Nakatayo lang ako sa labas ng bahay namin. Tabimik at madlilim na rin. Parang walang nagbago. Pero ako parang hindi na ako ‘yong umalis noon. Kakaalis lang din ni Adam. Hanggang ngayon, tanaw ko pa ang likod ng sasakyan niya habang papalayo. Hindi siya lumingon. Hindi na rin ako nagtagal sa kinatatayuan ko. Pagod ako sa lahat. Huminga ako nang malalim. Isang beses. Tapos dalawang beses. Tatlong beses. Bago ko itinaas ang kamay ko para kumatok. Pero hindi na umabot dahil kusa nang bumukas ang pinto. At ang unang bumungad sa akin ay si nanay. “Lara…” Parang hindi siya makapaniwala. Parang nananaginip pa yata. Eh ako halos hindi na makpagsalita at naiiyak na. Nanlaki ang mata niya. Nanginig ang labi. At sa isang iglap ay niyakap niya ako nang mahigpit. “Anak…anak ko. Saan ka nagpun

