Magkadikit pa ang noo namin ni Markus.
Mainit ang hininga niya. Mainit din ang mukha ko. At kung tutuusin ready na sana akong humiling ng second round ng halik nang biglang may kumatok. Nagtinginan naman kami ni Markus. Halos hindi maiguhit ang mukha niya.
“LARA! BUKSAN MO ‘YUNG PINTO! MAY TSISMIS AKO!”
Bigla akong napahiwalay kay Markus nang marinig ang matinis na boses ni Cora. Lintik na babaeng ito!
“Istorbo,” saad ni Markus at napabusangot. Natawa na lamang ako.
Si Markus naman, parang walang emosyon, pero nakita kong napapikit siya sandali na parang nagpipigil ng mura.
“Cora…” bulong ko na parang masisiraan ng bait.
Hindi pa tapos.
“Markus? Alam kong nandiyan ka sa loob. Dali na, buksan na kasi. Yohoo! Girl!” sigaw pa ni Cora sa labas.
Mas malakas at mas walang hiya.
“Buksan mo na,” malamig na sabi ni Markus, pero halatang bad trip.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa amin si Cora na hawak ang braso ni Bruno na may dalang chips at softdrinks. May balak pa yatang mag movie night ang mga taragis.
“Patay,” sabay sabi nilang dalawa nang makita si Markus na naka-pokerface. Halatang hindi natutuwa.
Tumahimik naman sila. Mga tatlong segundo.
“Ahhh! Ang lalandi niyo,” sigaw ni Cora.
“Sabi ko na nga ba. May nangyayari na eh. May something na sa inyo.”
“Shut it,” mabilis na sabi ni Markus.
“Ako pa talaga ang pagde-deny-yan niyo ha. Wala na, nangyari na ‘yan sa ‘min ni Bruno labs ko. Ang daming segway eh. Naghalikan kayo period,” sabat ni Cora.
Sumingit si Bruno, kalmado pa rin pero halatang aliw na aliw.
“Relax lang kayo. Hindi naman namin kayo huhusgahan. Medyo huhusgahan lang. Konti. Sorry boss,” anito at ngumisi nang bahagya.
“Bakit kayo nandito?” sigaw ko sa hiya.
“Kasi,” sabi ni Cora, sabay kindat,
“nag-text ka kanina ng ‘teh kinakabahan ako’ tapos biglang seen na lang. Syempre bilang mabuting bestfriend, pumunta ako para mag-imbestiga.”
Tumuro siya kay Bruno.
“At dahil mabait ang boyfriend ko, sinamahan niya ako sa misyon.”
“Hindi misyon ‘to,” sabi ni Bruno.
“Operation Confirm Feelings ‘to.”
Napapikit ako. “Gusto ko na lang mamatay.”
Tahimik lang si Markus.
Pero ramdam kong bad trip pa rin siya. Halta sa mukha niya na gusto niyang sipain ang dalawa palabas.
“May sasabihin sana ako,” malamig niyang sabi.
“Opkors! May sasabihin ka talaga. Nakikita ko na ang future. Ang sasabihin mo’y alam ko na,” sabat ni Cora.
“Na mahal mo na sitong bestfrenny ko at magpapakasal kayo tapos magkakaanak kayo ng tatlo—“
“Cora!” sigaw ko.
“Beri wrong! Hindi pala tatlo, lima. Para isang basketball team,” sigaw pabalik ni Cora.
Napabuntong-hininga si Markus.
“Lumabas na kayo.”
“Ay grabe siya! Porket tapos na kayong maghalikan ha ganiyan na kayo,” reklamo ni Cora.
“Hindi kami—”
“Nakita namin sa bintana boss,” sabat ni Bruno kay Markus. Hindi pa matingnan dahil paniguradong masusuntok talaga ‘to mamaya.
“Kita sa mukha niya,” mahinang dagdag pa ni Bruno na ikinailing ko.
“Bruno,” wika ko.
Ngumisi lang siya.
Tumango si Markus.
“Fine! So what?”
Biglang napasigaw si Cora.
“OMG!”
Hinila na siya ni Bruno palabas. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya eh. Hindi ko siya masisisi dahil Oa talaga siya. Matagal naming pinangarap ‘to.
“Okay, okay, exit na tayo Coraling bago pa may manghampas ng tsinelas,” sabi ni Bruno.
Bago tuluyang lumabas si Cora ay sumigaw pa siya.
“LARA, BUKAS IKWENTO MO LAHAT O MAGPO-POST AKO NG STATUS NA ‘MAY NANGYAYARI SA BAHAY NI LARA!”
Nang magsara ang pinto ay tahimik na ulit ang bahay. Pero mas awkward kaysa kanina.
Nagkatinginan kami ni Markus.
“Sorry,” mahina kong sabi.
“Hindi mo kasalanan,” sagot niya.
“Pero may utang ka sa akin,” aniya at nginitian niya ako. Ibang ngiti ‘yon. May laman.
Lumunok ako. “Bukas na lang?”
Tumingin siya sa orasan at tumango. Tumikwas pa ang kilay niya at nilapitan ako. Napalunok ako at alanganing nginisihan siya.
“B-Bakit?” usisa ko.
Hinawkan niya ang mukha ko at tinitigan ako nang mariin.
“Bukas, okay?” bulong niya sa taenga ko at hinalikan ako sa pisngi saka siya dumeritso sa kwarto niya.
Naiwan naman akong tulala.
KINABUKASAN
Nagising ako na parang may exam. ‘Yung kaba na hindi mo alam kung anong subject. Paglabas ko ng kwarto ay nandoon na si Markus sa kusina at nagluluto.
NAGLULUTO?
Naka-white shirt. Medyo gusot ang buhok.
Mukha siyang normal ngayon. Hindi cold. Hindi scary, hindi mysterious. Parang boyfriend sa teleserye.
“Good morning,” sabi niya.
Napahinto ako sa paglalakad.
“Good… morning.”
Tahimik lang ako. Grabe! Naninibago talaga ako sa kaniya ngayon.
Nagprito siya ng itlog. Ako naman, nakatayo lang parang ewan.
“Gusto mo ng kape?” tanong niya.
“O-Oo.”
Inilapag niya ang tasa sa harap ko.
Umupo kami sa mesa. Tahimik ulit.
Mas awkward pa kaysa kahapon.
“Masarap ba?” tanong niya.
“Oo.”
“Mainit?”
“Oo.”
“Okay.”
Grabeng usapan naman ‘to parang job interview. Bigla niyang sinilip ang plato ko.Hindi ko pa ginagalaw ang itlog. Nagtaka siguro. Mas gusto ko kasi ang itlog niya sa ilalim, de joke lang.
“Hindi ka kumakain,” sabi niya.
“Nahihiya ako,” sagot ko.
“Kanino?”
“Sa ’yo,” mabilis kong sagot.
Tumigil siya sa pagkain saka tumingin sa akin tapos tahimik ulit.
“Hindi mo kailangang mahiya,” sabi niya.
“Ako ang dapat mahiya.”
Napakunot-noo ako. “Bakit?”
“Dahil kahapon,” sagot niya,
“sinabi ko ang nararamdaman ko pero hindi ko sinabi ang lahat.”
Huminga ako nang malalim.
“Markus, kung may problema—”
“Mayroon,” putol niya.
“Pero hindi ikaw ang problema.”
Tahimik ako.
Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Mahigpit pero maingat. Mali ba kung maramdaman kong para kaming bagong kasal ngayon? Shacks! Nanay kung nasaan ka man ngayon huwag ka munang umuwi ehe.
“Hindi kita sasaktan,” sabi niya.
“At hindi kita pababayaan.”
“Promise?” mahina kong tanong.
Tumingin siya sa akin nang diretso.
Walang biro ang mga mata. Hindi rin naman siya nagbibiro.
“Hindi ako marunong magbiro sa ganitong bagay.”
Biglang pumasok si Cora sa isip ko na sisigaw ng ‘AY KILIG PUTA’ pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Markus…” bulong ko.
Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.
Mabilis lang ‘yon Pero sapat para uminit ulit ang pisngi ko.
“Sa ngayon,” sabi niya,
“hayaan mo muna akong maging nasa tabi mo lang.”
Ngumiti ako nang mahina.
“Pwede namang sa harap.”
May bahagyang kurba ang labi niya.
“Makulit ka.”
“Matagal na.”
Akala ko tapos na ang kahihiyan ko kahapon.
Mali ako.
MALI NA MALI.
Kasi pagpasok ko pa lang sa tindahan ni Tiyo Bob nandoon na si Cora at nakaupo. Naka-krus ang braso. Nakatitig sa akin na parang may kasalanan ako sa bayan.
“Umupo ka,” malamig niyang sabi.
Napatingin ako sa paligid.
“Ha? Dito? May mga tao—”
“UMUPO. KA.”
Umupo na ako at galit talaga siya ngayon.
Para akong kriminal na hinihintay ang sentensiya. Sumandal siya pasulong, ilong sa ilong na halos.
“Simulan na natin ang imbestigasyon,” sabi niya.
“Anong oras? Anong eksaktong posisyon ng katawan? Ilang segundo ang halik?”
“Cora!” bulong ko. “Baliw ka ba?”
“Nasa public place tayo, mas masaya,” sagot niya.
Sumingit si Tiyo Bob mula sa likod.
“May promo ba ‘to o away mag-jowa?”
“TSISMIS PO ITO, TIYO,” sabay naming sagot ni Cora.
Napailing si Tiyo at umalis na lang.
“Okay,” sabi ni Cora, binuksan ang imaginary notebook niya.
“Question number one: sino ang unang lumapit?”
“Siya.”
Nagulat ako nang tumalon siya.
“Gaga ka talaga! Nag persmob ang lintik!” aniya at parang bulateng inasinan.
“Tumahimik ka nga baka akalain ng iba napaano ka!” singhal ko.
“Second question,” mabilis niyang dugtong,
“anong klaseng halik? Peck? French? Yung parang mauubusan kayo ng oxygen?”
“Cora, isa lang.”
“Isa lang?” sigaw niya.
“AY PUTA, GANYAN DIN SINABI NG LOLO AT LOLA KO BAGO SILA NAG-ANAK NG LABING-ANIM!”
Napapikit na lamang ako sa lakas ng boses niya.
“Hina ng boses mo, lakasan mo pa lalo. Huwag ka ng mahiya,” asik ko na ikinatawa niya.
“Third question,” tuloy pa rin siya,
“may hawak ba sa bewang?”
Bumalik sa balintataw ko ang mga nangyari. Napangit ako at kinikilig din naman ang tulad ko no.
“oo.”
“A GRABE! LORD JESUS THANK YOU,” sabay sign of the cross pa siya.
Napahawak ako sa mukha ko.
“Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.”
“Next,” sabi niya, mas seryoso kunwari.
“Ano sinabi niya pagkatapos?”
“Snabi niya na gusto niya ako.”
Kita kong natigilan sk Cora. Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siya tapos biglang…
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA—”
Hinila niya ako palabas ng upuan saka niyakap ako. Umiikot-ikot kami sa gitna ng tindahan.
“Likey likey ka na niya girl! Hindinka na nagdedelusyon,” tili niya at tawa nang tawa.
“Ano ba? Ito naman eh. May bibili ng toyo wait lang,” saad ko.
“Ano ka ba! Mas importante ba ang toyo kaysa lovelife mo ha?”
Sumingit si Mang Tino.
“Anong brand at ang mahal naman niyan? May discount ba?”
“FREE PO ‘YAN, SIR, PERO MAY KASAMANG TRAUMA,” sagot ni Cora.
Huminto siya sa kakatawa at biglang seryoso ulit.
“Okay,” sabi niya, hawak ang balikat ko.
“Ngayon, real talk. Ano nararamdaman mo?”
Huminga ako nang malalim.
“Natatakot. Masaya. Kinakabahan. Nalilito. Kinikilig. Lahat na.”
Tumango siya.
“Normal. Ganyan din ako nung unang beses akong hinalikan ni Bruno. Tapos nasuka ako sa kaba.”
“Romantic ka talaga grabe.”
“Salamat.”
Bigla siyang ngumiti nang maloko.
“So… kailan next?”
“Cora—”
“Joke lang,” sabi niya.
“O hindi pala. Half joke.”
Bigla siyang yumuko palapit sa akin.
“Pero bes, seryoso ramdam ko na may tinatago ‘yang si Markus.”
Napatigil ako.
“Pero,” dagdag niya agad,
“ramdam ko rin na hindi ka niya sasaktan. At kung sakaling saktan ka niya—”
“Papaluin mo?” tanong ko.
“Hindi,” seryoso niyang sagot.
“IPAPATAY KO SIYA KAY BRUNO.”
Sumingit si Bruno mula sa likod na bigla na lang pala dumating.
“Excuse me, bakit parang may meeting kayo tungkol sa pagpatay?”
“Wala, mahal,” sagot ni Cora sweetly.
“Future plans lang.”
Napatingin si Bruno sa akin.
“Laging nakangiti ang Boss P ko ngayon, hindi na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Salamat,” aniya.
“Ano ka ba?” sabat ko. “Hindi pa nga kami—”
“Hindi pa,” ulit ni Cora, nakangisi.
“Pero malapit na.”
Biglang may umubo sa may pintuan.
Lumingon kaming tatlo.
Si Markus na nakatayo. Hindi ko man lang napansin na nandoon siya. Naglakad lang siguro. Inis na inis ako dun sa bora bora niyang motor eh.
Tahimik lang siya at mukhang kanina pa.
“Tapos na ba ang press conference?” tanong niya.
Gusto ko nang mamatay sa hiya.
“Hindi pa,” sagot ni Cora.
“May follow-up interview pa mamaya sa karinderya.”
Tumingin si Markus sa akin.
May bahagyang ngiti sa mata niya.
“Umuwi ka na mamaya nang maaga,” sabi niya sa akin. “May lulutuin ako.”
Kinurot naman ako ni Cora sa tagiliran.
“Yiieee! Mag-asawa yarn?”wika niya at tinutudyo na naman ako.
Hinila na naman ako ni Cora palayo pagkatapos. Nahihiya na ako.
“Higop ng sabaw kung maaari ah. Maganda ang bloodline niyan kaya buka-buka na agad,” aniya at kinindatan ako.
“CORA!”
“Alis na kami, may trabaho pang nakabinbin eh,” saad ni Bruno habang nakangiti.
“Bye, Brunolabs ko!” ani Cora. Ang Oa talaga.
Kinagabihan…
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay halos mawalan ako ng lakas sa tuhod.
Nandoon si Adam. Nakaupo sa kaliwang sofa. Maayos ang suot, may hawak pang paper bag na mukhang may dalang prutas o kung ano mang pa-impress package.
At sa kabilang sofa ay si Markus.
Nakasandal, magkakrus ang braso, seryoso ang mukha, at ang titig parang may gustong durugin. At sa gitna nila ang nanay ko.
Nakaupo sa monoblock chair na parang nasa gitna ng hostage situation.
“Lara, anak, andiyan ka na pala,” sabi ni Nanay, pilit na ngumingiti.
“Hi, Lara,” masiglang bati ni Adam.
“Dumaan ako kasi sabi ng nanay mo—”
“Hapon,” malamig na putol ni Markus.
Nagtinginan sila ni Adam. At doon ko na-realize, putangina, nagsusukatan na sila.
“Uh… hi,” mahina kong sabi, sabay lapit kay Nanay.
“Nay, ano’ng nangyayari?”
“Eh kasi,” sabi ni Nanay, biglang tumayo,
“naalala ko may dadaanan pa pala ako sa barangay hall.”
Napatingin ako sa kanya. “Ha?”
“Babalik din ako,” mabilis niyang dagdag.
“Mag-usap muna kayo.”
At bago pa ako makareklamo eh lumabas na siya ng bahay. Iniwan niya ako. Napalunok ako letse! Grabe talaga eh. Nany ko ba talaga ‘yon? Hindi man lang naawa sa sitwasyon ko.
Tiningnan ko silang dalawa. Sobrang tahimik ng paligid. Si Adam ang unang nagsalita.
“Uh, Lara, may dala akong—”
“Pumasok ka muna sa kwarto mo,” biglang sabi ni Markus, diretso ang tingin sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Ha?”
“Magpalit ka ng damit,” dagdag niya.
“Pang-alis ‘yang suot mo.”
Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na wala siyang karapatan pero girl, okay na eh. May utang pa nga akong kiss bwesit.
Pero si Adam ay nandoon. At ayokong gumawa ng eksena.
“Kukuha lang ako ng jacket,” alanganin kong sabi.
Pumasok ako sa kwarto. Isinara ko ang pinto. At doon ay napahawak ako sa dibdib ko.
“Putangina, Lara, anong klaseng sitwasyon ‘to?” bulong ko sa sarili ko.
Nagpalit ako ng mas presentable na damit.
Sinuklay ang buhok. Huminga nang malalim. Paglabas ko ang unang bumungad sa akin ay ang dalawa nilalang na nakatayo ngayon.
Magkaharap. Magkalapit.
At kung may kutsilyo lang ang mga titig nila, baka duguan na ang sala namin.
“Ah—” mabilis kong singit. “Anong pinag-uusapan niyo?”
Si Adam ang unang lumingon sa akin.
Ngumiti. Pero may halong kaba.
“Sinabi ko kay Markus na matagal na kitang nililigawan,” sabi niya. “At gusto kitang ayain sa dinner mamaya.”
Napatingin ako kay Markus.
Hindi siya ngumiti.
Hindi rin nagbago ang ekspresyon.
“Sinabi ko rin,” malamig niyang sabi,
“na hindi magandang ideya.”
Napakunot-noo ako. “At bakit naman?”
“Dahil hindi ka niya kilala,” sagot ni Markus.
“At hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin kapag may hindi rumespeto sa’yo.”
Tahimik si Adam saglit.
Pero hindi siya umatras.
“Hindi kita inaagawan,” sabi niya kay Markus. “Pero hindi rin kita hihintayin kung wala ka namang karapatan.”
Sumikip ang dibdib ko.
“Guys,” mabilis kong sabi. “Please—”
“Lara,” sabay na tawag nila.
Napahawak ako sa noo.
“Pwede ba isa-isa lang?”
Tumingin si Markus sa akin.
Mas malamig na ngayon ang boses niya. Grabe na sa ganda eh. Lord, dalawa agad?
“Gusto mo ba siyang makasama mamaya?”
Hindi ko agad nasagot. Dahil ang totoo gusto kong tumanggi. Pero ayokong magmukhang sumusunod lang sa gusto niya.
“At kung gusto ko?” tanong ko.
May dumaan na kakaibang emosyon sa mata niya. Saglit lang. Pero nakita ko.
“Wala akong karapatang pigilan ka,” sagot niya. “Pero hindi ibig sabihin, okay lang sa akin.”
Tahimik.
Si Adam naman ay lumapit nang kaunti sa akin.
“Lara, hindi kita minamadali,” sabi niya.
“Pero gusto kong malaman mo na seryoso ako.”
Tumingin ako kay Markus.
Hindi siya nagsalita.
Pero ang titig niya ay parang nagsasabing sabihin mo lang, lalaban ako.
Huminga ako nang malalim.
“Adam, pwede ba sa ibang araw na lang?” mahina kong sabi.
“Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.”
May bakas ng pagkadismaya sa mukha niya. Pero tumango pa rin.
“Oo naman,” sabi niya.
“Intindihan ko.”
Bago siya lumabas ay tumingin siya kay Markus.
“Hindi kita kaaway,” sabi niya.
“Pero hindi rin ako aatras kung mahal ko ang isang tao.”
Umalis si Adam.
Naiwan kaming dalawa ni Markus sa sala.
Tahimik ulit ang paligid at mas mabigat.
“Hindi mo siya gusto,” bigla niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya. “At ikaw, gusto mo ba akong kontrolin?”
Hindi siya sumagot agad.
Lumapit lang siya.
Isang hakbang.
“Hindi,” mababa niyang sabi.
“Pero ayokong may lumalapit sa ’yo. Natatakot ako sa sarili ko. Ayaw kong nagsi-share, what’s mine is mine and that includes you.”
“Markus,” bulong ko, “ ano ba talaga? Naguguluhan na ako sa ‘yo. Hindi sapat ang I like you para ganitohin mo ako letse ka!”
“Alam ko,” sagot niya, “kaya nga galit ako.”
Nakatitig lang siya sa ‘kin. Parang may gustong sabihin pero hindi niya kayang sabihin.
Dahil sa totoo lang ramdam kong hindi ito basta selosan lang. May mas malalim. Mas delikado. At pakiramdam ko unti-unti na akong hinihila papasok sa mundo na hindi ko pa handang intindihin. Takot pa rin ako dahil hindi pa rin siya sigurado. Kahit pa sinabi niyang gusto niya ako pero wala pa ring assurance. Kawawa naman ako kung sakali. Anyway, ang pogi niya at bumabakat ang abs niya. Tigas siguro nu’n.
#bakatnaabs