Chapter 28

2257 Words
Pagod na pagod ako ngayong gabi. Grabe ang daming inasikaso sa tindahan. Hindi lang katawan ko, pati puso ko at pati isip ko. Buong araw akong nasa tindahan. Nakikipag-usap sa mga suki. Nakangiti kahit gusto ko nang umiyak. Nagkukunwaring okay kahit gusto ko nang sumigaw sa pagod. Pero tiniis ko kasi uuwi ako. Kasi nandoon siya. Kasi kahit papaano kapag kasama ko si Psalm, parang gumagaan ang lahat. Parang maay magic kasi ang mukha niya’t lumalakas ako kaagad. Bitbit ko ang supot ng mga pinamili kanina. May sardinas, may tinapay, may gatas. Mga paborito ni nanay at paborito ko rin malamang. Paubos na kasi ang groceries sa bahay. Iniisip ko pa habang naglalakad. Baka sabay na naman kaming kumain Baka tatawa na naman siya nang konti kapag nagbiro ako. Baka yakapin niya ulit ako bago matulog. Ganun lang kasimple ang mga pangarap ko. Hindi mansyon, hindi alahas, lalong hindi ang kaniyang yaman. Siya lang eh sapat na ehe. Pagbukas ko ng pinto ay narinig ko agad ang boses ni Bruno at si Psalm na nag-uusal. Hindi sila nagkukulitan. Hindi sila nagtatawanan. Ramdam ko ang kaseryosohan nilang dalawa.Parang may nakaipit sa hangin. Huminto ako sa may pader. Hindi ko sinasadyang planong makinig. Pero parang may humawak sa paa ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang pinipilit akong manatili roon. “Boss,” sabi ni Bruno nang seryoso, “sigurado ka na ba talaga rito?” Tahimik ang paligid kaya napalunok ako. Ang lakas pati ng t***k ng puso ko. Naririnig ko ang paghigop ni Psalm ng hangin. Parang nag-iisip. Parang nagdadalawang-isip. Kumakabog lalo ang dibdib ko. Ano ‘yon? Tungkol ba sa amin? Sa kasal? Sa kinabukasan? “Excited ka ba talaga sa kasal?” tanong ni Bruno. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kasal. Oo nga pala. Malapit na iyon. Napangiti ako kahit papaano. Naghihintay rin ako sa isasagot ni Psalm. Pero tumahimik lang siya. Masyadong tahimik. Napahawak ako sa supot at parang biglang nanghina ang mga daliri ko. “Boss P?” tawag ni Bruno. Wala pa ring sagot. Naririnig ko lang ang paghinga niya nang mabigat. Parang may kinikimkim. Nag-aalangan kaya siya sa akin? Sa loob-loob ko ay talagang hinihintay ko na sumagot siya na excuted siya. Ba mahal niya ako at gustong-gusto na niyabg maikasal sa akin. Pero hindi iyon ang sinabi niya. Hindi iyon ang dumating. Sa halip dumating ang mga salitang tuluyang sumira sa akin. “Knowing how easy access she was…” Huminto ang mundo ko. Parang may humila sa puso ko palabas ng dibdib ko. “…ano pa ba ang e-expect ko?” Nanginig ang tuhod ko. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. “I like her body.” Parang may bumaril sa ulo ko nang sunod-sunod. Hindi ako makahinga. Hindi ako makaisip nang maayos. Hindi ako makagalaw. Paulit-ulit sa isip ko ang boses niya. Easy access. I like her body. Ganoon lang pala ako sa kaniya? Madaling makuha. Madaling hawakan. Madaling gamitin. Natawa akonnang pagak. Tang-ina! Katawan lang ang habol niya sa ‘kin tapos umaasa pa akong pakakasalan niya ako. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko pala ang dala kong supot kaya napalingon silang dalawa sa ‘kin. “Lara—” Hindi ko na alam kung sino ang nagsabi at hindi ko na narinig ang kasunod. Kumalat ang laman ng supot na dala ko. Unti-unting nanlabi ang aking paningin. Tumunog ang lata. Nagkatinginan kami ni Psalm. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Nanlaki ang mata at nanigas ang katawan. Halatang hindi inaasahan ang presensiya ko. “Lara… hindi—” Pero huli na. Hindi ko na kinaya. Nanginginig na ang buong katawan ko. Parang anytime ay babagsak ako. “Ganoon lang pala ako sa’yo?” pabulong kong sabi. Boses ko pa ba ‘yon? Parang hindi. Parang galing sa ibang tao. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko sa sakit na para akong biglang binagsakan ng mundo. Ang bigat bigat. “Hindi mo naiintindihan—” “Hindi?” napatawa ako nang mapait. “Ano ba ang hindi ko naintindihan, Psalm? Saang banda sa kayawna konlang ang habol mo? Saan banda? Na easy to get ako?” Lumapit siya pero umatras ako at inilingan siya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. “Lara, pakinggan mo muna—” “Easy access?” putol ko. “Ganun mo ba ako tinitingnan?” Tahimik siya kaya lalo akong nasaktan. Ang mga mata niya. Hindi ko kayang tingnan dahil nanliliit ako sa sarili ko. “At katawan ko lang?” nanginginig kong tanong. “Hindi—” “E ano?” Nabasag ang boses ko. “Akala ko mahal mo ako!” sigaw ko. “Akala ko totoo lahat!” Hinawakan niya ang braso ko. “Lara, please—” Inalis ko ang hawak niya at tiningnan siya nang matalim. “Bitawan mo ako.” “Makinig ka muna—” “Hindi na,” umiiyak na sabi ko. “Ayoko na.” Tumalikod ako saka tumakbo palabas. Bahala na kung saan ako pupunta. “LARA!” Naririnig ko siyang humahabol. Naririnig ko ang tawag niya. Pero hindi ako huminto. Masakit. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang dibdib ko. Habang tumatakbo ako sa dilim ay saka lang naging klaro sa akin ang lahat. Ang tanga mo, Lara. Umibig ka sa maling tao. Akala mo espesyal ka. Ang tanga-tanga mo! Kasalanan mo ‘to fahil malambot ang ilong mo. Humahagulgol na ako. Hindi ko na pinapansin ang daan. Hindi ko na alam kung saan ako napapadpad. Hanggang sa may humawak sa akin at hinablot ako nang malakas at biglaan. “Ah—!” May panyo sa bibig ko at nasinghot ko ang matapang na amoy. “S-Sino kayo?” Pumiglas ako at sinubukang lumaban . Pero mahina na ako. Pagod na, wasak pa. Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Ang huling naisip ko ay si Psalm. At tuluyan akong nawalan ng malay. Masakit ang ulo ko kaya napahawak ako roon at napaungol. Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa loob ng utak ko. Mabigat ang talukap ng mata ko. Parang ayaw bumukas. Parang ayaw kong makita kung nasaan ako. Parang ayaw kong harapin ang realidad. Pero napilitan ako. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napaubo. Madilim, mabaho at maalikabok. At ang una kong naisip ay mukhang na-kidnap nga ako. Nakatali ang mga kamay ko. May lubid sa paa ko at mahigpit iyon. Nakasandal ako sa malamig na pader. Semento. May tumutulong tubig pa sa gilid. Parang abandonadong bodega. O basement. O kung ano man. Hindi ko alam. At sa totoo lang wala akong gana alamin. Dapat matatakot ako. Dapat nanginginig ako. Dapat umiiyak ako pero hindi. Ang nararamdaman ko? Pagod at sakit. Sobrang sakit. Mas masakit pa rin ang puso ko kaysa sa sitwasyon ko. Mas masakit pa rin ang mga salitang I like her body. Napapikit ako at Biglang kumirot ang dibdib ko. “Ang tanga mo, Lara…” bulong ko sa sarili ko. Biglang may gumalaw sa harap ko. May lalaking nakaupo sa bangkong kahoy. Naka-hood at may hawak na baril. Naninigarilyo saka tumingin siya sa’kin. “Uy. Gising na pala,” sabi niya. Parang nagbabantay lang ng tindahan. Parang hindi ako bihag kaya tinitigan ko siya. Wala akong sinagot. Tinitigan ko lang siya nang matagal. Hanggang sa nasinghot ko. Putek. Ang baho, ang asim. Ang halo ng yosi, kape, at ewan kaya napangiwi ako. “Ano?” tanong niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. “Kuya…” Umubo ako. “Nag-toothbrush ka ba ngayong linggo?” Napakunot-noo siya. “Ha?” “Grabe,” seryoso kong sabi, “kasi parang may namatay na daga sa bunganga mo.” Natahimik siya. Parang nag-process pa sa sinabi ko. “Tangina mo ah,” sabi niya. “Hoy,” sagot ko, “na-kidnap na nga ako, mamamatay na nga yata ako, tapos mamamatay pa ako sa amoy ng hininga mo? Unfair naman siguro ‘yan.” Tumingin siya sa kasama niya. “Pre, bastos ‘tong babaeng ‘to.” “Sino ba ‘yan?” tanong ng isa. “Bihag.” “Parang hindi naman takot sa ‘yo ah.” Tumingin ako sa kanila. “Sa totoo lang,” sabi ko, “mas takot pa ako sa sinabi ng ex ko kaysa sa inyo.” Napahinto sila. “Ex?” tanong nung isa. “Oo,” sagot ko. “‘Yung taong akala ko mahal ako. ‘Yun pala katawan lang ang habol sa ‘kin.” Biglang kumirot ulit ang dibdib ko. Parang may humawak at piniga iyon. Hindi ko napigilang manginig. Hindi sa takot kundi sa sakit. “Grabe…” bulong ko. “Ganoon lang pala ako.” Tahimik sila habang nakatingin sa ‘kin. Parang hindi nila alam ang isasagot. Biglang natawa ‘yung unang lalaki. “Baliw ka talaga,” sabi niya. “Hindi,” sagot ko. “Nasaktan lang.” Napatingin siya sa akin. “Hindi ka ba natatakot?” Nag-isip ako sandali. “Oo,” sagot ko. “Pero mas natatakot akong hindi na niya ako mahal. Kaya sige, patayin niyo na ako. Wala na akong pag-asa sa mundong ‘to.” Tumahimik ulit sila. Napabuntong-hininga na lang ako. “Kuya,” sabi ko ulit, “pwede ba kahit mouthwash man lang?” “Bwisit ka,” sagot niya. Ngumiti ako nang konti. Pero sa loob ko ay durog na durog na ako. Kahit nakatali ako. Kahit may baril sila. Kahit pwede akong mamatay. Ang iniisip ko pa rin ay nakay Psalm lintik siya. Bakit mo ako sinaktan, Psalm? Minahal kita eh. Tahimik akong napaluha. Walang hikbi. Walang iyak. Tahimik lang talaga. Parang pagod na pagod na ang puso ko. At sa dilim ang tanging hinihiling ko lang ay sana hindi totoo ang narinig ko. Sana panaginip lang lahat. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakaupo roon. Oras ba? Minuto? Araw? Parang wala nang saysay ang oras kapag nakakulong ka sa isang lugar na amoy kalawang, pawis, at maling desisyon sa buhay. Masakit na ang likod ko. Manhid na ang mga kamay ko. Pero mas masakit pa rin ang puso ko. Paulit-ulit sa utak ko ang boses niya. “I like her body.” Parang sirang plaka. Hindi tumitigil. Hindi nawawala. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ka umibig? Bakit ka naniwala? Bakit ka nagtiwala? Ang tanga mo, Lara. Biglang bumukas ang pinto. Tumilaw ang ilaw kaya Napapikit ako. May pumasok na dalawang lalaki. May dala silang plastik na supot na may bote ng tubig. “Uy, buhay ka pa,” sabi nu’ng may mabahong hininga. “Ay,” sagot ko, “sayang. Akala ko tapos na.” Sinipa niya ang upuan ko. “Bwisit ka talaga.” “Kuya,” reklamo ko, “pwede ba huwag mong sipain? Emotionally broken na nga ako, dadagdagan mo pa ng physical trauma.” “Ang daldal mo.” “Defense mechanism,” sagot ko. “Kapag tumahimik ako, baka umiyak ako.” Tahimik silang dalawa. Inilapag nila ang supot. Tinanggal ang takip ng bote. Isinubo sa bibig ko ang tubig kaya uminom na ako. Malamig at masarap. Parang unang beses akong uminom ulit. “Salamat,” mahina kong sabi. Nagulat sila. “Ha?” sabi nu’ng isa. “Salamat,” ulit ko. “Kahit papaano, hindi niyo ako hinayaang mamatay sa dehydration.” “Hindi pa ‘yan,” sagot niya. “May balak pa kami sa’yo.” Ngumiti ako nang pilit. “Wow! Excited ako.” Natawa siya. “Baliw ka talaga.” “Hindi,” sagot ko. “Nasaktan lang nang sobra.” Tumahimik ulit at napayuko ako. Naramdaman kong bumibigat ang dibdib ko. “Kuya…” mahina kong tawag. “Ano na naman?” “Sa tingin mo ba…” huminga ako nang malalim, “kayang magpanggap ng lalaki na mahal ka niya kahit katawan mo lang ang gusto niya?” Napatingin siya sa akin. “Ha?” “Yung tipong yayakapin ka,” pagpapatuloy ko, “kakausapin ka, ipaparamdam sa’yo na ikaw lang… pero ginagamit ka lang pala.” Hindi siya sumagot agad. Nagkibit-balikat siya. “Siguro.” Napapikit ako. “Kaya pala,” bulong ko. “Kaya pala ang dali kong masaktan.” Tumulo ang luha ko at Hindi ko na pinigilan. Pagod na akong magpakatatag. M Pagod na akong magpanggap na okay lang. “Minahal ko talaga siya,” mahina kong sabi. “Buong-buo.” Tahimik sila. Walang nang-aasar. Walang bastos na salita. Parang kahit sila, hindi alam ang sasabihin. “Alam mo,” sabi nu’ng mabaho ang hininga, “kung kami ‘yon hindi ka namin sasaktan.” Napatawa ako sa gitna ng iyak. “Salamat ha,” sabi ko. “Nakakagaan ng loob. Sana sinabi niyo ‘yan bago niyo ako kinidnap.” “Sorry na,” sabi niya. “Next life na lang,” sagot ko. Napahilig ako sa pader. Napatingala sa kisame. Kung may kisame man. “Psalm…” bulong ko. Hindi ko alam kung galit ako. Hindi ko alam kung mahal ko pa. Hindi ko alam kung gusto ko pa siyang makita. Ang alam ko lang ay nami-miss ko siya. Kahit masakit, Kahit mali, kaahit masira ako. Mahal ko pa rin. At mas kinaiinisan ko ang sarili ko dahil doon. “Ang hina mo, Lara,” sabi ko sa sarili ko. “Ang hina mo sa lalaking ‘yon.” Tahimik akong humikbi. Sa isang madilim na lugar. Kasama ang mga taong hindi ko kilala. Na mas mabait pa sa taong minahal ko. Pero pare-pareho lang naman silang mga lalaki. Iisang lahi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD