Calista BANTAY-SARADO kaming dalawa ni Rage. Hindi kami hinahayaang na magkita o makapag-usap man lang. I tried to reason out with my mother, na wala namang mali sa relasyon namin ni Rage. Hindi kami magkadugo. Ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon, bubuhos ang luha ni Mama at iiyakan ako. “Hindi mo naiintindihan,” sabi niya sa akin and she will storm out of my room. Paano ko maiintindihan kung hindi nila sinasabi sa akin o pinapaliwanag? Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ako. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Rage. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam paano. Even our phones got confiscated. Pinalitan nina Mama ito ng bago at numero lang nila ang naroroon. Hindi ko alam kung ano bagong number ni Rage. Nang tangkain kong takutin si Mama na babalik na lang ako ng Manila, she

