Tatlong araw na. Tatlong araw na walang Markus. Walang Psalm.
Walang kahit anong bakas na parang totoo ngang may nakatira rito na hindi lang nag-aayos ng kama at umiinom ng kape sa sala.
Parang multo lang siya sa buhay ko na dumaan at biglang nawala. Mas masakit pa sa multo kasi ang multo, pwede mong tawagin at dalawin. Siya, hindi ko alam kung nasaan.
Nasa tindahan ako ni tiyo at nakaupo sa bangko. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang pinupunasan ang isang bote ng suka na malinis na kanina pa.
“Girl, mauubos na ‘yung bote sa kakapunas mo,” mahinang sabi ni Cora sa tabi ko.
Hindi ako sumagot.
“Lara, kung multo ‘yan, kinakausap mo na sana.”
Napatingin ako sa kanya. Mapula rin ang mata niya. Hindi lang ako ang puyat. Hindi lang ako ang umiiyak sa gabi. Pareho kaming sabog.
“Hindi ko naman kinakausap,” mahina kong sabi. “Pinag-iisipan ko lang kung paano ako naging biktima ng isang lalaking may dalawang pangalan at baril sa buhay.”
Napabuntong-hininga si Cora.
“Sa akin naman, isang lalaking akala ko papakasalan na ako eh biglang may ‘career opportunity’ sa ibang probinsya na hindi ako kasali.”
Napatingin ako sa kanya.
“Si Bruno?”
Tumango siya.
“Text lang, girl. TEXT LANG. After lahat ng lambingan namin, after lahat ng ‘babe, future wife’ niya, text lang ang paalam.”
Umirap siya sabay punas sa mata.
“Mga lalaki talaga. Mga salot.”
Napatawa ako kahit masakit.
“Salot with abs,” dugtong ko.
“Salot with trauma,” sagot niya.
Sabay kaming napabuntong-hininga saka tumahimik saglit. Hanggang sa bigla niyang sinabi.
“Girl, sa tingin mo ba may mali sa atin?”
Napatingin ako sa bote ng suka.
“Siguro masyado tayong mabait. O masyado tayong mabilis ma-fall. O baka pangit lang talaga timing ng buhay natin.”
“Or baka malas lang tayo sa lalaki,” dagdag niya.
Tumango ako.
“Malas na malas.”
Pag-uwi namin ay pareho kaming tahimik. Magkaiba man kami ng bahay, pareho kaming may bigat sa dibdib. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nandito pa rin ang amoy niya. Parang nanunuya. Parang sinasabing hindi ka pa tapos umiyak. Humiga ako sa kama.
At doon na naman bumalik ang alaala. Ang halik niya. Ang yakap niya. Ang pangako niyang babalik siya.
“Bakit ganun…” pabulong kong sabi sa kisame.
“Kapag may konting saya na kailangan agad bawiin?”
Biglang tumunog ang phone ko.
Message from Cora.
Cora: Girl, kung hindi babalik ‘yung sa’yo, mag-aasawa na lang tayo ng isa’t isa.
Napangiti ako kahit may luha.
Me: Sige, basta ikaw ang magluluto.
Cora: Hoy! Aba’y unfair.
Me: E di ako na lang ang iiyak gabi-gabi?
Cora: Ay hindi pwede ‘yan. Sharing is caring.
Napatawa ako, iyong tahimik lang.
Pero sa gitna ng sakit eh may kaunting ginhawa. Dahil hindi ako nag-iisa.
Pero kahit gano’n sa bawat gabi ay iisa lang ang pangalan sa isip ko.
Psalm.
Hindi na Markus. Hindi na disguise.
Siya na talaga. At kahit galit ako, kahit nasaktan, kahit sinasabi ko sa sarili kong huwag na ay may isang parte sa akin na umaasa pa rin. Na babalik siya.
Na tutuparin niya ang pangako niya. At kapag bumalik siya ay hindi ko alam kung yayakapin ko siya o sasampalin muna.
Siguro pareho.
————⭐️⭐️⭐️
Umuulan ng bala sa warehouse not metaphorically. It’s real. Sumasabog ang mga kahon ng armas habang tinatamaan ng mga putok.
Amoy pulbura. Amoy dugo, at amoy takot.
“LEFT FLANK, MOVE!” sigaw ko.
Sumunod agad ang mga tao ko.
Pero hindi ako umatras. Hindi ako kailanman umatras. May dalawang lalaki ang sumugod mula sa kanan.
Isang bala sa tuhod ng una.
Isa sa leeg ng pangalawa.
Bumagsak sila na parang mga manikang pinutol ang tali. Hindi ako huminto. Hindi ako nagbilang ng patay. Hindi ko kailangang bilangin. Centuri ang umatake sa shipment ko.
Centuri ang nagdala ng gulo sa lugar ni Lara. Kaya Centuri rin ang magbabayad ngayon. Mga ulol!
“BOSS, SNIPER SA TAAS!”
Masyado nang huli. Narinig ko ang putok.
Umiwas ako thru instinct. Ramdam ko ang init ng bala sa gilid ng ulo ko. I gritted my teeth.
“s**t!”
Tinira ko ang poste kung saan siya nakapwesto. Bumigay ang bakal. Bumagsak siya kasabay ng sigaw at tunog ng nabaling buto.
Hindi ko na pinatagal. Isang bala sa ulo at tinapos ko na ang paghihirap niya. He should take it as my mercy in this life. Lumakad ako sa gitna ng putukan na parang wala lang.
May dugo sa damit ko. May dugo sa kamay ko. Hindi ko alam kung kanino. Hindi na mahalaga.
“CENTURI MEN, PUSH BACK!” sigaw ni Bruno sa comms.
“NO,” sagot ko. “CUT THEM OFF.”
May tatlong truck sa likod.May dalang armas. May dalang bala. At may dalang mensahe. Hindi sila titigil hangga’t hindi ako mapapatay.
So I made sure they understood, na hindi ako madaling patayin. Sumugod ako sa likod ng isa sa mga truck. Tinamaan ko ang driver sa ulo sa pamamagitan ng windshield.
Nag-crash ang sasakyan at sumabog ang tangke. Sumiklab naman kaagad ang apoy.
Sumigaw ang mga tao sa paligid.
Pero sa gulo, mas malinaw ang isip ko.
Ito ang mundo ko. Ito ang larangan na kinalakihan ko.
At ito ang dahilan kung bakit hindi dapat kasama si Lara rito. May lalaki ang sumugod sa akin na may kutsilyo. Sinipa ko ang tuhod niya.
Narinig ko ang pagkaputol ng buto. Bumagsak siya. Hinila ko ang buhok niya paatras at pinutok ang baril sa kaniyang bibig.
Tumalsik ang dugo sa pader. Hindi ako nanginig. Hindi rin ako nagsisi. Hindi ako ganiyan kabait. My patience is too thin para ibigay ko sa kanila. Ang nagsisisi lang ang namamatay sa mundong ‘to.
“BOSS, THEY’RE RETREATING!”
“GOOD,” sagot ko. “DON’T LET THEM.”
I must kill them all.
⸻
Ilang Oras Pagkatapos ay tahimik na ang warehouse. Pero ang sahig ay hindi na makilala sa dami ng dugo.
May mga katawan sa paligid. May mga sugatan na umuungol.
“Clean it up,” utos ko. “No survivors from the core group.”
“Copy, boss.”
Umalis ang mga tao ko para tapusin ang trabaho. Naiwan ako sa gitna. Napaupo ako sa sirang kahon at huminga nang malalim.
At doon lang bumagsak ang pagod.
Pero sa pagod hindi ang sakit ang sumasagi sa isip ko. Kundi ang mukha niya. Ang luha niya. Ang boses niyang nanginginig nang sabihin niyang…Kung aalis ka, umalis ka na.
Napapikit ako.
“Pasensya na, Lara…” mahina kong bulong.
May tumulong dugo sa sentido ko.
Hindi ko alam kung sugat ko o sa iba. Pinunasan ko iyon. Pero ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko mapunasan.
Lumapit si Bruno.
“Centuri lost three key men tonight,” sabi niya. “But this isn’t over.”
Alam ko.
Hindi kailanman natatapos ang digmaan sa isang gabi.
“May intel ka na sa mole?” tanong ko.
“Still digging.”
Tumango ako.
“Double security. I don’t want any more leaks.”
“Yes, boss.”
Tahimik sandali. Tapos bigla siyang nagsalita.
“Boss… si Lara—”
“Don’t,” putol ko.
Hindi ko kailangang marinig. Dahil kung iisipin ko pa siya baka magkamali ako. At sa mundong ‘to, ang isang pagkakamali ay katumbas ng kabaong. I can’t risk her.
⸻
Gabi na.
Sa loob ng pribadong kwarto ko sa safehouse ay nakaupo ako sa gilid ng kama. Nililinis ang baril ko. Sanay na kamay at lalong walang panginginig. Pero sa tabi ng baril ay may isang bagay na hindi bagay sa akin.
Isang simpleng hair tie Na naiwan niya sa sala isang beses. Hindi ko alam kung bakit hindi ko itinapon. Hindi ko alam kung bakit dala-dala ko pa rin. Pero tuwing pakiramdam ko magiging halimaw na lang ako iyon ang nagpapaalala sa akin.
Nagpapaalala na may isang taong gusto kong balikan.
“Centuri,” malamig kong sabi sa sarili ko.
“Tatapusin ko kayo.”
Hindi lang dahil sa negosyo.
Hindi lang dahil sa kapangyarihan.
Kundi dahil sa babaeng pinilit kong iwan para mabuhay siya. At kapag tapos na ang lahat ng ‘to hindi na ako babalik bilang halimaw.
Babalik ako bilang lalaking may karapatang humawak sa kamay niya nang hindi siya nadadamay sa dugo. Talagang malking dagok sa kalalakihan ang mga babae.
⭐️⭐️⭐️
Mali ang intel. Hindi maliit na operasyon.
Hindi simpleng ambush. Buong kampo ng Centuri ang naghihintay sa amin. At alam kong sinadya nila. Sumabog ang unang sasakyan sa unahan.
Sumunod ang pangalawa.
Nabingi ako sa lakas ng putok.
“NAPALIBUTAN TAYO!” sigaw ng isa sa mga tauhan ko sa comms.
“FORM UP!” sigaw ko pabalik habang gumugulong sa likod ng nasirang truck. Bumagsak ang bala sa bakal sa ibabaw ko.
Parang ulan ng bakal. Isa sa mga tao ko ang tinamaan sa leeg at bumagsak agad. Walang sigaw. Diretsong patay.
“SNIPERS SA RIDGE!” sigaw ni Bruno.
“TAKE THEM OUT!”
Sumagot ang mga baril namin.
Pero mas marami sila. Mas handa sila.
At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon ramdam kong mali ang laban na ‘to. Sumugod ako sa gilid, tumakbo sa pagitan ng mga puno, habang may mga balang sumisipol sa paligid ko.
May tumama sa balikat ko kaya Napamura ako. Pero hindi ako huminto. Hindi ako puwedeng huminto. May isang lalaki ang lumabas sa likod ng puno.
Tinira ko siya agad. Bumagsak siya na parang pinutol ang tali. Pero bago pa ako makalipat ng puwesto ay may sumabog sa gilid ko.
Ramdam ko ang lakas ng impact.
Parang may sumuntok sa buong katawan ko. Lumipad ako at bumagsak sa lupa. Nanginginig ang paningin ko. May dugo sa bibig ko.
At alam kong hindi lang isa ang tama ko.
“BOSS!” sigaw ni Bruno sa comms. “NASAN KA?”
Sinubukan kong sumagot. Pero walang lumabas sa bibig ko kundi hingal. Pilitan akong tumayo. Pero nang sumandal ako sa puno biglang may malamig na bakal sa noo ko.
“Game over, Rasgild.”
Boses na bata pa pero malamig at puno ng galit. Tumingin ako pataas. At doon ko siya nakita.
Ricafort Centuri.
Ang anak ni Arnolfo.
Ang lalaking pinalaki para patayin ako balang araw. Ngumiti siya. Hindi masaya. Mas parang sabik.
“Akala ni Ama, matagal ka nang patay,” sabi niya. “Pero mukhang ikaw pala ang tipo na mahirap patumbahin.”
“Sayang,” paos kong sagot. “Mukhang ikaw ang tatapos sa ’kin, hindi ang tatay mo.”
Napangisi siya.
“Oh, don’t worry. He’ll enjoy what I’m about to do.”
Tumango siya sa likod.
May dalawang lalaking lumapit.
Hinila nila ako paluhod. Sumakit ang sugat sa tagiliran ko. Ramdam ko ang mainit na dugo sa damit ko.
Pero hindi ko ipinakita.
Hindi ako puwedeng magmukhang mahina sa harap ng Centuri.
“Nasaan ang shipment mo?” tanong ni Ricafort.
Ngumiti ako kahit masakit.
“Sa impyerno.”
Bigla niya akong sinuntok. Diretso sa mukha. Lumabo ang paningin ko. Pero tumawa ako.
“Still arrogant,” sabi niya. “Typical Rasgild.”
Tumalikod siya sandali. Tapos muling humarap sa akin.
“Alam mo ba kung anong pinakamagandang balita?” tanong niya.
Hindi ako sumagot.
“Hindi lang kita papatayin,” bulong niya. “Sisiguraduhin kong mararamdaman ng lahat ng mahal mo ang pagkawala mo.”
Nanlamig ang dugo ko.
“Touch her,” malamig kong sabi, “and I’ll haunt your bloodline.”
Napatawa siya.
“Her? So may babae pala.”
Lumapit siya at yumuko sa harap ko.
“Interesting.”
Sa sandaling ‘yon ay nakalimutan ko ang sakit. Ang pagod. Ang dugo. Ang nasa isip ko lang ay si Lara.
At ang katotohanang hindi ko siya puwedeng iwan sa mundong ‘to nang mag-isa.
Kahit mamatay ako hindi puwedeng dito.
Hindi ngayon. Bigla kong sinunggaban ang baril ng lalaking nasa kanan ko.
Isang putok at diretso sa ulo saka bumagsak siya. Sinipa ko ang tuhod ng isa pa.
Sumigaw siya sa sakit.
Pero bago pa ako makabangon ay narinig ko ang putok. At ramdam ko ang tama sa tagiliran ko.
Parang nasusunog. Parang napunit ang loob ko. Bumagsak ako ulit.
“Shoot him again,” malamig na utos ni Ricafort.
May bumaril.
At biglang naging itim ang paligid ko.
⸻
Hindi ko alam kung gaano ako katagal walang malay.
Pero nang magising ako ang unang narinig ko ay boses ni Bruno.
“Boss… boss, gising ka… please—”
Malabo pa ang paningin ko. Pero ramdam ko ang pagyanig ng sasakyan.
“Don’t die on me, damn it,” nanginginig niyang sabi.
Sinubukan kong magsalita. Pero wala akong boses.
“Hold on, boss. Malapit na tayo sa safehouse. Doctor’s ready.”
Gusto kong matawa. Pero mas gusto kong huminga. Ang sakit ng buong katawan ko. Parang binugbog ng buong mundo. Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon isang pangalan ang pumasok sa isip ko.
Lara.
At doon ko naintindihan kung bakit hindi pa ako pwedeng mamatay.
⸻
Sa Safehouse ay maraming ilaw.
Maraming boses. Naririnig ko ang sigaw ng doktor.
“Internal bleeding. Prepare blood transfusion.”
“Pulse is weak!”
“Stay with us, Mr. Rasgild!”
Mr. Rasgild.
Matagal ko nang hindi narinig ang tawag na ‘yon. Parang bumabalik ako sa mundong pilit kong iniwan para sa kanya.
Biglang may humawak sa kamay ko.
Si Bruno.
“Boss,” pabulong niyang sabi, “you’re not allowed to die. Not after everything.”
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko rin balak. Pero sa sobrang pagod ay pumikit na lang ako. At bago tuluyang mawala ang ulirat ko isang mukha ang pumasok sa isip ko.
Isang boses.
Isang pangako.
Babalik ako.
At kahit hindi ko alam kung magigising pa ako bukas iyon lang ang pinanghahawakan ko.
Amoy ko pa rin ang dugo kahit malinis na ang mga kamay ko. Kahit palitan nila ang benda.
Kahit ilang beses pang sabihin ng doktor na stable na ako. Hindi nawawala ang pakiramdam na isang maling galaw lang, isang segundo ng pagkukulang, at tapos na ang lahat.
Nakaupo ako sa gilid ng kama sa safehouse. Hubad ang pang-itaas, balot ng benda ang tagiliran at balikat ko.
May mga pasa pa sa dibdib ko. Masakit kapag humihinga. Mas masakit kapag naaalala ko kung gaano ako kalapit sa kamatayan.
“Boss, kailangan mo pang magpahinga.”
Boses ni Bruno mula sa pintuan.
Hindi ako tumingin.
“Nasaan ang ulat,” malamig kong tanong.
Napabuntong-hininga siya.
“Centuri moved three shipments while we were busy keeping you alive.”
Ngumisi ako nang bahagya.
Mas masakit. Mas masarap ang galit.
“Then we take five,” sagot ko. “Sunugin mo ang ruta nila sa pier. At ‘yong warehouse sa may San Teodoro.”
“Boss—”
“Ngayon,” ulit ko, mas mababa ang boses. Mas delikado.
Tumahimik siya saka tumango.
“Already in motion.”
Tumayo siya palapit.
Tiningnan ang mga sugat ko.
“Kung pinilit mo pa ‘yon sa field, patay ka na ngayon.”
Ngumisi ako.
“Hindi pa tapos ang trabaho ko.”
Alam niyang hindi lang Centuri ang tinutukoy ko. Alam niyang may isa pang dahilan kung bakit hindi ako puwedeng mamatay ngayon.
Tahimik siya sandali bago nagsalita ulit.
“Lara called your phone.”
Nanigas ang panga ko.
“Hindi ko sinagot,” dagdag niya agad. “Wala rin signal dito.”
Huminga ako nang malalim.
Mas sumakit ang tagiliran ko.
Pero mas masakit ang ideya na nag-aalala siya. At wala akong magawa.
“Dalawang linggo na,” sabi ni Bruno. “Alam kong gusto mong bumalik. Pero alam mo ring susundan ka lang nila.”
“Alam ko,” sagot ko.
Pero hindi ibig sabihin no’n na madali.
Tumayo ako at Ramdam ko ang hilo.
“Boss—”
“Hindi ako babalik sa kanya nang ganito,” malamig kong sabi. “Hindi habang may target sa likod ko. Hindi habang buhay niya ang kapalit.”
Tahimik si Bruno. Alam niyang seryoso ako.
Lumapit siya at iniabot ang cellphone ko.
“Nag-iwan siya ng voicemail.”
Tiningnan ko ang screen.
Tatlong missed calls. Isang voice message. Hindi ko agad pinindot. Parang natatakot ako.
Hindi sa kung anong sasabihin niya.
Kundi sa kung gaano ko ka-gustong marinig ang boses niya.
Sa huli ay pinindot ko rin.
“Markus… kung nasaan ka man… sana okay ka lang. Hindi ko alam kung galit ba ako o nag-aalala. Pero… bumalik ka na, please.”
Tumigil ang hininga ko. Hindi ko namalayan na mahigpit ko nang hawak ang cellphone.
Parang may humihila sa dibdib ko.
Parang gusto kong magmura.
Sumigaw at basagin ang pader.
Pero ang lumabas lang sa bibig ko ay isang mababang bulong.
“Damn it…”
Tumalikod ako kay Bruno.
Ayokong makita niya ang mukha ko ngayon. Hindi bagay sa isang Rasgild ang ganitong klase ng kahinaan.
“Boss,” maingat niyang sabi, “hindi mo siya mapoprotektahan kung patay ka.”
“Alam ko,” sagot ko. “Kaya nga kailangan ko munang tapusin ‘to. Saka tigil-tigilan monna ‘yang bibig mo kakasabi ng patay. Baka ikaw pa ang patayin kong hayop ka,” inis kong saad.
Ngumiti lang siya. This fucker! Humarap ako sa kanya. Malamig na ulit ang mga mata ko.
“Hanapin mo si Ricafort.”
Napakunot-noo siya.
“Boss, he’s heavily guarded.”
“Good,” sagot ko. “Mas masaya.”
Tahimik siya sandali bago ngumiti nang bahagya. ‘Yong ngiting alam mong may lalabas na bangkay pagkatapos. Babawian ko ang mga hudas na ‘yon.
“I’ll prepare the men.”
Nang makalabas siya ay bumalik ako sa kama. Umupo ulit. Nakatitig sa sahig. Sa unang pagkakataon sa matagal na panahon hindi lang galit ang nararamdaman ko.
Kundi takot. Takot na baka hindi ko na siya makitang muli. Takot na baka habang nakikipagdigma ako may ibang lalaking humahawak sa kamay niya.
May ibang lalaking pinapangakuan siya ng bukas.
Napasinghap ako.
Sinuntok ko ang kama.
“Damn it, Lara…”
Hindi ko ginustong mahalin ka sa ganitong mundo. Hindi ko ginustong idamay ka sa digmaan ko. Pero nandito ka na. At kahit anong gawin ko hindi na kita kayang itaboy palayo sa isip ko.
Sa puso ko.
Sa bawat bala na iniiwasan ko.
Sa bawat laban na pinapasok ko.
Para sa’yo rin ‘to.
⸻
Ilang Oras Pagkaraan…
Nakatayo ako sa harap ng salamin.
Nakaitim na long coat. May baril sa baywang. May isa pa sa likod.
Tinitingnan ko ang sarili ko.
Hindi na si “Markus” ang nakikita ko. Si Psalm Rasgild na ulit. Ang taong kinatatakutan ng mga Centuri.
Lumapit si Bruno.
“Location confirmed. Ricafort will be there.”
Tumango ako.
“Good.”
Huminto siya sandali.
“Boss… kapag natapos ‘to—”
Bumaling ako sa kanya.
“Babalik ako sa kanya,” diretso kong sabi. “Kahit anong mangyari.”
Tumango siya. Alam niyang hindi iyon pangako lang. Hatol ‘yon Sa sarili ko. Sa mundo ko. At sa lahat ng haharang sa daan ko.