Chapter 39

2009 Words

JOSIE MARAHAS AKONG napatayo nang bumukas ang pinto ng condo unit at iniluwa si Sancho kasama ang isang matandang ginang na buhat si Nathalie. Napasinghap ako at agad na lumapit saka kinuha mula dito ang aking pamangkin saka mahigpit na niyakap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. "M-maraming salamat po," naiiyak kong sabi. Ngumiti lamang siya sa akin at tumango saka ibinaling ang tingin kay Sancho. “Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari kay Carmina, Sancho. Nakikiramay ako,” saad ng matandang ginang. Malungkot na ngumiti lamang si Sancho at ako naman ay napayuko na lamang dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari. Naupo naman ako sa couch at nakangiti habang naiiyak na tinitigan ang pamangkin kong nakangiti rin sa akin. Umupo rin si Sanc

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD