YUAN'S POV: INABOT kami ng tanghali ni Naya sa paliligo sa dagat. Ilang beses ding may namagitan sa aming dalawa sa loob ng kweba bago kami lumabas at bumalik na ng bahay. Nakakagutom na din kasi kami ni Naya at kita kong pagod na ito. Ilang beses ko siyang naangkin kaya nanlalata ang katawan nito at kitang inaantok na. "Sa susunod, ipapasyal kita sa bayan, baby." Wika ko habang paahon na kaming dalawa ng pampang. Nakaalalay ako dito. Hanggang nasa mababaw na kaming parte na nilakad na namin nang magkayakap. "Hwag na, baby. Ayokong mahirapan ka." Sagot nito. "Bakit naman? Dahil bulag ka, gano'n ba?" tanong ko dito na pilit ngumiti. "Ayokong maging pabigat sa'yo, Rohan. Maraming tao doon at tiyak na mahihirapan ka. Saka. . . hindi ka ba nahihiya na may akay-akay kang bulag?" wika

