NAYA'S POV: NAGISING ako na maramdaman ang pagyugyog ni nanay sa balikat ko. Napakatahimik ng paligid at dinig ko na ang mga huni ng ibon mula sa labas. "Magandang umaga, anak. Bumangon ka na at mag-agahan tayo. Hindi ka na nakakain kagabi. Tiyak na gutom na kayo ni baby," maalumanay niyang saad. Inalalayan niya pa akong makaupo. "Magandang umaga din po, Nay. Si Rohan po?" sagot ko. "Umuwi na siya kagabi e. Pero ang sabi naman niya ay dadaan siya ngayon dito," sagot nitong ikinangiti ko. Napahaplos naman ito sa ulo ko. "Masaya akong makitang nakakangiti ka na, anak. Sana ay magtuloy-tuloy na iyan." Saad nito. "Si Rohan lang po ang nakakapag pangiti sa akin ng gan'to, Nay. Napakasaya ko po. Nahanap ko siya." Sagot ko dito. "Oh, siya. Kung makakatulong naman si Yuan sa'yo ay hin

