YUAN'S POV: DAMA kong kinakabahan si Naya habang palusong kami ng dagat. Namumutla ito na napahigpit ang hawak sa kamay ko habang iginiya ko siya sa mas malalim na parte ng dagat. "Okay lang 'yan, baby. Hindi naman kita bibitawan e. Saka hindi malakas ang alon ngayon. Magtiwala ka lang sa akin at sa sarili mo," pagpapalakas ko ng loob nito. Napabuga ito ng hangin, napapikit na ilang beses huminga ng malalim na kinakalma ang sarili. Hanggang sa mas lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Unti-unti itong napangiti na ikinangiti kong nakatitig dito. "Okay na?" tanong ko. Tumango ito na ngumiti. Magkahawak kamay kaming lumangoy. Kita ko ngang hindi na siya natatakot at kinakabahan. Nagagawa na rin niyang bumitaw sa kamay ko at lumalangoy na sinusundan ko. Tinawid namin ang isl

