CHAPTER 9

1318 Words
Wala pang 6:30 ay nakahanda na si Florence. Maaga siyang nagsara ng shop at talagang hinalwat pa niya sa taguan niya ang magagandang damit na madalang niya kung suotin. Natagalan pa siya sa pag-iisip kung magde-dress ba siya o simpleng pants at blouse pero sa huli, isang kulay canary na maxi dress ang isinuot niya. Sweetheart-style ang neckline nito at hanggang siko ang haba ng bell sleeves nito. Naka-bun ang buhok niya na ginamitan ng pearl hair curls na kahit sa simpleng ayos ay nagpa-elegante naman ang dating ng mga pearl sa buhok niya. Nagbaba siya ng ilang hibla ng buhok sa magkabilang tenga at mas lalong kinulot iyon. Naglagay din siya ng konting make-up at nang matapos ay malapad ang ngiting nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. She never had been this excited. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang saya maisip pa lang na lalabas siya kasama ni Jasper ay gusto niya nang kapusin ng hininga. The feeling was bizarre but it seemed like a drug to her, giving her non-stop ecstasy. Kasalukuyan na siyang namimili ng bag na gagamitin nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Sumulyap siya sa relo at napagtantong malapit ng mag-6:30. Inabot niya ang isang puting sling bag at inilagay ang gamit doon sabay sakbat sa balikat ng sling. Halos magkandarapa siya para lang marating kaagad ang pinto. Pagkabukas pa lang niya noon ay isang malapad na ngiti kaagad ang ibinigay niya. “Hi!” bungad niya kay Jasper. Hindi kaagad ito nagsalita. Sa halip ay tinitigan siya nito. Parang hindi ito makapaniwala sa nasa harapan nito. “F-florencia?” bulalas nito. “Y-yeah, why?” medyo nagtataka niyang tanong. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula dito. “Did I choose the wrong dress?” “Seryoso kang ikaw iyan?” Tumaas ang tingin nito sa mukha niya pababa hanggang sa suot niyang sandals. “Hmmm…” Mula sa pagtataka ay lumawak ang ngiti nito. “Muntik na kitang hindi makilala,” saad nito sa habang humahangang tiningnan siya. “You looked different.” “Anong klaseng different iyan?” Medyo nahihiyang tanong niya. Hindi maiikaila na naging humahanga ang tingin ng binata, but coming from Jasper. It felt different. Lalo pa at higit itong makisig tingnan sa suot nitong gray polo shirt, black jacket at pants. Damit lang ang nagbabago dito pero ang dating nito sa kaniya ay para siyang iniengganyo ng binata. Ang mga titig pa nga lang nito ay para bang mas binibighani siya. “Mas gumanda ka.” “Bolero ka talaga kahit kailan.” “I’m not, babe.” “Hayy, naku. Tantanan mo ako, Jasper. Hindi ako nag-snacks kaya medyo nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan,” pagbibiro niya. “Well, I must feed you, babe as soon as possible.” “Dapat lang.” “Then let’s get on.” Inilahad nito ang palad at masayang inabot niya iyon. Hind iyon ang unang beses na nagkahawak ang kamay nila. However his rough hands brought sweet shivers to her body. Sa sandaling pagkakalapit din nila ay amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito. Lihim na lang siyang napapangiti kahit na napapaisip siya kung ano bang meron sa kanila ni Jasper. Alam niyang magkaibigan sila ngunit saan nga ba patungo ang samahan na meron sila? Iginaya si Florence ni Jasper sa pick-up nito. Pinagbuksan pa siya nito bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan. “Where do you want to eat?” tanong nito sabay suot ng seatbelt. “Ano bang mga gusto mong kainin?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Kinakain ko lahat ng pwedeng kainin.” “Hindi ka pihikan sa pagkain?” “Nope. I told you, kinakain ko lahat ng pwedeng kainin lalo ngayong may maganda akong kasama.” Namula ang pisngi ni Florence. Heto na naman si Jasper sa mga bola nito. “Mabuti pa ituturo ko na lang kung saan tayo kakain. Tutal hindi ka pihikan at gutom na ako, tiyak magugustuhan mo ito.” “Sure. You’re the boss!” Humagikhik siya sa ginawi nito. Masaya ang bawat minuto ng biyahe nila. Nangumusta ito sa shop at ganoon din siya sa trabaho nito bago napunta na sa kung ano-anong lakong kwento nito. Wala pang thirty minutes ay narating nila ang sinasabi niyang kainan. “Happily-Ever-After Buffet House?” wala sa loob na tanong ni Jasper. “Yep! Masasarap ang mga pagkain diyan at marami ka pang pagpipilian.” Hindi makapaniwalang sinulyapan siya nito. “Huwag mong sabihing balak mong mag-Eat-All-You-Can ngayon?” “May masama ba?” nakangiting tanong niya. “Tsaka masarap dito. Marami tayong pagpipilian. Madalas kaming kumakain dito nina Ches at ng mga bata.” Hindi ito nagsalita pero bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. “Where did you put all food that you ate?” Inirapan niya ito. “Malamang sa tiyan. Ano? Ayaw mo ba?” “No. Actually, I want to see kung gaano karami ang kakainin mo so tara na.” Pagkatapos magsalita ay kaagad itong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya. “Promise, magugustuhan mo dito,” pasimpleng bulong niya habang papasok sila ng resto. “I know,” makahulugang saad nito sabay huli ng siko niya para agapayan siya sa paglalakad. Lihim naman siyang napangiti sa sandaling maglapat ang mga balat nila. Pagkatapos nilang magbayad ay inisa-isa nila ang mga pagkain sa buffet. Literal na lalong nagutom si Florence ng makita ang masasarap na pagkaing nakahain sa mahahabang mesa. “So, where are we going to start?” tanong ni Jasper na ikinatawa niya dahil habang nagtatanong ito ay naniningkit ang mga mata sa nakalagay na litson sa gitna ng isang mahabang table. “Mamaya iyan,” she said between chuckles. “Let’s start with something light. Mahirap mabusog ng bigla.” “That’s right, babe. Pero babalikan talaga kita diyan.” Binigyan siya nito ng ngiti at isang naghahamonng tingin ang litson. “Ikaw talaga. Tara na nga dito.” Nagsimula na siyang kumuha ng pagkain. Noong una ay mga light foods muna ang balak nilang kunin. Nakatanaw pa siya ng Caprese Garlic Bread at salad pero nang makakita siya ng section na for garlic butter recipe, kulang na lang ilagay niya sa plato ang chicken, shrimp at beef para matikman iyon. “You really love garlic,” Jasper commented when they took their seats. “Supppeeerbb!” kulang na lang ay umirit siya sa pagsagot. “Some girls don’t like to eat garlic pero ikaw lahat na lang ata ng may garlic sauce gusto mong i-try.” “Ayaw nila kasi maamoy ito after. Wala namang aamoy sa akin kaya okay lang.” Nagbibiro lang siya pero hindi nakalingat sa kaniya ang pagseryoso ng mukha ni Jasper. “Uyy, joke lang. Lagi akong ready, ‘wag kang mag-alala.” “Ready?” “Basta.” Binigyan niya ito ng matamis na ngiti at nagsimula nang kumain. “Ikain na lang muna natin ito.” “Pero seryoso kang kakainin mo lahat iyan?” Inisa-isa nito ang tatlong platong nasa harap niya. “Of course.” “Hindi halata sa’yo na malakas kang kumain.” Umarko ang isang kilay niya. “Gutom ako. Bakit ba? Tsaka tikman ko lang para if ever masarap ay pwede kong subukan sa bahay.” “You’ll try to cook?” humahangang tanong nito. Tumango siya sabay paikot ng chicken sa garlic sauce. “You just don’t know kung gaano kasarap ito sa panlasa ko.” “No… Wala talaga akong ideya,” makahulugang saad ni Jasper habang nakatitig sa dalaga. Hindi pansin ni Florence ang matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Jasper habang pinapanood siya ng binata. At mas lalong wala siyang kaalam-alam kung gaano natutuwa si Jasper na pagmasdan siya habang kumakain. She’s too oblivious and happy that moment. She’s not just sure kung dahil ba sa pagkain o dahil sa presensiya ni Jasper. Or maybe both… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD