Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe namin. Basta ang alam ko eh palayo kami nang palayo sa lahat ng nakasanayan ko. Palayo sa tindahan, sa bahay, sa barangay. Sa normal na buhay ko. Nang huminto ang sasakyan at bumukas ang gate ay napanganga na lang talaga ako. “M—Markus…” napasinghap ako, “parang… parang sa pelikula ‘to.” Malaki ang mansyon. Tahimik at Napapaligiran ng puno at mataas na pader Parang kahit sigawan mo ang buong mundo walang makakarinig. “Temporary lang ‘to,” sabi niya, kalmado pero pagod. “Mas mahirap itong tuntunin.” Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay ramdam ko na agad ang bigat ng paligid. Hindi nakakatakot. Pero seryoso. Parang lahat ng pader may sikreto. Pinasok kami ng mga tauhan niya, tahimik lang, pero mabilis kumilos. Dinala si Mama sa isang kwarto. Si C

