Maaga akong dumating sa ospital noong araw na iyon. May dala akong maliit na bag na may lamang damit niPsalm, tsinelas, at kung anu-anong binili ko sa convenience store na hindi ko rin alam kung kailangan ba talaga niya. pagbukas ko ng pinto ng kwarto, nadatnan ko siyang nakaupo na sa kama, nakabihis at nakasapatos at mukhang atat na atat nang umalis. “Grabe,” sabi ko. “parang may date ah.” Napatingin siya sa akin. “Siyempre,” sagot niya,” ikaw ang date ko eh.” “Ay wow,” sagot ko, “smooth na ulit, gumaling ka na nga.” Ngumiti siya. “Ikaw ang gamot ko.” napairap ako. “Tumigil ka nga.” Habang inaayos ko ang bag niya, may biglang kumatok na isang nurse na babae, maganda, at nakangiti. “Sir Psalm,” sabi nito, “ready na po ang discharge papers ninyo.” “Okay,” sagot ni Psalm at tina

