[Pamela] NGAYON lang niya napansin na nanginginig na pala siya sa takot. Hindi niya talaga gusto ang tingin ni Alden sa kanya. Nakakatakot ito! Saka bakit ba nangungulit ito sa kanya ngayon? Tanda pa niya na ito ang una na bumitiw sa kanila. Hindi rin siya nito tinulungan upang hindi matuloy ang kasal. Nagloko din ito sa kanya at si Lira. Mabuti nalang talaga at hindi natuloy ang kasal nila dahil hindi naman pala ito tapat katulad ng inaakala niya. Habang nag-aabang ng taxi ay may huminto na sasakyan sa tapat niya. Nakangiti na mukha ni Zoren ang bumungad sa kanya ng ibaba nito ang salamin. "Pamela, sabay ka na." Agad na umiling siya. "Naku hindi na, Doc. Baka maka-abala lang ako sayo." Base sa suot nito ay mukhang papasok palang ito sa trabaho. Gumuhit ang simpatikong ngiti sa muk

