SANCHO PAGLABAS NA PAGKALABAS namin ng warehouse ay agad bumungad sa amin ang dalawang itim na sasakyan at apat na lalaking nakatayo na puro itim na suit ang suot. Nilingon ko pa ang aking team na katulad ko ay kunot ang noo dahil hindi naman ganitong back-up mula kay Black ang inaasahan ko. I was just expecting two or three men waiting outside the warehouse. Itinuon ko namag ang tingin ko sa bandang dulo ng isang sasakyan. Hindj ko mapigilan ang pag-igting ng aking panga nang makita roon si Ross habang hawak si Jaguar na nakaluhod katabi ang tauhan nito. “Sino sila?” tanong ni Josie na naka-kapit sa aking braso at tinutukoy ay ang mga lalaking naka-suit na itim. “They are Black’s men, our back up,” sagot ko at nilingon si Josie na bakas pa rin sa mukha ang lungkot sa pagkamatay ni C

