JOSIE
PINUNO KO ng hangin ang aking baga habang nakatayo sa harap ng kwarto ni Sancho. Kailangan ko kasing manghiram sa kaniya ng pera pang-grocery dahil bukod sa ubos na ang gatas ni Nathalie ay wala rin akong magamit na maluluto ngayong araw lalo na at day off ko pa. Isang linggo na ako sa trabaho at limang araw na lang ay sasahod na ako kaya kahit papaano ay mababayaran ko siya.
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at pinikit ang aking mga mata dahil nahihiya ako sa gagawin ko. Nang kumatok ako ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto dahilan para sa matigas na medyo malaman lumanding ang buko ng aking daliri. Agad akong napamulat at dumako ang tingin sa kaniyang matigas na dibdib. Napakurap ako at itinaas ang tingin sa mukha naman ni Sancho na nakayuko naman sa kamay ko.
“Masyado mo namang ini-enjoy ang mucles ko,” ani Sancho na pinagalaw pa ang dibdib dahilan para manlaki ang mga mata ko at mabilis na alisin ang aking kamay na para bang napapaso.
Nababaliw na ba siya?! At saka paano niya nagawa iyon?
“S-Sorry,” nauutal kong sabi. Mas gugustuhin ko na lang talaga bumuka ang lupa sa kinatatayuan ko at kainin ako dahil sa hiya.
“Sabihin mo lang kung gusto mo, payag naman ako basta ba, no f*****g string attached,” aniya na nakangisi pa at nagtaas-baba ng kilay.
Matalim naman ang tinging pinupukol ko sa kaniya. “Asa ka naman.”
Hindi ko naman mapigilang igala ang tingin ko mula sa matigas niyang dibdib pababa sa kaniyang mga pandesal hanggang sa umabot sa letrang V sa kaniyang bandang puson. Napalunok ako nang laway at nang ibaba ko pa ang mata ko ay agad kong nakita ang bacon na garter ng kaniyang boxer dahilan para mapangiwi ako at muling tumingin sa kaniyang mukha.
“Seryoso?”
“Alam ko! Bibili ako ng bagong boxer, huwag ka mag-alala,” aniya na naksimangot na. “Tabi nga!”
Napanguso ako at bahagyang umatras para makadaan siya papunta naman sa banyo sa kusina. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa kaniyang likuran na may mga pilat na mula sa iba’t iba niyang karanasan. Pero sa halip na mapangiwi ako ay tila ba namangha pa ako sa aking nakikita.
Ang hot!
“It’s disgusting, I know. So quit f*****g staring, Josie,” ani Sancho na inilapag ang kaniyang cellphone sa lamesa at tumungo sa pinto ng banyo.
“H-Hindi naman—“
“Whatever, Josie Mae.”
Kumunot naman ang noo ko at sunod-sunod na napailing dahil hindi naman ganoon ang iniisip ko sa mga pilat niya. Nang akmang sasagot ako ay pumasok na siya ng banyo kaya wala akong nagawa kundi ang maupo sa dining area para hintayin siya matapos sa pagligo. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil mukhang medyo apektado siya tungkol sa kaniyang pilat.
Ano kaya ang dahilan ng mga iyon? Pulis ba siya? Militar? O baka naman masamang tao?
“Hindi, hindi,” saad ko at sunod-sunod akong umiling upang alisin sa isip ko ang bagay na iyon.
Habang naghihintay ay bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa lamesa. Hinayaan ko lamang iyon hanggang sa mamatay ngunit agad namang tumunog ulit. Hanggang sa umulit na naman kaya dahil sa kyuryusidad ay tumayo ako at sinilip kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang makita ang letrang X sa screen. Tumingin muna ako sa pinto ng banyo at muling binalik ang atensyon sa cellphone na walang tigil sa pagtunog. Huminga ako nang malalim at dahil sa kyuryusidad ay sinagot ko ang tawag.
“Hello—“
“Sancho, where are you? The Client wanted to see you tonight,” anito na kung tama ako ay boses ng lalaki.
Client?
Nang marinig ko ang pagpatay ng shower sa banyo ay nanlaki ang mga mata ko at mabilis na pinatay ang tawag saka inilapag ang cellphone sa dating kinalalagyan nito. Umupo ako muli sa kinaupuan ko at huminga nang malalim saka naghintay. Nang makalabas si Sancho ng banyo ay bigla akong tumayo dahilan para sabay pa kaming magulat sa isa’t isa.
“Ay kabayo ka!” bulalas ni Sancho na napahawak pa sa dibdib dahil sa gulat.
“Grabe ka naman sa akin,” nakanguso kong sabi at ibinaba na naman ang tingin sa abs niya. Tanging tapis ng tuwalya sa bewang lamang ang kaniyang sout kaya hindi ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi.
“E, bakit naman kasi nandiyan ka?” aniya at lumapit at kinuha ang kaniyang cellphone. Napalunok naman ang ako ng laway nang maalaala ang pagsagot sa tawag sa cellphone niya. “May tumawag ba sa phone ko?”
“Ha? Ano? W-Wala,” sagot ko at tumikhim. Tinaasan niya lang ako ng kilay at akmang lalagpasan ng hawakan ko siya sa braso pero dahil sa pagkataranta ko ay bigla akong napahawak sa buhok ng tuwalya niya dahilan para mahulog iyon. Napasinghap ako nang tumambad sa paningin ko ang pwet niyang mas makinis pa sa mukha ko.
“Holy s**t! What the f**k, Josie?” aniya na nanlalaki ang mga mata. Mabilis niya na kinuha ang towel at ibinalot sa kaniyang kahubdan.
“S-sorry! W-Wala akong nakita—“
“Ano bang kailangan mo?” salubong ang kilay niyang sabi at mahigpit ang hawak sa buhol ng kaniyang tuwalya.
“Ano, kasi… P’wede bang favor?”
“Ano ‘yon?” nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin.
“P’wede bang makahiram ng pera pang-grocery para dito sa condo mo? Huwag ka mag-alala! Sasahod na ako kaya mababayaran kita agad.”
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa hanggang sa panliitan niya ako ng mga mata at mataman akong tinitigan. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang mga mata niya.
“Fine, pero sasamahan kita sa supermarket, wait here,” aniya at naglakad na papasok sa kaniyang kwarto.
Dahan-dahan naman na gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumakbo papunta sa kwarto para bihisan si Nathalie na mukhang kakagising lang dahil hindi ko naman siya p’wedeng iwan dito sa condo. Matapos ko siya ayusan ay kinuha ko naman ang carrier at pinaupo siya sa doon saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Sancho na naghihintay sa sala. Tumayo ito nang makita ako at nauna nang naglakad palabas.
Kumunot naman ang noo ko nang marating namin ang parking lot dahil sa pagkakaalam ko ay magco-commute kami at wala naman siyang kotse. Nakasunod lang ako kay Sancho hanggang sa huminto kami sa isang sasakyan na hindi ganoon kalinis. Salubong ang kilay ko na nilingon siya.
“Akala ko ba wala kang kotse?” takhang tanong ko.
“Wala nga, kaya bumili ako,” sagot niya at binuksan ang back seat.
“Bakit? ‘Di ba wala kang pera?”
“Pake mo ba? At saka wala nga akong pera pero hindi naman ako pulubi,” sagot niya at nameywang. “At isa pa secondhand ‘yan kaya hindi ganoon kamahal.”
Nagkibit-balikat na lamang ako at akmang papasok nang makita ko ang child car seat. Nagsalubong naman ang kilay ko na muling ibinaling ang tingin sa kaniya.
“Bumili ka rin ng child seat—“
“Secondhand din iyan at saka required iyan kapag may batang pasahero. Huwag kang assuming diyan na gagastusan ko kayo ng batang bitbit mo,” sagot niya na ikinakibit ng balikat ko.
“Pero bagong-bago pa ‘to oh,” pabulong kong komento habang inaalis ang mga plastic.
Umikot naman si Sancho sa driver’s seat at samantalang ako ay inilagay naman si Nathalie sa child seat saka hinalikan siya sa noo. Akmang uupo naman ako nang malakas na tumikhim si Sancho kaya napatingin ako sa kaniya na nakataas ang kilay. Inginuso niya ang passenger’s seat kaya tumango ako at lumipat sa tabi niya.
Hindi ko naman mapigilan ang dahan-dahan na pagguhit ng ngiti sa aking labi. “S-Salamat—“
“Don’t thank me. I’m not doing this for you, I’m doing this because I owe you,” aniya dahilan para maglaho ang ngiti sa aking labi.
“Okay, sabi mo e—“
“At isa pa, babayaran mo ang gas nito.”
Pinaikot ko na lamang ang mata ko dahil sa pagkairita. Kuripot talaga!
ILANG MINUTO nang marating namin ang mall ay agad akong lumabas ng kotse at umikot sa back seat para kunin naman si Nathalie. Naunang naglakad si Sancho papunta sa entrance ng mall at agad naman akong sumunod sa kaniya, ni hindi man lang ako hinintay. Nang makapasok sa supermarket ay agad na kumuha si Sancho ng shopping cart at basta na lamang naglagay ng kung ano-ano.
“Teka, teka!” pigil ko sa kaniya dahilan para lingunin niya ako. “Wala ka bang listahan ng bibilhin? Masyado kang maraming nilalagay! Ako kaya ang magbabayad niyan!” hasik ko dahil ultimo sandamakmak na tissue paper ay naglalagay siya. Kahit siya ang magbabayad ngayon ay utang ko naman iyon.
Nagtaas lang siya ng sulok ng labi dahilan para mas magsalubong ang aking kilay. “Alam ko, kaya nga marami akong nilalagay ‘di ba?”
“Aba’t—“
Hindi ko na natuloy ang aking sinasabi nang bigla na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad habang tulak-tulak ang shopping cart. Pasipol-sipol pa ito na akala mo isang milyonaryong naglalagay ng kung ano-ano sa cart. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa inis habang pinapanood siya.
Mukhang naisahan ako ng lalaki iyon ah!
Nakasimangot akong humiwalay sa kaniya ng aisle para naman kumuha ng gatas at diaper ni Nathalie. Pati na rin ng iba pang kakailanganin para sa pang-araw-araw niyang pangangailangan. Kumuha na rin kasi ako ng taga-alaga niya para naman hindi ko na siya isasama sa trabaho. Mamayang gabi ko rin mai-interview ang bagong babysitter ni Nathalie at sana swertehin ako sa makukuha ko.
Habang kumukuha ng mga wet wipes ay natiglan ako nang makaramdam ako ng kakaibang presensya. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang mabilis na t***k ng dibdib dahil sa kaba at mula sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang mga lalaking nakaitim na pasulyap-sulyap sa akin. Nayakap ko naman nang mahigpit si Nathalie na walang kamuwang-muwang sa nangyayari.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at naglakad. Ngunit nararamdaman ko pa rin ang presensya ng mga lalaki kaya pabilis nang pabilis ang aking lakad. Nabubunggo-bunggo na ako sa ibang namimili pero wala akong pakialam dahil kailangan kong makalayo sa mga sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol pero alam kong masasamang tao sila.
"Aray! Ano ba 'yan!" reklamo ng isa sa mga nabangga kong mamimili.
“S-sorry po, excuse me, makikiraan,” sunod-sunod kong sabi sa mga nadadaanan ko habang yakap nang mahigpit si Nathalie na nagsimula ng umiyak.
“Sancho… nasaan ka na… tulungan mo ako…” bulong ko sa aking sarili. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata dahil sa sobrang takot.
Mabilis ang bawat hakbang ko kasabay nang walang tigil na pagtibok ng aking puso. Nang bahagya akong lumingon ay nakita ko ang mga lalaki na sumusunod pa rin kaya nanlalaki ang mga mata ko na mas binilisan ang paglakad-takbo. Hanggang sa bigla na lang may humablot sa aking braso nang marahas. Napasinghap ako at akmang magpupumiglas nang tumambad sa paningin ko ang mukha ni Sancho. Salubong ang kilay niya at alam ko na pag-aalala ang naka-rehistrong emosyon sa kaniyang mukha.
“What the hell? Josie? Anong nangyari?!” bulalas ni Sancho at hinawakan ako sa magkabilang braso saka bahagyang inalog.
“S-Sancho…”
"Okay ka lang? Bakit ka tumatakbo?" tanong niya at pinunasan ang butil-butil na pawis sa aking noo na tumulo na sa aking pisngi.
Nanginginig akong mas lumapit sa kaniya at isinandal ang aking noo sa kaniyang dibdib at marahang ibinuga ang hangin na naipon sa aking baga. Dahan-dahan ko namang naramdaman ang braso ni Sancho na pumalibot sa amin ni Nathalie dahilan para makaramdam ako ng kaligtasan sa mga bisig niya.
“Shh, I’m here, Josie. You’re safe now.”