Chapter 10

3038 Words
“Kanina ka pa riyan?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot kaya hindi ko na rin pinilit pa. Binuksan ko na ang pintuan at pumasok na sa loob nang bigla niya akong hablutin at isinara ang pinto. Napakurap-kurap ako. Ang dilim pa at hindi niya binuksan ang ilaw. “Ano’ng ginagawa mo?” Kinakabhan kong tanong ulit. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niya. Hindi rin siya nagsasalita. Nakatitig lang. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero lalo niya lang hinigpitan iyon. “Pulchritudinous,” wika niya. “Ha?” Lalo akong naguguluhan sa sinasabi niya. Hindi ko talaga siya gets. “M-Markus,” mahinahon kong wika. Nakatitig lang siya sa ‘kin. Napalunok naman ako. Hindi ako sanay na ganito kami kalapit. Pangarap ko lang ‘to noon eh. Hindi ko akalaing mangyayari at para na ring sasabog ang puso ko sa kaba. “Hmm?” sagot niya at napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa ‘kin. Ito na ba ‘yon? Magki-kiss na naman ba kami ulit? Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ang labi niya sa bandang taenga ko. Sinasadya niyang i-tease ako. “Ano ba ang ginagawa mo?” asik ko. Sinubukan ko siyang itulak pero kamuntik pa akong mapasigaw nang basta na lang niya akong isandal sa likod ng pinto. “What do you think?” aniya. Napaikot ko naman ang mata ko. “Nilalandi mo ba ako?” tanong ko. Pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko. “If that’s what you call it,” sagot niya., Natigilan ako at buong lakas na itinulak siya. Napaatras lang siya ng isang beses. Napailing na lamang ako at inis siyang tiningnan. “May pinapatunayan ka ba sa sarili mo? Please lang, pagod ako. Huwag kang maraming alam,” inis kong sambit at tinalikuran siya nang bigla na naman niya akong hilahin at nilakumos ng halik. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa braso niya para bumalanse. Halos mapugto ang aking hininga bago niya ako bitiwan. Habol ko ang aking hininga at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Y-You…” “What?” tanong niya. Nakangisi siya sa ‘kin na para bang may kasalanan ako sa kaniya. Ang mga mata niya ay kumikinang dahil na rin sa liwanag na tumatama roon mula sa buwan. “Ano ba?” inis kong singhal sa kaniya. Sakto lang na kaming dalawa lang ang magkarinigan. “Sumusobra ka na, Markus. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Ninakaw mo na nga iyong first kiss ko tapos ito ka na naman. Namumuro ka na ah,” reklamo ko. Tumaas ang gilid ng labi niya na tila ba manghang-mangha sa nalaman. “I was your first kiss?” aniya. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan siya. Pilit ko pa ring kinakalma kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang nerbyos ko. “Kakalimutan ko ang mga ginawa mo. Huwag mo na ulit ulitin ‘yon. Sasamain ka na talaga sa ‘kin. Huwag ako, okay? Huwag mong subukan at inaayos ko ang sarili ko, ang buhay ko. Huwag kang paepal,” inis kong wika at tinalikuran na siya. “You’re still going out with that man?” Napakunot-noo naman ako. Tinutukoy niya si Adam sure ako. “Paki mo?” asik ko. “If you’re really worried that you’ll grow old unmarried…then marry me instead,” saad niya. Halos bawian ako ng hangin sa narinig at natawa. Hindi ko mapigilan ang halakhak ko sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at inilingan. “Ito naman parang tanga eh. Umayos ka nga. Hindi ganiyan ang Markus na kilala ko,” sambit ko at napailing. “Because we’re definitely not the same,” aniya. Lalo naman akong natawa. “Tumigil ka na, ano ba ang natira mo at ganiyan ka? Natatakot na ako sa ‘yo ha. Umayos ka. Huwag kang gumawa ng kwento riyan. Bakit? May sanib na Markus ba itong kausap ko ngayon?” wika ko. “No, this is the sane and real, Markus,” seryosong saad niya. Napailing na lamang ako at tinalikuran na siya. “Matutulog na ako. Matulog ka na rin. Kung ano-ano na ‘yang lumalabas sa bibig mo. Hindi ako sanay. Iisipin ko na lang na walang nangyari, okay? Tama na ‘yan,” saad ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang maramdaman ang kamay niyang nakahawak din sa kamay ko na nakahawak sa doorknob. Ramdam kong nasa likuran ko siya. Tumatama ang malamig niyang hininga sa batok ko. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang paligid ko na nag-iba ang tensyon. Napapikit ako at nilingon siya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga mata niya. Para na naman akong hinihigop. Binabaliw na naman ako ng tingin niyang iyon. “Don’t go out with him, it makes me mad,” malamig niyang sambit. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. “M-Markus…” Napapikit siya at tila ayaw niyang marinig ang pangalan niya. “Damn it!” Napapiksi naman ako sa malutong niyang mura. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko habang matamang nakatitig sa ‘kin. “Just tell me that you won’t go with him,” giit niya. Sa takot ko naman sa tingin niya ay napatango ako. “Oo na, hindi na,” sagot ko. Kita ko naman na parang kumalma siya at kaagad na hinaplos ang buhok ko. Ngumiti na siya ngayon. Lalo tuloy akong napaisip. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya ngayon? Gusto niya na nga ba ako? Bakit niya naman ako pagbabawalan na makita si Adam? “And one more thing…” “Hmm?” Hinawakan niya ang baba ko kaya napatingala ako sa kaniya. Napalunok ako nang gahibla na lamang ang layo ng labi namin sa isa’t isa. Gusto kong umiwas pero hindi ko naman kaya. “This lips are for my lips only, mine and mine alone,” aniya at hinalikan na naman niya ako ulit. Napahawak ako sa braso niya nang laliman niya iyon. Napabuka ako nang lusubin niya ang aking bibig. “Hmmm.” Hindi ko mapigilang mapaungol nang maramdaman ang dila niyang tila namamasyal sa aking bibig. Parang may kung anong kuryente na dumaan sa aking likuran. Tila gigil na gigil sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at hinalikan siya pabalik. Sinusundan ko lang ang galaw niya. Napapikit ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg tapos sa likod ng aking taenga. Kaagad na inalalayan niya ako nang mawalan ng lakas ang aking binti. Kapwa habol hininga kami nang maglayo. Nalalasahan ko pa ang mint sa bibig niya. Ramdam ko pa bawat himaymay ng aking labi ang malambot niyang labi. “That’s it for now, it’s good that you’re learning. Don’t be in a hurry, we have plenty of time to train. I’ll train you of course, just listen to your master, okay?” wika niya sa kaniyang sobrang nakakapanindig balahibong boses. Na para bang isa iyong sumpa na paulit-ulit sa utak ko at wala akong ibang choice kundi ang sundin siya. Napalunok naman ako. He leaned on and kissed my right cheek. “Good night, Lara. Wet dreams of me,” aniya at kinindatan ako saka binuksan ang pinto ng aking kuwarto. Hindi na ako nakasagot pa at pumasok na sa loob. “Don’t forget to lock your door,” paalala niya. Mabilis na ni-lock ko naman iyon at napahawak sa aking dibdib tapos sa aking labi. Mabilis na humiga ako sa aking kama at napapikit. “Putragis!” Nakagat ko ang aking labi at hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman ang kakaibang kilig na ‘to. OMG! “Ahhhhh!” Impit kong sigaw at napahawak sa aking mukha. Kinuha ko ang maliit kong salamin sa gilid at tiningnan ang aking repleksyon. Napahawak ako sa labi ko’t mamasa-masa pa iyon at halatang nahalikan dahil medyo maga pa. Napapikit ako habang nakangiti nang malapad. “Kalma ka lang, Lara. Please, kalma ka lang talandi ka. Umayos ka ha. Hindi ka dapat kinikilig ng ganito. Wala kang assurance sa kaniya. Maliban sa pinagbabawalan ka niyang makita ulit si Adam iyon na ‘yon. So, sa ngayon umayos ka muna. Hnagga’t hidi niya sinasabi ang password huwag maging tanga,” kastigo ko sa aking sarili. Ramdam ko ang pagod ng paa ko, pero kinikilig ako at ayaw pang matulog ng sistema ko. “Wait, paano ko siya haharapin bukas?” Huminga ako nang malalim. Kailangan ko talagang kumalma. Ano ka ba naman self? Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi basta ang alam ko lang nakauwi na lang si nanay ay mulat pa rin ako. Nagkunwari lang akong tulog. Kumuha na ako ng damit na pangbihis ko’t maliligo ako. Alas-nuebe na ng umaga. Ngayon ang piyesta at walang duty sa tindahan kaya okay lang na umagahin. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa ‘kin si Markus na bagong ligo at nagkakape. Mabilis na isinara ko naman ulit nag pinto at napalunok. Parang nagkarerahan na ang puso ko sa bilis. “Lara? Kumain ka na at anong oras na. Masama ang ugali mo kapag nalilipasan ka ng gutom!” saad ni nanay. Kahit kailan talaga pahamak ‘to eh. “Opo,” sagot ko at lumabas na. Hindi ko nilingon si Markus. Iniiwasan kong mag-abot ang tingin namin at naiilang ako. Bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. “Maliligo ka?” tanong ni nanay na kalalabas lang ng kusina. Natigilan naman ako at napatango. “Kumain ka na pagkatapos ha, alis na ako. Markus, kain lang kayo. Baka may oras kayo mamaya punta kayo sa bahay ni, kapitan. Maraming foods doon,” dagdag ni nanay. Tumango lamang ako at nagmamadaling pumasok ng banyo. Kinuskos ko lahat ng dapat kuskusin para magising sa katotohanan. Sinasabon ko ang mukha ko nang marinig ang mahinang katok. “Ikaw ba ‘yan, ‘nay? May nakalimutan ka ba?” usisa ko. “Nahulog ang towel mo kanina.” Natigilan ako at nanlaki ang mata. Mga damit ko nga lang ang dala ko. Sa sobrang taranta at pagmamadali ko nagkandahulog na ang mga dala ko. “Saglit lang,” saad ko at nagbanlaw ng mukha. Maingat na binuksan ko ang pinto at tanging kamay ko lang ang inilabas ko. Nilagyan naman niya ang towel sa palapulsuhan ko. Mabilis kong isinara ang pinto. “Salamat,” wika ko at nagpatuloy na sa pagligo. Nagsipilyo ako nang maayos at nang matapos ay kaagd na nagbihis. T-shirt na gray at spongebob na pajama ang suot ko. Nakabuhol din ang buhok ko sa tuwlaya. Paglabas ko ng ay medyo dismayado ako dahil wala siya. Para na akong tanga. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagsuklay. Inayos ang aking sarili at lumabas na. Pagpasok ko nga ng kusina ay nandoon siya at tila hinihintay ako. Ang gwapo niya talaga. “Kain ka na,” tipid niyang wika. Tumango naman ako at nagsandok na. Ang daming ulam. Kahit sinong kapit-bahay lang kasi ang naghahatid sa amin ng ulam. Lalo pa at pyesta. Kaya hindi na kami naghahanda pa eh. Tipid na iwas hugasin pa. Saka wala kaming maramig kakilala sa lugar na ‘to. Tahimik lang kaming kumakain at nang matapos ay hinugasan ko na ang mga plato. Ramdam kong nakasunod lang ang tingin niya sa ‘kin. Kunwari wala akong pakialam pero ang totoo ay para na akong mababaliw kakausap sa sarili ko na huwag lumingon. Nang matapos nga ay bumalik na siya sa sala. Nagpunas na rin ako ng kamay at kinuha ang cellphone ko nang sunod-sunod ang tunog nu’n, napatingin ako kay Markus na ngayon ay halos hindi ma-drawing ang mukha sa sama ng tingin sa ‘kin. Pinindot ko naman ang silent at napatingin sa messenger ko. Ang daming imbita. Mga kaibigan ko sa barangay at pinapapunta ako sa kanila. Nag-reply lang ako kay Cora nang mag-chat siya kung nasaan ako. Kaagad akong nag-reply na nandito lang sa bahay. Natatawa ako sa mga kwento niya ngayon. Paniguradong pagod na ‘tong mag-type kaya nag-chat na lang na pupunta siya rito. Tumayo na ako at akmang bubuksan ang pinto nang magsalita si Markus. “May bisita ka?” tanong niya. Kalmante ang boses pero ang mga mata niya parang nagbabanta. “S-Si Cora lang,” sagot ko. Tumango naman siya at itinuon na ulit ang pansin niya sa kaniyang cellphone. Ano na ba ang nangyayari ngayon? Bakit pakiramdam ko sobrang posssessive siya. Totoo na ba talaga ‘to? Talaga bang ayaw niyang makipagkita ako kay Adam? “Lara?” Mabilis na binuksan ko ang pinto at nakangising mukha ni Cora ang bumungad sa ‘kin. “Pasok ka,” wika ko. Tumango naman siya at kagyat na natigilan nang masilayan si Markus. “Hello Markus, nandiyan ka pala. Akala ko gumala ka kasama si Brunolabs ko,” aniya. Tiningnan lamang siya ni Markus kaya pareho kaming nagkibit-balikat ni Cora. May bago ba kaming aasahan sa kaniya? Eh wala naman kaya nilapitan na niya ako. “Girl, gala tayo. Du’n tayo kina, Jethro. Nandoon mga kaklase natin noon sa high school. Instant reunion na ‘to. Excited na akong makita sila,” aniya. “Talaga? Sige magbibihis na muna ako. Kaya pala bihis na bihis ka ha,” sambit ko. Excited ako at siyempre gusto ko rin silang makita. Bihira lang silang umuwi rito sa ‘min kaya paniguradong mahaba-habang usapan ‘to mamaya. “Ahem.” Natigilan ako at napatingin kay Markus. Busy lang naman siya sa cellphone niya kaya bahala na siya. Nagbihis na ako sa kuwarto ko. Jeans lang naman na pinaresan ko ng itim na uniqlo na damit na naukay ko. Inayos ko ring tinirintas ang mahaba kong buhok at nag-make up nang sobrang light. “Girl, pumasok na ako at para na akong papatayin sa sobrang kaba sa sala,” ani Cora. “Ha?” “Grabe namang tingin ni, Markus. Literal na kliler. Ano ba ang nangyayari? Kagabi okay naman siya ah. Ngumingiti nga paminsan-minsan eh. Tapos ngayon heto na naman siya,” aniya at naipilig pa ang kaniyang ulo. Natawa na lamang ako. “Hayaan mo na ‘yon,” sagot ko at naglagay ng lip gloss. Kaunti lang naman. Hindi nga masiyadong halata eh. Parang natural lang. “Girl, ang ganda mo ngayon ha. Bagay sa ‘yo ang ganiyang outfit-an. Kamukha mo ‘yong hollywood actress,” sambit niya. “Sino?” Nakangiti kong tanong. “Huwag mo na lang tanungin, dami pang ibas eh. Tara na,” aniya at itinulak na ako palabas ng kwarto. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Markus. “Aalis ka?” tanong niya. Tumango naman ako. “Oo, pupuntahan namin iyong kaklase namin noon. Sige, alis na kami. Kapag nababagot ka punta ka na lang du’n kay Tiyo Bob,” nagmadali kong saad at hinila na si Cora. Bahala na siya sa buhay niya. Kailangan kong magmadali bago pa siya makasagot ng kung ano pa man. Mahirap na. Hindi naman kasi pwdeng diktahan niya ang buhay ko no. Say the password muna bago pumapel ganern. “Ba’t tayo nagmamadali girl?” tanong niya. “Ewan ko rin, pero mas okay na ‘to kaysa makita ang galit na mukha ni, Markus,” sagot ko. “Korek, grabe naman kasi iyon. Ang gwapo sana kaso sobrang istrikto,” aniya at pumara na ang taysikel. Sumakay na kami at nang makaalis sy pareho kaming napahinga nang maluwag. “Alam mo nainis kamo ako kagabi,” aniya. “Bakit naman?” “Eh ‘di ba nagpapakuha ng litrato si Brunolabs ko? Girl, ang laman ng cellhpone niya puro picture mo. Ang dami pang blurred. Lintik na Markus talaga ‘yan. Panira talaga ng moment,” wika niya. “Hindi nga?” asik ko. “Tingnan mo,” aniya at ipinakita sa ’kin ang mga photo. Ako nga lahat nadoon. Mga stolen shots. Nakangiti, nakabusangot, may parang multo pa sa sobrang blurred. Mga mukha kong ewan, “Taragis talaga ‘yong Markus na ‘yon. Hindi ko alam ‘yan, grabe ang pangit ko naman diyan. Delete mo naman oh,” pakiusap ko kay Cora. “May galit yata sa ’yo girl,” mahinang saad ni Cora, “Ba’t naman siya magagalit aber?” sagot ko naman. Ngumiti naman siya at tinutukso na naman ako. “Oh, ano na naman?” asik ko. “Girl, kita ko ang mga tinginan niyo kagabi. Akala mo ba hindi ko napansin na binigyan mo siya ng siomai? Alam mo ba pagkatapos nu’n? Nu’ng hindi ka na tumingin ngumiti siya. As in iyong ngiti na sobrang ganda. Sobrang tamis,” aniya. “Exaggerated ka naman masiaydo, Ang OA na, Cora,” asik ko. “Hindi nga, ito kasi iyan. As in na para bang may pagtingin siya sa ‘yo. Pansin ko ‘yon no dahil nasa kabilang table ako. Nakikiramdam lang ako sa galawan niyong dalawa. So ano? May improvement na ba? Galaw-galaw kamo siya at mukhang mauunahan na siya ni, Adam,” saad ni Cora. “Eh paano kung ganoon na nga? Eh kaso kailangan ko naman ng assurance eh. Hindi iyong para akong nangangapa. Kunwari ganiyan nga tapos nandiyan si Adam? Siyempre sa edad kong ‘to ha , hindi naman sa nagmamadali pero pipiliin ko na iyong may assurance. Hindi naman kasi puwedeng aasa lang ako sa mga sinasabi pero walang ginagawa. Oo nga at crush ko siya, gusto ko siya pero kawawa naman ako kung sakali. Hindi naman kasi puwedeng maghintay sa kaniya nang matagal no. Gusto ko pang magkaanak,” wika ko. “Sabagay, okay rin naman kasi si Adam eh. Girl, single ka pa rin naman ‘di ba? Choice mong mamili. Date mo silang dalawa. Kung walang improvement sa isa, eh ‘di du’n ka sa isa,” aniya. “Para mo na ring sinasabi na kay Adam na ako,” saad ko Huming naman siya nang malalim. “Nangangapa nga rin ako kay, Markus kahit gusto ko lang makipagkaibigan eh, ikaw pa kaya? Pikutin mo na lang kaya,” aniya. Inis na binatukan ko nga. “Aray! Ito naman hindi na mabiro,” natatawang aniya. Inirapan ko nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD