CHAPTER 8

2891 Words
Salubong ang kilay ni Florence habang pinapanood ang pag-alis ng ilang mobile patrol at siya namang pagparada ng sasakyan ng kaniyang kapatid. Hindi siya makapaniwala na gagabihin ng ganito ang kapatid. Natapos na siyang ma-interrogate at halos naglilinis na lang sina Jasper at ilang sinabi nitong kasamahan sa shop niya ay ngangayon pa lang dumating ang kapatid. At mukhang wala pa ito sa huwisyo dahil pagbaba nito ay magewang na kung maglakad. Humahagikhik pa itong humawak sa gilid ng sasakyan at pakendeng-kendeng na naglakad papunta sa kaniya. Sa galaw pa lang nito ay alam niyang nakainom nga ang kapatid. “It’s already past eight, Fra—“ “Anong nangyayari, ate?” Matuwid pa ring magsalita na tanong ni Francheska. Halos maningkit ang mga mata nito at dahil sa liwanag na hatid ng ilaw sa porch ay kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. ‘Gosh, but she’s drunk!’ “Bakit may mga pulis, ate? Anong nangyari dito habang wala kami?” Bahagya pang tumaas ang tinig nito habang nagtatanong. Hindi niya pinansin ang tanong nito. Hindi pa siya nakakabawi sa panloloob na naganap sa shop niya ngunit mas hindi siya makapaniwala na ganitong oras uuwi ang kapatid niya at sa ganitong estado pa. To think na hindi man lang nito sinasagot ang mga tawag niya para abisuhan siya. “Nakainom ka ba, Ches?” diretsa niya pa ring tanong kahit alam na niya ang sagot. “May itinatanong ako, ate. What hap—“ “Okay. So, nakainom ka nga?” gagad niya sabay baling sa bayaw na kakamot-kamot sa ulo. Sa klase pa lang nang pagbababa nito ng tingin ay alam niya nang hindi nito napigilan ang asawa na uminom. Sa kanilang dalawa, hindi na kataka-taka dahil kung minsan ay talo ni Ches si Migz. “Sorry, ate. Pauwi na kami dapat kanina pa kaso nakita namin ang kaibigan niya noong college. Naisipan lang nilang uminom ng konti,” paghingi ng despensa ni Migz. Umarko ang kilay niya sa huling sinabi nito. “Konti lang?” turan niya habang pinapasadahan ng tingin ang bunsong kapatid. Alam niyang hindi ito madaling malasing pero sa itsura nitong naniningkit na ang mga mata, namumulang mukha, at magewang na paglalakad, malabong konti lang ang ininom nito. “Ate naman. Minsan lang ito. Huwag kang KJ,” ngisi ni Francheska sabay lapit sa kaniya para akbayan siya. “Nakikita mo ba kung anong oras na?” tahimik niyang tanong. “Ate, stop speaking like that. Para kang nanay ko kung magsalita. Come on, hindi na ako bata,” mataray nitong saad sa kaniya na lalong nagpainit ng dugo niya. “Alam kong hindi ka na bata pero sana alam mong may mga anak kang naghihintay sa’yo dito. You’re not even answering my calls,” malamig niyang saad sabay talikod. Napabitaw ito sa kaniya mula sa pagkakaakbay kaya bahagyang gumewang ito. “Bakit ba ang init-init ng ulo mo, ate?” dinig niyang tanong ni Francheska mula sa likuran niya. May riin ang paraan nang pagkakatanong nito. “Honey, tama na iyan,” pagpipigil ni Migz dito pero batid niyang wala ding silbi iyon dahil lumakas pa ang tinig ng kapatid niya nang muling magsalita. “No! I just wanted to know. Bakit ba parang ang init-init ng ulo ni ate? Dahil lumabas tayo? Dahil uminom ako? Bakit? Wala ba akong karapatang magsaya kahit minsan?” Hindi na kailangang humarap pa ni Florencia para alamin ang ayos ng kapatid. The way she spoke said it all. Mariin niyang naipikit ang mga mata sa pagpipigil mainis. Alam niyang lasing lang ito kaya wala siyang balak pang pumatol. Dumiretso siya ng kusina at nagbukas ng ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagsasalin na siya ng tubig sa baso nang muling umalingawngaw ang malakas na tinig ng kapatid. “Ano, ate? Tatahi-tahimik ka ngayon? Bakit hindi mo na sabihin lahat? Nagagalit ka kapag lumalabas ako. Ngayon lang ako nagsasaya. Simula Lunes hanggang Friday ay nagtatrabaho ako. Kailangan kong maging ina. Ano ba kung kahit ngayon lang ay ibigay mo sa akin?” nanunumbat ang paraan nang pagsasalita nito at nang tumungo ito sa harapan niya ay mas lalong nag-init ang ulo niya. She totally lost her composure. Naningkit ang mga mata niya sa kapatid kasabay nang paghigpit ng hawak niya sa baso. Sinisikap niyang magpigil dahil alam niyang lasing lang ito pero marahil dala ng pagod at stress dahil nang naganap ng gabing iyon ay hindi niya na napigilan ang sarili. “Bakit? Sa palagay mo ay hindi ako napapagod? Lahat naman ng tao napapagod. Napapagod din ako. I’m just reminding you na may mga anak ka. May mga anak ka na iiwan mo na naman bukas. Mga anak na naghihintay sa’yo, sa inyo, na umaasa na kahit minsan lang sa isang linggo ay makasama kayo. Hindi kita pinipigilan, Ches. Kung gusto mong uminom, then go. Kung gusto mong magsaya, fine! Pero don’t forget that you have children that the moment you gave birth is already part of your life. Malaki na tayo nang nawala sina mama at papa, but I still have this longing na makasama sila. How much more ang gaya nina Ismael at Esmeralda.” Natilihan ito dahil sa sinabi niya. Nakatitig ito sa kaniya pero wala siyang makitang reaksyon. “You want time for yourself? We all do, Ches. We all do,” pagak niyang anas. Hindi pa rin ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. Sa pagkakataong ito ay kay Migz naman siya nakatingin. “Mabuti pa ay umuwi na kayo. Magpahinga at magpalipas ng kalasingan. Bukas ninyo na lang sunduin ang mga bata kesa makita pa nila kayo sa ganiyang ayos.” Those were her last drop before she decided to leave the kitchen. Paglabas niya ay nasalubong niya si Jasper sa salas. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Sa unang tingin pa lang ay batid niyang narinig nito ang pinagtatalunan nila. Inalis niya ang tingin dito at dumiretso sa labas. She needed some fresh air. Panay ang sagap at buga niya ng hangin para alisin ang nararamdamang bigat sa dibdib. Ayaw niyang nakikipagtalo kay Francheska lalo at ganitong may inom ito pero kung minsan nakakalimot ang kapatid nito na may buhay din siya. Buhay na kinalimutan niya noon para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang nakababatang kapatid. Kahit malaki na ito at may sariling pamilya, bukas palagi ang kamay niya para sa kapatid. Wala siyang balak isumbat dito ang lahat pero hindi niya mapigilan ang magdamdam. “Florencia…” tinig iyon ni Jasper. Kahit hindi siya lumingon ay batid niyang palapit ito sa kaniya. Gayunman, pinili niyang huwag itong pansinin at pakinggan. Masiyado na itong maraming nakikita at nalalaman sa buhay niya. “It’s getting cold here.” Bago pa siya makapag-react ay may ipinatong itong jacket sa balikat niya. Kaagad niyang naramdaman ang init na hatid ng jacket. “T-thank you,” mahinang anas niya habang hindi pa rin ito nililingon. “You’re always welcome, Florencia.” Ngumiti siya kahit na hindi siya nito nakikita. Hindi pa rin niya magawa itong lingunin. Kahit na hindi na ito ang mapang-asar na Jasper na nakilala niya noon, nahihiya pa rin siyang ipakita ang side na mahina siya. “Hindi sa kinakampihan kita pero gusto ko lang ipaalam sa’yo na tama lang ang ginawa mo,” anito sa tahimik pero nananantiyang tinig. Bumaba ang tingin niya sa damuhan. “I don’t know how I will make her understand na hindi ko gustong hadlangan ang kasiyahan niya… I-it’s just…” Mariin niyang pinagdiit ang mga labi. Naghahalo ang emosyon niya. Naiinis siya, nagdadamdam at nasasaktan sa isiping nag-aaway sila ng kapatid. “Hindi pa niya nauunawaan ngayon pero kung hindi niya sisikaping unawain, hindi mo iyon kawalan, Florencia. Kawalan niya iyon. I’m getting her point, but it didn’t change the fact that she has responsibilities and you also have in your life.” Nilingon niya ito nang maramdaman ang marahang pagkakahawak nito sa may balikat niya. “Sa ngayon, magpahinga ka muna. Masiyado ng maraming nangyari ngayong gabi.” Tinitigan niya ang mga mata nitong masuyong nakatingin sa kaniya. “Hindi ko alam kung makakapagpahinga ako nang maayos lalo pa at hindi maayos ng naging sagutan namin ni Ches.” “Minsan, kailangan mo ring tikisin siya para maunawaan niya ang lahat. Bakit hindi mo muna isipin ang mga bagay na gusto mong gawin at i-set ang mga darating na araw para magawa mo iyon? Magpahinga ka muna ngayong gabi. Alam kong mahirap pero iyon ang pinaka-the best na magagawa mo.” “Thank you, Jasper. Thank you for being here.” Binigyan niya ito ng matamlay na ngiti. Hindi man niya gusto na nakikita siya nito sa ganitong estado, ipinagpapasalamat niya ang presensiya ng binata. “It’s the least I can do,” Jasper murmured before he gave her a soft smile. Ilang minuto pa silang nanatili sa labas hanggang sa lumabas sina Francheska at Migz na kasama ang mga pupungas-pungas na mga bata. Nagpaalam sa kaniya si Migz pero hindi ang kapatid at isa lang ang ibig sabihin noon, masama ang loob nito. Gayunman, labag man sa loob niyang huwag lapitan ito, nagdesisyon siyang tikisin ang nararamdaman. It’s not about pride. She just wanted to make Ches realized something. At marahil, siya rin sa sarili… Nang makaalis ang mag-anak ay nanatili pa si Jasper sa bahay niya ng kalahating oras bago ito tuluyang nagpaalam. Sinigurado nitong nakasara ang lahat ng pinto at bintana bago ito tuluyang umalis. Kahit sandali, naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Kahit sa mga oras lang na iyon, naramdaman niyang may kaagapay siya… Kahit sandali lang… At labis siyang nagpapasalamat kay Jasper. Makalipas ang tatlong araw… Ilang araw na hindi nagpapangita si Florencia at ang kapatid. Wala din siyang nakukuhang chat or kahit na anong mensahe mula sa kapatid. Alam niyang nagdadamdam ito sa kaniya pero marahil ang pinakamabuti niyang gawin ay hayaan muna itong makapag-isip-isip. Aminado niyang nami-miss ito at ang mga pamangkin pero wala siyang magagawa. Wala siyang karapatang mag-demand na makita ang mga bata. She’s just hoping na kung saan man iniwan ng kapatid ang mga bata ay maayos ang mga ito. Nasa kalagitnaan siya nang pag-iisip nang tumunog ang chime na nakasabit sa itaas ng front door ng shop. “Hi, Ate Florence!” Pumailanlang ang malakas at matinis na tinig ni Rebecca. “May dala akong egg pie!” dugtong pa nito habang papalapit sa kinauupuan niya. Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa kaniya. Itinaas pa nito ang dalang kahon. “Pinagdala lang kita ng bulaklak, ngayon may dala ka ng egg pie,” iiling-iling niyang ani sabay alis ng salaaming nasa mata. Dino-double check niya ang mga order habang ito ay inutusan niyang dalahin ang order sa kanilang bulaklak. “May gwapong nakamotor sa labas kanina. Sabi niya ay iabot ko daw sa’yo. Mamaya daw siya babalik at may gagawin lang daw siya,” malapad ang pagkakaumis ni Rebecca sabay lapag sa mesa ng kahon ng egg pie. “Sinabi ba kung sino?” tanong niya kahit na may pakiramdam na siya kung sino iyon. Wala namang ibang taong halos ginawa ng tambayan at kainan ang shop niya. Isa lang din ang kilala niyang wala nang inatupag kundi magdala ng pagkain sa shop maliban kay Jasper. Kung hindi ito dumadaan para magdala ng pagkain ay tumitigil ito sa shop niya para panoodin siya sa ginagawa niya. “Sabi niya, alam mo na daw,” may halong panunuksong saad ni Rebecca. Nangingislap sa excitement ang mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Wala pa akong isang buwan na nawala ay may manliligaw ka na kaagad ha.” “Hindi ko siya manliligaw.” “Sus, ate. Noong isang araw ko pa napapansin na dumadaan iyon dito. Kung hindi lang ako busy at ilang araw na nawala, baka nakapag-marites na kaagad ako.” Sinundan pa nito ng halakhak ang panunukso. “Hindi ko nga siya manliligaw. Kababata ko siya, nagkataon lang na bumalik siya at iyon, napapadalaw.” “Ohh…” anas nito na bahagya pang namilog ang nguso. “Childhood sweetheart?” “Sira! Hindi ah!” Nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Kung alam lang nito ang dinanas niyang pang-aasar mula kay Jasper noong mga bata pa sila. “Pero malay mo naman, ate. Hindi ka na pabata. Kung malinis ang motibo niya sa’yo, gora lang.” Sumeryoso ang mukha nito. “Deserve mong maging masaya at magkaroon ng mga totoong taong magmamahal sa’yo…” Naging makahulugan ang paraan ng pagsasalita nito pero dahil tila tumanim sa isip niya ang isa sa mga sinabi nito, hindi niya napansin iyon. Minsan kasi nagtataka pa rin siya kung bakit lapit nang lapit pa rin si Jasper sa kaniya. Mauunawaan niya kung palagi siyang inaasar nito pero hindi, kabaligtaran ang nangyayari. Jasper was too kind and sweet to her. “Basta, test the water muna, ate. Ang gwapo niya at kahit bagay kayo, you deserve more.” Masuyo siyang tiningnan ni Rebecca ito muling bumungisngis. “Kukuha na akong platito at tinidor ha. Sosyalin ang egg pie niya.” Napatawa naman siya sa ginawi nito. “Oo na.” “Yippeee.” Sa ilang taon niya ng naging kasama sa shop si Rebecca, palagay at malapit na ang loob niya sa dalaga. Halos kapatid na din ang turing niya dito. Kaya naman magsabi lang ito na mawawala ng ilang araw o linggo ay pumapayag siya kaagad. Gaya noong nakaraang linggo. Halos dalawang linggo ding wala ito dahil nagpaalam sa kaniyang bibisitahin ang mga magulang. Eksaktong nawala sa paningin niya si Rebecca ay tumunog naman ang cellphone niya. Hindi naka-register ang pangalan ng tumatawag. Nag-aalangan man ay sinagot niya iyon. “Hello?” “Natanggap mo ang egg pie?” bruskong tanong ng nasa kabilang linya. Hindi niya na kailangan pang magtanong kung sino iyon. “Para saan na naman iyon?” kunwa’y mataray niyang tanong kahit na nagpipigil lang siyang ngumiti. “Bumili si mama kahapon. Sa tingin ko’y magugustuhan mo rin kaya bumili din ako.” There’s a gush of warm feeling suddenly flowed inside her chest. Just by the thought na naaalala siya nito ay may kakaiba nang hatid. “Pero hindi mo naman kailangang gawin iyon.” “I know but I wanted to.” There’s a hint of smile in the way he spoke. “Marami kang ginagawa sa shop kaya kailangan mo ng maraming energy. Maganda ring pampasaya ang matamis.” “Marami naman akong energy at masaya ako ngayon.” “Well, kakailanganin mo ng mas marami pa mamaya.” Tumaas ang isa niyang kilay. “At anong ibig mong sabihin?” Jasper chuckled. “I’ll tell you later. Tumawag lang ako para kumustahin ka.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang muling pagngiti. “At para sabihin sa’yo na hanggang ngayon ay under investigation pa kung sino ang pumasok sa shop mo. Hindi sapat ang mga nakitang footage sa CCTV. Pero babalitaan kita kaagad once na may update.” Weird to say, pero kahit hindi nakikilala kung sino ang nanloob sa shop niya ay hindi na siya gaanong nag-aalala. Since that night, hands-on si Jasper pagdating sa nangyari. Palagi itong nag-a-update ng kaganapan. He even asked some of his police friends to do some rounds on their street. Ito rin ang nag-ayos ng CCTV niyang nasira. Nang i-review kasi iyon naging malabo at magulo ang footage na na-captured kaya hindi rin nila nakilala ang suspek. “Thank you again. I really don’t know what to say. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ng lahat ng ginagawa mo.” “Don’t worry. It’s really nothing. Or…” sandali itong tumigil sa pagsasalita na tila ba nag-iisip bago nagpatuloy. “I’ll drop by later. Baka gusto mong mag-dinner sa labas mamaya?” “Dinner sa labas?” “Yes. Iyon naman ay kung gusto mo lang.” The decision was still up to her, but the way Jasper spoke, it’s enticing her. “Okay… Count me in.” “Wow, really?” Mukhang hindi nito inaasahan na agad siyang papayag. “Yes.” “Then, I’ll pick you up at 6:30. Sapat na ba ang oras na iyon?” “Yes. Marami akong time para maghanda.” “Kahit anong oras ako dumating, take all your time to get ready, babe.” Ngumiti lang siya sa sinabi nito. “Oo nga pala, saan mo nakuha ang number ko?” “I have ways, babe.” Nagyayabang man ang paraan nito nang pagkakasabi ay napapangiti na lang siya. “Pa-suspense ka ha.” “Not really. Basta mamayang 6:30 ha?” “Oo nga.” “Ibababa ko na ito at kakaiba na ang tingin ng mga kasama ko.” “N-nasaan ka ba ngayon?” “Work.” “Ohhh…kayyy.” Napangiti siya na kagyat ding inalis nang mapansin ang nanunuksong tingin ni Rebecca. “Sure, Jasper. Thank you.” “Take care.” “You too.” Pinatay niya na ang tawag bago pa tuluyang mapahiyaw sa saya at kilig si Rebecca na halatang kulang na lang ay magtatalon sa harapan niya. “Uyy, may date ang ate ninyo!” malakas nitong saad bago nagtatalon habang hawak pa rin ang platito at tinidor sa magkabilang kamay. Natatawang napailing na lang siya bago tiningnan ang egg pie. Surely, she’s going to like it… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD