Line VI

2826 Words
“Aiz—” Ilang hakbang lang ang layo niya sa akin pero hindi ko siya nalapitan. Ni hindi ko nga nagawang tawagin nang buo ang pangalan niya. Paano biglang sumulpot nang parang kabute ‘yong maganda niyang girlfriend. Napapikit ako nang mariin. Sinong bitter? Present! Aalis na lang sana ako pero may bumubulong sa aking lapitan pa rin si Aizel at tanungin kung ano ang nangyari sa kanila ni Kristian kagabi. Importante naman ‘yon ‘di ba? Hindi naman ako gumagawa lang ng excuse para makausap siya… importante namang malaman ko kung may nangyari nga… ‘di ba? Tama, Cadence. Lapitan mo na kahit mukhang naglalampungan na sila ng girlfriend niya! “Aizel.” Kapal-mukha akong lumapit sa dalawang nagtatawanan sa mga bagay na marahil ay walang kabuluhan. Ako na talaga ang ampalaya. “Hi, Cadence.” Nakangiti si Ylona sa akin pero halata ko sa porma ng mukha niyang may kaunti siyang iritasyon sa biglaan kong pagsulpot. Oo, bukod sa pagiging ampalaya, dati rin akong kabute. Nginitian ko siya nang mas plastic pa sa bati niya bago ko binalingan ng tingin si Aizel na bahagyang nakangiti pa rin. Tuwang-tuwa ah? Ganiyan ba kasarap kausap ‘tong si Ylona kaya hindi mo maalis-alis ‘yang ngisi mo? “Ano ba ‘yon, Cadence?” Nakangiti ka pa r’yang babaeng maganda ka. Hindi naman ikaw ang kakausapin ko. Aizel na ba ngayon ang pangalan mo? Muli kong nginitian si Ylona kahit ayoko na siyang plastikin. Sabay baling ko ulit kay Aizel nang may parehong ngiti at saka sinabing, “Nakauwi ba kayo ni Kristian nang maayos kagabi? Hindi ba kayo nahirapang sumakay?” Anong sinabi mo sa kaniya? Doon nawala ang ngisi niya at kahit itago ay nakikita pa rin ang hint ng iritasyon sa ekspresyon. “Sino si Kristian?” Halos masungalngal ko na ang nakangusong si Ylona. Alam kong girlfriend siya ng kulapo na ‘to pero ngayon, isa siyang dakilang epal para sa akin. Hindi ba siya makaramdam? Pusang gala. Sisipain ko na ‘to paalis dito. Konti na lang talaga. Kahit ako ‘tong nakientrada sa usapan nila, oo. “Classmate niya.” Tamad akong binalingan ni Aizel. Rinig ang sarcasm sa boses niya nang sunod itong sinabi, “Bakit hindi na lang siya ang tanungin mo? Tutal mukhang may mga importanteng bagay kayong ipinapakita sa isa’t isa in private.” Naghahamon ang tinging ipinukol niya sa akin. Kumuyom ang kamao ko at hindi ko maiwasang magkunot ng noo. “Hindi ko siya block mate,” tanging nasabi ko sa iritasyon, matapang na sinusuklian ang mga titig niya. “Uy, Cadence! Aizel! Aba, Ylona, andito ka rin? Tamang-tama pala eh. Tara sabay-sabay na tayong mag-lunch! Nasa baba na si Yel at Ken. Gutom na ‘ko! Tulinan n’yo!” entrada ni Luis kasama si Miguel na mukhang pababa na ng hagdan kung hindi lang kami nasulyapan. “Sama n’yo na lang si Cadence. Ihahatid ko pa si Ylona. Do’n na lang kami magla-lunch sa bahay.” Nakita ko kung paanong nangislap ang mga mata ni Ylona sa sinabi ni Aizel. Nagawa pa nga niyang kapitan sa braso ang huli dahil sa sobrang kaligayahan niya. Iyong kulapo naman ay animong nakapinta na ang ngisi sa mukha. Mas lalong kumuyom ang kamao ko at may kung ano sa aking naghihimagsik. Mga lapastangan! Wala man lang respeto sa nararamdaman ko! “Huh? Sumabay na kayo sa ‘min! Kayo na nga magkasama buong araw eh. ‘Di ba kayo nagkakasawaan? Kulang na lang magpalit kayo ng mukha ah? Anak naman ng tokwa. Ano? Tara na!” hinaing nang mukhang gutom nang si Miguel. “Bahala na kayo r’yan, ang lalaki n’yo na. Basta aalis na kami ni Ylona. Ge!” Matapos pabirong magsapakan ay hinayaan na rin nilang umalis ang dalawa. Tanging si Ylona ang lumingon sa akin para mag-wave, samantalang si Aizel ay parang wala man lang pakialam. Gano’n? Mas gusto na niyang kasama si Ylona kaysa sa mga kabarkada niya? Sabay pa kamo kayong magla-lunch? Saan? Sa bahay nila o sa bahay ninyo? Malamang kilala na siya nina Tito at Tita… malamang din gustong-gusto nila siya. Kasi maganda siya ‘di ba? Tapos masarap pang kasama… sino bang tao ang hindi siya magugustuhan? Legal na legal silang dalawa ah. Kabaliktaran nitong ilegal na nararamdaman ko. Ugh. I hate feeling this way. ‘Yong puso ko, parang pinipiga… Alam ko naman na hindi ako gusto ni Aizel eh. Alam ko naman na wala talaga siyang pakialam sa akin kung ‘di dahil kay Kuya. ‘Yong paghatid niya sa ‘kin? Pagbabantay? Pagiging protective? Lahat nang ‘yon walang ibang ibig sabihin… Paano ba patayin ang damdamin para sa isang tao? Nagmartsa ako pababa ng building nang hindi pinapansin ang bawat pagtawag sa akin nina Miguel. Nadaanan ko rin sina Kuya pero hindi ko rin sila pinansin. Lunch palang pero umuwi na siya para lang makasama ang girlfriend niya. Mukhang gustong-gusto niya si Ylona… anong panama ko ro’n? Sabay kaming umuwi nina Kuya nang mag-uwian. Buti at nag-cancel ng klase ang isa kong prof kaya halos sabay ang uwian namin. Malilibre ako sa pamasahe. “Sa ‘kin ka na sumakay, Cadence. May sasabay yatang chicks d’yan sa kuya mo eh.” Nakangising bumaling si Luis kay Kuya’ng sandaling natigilan. “Asa kang paaangkasin ko sa ‘yo ‘tong kapatid ko!” Inabot sa ‘kin ni Kuya ang helmet matapos niyang makasakay sa motor. “Oo nga, Yel. Nasa’n ‘yung chicks mo? ‘Kala ko hahatid mo ‘yon?” si Ken habang pinapagana ang sarili niyang motor. “Wala ‘yung kupal na si Aizel. Hindi naman kayo katiwa-tiwala para ipagkaubaya ko ‘tong kapatid ko!” Nagseniyas si Kuya sa akin para umangkas na sa motor niya. “Sobra ka, brad!” Tumawa si Miguel sa isang gilid. “Ang babait kaya namin. ‘Di ba ‘no, Cadence?” Si Aizel ang nasa isip ko habang tinatanaw ang daan. Naaalala ko ‘pag hinahatid at sinusundo niya ako galing sa school o kahit nasaang lupalop pa ako ng mundong ibabaw. Basta sinabi ni Kuya, on the go agad siya… Siguro nga dahil lang talaga kay Kuya kaya siya nao-obligang gawin ‘yon. Siguro nga nasanay na lang siyang tignan ako bilang isang responsibilidad. Parang bata na kargo. Nasa bahay silang lahat nang gabing ‘yon. Natuwa ako nang bahagya dahil nagpunta si Aizel kahit pa inis ako sa kaniya. Kaya lang kasama na naman niya ‘yong girlfriend niya kaya… ‘di bale na lang pala. Hindi na pala ako natutuwa. “Ang dami kasing inuwi nina Mommy’ng seafood. Eh hindi naman ako mahilig sa gano’n ‘di ba? So here, dinalan ko kayo ng talaba ‘tsaka… what’s this nga ulit, Aizel?” “Sugpo po, Ylongna!” Ngumuso si Ylona kay Aizel. “I hate you! Why do you keep on calling me that?! Kainis ka!” Tumawa lang si Aizel nang hampasin siya sa braso nito. Mas lalo namang napangiti ang huli habang nagpapalitan sila ng tingin. Cute ‘no? Sarap pag-untugin. “Bakit sina Yel lang meron? Bakit kami wala?” angal ni Miguel mula sa sala. “Ganiyan tayo eh,” gatong ni Ken na tinawanan lang ng busy sa paglalarong si Luis. “Aba syempre malakas ako kay Ylona!” asar ni Kuya. “Cadence, tara, try mo ‘tong talaba nang hindi ka inosente.” “Oo nga, Cadence! Try mo, masarap siya.” Ngumiti si Ylona sa akin habang tinitignan lang ako ni Aizel maglakad patungo sa kusina kung nasaan sila. Nilapitan ko ang pinagkakaguluhan nilang talaba at kumunot ang noo ko. “Pagkain ba ‘yan?” biglaan kong nasabi. Natawa si Ylona. “Aba malamang! ‘Wag ka nang umarte, masarap naman!” Napangiwi ako nang sumubo n’on si Kuya. “Bakit, ayaw mo ba? Si Ylona nga hindi mahilig sa seafood pero nagustuhan ‘yan.” Halos kumibot pataas ang kilay ko sa sinabi ni Aizel. Letse, bakit may pagkukumpara? “Okay?” Halos hindi ko maitago ang iritasyon sa boses ko. At iyon ang ugat kung bakit hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa sakit ng tiyan ko. Sino ba kasing nagsabi sa ‘yong magpabibo ka sa harap nina Aizel para kainin ‘yong isang malaking mangkok ng talaba? Ang tanga lang, Cadence! Ang tanga-tanga lang talaga. “Nagluto na ako ng breakfast at lunch mo. Bumaba ka na lang ‘pag nagutom ka. Andun din ‘yung gamot ‘pag ‘di mo na kaya. Uwi ako nang maaga mamaya. Ano bang gusto mong pasalubong?” “Pasalubong? Kuya, naman eh! Para naman akong bata n’yan…” angal ko kahit nakapikit. “Ano? Male-late na ako. Wala ba?” Paalis na si Kuya sa kwarto ko nang magsalita ako. “Kuya! Joke lang. Uwian mo ako ng pepero… yung nude. Hehe.” Yamot na bumuntonghininga si Kuya bago tuluyang isinara ang pintuan ng kwarto ko. Itutuloy ko na sana ang paudlot-udlot kong tulog nang bigla na namang magpapansin ang tiyan ko. “Aray! Ayoko na, ayoko na po!” Para akong hinihigupan ng lakas habang tumatayo para magtungo sa banyo. Pusang galang talaba ‘yon! Hindi na ako uulit! Tae! Ay ayan na! Putek. Uminom na ako ng gamot nang hindi ko na makayanan. Medyo dumalang ang pagsakit ng tiyan ko lalo na nang kumain ako nang halos isang piling ng saging. Oo, halos isang piling. Ewan ko na lang kung ‘di pa mabuo ‘yong tsokolateng lusaw sa loob sa bituka ko. Tatag n’on kung sakali. Nakahilata lang ako maghapon doon sa sala. Kain, nood TV, kain, tulog, kain, nood ulit. Parang patabaing baboy lang bago katayin. Naisip ko lang… alam kaya ni Aizel na hindi ako nakapasok ngayon? Dadalawin kaya niya ako? Gaga. Lbm lang ‘yan, hindi cancer! Asa kang may pakialam ‘yon? ‘Di ba nga mas masayang kasama si Ylona? Bakit ka pa niya pupuntahan? Sinasaktan mo na naman sarili mong bruha ka. Sabi ko nga. Bumukas bigla ang main door. Ayan na ang pepero ko! Bumangon ako agad mula sa pagkakahiga sa sofa. “Kuya!” “Hi, Kaydee! How are you feeling?” Pero halos malaglag-laglag ako mula sa sofa’ng kinauupuan pagkakita kay Kris. Nahagod ko kaagad ng tingin ang sarili ko at… takte! Ni hindi pa nga pala ako nakakaligo! Putek! “Anong ginagawa mo rito?” Sa pagkataranta ko’y hindi ko malaman kung tatayo ba ako, kakaripas ng takbo o magpapalamon na lang sa lapag. “Aray!” “Hey! Watch out! Ano, okay ka lang?” Nalayuan ko kaagad ang tumulong sa aking tumayo mula sa pagkakasalampak sa lapag na si Kris. Namimilog ang mga mata kong tinignan siya habang sinusukat ang distansiya naming dalawa. Alanganin itong ngumiti sa akin. “You’re weird when you’re sick…” “’Di ka pa naliligo, ano?” bulong ni Kuya nang madaanan ako. Humagikgik ito nang hampasin ko sa braso bago ako magdiretso sa taas. “Hi, Cadence!” Nakipag-apir sa akin si Luis habang nagsisipasok silang mga kabarkada ni Kuya sa bahay. Halos maestatwa ako ro’n sa kinatatayuan ko. Mukha akong pulubi! Anak naman ng tokwa o! Teka, baka nand’yan si Aizel! s**t! “Saglit lang!” Nagkakandarapa akong tumakbo sa taas nang hindi man lang inintay ang sasabihin dapat ni Kris. Hiyang-hiya akong nagbabalik sa baba matapos kong makaligo. Ni hindi ako nakapagsuklay ng buhok buong maghapon… nakakainis! Mukha siguro akong paraura kanina. Argh. Nagdiretso ako sa kusina nang hindi lumilingon sa mga taong nasa sala. Nakakahiya talaga, letse. “I assume you asked for this.” Halos mabilaukan ako nang may ligaw na boses akong narinig sa likuran ko. Nilingon ko siya ng, “Huh?” Iminuwestra niya sa akin ang isang paper bag na standard size. “Here.” Nagtataka kong iniuwang ang paper bag matapos itong tanggapin. Literal na nanlaki ang mga mata kong nagpabalik-balik doon at kay Kristian. Nginitian niya ako sabay sabing, “Pasalubong.” “Ha? Seryoso ka?” Natatawa niya akong tinanguan. “Yup, Kaydee. Bakit, hindi mo ba nagustuhan? Ang sabi ng kuya mo gusto mo ng pasalubong? Pepero nude, tama ba?” “I-Ito nga… kaso… ang…” Ang dami! Isang paper bag ng pepero? Seriously? Halos twenty box ‘to ah? O hindi lang siguro! ‘Di ako maka-get over! Galing ba siya ng Japan? “Kaso?” Walang ideyang ngumiti pa rin si Kris. “Ano ‘yan?” Sabay kaming napalingon sa nagsalitang… si Aizel? Shit! Nandito siya? Bakit? Dinadalaw ba niya ako? Pasyente ka? “Snacks.” Nakangiting sumulyap sa akin si Kris bago pinagmasdan ang lumalapit nang si Aizel. “Uy pepero!” Silip ng huli sa paper bag. “Penge ah?” Hindi pa man nakakapagsalita si Kris ay kumuha na kaagad si Aizel. “Sure,” kibit-balikat na lang ni Kris. Walang thank you ni ngiting isinukli si Aizel sa huli nang tinalikuran kami. Gano’n lang sabay alis ulit para bumalik sa sala. Nasundan ko talaga ito ng tingin. “How are you feeling, Kaydee? Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang tiyan mo? How did you manage being alone here?” Napigtal lang ang atensyon ko kay Aizel nang marinig ko ang malumanay na boses ni Kris. Nilingon ko siya. “Uh… mnn! Oo, okay na ako. Medyo delikado pala ‘yung talaba ‘no? Natuto na ‘ko, ‘di na ‘ko uulit.” Alanganin akong tumawa habang hawak ang tiyan ko. Napalakas yata ang tawa ni Kris kaya medyo natahimik silang lahat sa sala. Nalingunan ko ang sumilip sa aming si Kuya pati na ang nasa tabi nitong si Aizel. Ang mabibigat nitong mga mata’y mariing nakatitig sa akin habang nakahalukipkip at nakasandal sa dingding, sa pagitan ng sala at kusina. Akala ko bumalik na ‘to sa sala? Nand’yan lang ba ‘to magmula pa kanina? Ginapangan na naman ako ng kaba. “Kris! Tara b-ball! Nag-aaya ‘yung mga kupal!” Nagdiretso si Kuya sa ref para kumuha ng isang bote ng gatorade bago binalingan ulit si Kris. “Tara. Medyo kailangan ko ng stretching. Kaydee, you coming? Gusto mo ba kong panooring maglaro? I mean, kami?” Sumulyap siya sa kuya kong bahagyang nagtaas ng kilay sa sinabi niya. “I don’t think so. Baka magkalat pa ‘yan sa court. Wala pa namang CR do’n!” Tinapik ako sa ulo ni Kuya pero tinampal ko lang iyon palayo. “Sayang naman. Let’s go.” Nilingon ako ng ngiti ni Kris bago sumama kay Kuya pabalik sa sala. Sumunod ako sa kanilang hawak pa rin ang paper bag na puno ng pepero. Si Aizel ay naiwang nakatayo sa parehong lugar. Buong sandali kong nararamdaman ang mga mata niya sa akin kaya’t kung ano na lang ang kabog ng dibdib ko, lalo na nang madaanan ko siya. “Ano, game?” tanong ng busy sa pag-tap ng phone na si Luis. “Tara, medyo ganado ako ngayong isupalpal si Ken!” Nag-stretching si Miguel. Sinapak lang ito nang tumayong si Ken. “Zel!” tawag ni Kuya kay Aizel na hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan niya kanina pa. “Wala ako sa mood maglaro ngayon, pre. Kayo na lang. Pagabi na rin, ako na lang magluluto kung gusto mong makakain tayong lahat nang maayos na pagkain.” Nagkatinginan kami ni Aizel nang nilingon ko siya. Anong ibig niyang sabihin? Nilalait ba niya ang cooking skills ko? At teka… teka! Magpapaiwan siya? Aba teka lang talaga! “Okay!” payag agad ni Kuya. Nagsilabasan na sila pero naiwang nakatayo sa maindoor si Kris. Nakatingin lang ito kay Aizel. Nang lingunin ko naman ang huli ay nakatingin lang din siya kay Kris. Adik lang ba ako sa anime o parang nabi-visualize ko ‘yong kidlat sa pagitan ng mga mata nila? “Kris! ‘Lika na!” boses ni Luis. Noon lang sila nagbitiw ng tingin. Nilingon ako kaagad ni Kris at nginitian. “I’ll be back.” Napatango na lang ako’t bahagyang napangiti pabalik dito bago nito tuluyang isinarado ang pinto. “Snacks?” Bahagya akong napaigtad sa gulat sa boses ni Aizel. Naabutan ko ang matalim niyang tingin sa isang box ng pepero sa minitable sa sala. “Snacks!” puno ng sarkasmo niyang ulit, para bang may galit do’n sa box o ano. “Snacks.” Nanliit ang lito kong tinig nang pasadahan ko ng tingin ang kawawang box ng pepero sa table. Galit ba siya? “Snacks?” Hindi ko malaman kung lito ba o gigil ang bakas sa boses niya. Snacks! Nakailang banggit na ba kami nito? Ano bang mayro’n do’n?! “May problema ba sa—” “Nanliligaw na ba sa ‘yo ‘yung kulugo na ‘yon? Isang paper bag ng pepero? Seryoso ba siya? Ano, ipupurga ka ng pepero? Naubusan ba ng laman ang grocery store?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD