[Pamela] HINDI maalis ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob para supresahin ang asawa. Lalong lumaki ang ngiti niya ng makita ito na seryoso habang may kausap sa telepono. "Stop threatening me, bastard! Kahit anong sabihin at gawin mo, isa ka parin talunan." Nawala ang ngiti niya. Halata na mainit ang ulo nito kaya isinara nalang niya uli pinto at hindi na muna pumasok. Bumilang siya ng sampong minuto bago kumatok. "Come in!" Itinaas niya ang kamay at binati ito. "Hi, busy ka?" Hindi ito kumibo. Tumingin lang ito sa kanya na walang bakas ng emosyon ang mukha. Napalunok siya. Bakit parang galit ito? Hindi man lang siya nito nginingitian ng katulad ng ginagawa nito. Kahit ang yakapin siya ay wala din. Pinagdikit niya ang labi. Nanatili siyang nakatayo at hind

