Chapter 10

2703 Words

JOSIE PAGOD NA PAGOD akong lumabas ng kitchen para umuwi na dahil kaninang five am pa ako nagluluto at ngayon ay halos alas diyes na ng gabi. Sobrang dami ng mga tao ngayong araw dahil bukod sa mga normal na customer ay may ginaganap din na event na nagsimula kaninang eight pm. Birthday ng isa sa mga VIP na si Miguel Corrales at siya rin ang nag-request na dapat ay Filipino foods ang ihanda sa kaniyang mga bisita. Nang marating ko ang locker area ay hinubad ko na agad ang puting uniporme at inilagay sa loob ng locker. Kinuha ko na rin ang bag ko saka isinaram iyon. Nang akmang maglalakad ako palabas ay nakasalubong ko si Danica na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. “Hi,” bati niya sa malamig na boses. “Hi,” sagot ko at ngumiti nang tipid. Nang akmang lalagpasan ko siya ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD