Line III

3046 Words
“Okay, class, like what I’ve mentioned last week, I’m going to pick some of your papers from the selected questions I gave you. Ready na ba kayong malaman kung kaninong sagot ang mga napili ko?” Bahagya itong ngumiti matapos pasadahan nang mabilis ang buong classroom. Sabay tango. “Alright. I’ll read some, then.” Inilapag nito ang ilang pirasong yellow paper sa lamesang nasa gilid bago umikot patungo sa likod noon. Ang ilan sa mga kaklase ko ay pabiro pang nag-drum roll sa mga desk nila para sa suspense effect. “Kasama kaya ‘yung akin?” rinig kong bulong ni Julie, katabi ko, sa isa pang babaeng katabi naman niya. Nasulyapan ko ito sa gilid ko ngunit may ibang umagaw ng pansin ko. May nanunusok na tingin akong nararamdaman mula sa bandang likod ko. Ayoko sana itong tignan pabalik pero gusto kong malaman kung bakit ito nakatingin sa akin. Kaya nang akala kong wala na sa akin ang pansin nito ay saka ko ito lihim na sinulyapan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang linya ng tingin namin. Pagkapaling niyang patagilid sa ulo niya ay at saka niya ako nginitian, ang mga mata niya’y mas lalong lumiit dahil sa ginawa. Hindi ko alam kung ngingitian ko rin ba siyang pabalik o ano. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako nginingitian. Kaya’t bago pa man kami mapagtuunan ng pansin ng professor namin ay mabilis na lang akong nagbitiw ng tingin. “These answers are short but interesting… mini skirt, katulad ng sinabi ko.” Muling bumahid ang ngiti nito bago kumuha ng isa sa mga papel na inilapag sa lamesa kanina. Sandali nitong binasa ang nakasulat sa papel bago muling magbaling ng tingin sa klase. “This one picked the question… In appreciating a literary work, whose voice is truly articulated? at ito ang sagot niya…” Tahimik ang buong klase hanggang sa muli itong magsalita. “For me, it’s probably the reader’s voice. Because the same goes with the bible, each of us receives different messages depending on our needs and situations in life. The author, of course, has this specific message that he wanted to articulate from his literary work. But most of the time, it depends on what message or messages the readers perceived. In that sense, a reader’s voice was important and truly articulated when it comes to appreciating a literary work.” Mabagal siyang tumango, ang tingin ay sandali pang nagtagal sa hawak na yellow pad. “Quite a point… uh… Kristian?” “Yes, sir.” Narinig ko ang boses ng lalaking ngumiti sa akin kanina ngunit hindi ko siya nilingon. Kristian pala ang pangalan niya. Umalingawngaw ang mahihinang bulungan ng mga kaklase ko. “Are you a bookworm? What genre are you into?” “Fiction and non-fiction, sir. Anything accessible. Kahit balat pa ng gamot o nutrition facts, pwera sa chat convo ng mga nakakatabi ko sa jeep.” Umani ng ilang tawanan mula sa mga kaklase ko ang huli niyang sinabi. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang paglingon sa kaniya ng katabi kong si Julie, iyong nanalong Miss senior ng Senior night namin ng highschool. Ngumiti ang professor namin sabay nang kaunting tango. “Reading is a good habit to keep.” “Thanks, sir.” “Now let’s move on to another answer.” Muli itong kumuha sa ilang piraso ng papel at mabilis na pinasadahan iyon ng tingin. “Discuss if eyes were made for seeing, then beauty has its own excuse for being—and this ones answer goes like this—Most of the time, we see things as it is or as they are without having enough curiosity how that thing was manifested or come together out of nothing. That’s one example of the beauty of creation, which can be applied with different things too—the beauty or art of teaching, learning, sharing and the list goes on. Beauty should be considered as its own being if we look at it that way.” Nagbabasa pa lang ito’y nanlalaki na ang mga mata ko. Ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko’y abot hanggang tainga ko. Parang hindi yata ako makahinga. “I like her reasoning.” Ngumiti ang prof namin. “The credits go by the name, Cadence.” May iilang naglingunan sa akin nang banggitin ang pangalan ko. Nakuha ko lang ang atensyon ng lahat nang magtaas ako ng kamay, nanginginig pa yata ang palad ko. Hindi ko sila magawang tignan lahat pabalik. Sobrang lakas pa rin ng kalabog ng dibdib ko sa hiya. Pwede bang lumubog na lang sa upuan ko? Ngayon na please. Bakit ba ako nahihiya nang ganito, wala naman akong ginawang masama?! “Cadence, what a nice name. Your parents must be fond of music.” Hindi ko ginustong alalahanin ang pagkamatay ni Mommy at pag-iwan sa ‘min ni Daddy noong five pa lang ako kaya’t sinuklian ko na lang din ito ng ngiti. “So… are you into painting or sketching or any artistic venture?” Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako para magsalita sa harap ng mga mata nang bawat taong nakamasid. “No, sir. Pero nagsusulat po ako… poetry po minsan.” “Poetry… I see. Can I read one of your works?” Pagkasinghap ay namilog ang mga mata ko sa narinig. Wala pang nakakabasa ng mga sinulat ko at wala akong balak na ipabasa ‘yon sa kahit na sino. Kasi hindi naman ‘yon kasing ganda ng mga nababasa ko… puchu-puchu lang, gano’n. Baka pagtawanan lang ako ng lamang lupang makakabasa n’on. ‘Di bale na, ayoko pang mamatay sa kahihiyan. Bahagya itong natawa at nakita ko ang iilang ngiti ng mga kaklase kong nakatingin sa akin. “It’s alright kung ayaw mo. I felt the same when I was your age. I tried writing some poems too, you see. It’s alright, it’s alright… but someday, someone’s gonna appreciate your works and eventually, you’ll learn to trust yourself enough to share it to the world.” Nawala na sa akin ang atensyon ng lahat nang magbasa ulit ang prof namin ng iba pang papel. Noon lang ako nakahinga nang maluwag. Wala nang mga mata ang nakamasid sa akin… pwera sa isang taong ramdam na ramdam ko pa rin ang mga nanunusok na tingin. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko nang mag-uwian. Iniisip ko kasing baka maabutan ko ang labasan nina Aizel sa engineering building. Hindi ko naman siya lalapitan… gusto ko lang siyang makita. Kahit makita ko lang siya okay na. Siguro magiging okay na rin ako ‘pag gano’n. “Hija…” Napahinto ako nang pansinin ako ng prof namin. “Cadence, right?” “Po?” Lumapit ako nang bahagya sa desk nito para marinig nito ang ‘di kalakasan kong boses. “Have you heard about that lit writing contest? I think you should pass your own entry. Pwede ka sa Poetry category. At least give it a try, wala namang mawawala.” Bahagya siyang ngumiti at tumango sa akin bago inayos ang mga papel namin sa desk niya. Ang totoo natapos ko na ang entry na dapat ipapasa ko next week sa araw ng pasahan. Nagdadalawang-isip pa nga lang ako kung ipapasa ko ‘yon o hindi. Bukod kasi sa wala akong tiwalang makukuha ‘yon, ang isang iyon kasi ay tungkol kay Aizel. Oo, gano’n ko siya kagusto. Kulang na lang yata ipagpatayo ko siya ng rebulto. Kabaliwan ko talaga! Nandoon na ako malapit sa engineering building nang makita ko ang ilang kaklase ni Aizel na mukhang pauwi na. Ibig sabihin kanina pa siya nakaalis… hindi ko na siya naabutan. Sayang! Pareho pa naman kami ng oras ng uwian ngayon. Para ka rin talagang tanga, Cadence, ‘no? No’ng nilalapitan ka tinataboy mo. Ngayong iniiwasan ka, hinahanap mo. Baliw! “Hi, Kaydee!” Nagbuntonghininga na lang ako, umaasang maililipad ng hangin ang mga iniisip ko. “Hello?” Pagkalingon ko sa bandang gilid ko ay halos mapatalon ako sa gulat. ‘Yong… Kristian… anong… ginagawa niya rito? “Sorry, nagulat ba kita? Hindi mo kasi ako pinapansin.” Mahina siyang tumawa kaya’t lalong sumingkit ang mga mata niya. Ang pagkakaalam ko may kaklase akong half Japanese—siya yata ‘yon. Parang naaalala ko tuloy sa kaniya ‘yong bidang lalaki sa anime na paborito ko ngayon. Nakakainggit kasi ang cute niya… sana ako rin. Baka sakaling mapansin ako ni Aizel… kasi si Yna, meztisa tapos medyo singkit… siguro gano’n ‘yong mga type niya. Bakit kasi pabilog ‘tong mata ko. Mukha tuloy akong pusang gala. Ang unfair talaga ng buhay… “Anyway, I’m… Kristian,” nakahawak siya sa batok niya habang sinasabi ‘yon, parang nahihiya. Nagtataka nga ako kung bakit niya ako biglang kinakausap. Samantalang nakaka-ilang meeting na kami sa subject namin kanina pero hindi naman niya ako kalianman pinansin. Magsasalita na sana ako nang may bigla akong mapagtanto. Sinuyod ko kaagad ng tingin ang paligid. Baka kasi bigla na namang sumulpot si Kuya rito at gumawa ng eksena. “May hinahanap ka?” nagtataka niyang tanong. Umiling ako at bahagyang tumawa nang masiguradong wala si Kuya sa radar ko. “Uh… nga pala, Ca—” “Cadence. I heard your name…” Tinuro niya ang building namin kanina sa may bandang likod gamit ang hinlalaki. Matapos sapuhin ang batok ay bahagya siyang yumuko at saka ngumiti sa simentadong daan. Wala akong nasabi kaya ngumiti na lang din ako sa kawalan. Medyo awkward. Ngunit ang pagkailang ko’y agad napalitan ng taranta nang makita kong lumalabas sa engineering building si Kuya. Dali-dali akong tumalikod at iniharang ang ilang librong hawak sa gilid ng mukha ko. Tinungo ko ang likod nang ‘di kalakihang bulletin board kung saan hindi abot ang tanaw ng kapatid matapos. Para akong tanga sa ginagawa ko. Pero naisip kong mas magmumukha akong kahiya-hiya kung makikita kami ni Kuya ngayon. Baka kung ano na naman kasi ang sabihin nito kay Kristian. “Hey…” lito niya akong sinundan doon at laking luwag sa paghinga na safe nang hindi kami makikita ni Kuya. “What are you doing?” Natatawa siya ng malingunan ko. Muli na lang akong napailing at natawa rin sa sarili. Siguro iniisip niyang ang weird ko. Tama siya ro’n at alam ko naman ‘yon kaya tawanan na lang. “Ang cute mo talaga…” Pero natigilan ako sa sinabi niya. Maging siya’y ganoon din. Pareho kaming natulos sa kinatatayuan sa namayaning katahimikan matapos. Sabay napasapo siya nang nakaawang na labi gamit ang ilang daliri, bahagyang nanlaki ang maliliit na mata nang sunod kaming magkatinginan. His ears, cheeks, down to his neck is blushing now. Sinubukan kong ngumiti kahit pati ako’y parang nahihiya na rin. Hanggang sa bigla siyang nagpakawala nang alanganing tawa bago nagpatuloy. “Actually, itatanong ko lang dapat kung… uh… may balak kang magpasa ng entry sa Lit writing contest. Or maybe you have a piece ready?” Kaunti akong tumango. “Plano ko na ring magpasa pero… I don’t think I stand a chance to win.” Parehong isinagot ko sa prof namin kanina. Sumeryosong bigla ang ekspresyon niya. “Of course you do. What makes you think that?” Napakibit-balikat na lang ako. “You can’t back off. Not now na ikaw at ako ang magkasamang gagawa ng entry para sa contest na ‘yon…” “Huh?” “In-inform ako ng kakilala kong staff do’n kanina. The mechanics changed. By pair na raw… and he said na collaboration na raw ang mangyayari. Combination of two souls.” He quoted the last sentence. Rinig ko ang excitement sa boses niya pero… hindi ko mahanap ang sa akin. Paanong naging by pair ‘yon? “Okay…” sabi ko habang sinusubukang i-sink in sa isip ang sinabi niya. “Okay? You mean yes? Akala ko hindi ka papayag! Thank you so much, Kaydee! Honestly you’re the first person I come up with at hindi ko alam kung sino ‘pag hindi ikaw. Thank you talaga! This means a lot to me.” Napaawang ang mga labi ko sa reaksyon niya. Hindi ko naman… hindi ko naman sinabing—oh s**t! “So… puntahan na lang kita sa inyo this weekend ah? Ingat ka sa pag-uwi mo. Thank you talaga!” Ngumiti siya sa akin at mukhang ang saya-saya niya. Unti-unti siyang humakbang patalikod at kumaway. Habang nandoon pa rin ako sa daan at nakatanga, animong napako na sa kinatatayuan. Anong sabi niya? Ako ‘yong pair niya? Kaming dalawa ang gagawa ng entry? At pupunta siya sa bahay nitong weekend? Teka! Pupunta siya sa bahay this weekend?! “Kristian!” Patakbo na sana ako para habulin siya. Pero kanina pa siyang naglaho sa kumpulan ng mga estudyanteng nagsisilabasan sa tapat ng kinatatayuan kong building. Nasapo ko ng magkabilang palad ang ulo. Nababaliw na ba siya? Mapapahamak siya ‘pag pumunta siya sa bahay namin! Hindi pwede! Kailangan ko siyang kausapin! s**t! Umuwi ako sa bahay at naabutan ko sina Kuya pati mga kaibigan niya ro’n. Nabuhayan akong bigla sa ideyang nandoon din marahil si Aizel. Nginitian ko sila isa-isa bago ako nagtungo sa kusina kung saan posibleng nandoon ang huli. Pero katulad ng mga nagdaang araw, nadismaya lang ulit ako. Mukhang wala na siyang balak magpakita pa sa ‘kin pagkatapos ng sinabi ko. Pwede bang mag-sorry? Pwede ko bang bawiin ang nasabi ko? Pwede bang katulad na lang ulit ng dati? “Putek, Aizel! Buhay ka pa palang kulugo ka! Saang impyerno ka ba nagpunta?” Panandaliang tumalon ang puso ko sa saya pagkarinig sa pangalan niyang binanggit ni Luis. Unti-unti akong ginapangan ng kaba at excitement dahil makikita ko na siya ulit. ‘Yong pagtawa niya maririnig ko na ulit… ‘yong pagngiti niya at pananalita… Bumalik ako ng sala galing kusina nang malaki ang ngiti. “Si Ylona nga pala.” Pero kung paanong tumalon ang puso ko sa saya ay ganoon ding huminto ito pansamantala nang makita ko siya… sila. “Girlfriend mo?” tanong ni Miguel na siya ring eksaktong gusto kong malaman. Tinitigan ko si Aizel kahit alam kong hindi niya napapansin ang presensiya ko… kahit alam kong hindi siya lilingon pabalik sa akin. “Sinagot mo ‘tong kulapo na ‘to, miss?” Tinawanan lang nilang dalawa ang sinabi ni Ken. Tinawanan lang nila… ibig sabihin totoo? Ibig sabihin may girlfriend na siya? Hindi naman bago sa aking may girlfriend siya… ang bago lang dito ay ‘yong ipinapakilala niya ‘yon sa mga kabarkada nila ni Kuya. Kadalasan kasi, nakikita ko lang siyang may kung sino-sinong babaeng kasama. Hindi ko alam kung girlfriend niya o classmate lang. Pero ngayon lang nangyaring nagdala siya ng girlfriend. At sa bahay pa talaga namin! “Zel! Aga mo namang bumalik? ‘Kala ko next week pa balik mong hayop ka?” Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Kuya sa likod ko. Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Agad nanikip ang lalamunan ko nang lumingon si Aizel sa kaniya… tapos sa akin. Gusto kong umalis doon sa kahit na anong paraan—kahit magka-rupture o kahit maging abo na lang akong bigla. “Teka, si Ylona ba ‘yan?” Bakit kilala siya ni Kuya? Kasi girlfriend siya ng bestfriend ng kuya mo. Nagbalik lang ako sa reyalidad nang akbayan ako ni Kuya. “Ylona, ito kapatid ko, si Cadence.” Ito ‘yong mga panahong hindi ko alam kung ngingiti ba ako, iiyak, maglulupasay o ano. “Hello.” ‘Yong mata niya… lalong lumiit no’ng ngumiti siya… “Nahihiya lang ‘to. ‘Wag mo na lang pansinin.” Kumalas ng akbay sa akin si Kuya bago ginulo ang buhok ko. Tinitigan ko ulit si Aizel pero wala na sa akin ang atensyon niya… o hindi naman talaga napunta sa akin. Nadamay lang ako kasi nandoon ako sa dapat niyang titignan. Ito ba? Ganito ba niya ako gagantihan sa sinabi ko? Itatrato niya rin akong istranghero, gano’n? You asked for this, Cadence, remember? ‘Wag kang umarte na parang siya pa ‘yung may kasalanan. Ginusto mo ‘to. Ibig bang sabihin nito… gusto na niyang mag-move on ako sa kaniya? Dahil wala kaming pag-asa? Kaya ba ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin? Bakit sabi niya hindi niya kayang hindi ako nakakausap o nakikita man lang sa isang araw? Tapos ngayong isang linggo niya akong hindi nakita, wala lang? Akala ko ba… Ugh. Ako ang nagsabi sa kaniyang ‘wag niya akong paasahin pero ako talaga ‘tong parang tangang naghahanap ng aasahan. He’s doing me a favor… pero hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ‘yon. “Hi…” Napalingon ako sa boses ng babaeng nagsalita. Lalong nanikip ang lalamunan ko nang makita ito sa mas malapitan. Chinita, makinis at mukhang sobrang bait. Ang ganda… ‘di hamak na nagustuhan at naging girlfriend ‘to ni Aizel. “I’ve always wanted to meet you.” Inaatake ako ng insecurities ko sa bawat ngiti nito. Parang gusto kong maiyak. Bakit kailangang ipamukha ni Aizel sa ‘kin ‘to? Pwede namang ipinagpatuloy na lang niya ang hindi pagpapakita ‘di ba? Pwede namang kahit umiwas na lang siya ‘di ba? Pwede namang… hindi ba talaga niya ako pwedeng magustuhan? Pangit ba ako at uninteresting sa paningin niya? “Madalas kang ikwento sa ‘kin nina Yel. I got really excited kasi wala akong kapatid… I wanted to have a younger sister but my parents doesn’t want to conceive another child…” Tulala lang ako sa mukha nito at aware naman akong para na akong tanga. Noon pa naman talaga ‘di ba, Cadence? “Cadence? Are you ok—” “Akyat lang po ako.” Sinulyapan ko si Aizel bago ako tuluyang umakyat pero ayun pa rin siya’t walang pakialam sa presensiya ko… sa akin. Wala ba siyang sasabihing ‘Cadence, bumaba ka pagkababa mo ng gamit mo kasi marami akong kwento sa ‘yo. Na-miss kita eh.’ o kahit ‘yong, ‘Good night.’ na lang? I’m probably being over-dramatic. Pero parang pinipiga ang puso ko tuwing naiisip kong napakadali lang pala sa kaniyang balewalain ako kung gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD