Noong una, akala ko madali lang. Akala ko… Konting hilo. Konting antok. Konting arte. Mali pala. Sobrang mali. Unang buwan: shock at takot Nakaupo ako sa kama. Hawak ang pregnancy test. Nakanganga. Nakatingin. Hindi humihinga. “Psalm…” mahina kong tawag. Pumasok siya. May dalang tubig. “Oh? Bakit?” Iniabot ko ang test. Natulala siya. Ilang segundo. Ilang minuto. Tapos biglang… “Lara!” “Totoo ba ‘to?!” “Magiging tatay na ako?!” Napasigaw siya. Niyakap ako. Binuhat. Umiyak. Tumawa. Sabay. “Huy! Ibaba mo ako!” reklamo ko. “Buntis ako!” “Sorry sorry!” taranta niyang sabi. Pero sa gabi… Umiyak ako mag-isa. Takot. “Paano kung hindi ako maging mabuting ina?” “Paano kung magkamali ako?” Napansin niya. Niyakap ako. “Hindi ka nag-iisa,” sabi niya. “Nandito a

