Nagising si Az sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang unit. Naalimpungatan din siya nang humawak sa dibdib niya si Rosalyn. Pareho silang walang saplot sa katawan na magkatabi sa kama. Nakapatong ang ulo ni Rosalyn sa braso ni Az habang nanatiling tulog. Napatitig si Az sa maamong mukha ni Rosalyn. Ngunit kahit gaano kaganda sa paningin niya ito ay mas tumatatak sa isip niya ang panlolokong ginawa niya rito. Galit ang namumuo sa kanya at hindi pagmamahal sa babaeng kasiping niya. Gusto niyang gumanti ngunit hindi sa paraang gusto niya kundi sa paraang doble ang mararamdaman nitong sakit. "Hi, babe. good morning," bati ni Rosalyn nang magising ito. Ngiti na lang ang naging tugon ni Az at bago ito saglit hinalikan ni Rosalyn sa labi. Nang makalabas sila ng kwarto ay napagdesis

