YUAN'S POV: PARA akong tinatangay sa alapaap habang malalim kaming naghahalikan ni Naya dito sa sala! Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. Alam kong mali. Maling-mali ang aming ginagawa. Dahil una sa lahat, may asawa na ako. Pangalawa, bagong magkakilala pa lang kaming dalawa. Wala kaming relasyon pero tila puso na namin ang nagpasya! Napakapit ako sa kanyang batok na mas pinalalim ang aming halikan! Hindi naman ito bumibitaw. Dama ko sa bawat paghagod ng kanyang mga labi at pagsipsip sa labi ko ang kanyang matinding pangungulila sa yumao nitong asawa. Napabitaw ako dito nang sumagi sa isip ko ang asawa nito. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nagising ang diwa sa mapanuksong sensasyong bumabalot sa aming dalawa! Kapwa kami naghahabol hininga sa malalim at may katagalan nam

