Masayang tinititigan ni Florence sina Jasper at ang kambal. Nasa garden na sila pagkatapos magprisinta ng mga itong tutulong sa kaniya sa paglilipat ng mga halaman sa paso. May isang oras na rin mula nang makakain sila pero pakiramdam niya ay busog na busog siya. Literal na nabusog siya lalo pa’t napasarap siya ng kain ng tinapay na nilagyan ni Jasper ng butter cream garlic. Nabusog din siya sa tawanan at kwentuhan na hatid nito. Panay halakhak ang kambal sa mga ikinikwento nitong karanasan sa training. He even showed some pictures kung saan para itong panda pagkatapos gumapang sa putikan.
Nakatapos na rin silang maglipat ng mga halaman. Nagpupunas na lang sila ng gilid ng mga paso para alisin ang mga duming naiwan doon. Sa ginagawa nila ay lumilitaw ang disenyo ng mga paso.
“Pati ba ito ay ibinebenta mo?” untag ni Jasper sa pagmumuni-muni niya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito.
Umiling siya bilang tugon.
“Masiyado na itong madami kung iipunin mo dito.”
“Hindi ko sila ipinagbibili pero may pinagdadalahan ako niyan para sila ang magbenta.”
“Talaga?”
“Oo. May shelter house sa kabilang bayan kung saan may mga batang nagdidisenyo ng mga paso. Minsan bumibili ako sa kanila, kung minsan binibigyan nila ako hanggang maisipan naming lagyan ng mga pandekorasyong halaman ang ibang paso at isama sa pagbebenta,” pagkukwento niya sabay abot ng isang kulay brown na paso. May disenyong white swirls iyon. kahit pa sabihing madurumihan ulit iyon, napakaganda pa ring tingnan.
“You do that?” Jasper asked as he stared at her. There’s a fascination in his eyes.
“Maliit lang na bagay pero kahit papaano ay nakakatulong sa mga bata na nasa shelter.”
“Bata pa lang tayo ay mabait ka na,” sambit ni Jasper na para bang may kung anong naalala.
“Kung mabait ako, bakit lagi mo akong inaasar?”
Saglit itong tumitig sa itaas bago nilingon siya. “Siguro dahil hindi ka basta nagagalit. Sinusungitan mo ako pero kinakausap mo pa din ako pagkatapos. You don’t know how to hold grudge. You’re just too kind.”
Florence didn’t know what to say. Hindi niya alam na ganoon ang tingin nito sa kaniya. Gayunman hindi niya mapigilan ang maging harsh sa sarili. “Mali ka. Baka uto-uto. I just don’t know how to say no.”
“Gaya nang hindi ka makatanggi kay Francheska na bantayan sina Ismael at Esmeralda?” tanong nito sabay baling sa kambal na nakaupo sa maliit na bangko at sinasalinan ng lupa ang naghilerang paso.
“Mga pamangkin ko sila,” aniya na para bang sapat ng paliwanag iyon.
“At?”
Nilingon niya ito. “Dapat ba may dahilan kung bakit kailangan ko silang bantayan? They are my niece and nephew. Mga anak sila ng kapatid ko. I love them.”
“Then stop saying na uto-uto ka. You just love Francheska and them kaya ginagawa mo ito. But just to remind you, minsan matuto ka ring humindi.”
“Are we having a sermon about life here?” Hindi mapigilang sarkastikong tanong niya.
“No. Gusto ko lang ipaalala na kailangan mo ring magkaoras sa sarili mo at kailangan ding ma-realize ng kapatid mo na full responsibility nila ang mga anak nila. Nasa Manila sila for many days at ang ilang araw na ititigil nila dito ay panahon nila para sa mga bata. Hindi panahon na pang kanila lang dalawa.”
Tumaas ang isang kilay niya dito. “Sinasabi mo ba kung anong dapat gawin ko o ni Francheska?”
“I don’t mean to offend you. I’m just saying.”
“You don’t know a thing. Kababalik mo pa lang.”
Hindi ito nagsalita. Sa halip tinitigan siya nito na para bang may alam ito na hindi niya alam. O kung alam niya man, itinatago niya. May bumabangong inis sa kaniya hanggang sa tahimik itong magsalita. “Hindi ako nakikipag-away sa’yo.”
“I’m just doing a favor for Ches,” wika niya sa mahinang tinig.
“Hindi ko sinasabing huwag mong pagbigyan ang kapatid mo… What I’m saying is, give time for yourself too.”
“I’m giving myself a time…” Those words came out from her mouth with a soft hiss. Kasabay nang pagkabigkas niya ng mga salitang iyon ay biglang bumalik sa isip niya na pagkatapos niyang maglipat ng mga halaman sa paso ay lalabas siya para mamasiyal sandali. Nagbabalak pa nga siyang ipa-trim at ipa-treatment ang mahaba at kulot na buhok. She had natural waves na namana niya sa namayapang ina. Isang dahilan kung bakit inaalagaan niya iyon kahit madalas ay may nagsasabing babagay din sa kaniya ang tuwid na buhok.
May plano nga pala siya ngayong araw. Isang bagay na mabilis niyang nakalimutan.
“Tita, we’re done!” sabay na saad ng kambal na ikinalingon niya. Nasa harap sila ng mga paso.
“Okay. Time to clean up. Mamahinga muna tayo,” anunsiyo niya sa dalawang bata bago sinulyapan si Jasper na nakatitig sa kaniya. “Ikaw rin. Salamat pala.”
“No worries, babe.”
“Sana huli na ito.”
“I can’t say that.”
Akmang magsasalita pa sana siya ngunit tumalikod na ito patungo sa mga bata. Ilang taon mang hindi niya nakasama si Jasper. Nagbago man ang itsura nito, alam niyang hindi nagbago ang pagiging tapat nito sa salita. Kapag may naisip itong gawin, gagawin nito iyon. Anuman ang mangyari. Bagsak ang balikat na nilinisan niya na ang kambal. Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay at nagpahinga muna.
PAULI-ULI si Florence sa salas habang hawak ang cellphone. Kanina pa niya tinatawagan ang kapatid at bayaw pero hindi sumasagot ang mga ito. Pasado alas-sais na ng gabi ay wala pa rin kahit anino nila.
“Mukhang nakalimot na sa oras ang kapatid mo,” saad ni Jasper na galing sa guest room. Nakatulog na ang kambal kanina habang nanonood kaya nakiusap siyang ihatid muna ito ni Jasper sa guest room kung saan madalas natutulog ang dalawang bata.
“Mukha nga. Sabi ni Ches, madali lang sila.” Nagsisimula nang umahon ang inis sa dibdib niya. Tila nakalimot na ang kapatid na may anak itong iniwan. Walang problema sa kaniyang iwan muna ang mga bata pero ang ipinag-aalala niya ay aalis na naman sila bukas at maiiwan na naman ang mga bata. Gigising na naman ang mga bata na wala sila.
“Sumagot na ba sila?”
“Hindi pa nga. Hmm… Kung anuman, pwede ka nang umunang umuwi. I could wait ng ako lang.”
“Hintayin ko na lang sila para ma-sure kong na-lock mo ang pinto bago ako umalis,” wika nito.
“Kaya ko naman na mag-isa lang.”
“Hihintayin na kita.”
“Kaso…”
“Come on, Florencia. Hihintayin ko na lang sila,” naging determinado ang tinig nito kaya batid niyang hindi ito basta bibigay.
“O-okay. You’re call.” Napipilitan niyang wika bago tumungo sa may pinto. “Lalabas ako para magpahangin, sasama ka?”
“I’ll love that.”
Magkasunod silang lumabas ng bahay. Magkasunod din nilang tinungo ang garden swing at magkatabing naupo doon. Sa harap ng bahay ay may munting lawn at sa gilid ay maliit na garage. May sementong bakod at munting gate kung saan siya dumadaan kapag pupunta ng shop. May second hand na kotse siya na nabili dati pero dahil katabi lang ng bahay niya ang shop ay madalang niyang magamit.
“Maliit pa si Francheska nang umalis ako ng bayan,” simula ni Jasper pagkaraang makaupo ito.
“Oo. Hindi na ako halos nakakalabas noon dahil kailangan ko siyang bantayan.”
“Ilang taon siya nang mawala si Tita Paula at Tito Ricky?” Ang tinutukoy nito ay ang kanilang mga magulang. Hindi siya kaagad nakasagot kaya mabilis itong humingi ng paumanhin. “Sorry for being nosy.”
Marahan siyang umiling. “No. It’s fine. Matagal na ding panahon iyon. Sixteen pa lang si Francheska that time.”
“At 20 ka?”
“Yep. It’s all too sudden kaya naman hindi namin napaghandaan lahat. No one knows na mangyayari iyon. Tumatawa pa sina mama at papa bago umalis. Nilinis pa ni papa ang kotse noong gabi kaya parang ayaw naming maniwala sa mga pulis na nawalan ng preno ang kotse.” May pagkakataon na kapag binabalikan niya iyon ay bumibigat pa rin ang dibdib niya.
“I’m sorry about that. It’s been hard for you.”
Hindi siya tumugon. Masakit ang mga panahong iyon. Sa isang kisapmata ay nawalan sila ng mga magulang. Sa isang kisapmata naging ulila sila. Sa isang kisapmata kinailangan niyang maging ina at ama kay Francheska. Nangako siya sa libingan ng magulang noon na hinding-hindi niya pababayaan si Francheska. Na palagi niya itong tutulungan. Mahirap noong una pero unti-unti na siyang nasanay. Nagawa niya iyon ng siya lang.
“Sa kabila ng mga nangyari, naging matatag ka. Maayos si Francheska at successful ang business mo. You’re really a strong woman, Florencia.”
Coming from Jasper, it’s sort of weird to hear yet it didn’t fail to make her flush.
“Ganoon talaga ang buhay. Sa tuwing binabato ng problema at hindi pwedeng basta mo lang tatanggapin. You’ll find ways to make it better.” Nakatungo siya at pinapanood ang mga paa kaya bahagya siyang natigilan nang tumigil sa harap niya ang isang pares na sapatos. Nag-angat siya ng tingin at sumalubong ang seryosong mukha ni Jasper. “Oh, bak—“
“Florencia,” usal nito kasabay nang pagtalungko nito upang magpantay ang mukha nila. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang titig na titig sa kaniya. She’s reading something from him and it's making her felt weird and warm.
“B-bakit?”
“You made it here... You deserved to be happy.”
“I’m happy, Jasper.”
Umiling ito. “More than the happiness you keep on telling to yourself.”
Nag-iwas siya dito ng tingin. “Masaya ang buhay ko at maayos ako, Jasper. Wala akong kailangang baguhin sa mga nangyayari sa buhay ko.”
Tinitigan siya nito. “Tama. Wala kang dapat baguhin. Live the way you wanted.”
Hindi niya maunawaan kung bakit ito nagkakaganito o bakit ganito ang sinasabi nito sa kaniya. Ngunit nang nagbabalak na siyang magtanong ay siya namang pagpailanlang ng malakas na tunog. Nakakarindi sa tenga ang matinis na tunog na iyon. Nagkatinginan sila ni Jasper na sinundan niya nang pagmulagat.
“No! That’s my alarm!” bulalas niya at walang sabi-sabing tumayo para takbuhin ang gate.
“Wait, Florencia!” maagap na pigil sa kaniya ni Jasper.
Nahuli nito ang pulsuhan niya at pilit siyang kumakawala dito. “Kailangan kong puntahan ang shop!”
“I know, but you have to calm down first.”
“P-per—“
“Hindi natin alam kung bakit tumunog ang alarm. There must be something o someone there. So, wala kang gagawin kundi hintayin ako dito at tumawag ng pulis habang tinitiyak kong maayos sa shop mo.”
“Pero ang shop ko,” nag-aalangang nilingon niya ang shop niya. Nang magsimulang lumago ang shop niya ay pinaglagyan niya iyon ng alarm na nakakonekta din sa bahay niya. Buhay ang ilaw sa harap noon. Walang kakaiba pero ang malakas na pagtunog ng alarm niya ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala.
“Please, Florencia. I need to keep you safe.” Seryoso ang paraan nito nang pagsasalita kaya napilitan siyang tumango.
“In case, naka-lock. Kukunin ko ang susi.”
“Sure, babe. Thank you.”
Labag man sa loob ay pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha ang susi ng shop. Sinilip niya muna ang dalawang bata na mahimbing pa ring natutulog bago binalikan si Jasper sa labas. Tahimik na inabot nito ang susi mula sa kaniya at seryosong-seryosong naglakad patungo sa shop niya. Tumutunog pa rin ang alarm pero mas mahina na ngayon. Wala siyang nagawa kundi ang manatili sa harap ng bahay at hintayin ang binata. Humihiling na sana ay maayos lang ito…