Rage THE REASON why I failed to meet Calista on December 24 was because of my father. Papauwi na ako noon galing sa opisina ko para pumunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Calista para kahit papaano ay ma-celebrate namin ang Pasko nang magkasama. Everything was going smoothly until a group of men blocked my way. Bumaba ako sa kotse ko upang harapin ang mga lalaki na nakaharang sa daraanan ko. Noong una, ang plano ko lang naman ay makipag-usap nang maayos hanggang sa makita ko ang pamilyar na kotse ng aking ama. “Get him.” Mabilis na lumapit sa akin ang dalawang lalaki. Nanlaban ako sa kanila at nakawala ako. Subalit nang atakihin ako ng isang lalaki mula sa likod at may iturok na sa akin, nanghina ako. Napaluhod ako at kahit anong pagtatangka kong tumayo, hindi ko magawang maka

