Chapter 7

2356 Words

JOSIE TULALA LANG akong pumasok ng condo at dumiretso sa kwarto para ihiga sa kama si Nathalie na tulog na naman. Naupo na rin ako sa tabi niya at marahang hinahaplos ang kaniyang mamula-mulang pisngi. Hindi maalis sa isip ko ang nangyaring insidente kanina dahil malaki ang posibilidad na mangyari ulit iyon. Paano kung wala si Sancho ng mga sandaling iyon? E ‘di sa kangkungan na kami pupulutin ni Nathalie? “Hindi, hindi, hindi,” sabi ko sa sarili ko na sinabayan ko pa ng sunod-sunod na iling. Kahit na nong mangyari, hindi ko hahayaan na masaktan si Nathalie. Napaigtad ako nang may kumatok sa pinto kaya naman ay napatayo ako at tumungo roon. Marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakataas ang kilay at nakahalukipkip na si Sancho. Kahit ganito ang ugali ng lalaking ‘to

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD