Tahimik ang silid. Iyong klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sa putok ng baril. Nakatayo ako sa gitna ng opisina ng lolo ko, malapad ang mesa, makapal ang carpet, at sa dingding mga lumang baril, espada, at litrato ng mga Rasgild na matagal nang patay. Mga hari. Mga halimaw. At ako, ang kasalukuyang tagapagmana ng gulo. Nakatayo sa harap ko si Infernu Rasgild. Hindi siya sumisigaw. Hindi siya nagwawala. Mas delikado siya kapag tahimik. “Alam mo ba,” mababa niyang sabi, “kung ilang lalaki ang inilibing ko dahil sa desisyon nila?” Hindi ako sumagot. Hindi ko kailangang magpaliwanag. “Alam mo ba kung ilang babae ang naging dahilan ng pagbagsak ng mga hari?” Tumingin ako sa kanya nang diretso. “Hindi babae ang problema,” sagot ko. “Ang problema ay ang mga lalaking hindi maru

