“Hi!” magiliw na salubong ni Francheska dito.
Tinanguan ito ni Jasper bago nilingon siya. “Hi, Florencia!” magiliw ang pagbati nito sa kaniya na para bang normal nitong gawain iyon.
“You’re here.”
“May dala pala ako para sa’yo,” saad nito sabay kuha ng paper bag na nakasabit sa motor. Tumayo ito at lumapit sa kaniya para iabot ang paper bag. Sa kilos nito ay para bang sila lang ang tao kaya binalingan niya ang kapatid at bayaw.
“Oo nga pala, Ches, si Jasper,” pagpapakilala niya sa binata. “Jasper, ito si Francheska, kapatid ko at si Migz, asawa niya.”
“Nice meeting you, Jasper!” masiglang bati ni Francheska at gaya kanina ay munting tango ang binigay ni Jasper sabay wikang, “Nice meeting you too.” Binigyan din nito ng tango si Migz na sa hinuha niya ay nakapag pa kilala dito kanina.
“So? Si ate pala ang sinadya mo?” Naglipat ang mga mata ni Francheska kaniya at kay Jasper.
“Yeah. May ibibigay lang ako sa kaniya.”
Tumango-tango ito. “Akala ko ay may lakad kayo.”
“Wala, kaya lumakad na kayo ni Migz para makabalik kayo kaagad.”
“Sasama ba kami, mommy?” sabat ni Esmeralda na nakatingala sa ina.
“Some other time, baby. Kami lang muna ni daddy.”
“Bakit kayo lang po? Bakit hindi ninyo po kami isama?” tanong naman ni Ismael.
“Magdadala na lang kaming pasalubong. Ano bang gusto ninyo?” anunsiyo na Migz para hamigin ang mga anak. Iyon nga lang, walang talab dahil parehas bagsak ang balikat ng kambal.
Palihim siyang tiningnan ng kapatid. Nagpapasaklolo ito na kaagad niyang pinaunlakan. “Mabuti pa Ismael at Esmeralda ay samahan ninyo si tita sa loob. Maglilipat ako ng mga pananim sa paso, pwede ba ninyo akong tulungan?”
Walang itinugon ang mga bata. Halatang malungkot na naman ang mga bata dahil aalis na ulit ang mga magulang na hindi sila kasama. Madalas itong mangyari at mukhang dinadamdam na ng mga bata.
“May ginawa akong tinapay, baka gusto ninyo? Or pwede tayong mag-bake mamaya,” pampalubag-loob niya sa kambal.
“No, we don’t want. Gusto naming sumama kina mommy at daddy,” tahimik na katwiran ni Ismael.
“Ismael, sa isang araw tayo lalabas. Pangako iyon ni mommy,” pahayag ni Francheska sabay lapit sa anak.
“No! I sa—“
“Bakit hindi natin tulungan ang tita ninyo? Then mamaya ay may ipapakita ako.” Sa mga oras na iyon ay si Jasper na ang ngasalita. Hindi niya inaasahan na makikisabat ito pero mas hindi niya inaasahan na kaagad makukuha nito ang atensiyon ng mga bata.
“Are you staying with us?” tanong kaagad ni Ismael na kaagad din namang tinugon ni Jasper. “Yes. Kung papayag ang tita ninyo,” makahulugan siyang tiningnan nito. At kung pwede niya lang talaga itong takpan ng paso sa ulo para hindi makita ang kagwapuhan este ang feeling mabait na awra nito ay ginawa na niya.
“You’ll gonna tell us stories about soldiers?” may pag-aasam na tanong ni Esmeralda.
“Yep. All good ones.”
“Yes!” masayang talon ni Esmeralda bago hinarap ang kakambal. “Ano, Ismael? Dito na lang tayo kina Tita Florence at Tito Jasper?”
‘Tito Jasper?’ Palihim niya pinanlakihan ng mata ito. Sad to say, hindi siya pinansin nito dahil abala na ito sa tagumpay na nakuha.
“So? Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?” pagtataboy sa kanila ni Francheska.
Nag-iisip pa siya ng magandang sasabihin ay hinila na siya ng mga bata patungo sa loob ng bahay.”Let’s go, Tita Florence,” sigaw ni Ismael. “Bye, mommy and daddy!” paalam nito sa mga magulang.
“Yep. I wanna eat too na!” ani naman ni Esmeralda na kumapit sa isang kamay ni Jasper.
“Franches—“
“Bye, Ate Florence! Thank you and I love you!” pamamaalam ni Francheska.
Nilingon niya na lang ito at tinanguan dahil abala na ang kambal sa paghila sa kaniya. Nang makapasok sila ay binitiwan siya ng mga ito. Tumakbo kaagad ang kambal papuntang couch at umupo doon pagkatapos abutin ang remote control na nasa center table. Ilang sandali lang at abala na ang mga ito sa panonood.
“Tita, can we have some bread before we help you?” pa-sweet na tanong ni Esmeralda.
“Sure, honey. I’ll get some for you. How about you, Ismael?”
“Anything, Tita.”
“Okay.” Binigyan niya ng isang ngiti ang kambal bago nilingon si Jasper. Sinenyasan niyang sumunod ito sa kaniya sa kusina.
“Mag-uusap tayo, Jasper,” nakapamaywang niyang salubong dito nang marating nila ang kusina.
“We can do that while making breads for the children,” saad nito sabay labas ng tatlong medium sized na jars.
“No. ako lang ang gagawa ng tinapay nila at uuwi ka na.”
Hinarap siya nito. “Pinalalayas mo na ba ako?”
Medyo napahiya siya sa dating nito kaya medyo natamilimil siya. “Sort of. I mean, wala ka bang gagawin ngayon?”
“Wala.”
“Trabaho?”
“No.”
“Bakit ka ba kasi nandito?”
“I told you, pinadala ni mama ang mga ito sa’yo.”
“Well, thank you. Pwede ka nang umalis.” Ayaw niyang maging bastos dito pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ewan ba niya at hindi siya mapakali na nasa paligid lang si Jasper.
“Nope. Sasamahan kita at tutulungan na bantayan ang mga bata total may kailangan ka ring gawin.”
“Look, ako ng bahala sa mga bata. Kaya ko naman silang intindihin.”
“They’re expecting me to tell them stories.”
“Well…” Lumikot ang mga mata niya habang nag-iisip ng idadahilan.
“Florencia, wala naman akong gagawing kung ano. Sasamahan ko lang kayo ng mga bata. Isipin mo na lang parang dati lang…” Tumigil ito sa pagsasalita nang mapansin ang pagtalim ng tingin niya.
“Kung iisipin kong para lang gaya ng dati, hindi ba mas dapat akong kabahan? Sa pagkakatanda ko ay goal mo noon na asarin at guluhin ang buong araw ko,” nagdududang tanong niya.
Napakamot-ulo ito. “Hindi na ba magbabago ang tingin mo sa akin?”
Sandali niyang tinitigan ito. She was seeing sincerity in his eyes. Truly, she couldn’t justify what he became after all these years just by basing on what he was before. By this, she took a long breath before she muttered, “Fine. You could stay here with us. But please, be careful with the words you’re going to use. Ismael wanted to be a policeman someday. Esmeralda could be sweet, but she loves action just as Ismael does. But all in all, mga bata pa rin sila.”
Ngumiti ito. “Copy, babe.”
“And please, stop calling me babe.”
Nagkibit-balikat ito. “I’ll think about it.”
“Goodness,” she muttered out of exasperation.
Jasper grinned at her as he nabbed one of the jars from the table. “Gumawa si mama ng butter cream garlic. Favorite mo iyon, ‘di ba?” Binuksan nito ang jar at agad niyang nasamyo ang mabangong amoy ng bawang. Weird to say but she loved garlic.
Awtomatikong aagawin sana niya iyon kay Jasper pero mabilis na iniiwas nito iyon. “Make bread for the kids. I’ll make for you.”
Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Si Jasper Macaraig na walang ginawa kundi kunin ang sandwich niya noon ay ipagagawa siya ngayon.
“Tamang-tama itong ginawa mong tinapay,” saad ni Jasper na hindi pansin ang gulat niya.
Sinundan niya ng tingin ang binata na kumuha ng bread knife, pinggan at kutsara. Hinati nito ang tinapay bago pinahiran ang ibabaw ng cream. Ingat na ingat ito habang pinapahiran lahat ng ibabaw. Nang makatapos ito ay inilagay sa loob ng oven ang tinapay at isi-net ang oras ng tatlong minuto. Sa buong panahon na iyon ay tigalgal siya. This was too good to be true.
“I think, it will do,” biglang baling nito sa kaniya na nagpatuwid sa kinatatayuan niya.
“Y-yeah,” wala sa loob niyang wika sabay kuha ng jam na bigay sa kaniya ni Rebecca. “Gagawa ako ng para sa mga bata. Ikaw? Anong gusto mo?”
Lumapit sa kaniya ito at inabot ang isang tinapay na walang palaman. “Kahit walang jam or butter, masarap na itong tinapay mo,” nanunudyo ang mga mata at ngiti nitong habang nakatingin sa kaniya.
Hindi naman mapigilan ni Florence na panoorin ang labi ng binata na gumagalaw habang ngumunguya at ang adam’s apple nito na nagbaba-taas nang lumunok ito. Gosh, but she could feel how heat covered her whole face as he watched those heavy lips. She never thought that Jasper could be this manly.
“Pakisara ng labi at baka mamaya ay may kung anong lumapat diyan,” seryosong saad ni Jasper sabay hawak ng panga niya. Mabilis na napagdiit niya ang mga labi.
“Hmmm… D-do you want coffee?” iwas niya dito at kunwa’y inabala ang sarili sa ginagawa.
“No. I’m more a milkman now.”
Napatigil siya sa paglalagay ng jam sa tinapay at nilingon nito. “Hindi ka umiinom ng kape?”
Umiling ito. “I used to drink before. I got addicted to it before it led me to palpitations.”
“Ohhh…”
Ngumiti ito. “Minsan mahirap sa training at duty. May time na palagi kang puyat o wala talagang tulog kaya wala ding tigil ang kape.” Bumungisngis ito. “Minsan parang tubig na ang kape na kapag hindi nakainom parang uhaw na uhaw ako.”
“I see. Don’t worry marami akong stock ng gatas diyan.” Inihanay niya ang tinapay sa pinggan bago tumungo sa ref. “Ano palang milk ang gusto mo? Fresh, powdered, or skim?”
“Kumpleto ah.”
“Ganoon talaga kapag may bulilit ka sa bahay.”
“Fresh, please.”
“Got you.” Kumuha siya ng box ng fresh milk at kumuha ng baso sa cup board.
“Thank you, babe.”
Nginitian niya ito. “Thank you din sa pagsalo sa amin kanina. Kung hindi ka sumabat, siguro nagta-tantrums na naman si Ismael.”
“Basta para sa’yo,” makahulugang wika nito. Simpleng salita lang iyon, but it felt that a train hit her.
Isang simpleng ngiti na lang ang ibinigay niya bago inaya na itong pumunta sa salas kung saan hindi na maipinta ang mukha ng dalawang bata. Mukhang nainip sila kahihintay.
*****