag-iingat. Dahil alam nila na isang maling salita lang pwedeng may mamatay. Ako ang naging multo ng sarili kong imperyo. Hindi na ako ngumiti at wala na akong rason pa. Hindi na ako nagbiro. Hindi na ako nakipag-usap. Trabaho, p*****n, interogasyon. Paulit-ulit na lang araw-araw. Lahat ng konektado sa pagkawala ni Lara kahit ‘di sigurado ay iniipit ko. I can be evil, damned evil. “Boss, magpahinga muna kayo,” sabi ni Bruno minsan. Tiningnan ko siya nang matagal at malamig. “Kapag nahanap ko na siya,” sagot ko. “Doon lang ako hihinto.” Hindi na niya ako kinausap ulit tungkol doon. Pinaghalughog ko ang buong siyudad. Lahat ng warehouse. Lahat ng pier. Lahat ng safehouse. Lahat ng underground clinics. Lahat ng black market routes. Pero wala. Walang bakas. Parang nilamon ng lupa. Parang binura sa mundo. Nagpadala ako ng tao sa ibang bansa. Sa pantalan. Sa airport. Sa bundok. Sa isla. Sa probinsya. Sa ilalim ng lupa. Wala pa rin. Putangina! Paano? Paano nila nagawa? Paano nila ako nalampasan? Ako si Psalm Rasgild. Hari ng punyetang mga mamamatay tao. Multo ng digmaan. Bangungot ng mga cartel. Pero hindi ko mahanap ang babaeng mahal ko. Sinuntok ko ang mesa at nabasag iyon. “BOSS—” “Lumabas kayo,” utos ko. Isa-isa silang umalis. Naiwan ako mag-isa. Sa madilim na opisina. Sa gitna ng mga mapa. Mga larawan. Mga pangalan. Mga koneksyon. Lahat nandoon na pero hindi ko alam kung saan ang nakaligtaan kong tingnan. May kulang. May mali. At doon ko naisip ang lalaking matagal ko nang binabantayan. Si Adam. Ang dating manliligaw ni Lara. Ang lalaking akala ng lahat ay mabait, tahimik, at disenti. Pero sa likod mas madilim pa sa mga Centuri. Mas tuso. Mas matiyaga.Mas mapanganib. Matagal ko na siyang minamanmanan. Hindi dahil nagseselos ako. Kundi dahil may mali sa kaniya. Masyado siyang malinis. Masyadong perpekto. Masyadong walang bahid. Sa mundong ginagalawan namin walang ganon. “Bruno,” tawag ko. Pumasok siya agad. “Hanapin mo si Adam,” utos ko. Napakunot-noo siya. “Boss… sigurado ka?” “Ngayon,” sabi ko. “Buong buhay niya. Hukayin mo.” “Bakit siya?” Tumingin ako sa larawan ni Lara sa mesa. Nakangiti siya roon, ang gaan ng bibes at sobrang ganda. “Dahil siya lang ang hindi pa natin sinusuri nang buo.” Kinagabihan ay nag-iisa ako sa rooftop. May hawak na alak sa aking kamay. Hindi ko iniinom. Tinititigan ko lang. Parang buhay ko, puno pero walang laman. Mahal ang halaga pero ang laman eh kasiraan. “Sorry…” bulong ko sa hangin. “Sorry, Lara. Hindi kita naprotektahan. Hindi kita naunawaan. Hindi kita nahabol.” Hinawakan ko ang ulo ko. “Mahal kita,” pabulong kong sabi. “Buong-buo. Pero ang bobo ako magmahal. Hindi ko alam kung paano. First time kong magmahal. I’m so sorry,” naiiyak akong sambit sa madilim na gabi. Tumawa ako nang mapait. Baka akalain ng mga nakakita ay baliw ako. “Kung mawawala ka man, kasama mo akong mamamatay.” ⸻ “Boss,” tawag ni Bruno kinabukasan. May hawak siyang folder at namumutla. “May nakita kami.” “What?” mabilis kong tanong. “Si Adam… may koneksyon sa black market transport.” Hindi na ako nagulat. “Sa southern route. Used by traffickers. Two weeks ago… may shipment na dumaan.” Tumigil ang mundo ko. “Ano ang laman?” Tumingin siya sa akin. Hindi agad sumagot. “Babae.” Parang may pumutok sa loob ng ulo ko. “What?” “Hindi pa sigurado, boss…” Hinablot ko ang kuwelyo niya. “Hanapin niyo! Halughugin niyo! Kung kailangan gawin niyong kolateral ang walang silbing buhay ng pamilya niya gawin niyo. Ibalik niyo si Lara sa ‘kin!” matigas kong wika. Tumango naman siya kaya binitiwan ko ang damit niya. Tumalikod ako’t nanginig ang kamao ko. Hindi sa takot kundi dahil sa guilt at galit ko. “Adam…” bulong ko. “Kung may kinalaman ka rito, mas gugustuhin mong hindi ka na ipinanganak. Tang-ina mo! Hintayin mo lang at hindi ko titigilan ang katawan mo’t hindi ka nagiging abo. You crossed me this time, kaya pagsisisihan mo ‘to habang-buhay na pati pamilya mo ay hindi ka kikilalanin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD