Habang pumapasok si Jasper sa loob ng shop ni Florencia.
Tahimik ang buong paligid. Tanging ang ilaw lang na nagmumula sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob ng shop. Hinugot niya ang baril na kinuha kanina sa taguan habang hinihintay ang dalaga. Alertong iniumang niya ang baril habang sa isang kamay ay hawak ang isang maliit na flashlight. Nilibot niya ang loob ng shop hanggang marating niya ang dahilan nang pagtunog niyon. Nakaawang ang back door. Naningkit ang mga mata niya nang mapansin ang lock ng pinto. Sa unang tingin ay kita kaagad na pinilit alisin ang pagkaka-lock ng pinto gamit ang isang matigas at matulis na bagay.
Ang tanong ay sino ang gagawa noon? At ano ang pakay niya?
Ininspeksyon niya ang pinto. Kung titingnang mabuti ay makikita kaagad ang sirang lock mula sa loob. Dumagdag pa sa pagtataka niya nang makita ang bakas sa sahig. May mga lupa. Ngunit ang higit na nakapagpaisip sa kaniya ay nang mapansing ang bakas ay hindi papasok kundi papalabas. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng bakas at ganoon na lang ang gulat niya sa nakita. Nakatumba ang mga paso. Nakakalat ang mga lupa sa sahig katabi ng mga bulaklak.
Napalunok siya. Mukhang may ideya na siya sa nangyayari.
Mabilis niyang tinalikuran iyon at binuksan ang pinto. Lumabas siya at sumalubong sa kaniya ang tahimik na paligid. Sa kanang bahagi ay naroon ang mga paso at mga plant stand habang sa kabila ay ang daan patungo sa hardin nito. Ang bahagi kung saan nakakonekta rin sa hardin ni Florencia na nasa likod bahay naman nito.
Kasabay nang pagkabog ng dibdib niya ay nagmamadali siyang tumakbo palabas ng shop para balikan ang dalaga.
*****
Hindi mapakali si Florence na naghihintay sa harap ng bahay niya. Ilang beses niyang tinangkang sundan si Jasper pero mamaya ay nauudlot din. Bumuga siya ng hangin at pinagkuskos ang dalawang palad upang alisin ang panlalamig na nadarama. Hindi niya mapigilang humabi ng kung ano-ano sa utak. Natatakot siyang baka may mangyaring masama kay Jasper o kung hindi naman ay baka may kung anong abutan ito sa loob.
Binalingan niya muli ang shop at kung kailan buo na ang desisyon niyang sundan ito ay siya namang paglabas nito. Lumingon-lingon ito sa paligid bago malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Wala pa siyang nasasabi ay mabilis nitong hinuli ang kamay niya.
“Did you go somewhere?” tanong kaagad nito sa nag-aalalang tinig.
Umiling-iling siya. “Sabi mo dito lang ako.”
“Good,” wala sa loob na anito habang lumilikot ang mga mata.
“May nakita ka ba? Anong meron sa loob?”
Sinulyapan siya nito. Ang kaninang alertong mga mata ay nagbago. Lumambot din ang awra nito. At kahit wala itong sabihin ay batid niyang may hindi magandang nangyari.
“Jasper…”
“Did you call the police?” he asked instead of answering his question.
“Yes.”
Tumango ito at walang salitang tinalikuran siya. Sumunod siya dito nang pumasok ito ng bahay niya.
“Ano bang nangyayari, Jasper? Ano bang nakita mo sa loob?” pangungulit niya sa pananahimik nito at kung hindi nito sasabihin ay siya ang babalik sa shop para alamin ang lahat.
“Mess…”
“What kind of mess?”
Hindi ito nagsalita at sa halip ay tinungo ang backdoor. Binuksan nito iyon at lumabas. Sumalubong sa kanila ang malamig na simoy ng hangin at mabangong amoy ng mga bulaklak.
“Jasp—“
“Nakakonekta ba itong garden na ito sa garden mo sa shop?” putol nito sa mga sasabihin niya.
Nakakahalata na siyang hindi nito gaanong pinapansin ang mga tanong niya. Gayunman ay sinagot niya ang tanong nito. “Sort of, pero may gate akong ipinilagay para kahit papaano ay may privacy pa rin ako dito sa bahay.”
Tumango-tango ito at naglakad-lakad. Hindi na niya kailangang magtanong kung anong ginagawa nito. Halata namang minamatiyagan nito ang paligid. Sa ginagawa nito ay mas lalo siyang kinakabahan. Hindi nakakatulong ang pananahimik nito para mapalagay siya.
“Jasper, uulitin ko, anong nangyari sa loob ng shop ko?” seryoso na niyang tanong.
“Mamaya ko na sa—“
“It’s my shop kaya siguro may karapatan akong malaman kung anong nangyayari,” kalmado pero mariin niyang pahayag. Ayaw niyang magpadala sa takot pero hindi niya kaya. Mahalaga sa kaniya ang shop na iyon at hindi siya makakapayag na kung ano na lang ang mangyari dito.
Sinulyapan siya nito pero wala itong sinabi. She knew by his look that he cared for her, but it’s not helping that he’s keeping her in the dark.
“Kung hindi mo sasabihin sa akin ay ako ang babalik doon para alamin ang lahat,” mariin niyang wika sabay talikod. Ngunit hindi pa siya nakakailang hakbang ay nahuli na nito ang pulsuhan niya.
Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at iniharap siya nito sa kaniya. Sinalubong ni Florencia ang seryosong mga mata ni Jasper. “Wait, Florencia.”
“No. Ayaw mong sabihin kaya ako ang aalam,” may riing saad niya habang diretsang nakatingin dito.
Nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga. “Fine. Pinasok ang shop mo,” mahinang wika nito, halatang-halata sa tinig nito na napipilitan laang.
“What do you mean pinasok? I mean, bakit papasukin?” Alam niyang may nangyaring hindi maganda at inaasahan niya ng pagkatapos marinig ang alarm kanina ay hindi malayong may nagtangka ngang pasukin ang shop pero hindi niya mapigilan ang hindi mag-alala nang kumpirmahin nito ang bagay na iyon.
“I don’t know pero nakatumba ang mga paso at halaman mo. It seems that whoever got inside, it’s looking for something.”
“Looking for something?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes.”
“Anong hahanapin nila sa shop ko? Mga bulaklak at halaman lang ang nandoon. Kung pera naman… impossible…” Marahas siyang napailing bago wala sa loob na naisuklay ang daliri sa buhok. Ayaw niyang maniwala lalo pa at kahit malaki na ang flower shop niya ay hindi naman iyon kaprestihiyoso na gaya ng iba. Sapat lang ang kinikita ng shop niya.
“Aalamin natin lahat iyan. For now, stay inside.” Nagsimula siyang igaya nito papasok ng bahay. “Hihintayin natin ang mga pulis at aalamin kung anong dahilan ng lahat.”
“Can I go there?” nakikiusap niyang tanong.
“Sorry, babe. But you can’t.”
Bagsak ang balikat na nagbaba siya ng tingin. She badly wanted to go there. Ngunit mas naging matimbang ang makinig kay Jasper. For now, he knew better. Tiningala niya ito. “Pupuntahan ko muna ang mga bata para i-check sila. Tatawagan ko na rin sina Ches. Nag-aalala na ako.”
Mas lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. “Calm down, babe. Magiging maayos din ang lahat.”
Ngumiti siya. “Thank you.”
“For you, Florencia. Now go. I’ll check the vicinity while waiting for the police.”
“Kung ganoon, tingin ko ay kakailanganin mo ito,” saad niya sabay lahad dito ng isa pang susi. “Susi ito ng gate.”
Nakangiting inabot nito iyon. “Thanks, babe.”
“No, Jasper. Thank you for being here for a time like this.”
He didn’t say anything. He just keeps on staring at her, but she read something from his eyes. It felt like he wanted to say something pero hindi nito masabi.
“Papasok na ako sa loob, Jasper,” untag niya dito.
“Yeah, babe.”
Napilitan siyang tumango at pumasok sa loob ng bahay para silipin ang mga batang hanggang ngayon ay nahihimbing pa rin. Puro tanong ang isip niya pero kailangan niyang maging kalmado. Hindi makakatulong kung mag-aalala siya. Sa ngayon, ipinagpapasalamat na lang niyang naroroon si Jasper. Nang bahagyang lumuwag na ang dibdib ay tinawagan muli ang kapatid at bayaw ngunit gaya kanina ay walang sumasagot.
*****