Chapter 5

3004 Words
--- 2nd Soul--- Papasok na sana kami ni Eli nang may lumabas sa coffee shop na'to, isang matandang lalaki na may katabaan ng konti. Nakasumbrero at jacket na itim. Mukha siyang natalo o kaya nalugi. "Get out, and never come back here again!" May sumigaw galing sa loob at tinulak nito ang matandang lalaki. Eli let go of my hand and when I look around, wala na siya. Wala na naman siya!!!! Bakit ba hindi siya nagpapa-alam? "Eli?" Sinisigaw ko ang pangalan niya ngunit walang Eli na sumasagot. "Eli?!" He's gone. Huminto ang tingin ko sa matandang lalaki na nakatayo na at tumititig sa'kin. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sakaniya at mas nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya. He's a bit old and his wrinkles are being exposed plus his eyes which shows tiredness. "M-Mister, are you alright?" Tanong ko sakaniya. Hindi siya sumasagot. I fake my cough, "Mister? Have you seen my friend?" nagtaas ako ng kilay sakanya para maipakitang naghihintay ako ng isasagot niya. Ngumiti siya, "Emune pantunan, datang ya rin" ('wag mo nang hanapin, dadating din siya). Kumunot ang noo ko, at hinahanap ko ang kaniyang mga mata. Sino siya? Am I related to him? Kapampangan? Ibig sabihin, hindi siya nalalayo sa'kin. Humakbang siya papalapit sa'kin, pero napapaatras ako dahil sa kaba. Tumawa siya, "Huwag kang matakot, martha" Omg! Kilala niya 'ko? Bakit ako hindi ko siya kilala? "K-Kilala mo po ako?" Tumawa ulit siya at naluha pa, pinunasan niya ang mata niyang naluluha, "Oo?" "Paano? Kailan? Katulad ka po ba ni Elias na hindi ko rin maalala kung nakilala ba kita sa lupa? Mister?" Kumunot ang noo niya, "Sinong Elias, hija?" "Yung kaibigan ko po kanina, nandito lang siya..." Habang tinuturo ang pinanggalingan namin kanina. Humina ang boses ko dahil hanggang ngayon kabado pa rin ako na para bang may nagawa akong hindi maganda. "Kung ang soulguide mo ang tinutukoy mo, oo babalik din 'yon hija 'wag kang mag-alala. Nga pala, hindi mo talaga ako kilala dahil patay na'ko dekada nang nakakalipas sa mundo at hindi ka pa pinapanganak." Tumango ako nang dahan-dahan, "Pero... Paano niyo po ako kilala? Bakit ko po kayo nakilala rito?" He tapped my shoulder and smile, "Hindi ako, pero ang mga anak ko, ng mga anak nila at mga anak nila. Sila... Ay kilala ka" Parang tinambol ang puso ko sa kaba at nanginginig ang buong katawan ko. ~Flashback~ Dinala na naman ako ng ala-ala sa isang pamilyar na lugar. Isa itong coffee shop pero hindi ko kabisado ang mga shop na napuntahan ko na. May mga nagkukumpulan sa isang lugar kaya naman nilapitan ko kung anong meron. "Omg, I'm so sorry, miss!", isang babaeng pamilyar ang nakita ko. "Sorry?! Bullshit! Alam mong daanan 'to, tapos dinadala mo yang kape mo? Nag-iisip ka ba o wala kang isip?!" There I saw myself, wearing a corporate attire plus a spilled coffee on my uniform. Iyong martha na matapang at hindi nagpapatalo. May mga lumapit na sakanila pero biglang sinabunutan ng matapang na martha ang babae at binuhusan pa ito ng kape. May mga dumating na pulis at inawat sila, I know this scene at hindi ko 'to makakalimutan. Nilinis ng mga crew ang kalat at nagkagulong upuan, wala na kame sa mga oras na'to dahil nasa presinto na kami. Sa coffee shop, biglang nay pumasok na babaeng may edad na. Nakasuot ng longsleeve at jeans. Busangot ang itsura at halatang pagod ito. "Ma'am, good morning po", yumuko ang babaeng crew sabay bati at nagsibatian din ang ibang crew. "Nabalitaan kong may eskandalo na naman? Nasaan na sila?" Lumilingon siya. "Nasa presinto na ho, ma'am" "Agad?! Gano'n na ba kalala para sa presinto na agad? Nakakahiya sa mga ibang customers, sino na naman ba ang nag-eskandalo?" Nagsitinginan lang ang mga crew, "Sino?!" Kalmado ang boses niya pero bakas na ang irita. "S-Si ma'am martha ho, ulit", pagsingit ng crew. Napasapo ng noo ang babae at kumunot ang noo ko. Siya ba ang boss nila? May binigay ang isang crew na cellphone sa babae at mukha video pa ito. "Wala ba siyang pinipiling lugar, dito pa talaga?" Bumulong siya at tinuloy na ng mga crew ang kanilang ginagawa. Pumasok siya sa isang pintuan at sinundan ko siya. Umupo siya sa isang swivel chair habang may binabasa na papel. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at dumuko. After a while, narinig ko nalang ang mga hikbi niya sa pag-iyak. Is it my fault? Dahil ba sa lagi akong nanggugulo sa coffee shop nila? Ngayon ako nakaramdaman ng konsensya rito sa langit. I left a sighed. Lumabas ako sa opisina niya at bumalik sa lugar kung saan ako gumawa ng eksena. Inaayos pa rin nila 'to at kumpira sa dami ng tao kanina, bilang nalang ang mga customers na natira. I felt sad. How could I be so careless? ~End of flashback~ "What was that?!" Hingal na hingal ako na para bang tumakbo ako sa nakaraang taon. "May nilagpasan ka, hija" "Po?" "Nilagpasan mo ang takbo ng ala-ala, umalis ka ka-agad. Hindi mo alam ang tanging dahilan" "H-Hindi ko po naiintindihan, ano po ang sinasabi niyong tanging dahilan?" Inayos ng lalaki ang kupya niya at ngumisi, "Katapos nang eskandalong nangyari sa coffeeshop na iyon, madalang nalang magkaroon ng mga customers na dumarayo", bumagsak ang dalawang balikat ko sa narinig, "pero alam ko ang nasa isip mo. Alam kong iniisip mo na kasalanan mo, hindi ba?" Dahan-dahan akong tumango, "Ang babaeng nakita mo, iyon ang apo ng aking apo. Dalawa silang magkakapatid, ang isa nasa ibang bansa may sarili ng pamilya at siya ang naiwan sa pilipinas upang ituloy ang pamamalakad ng coffeeshop na'yon. Dahil sa walang pamilya" Pinagsiklop ko ang mga kamay ko. "Paparusahan niyo po ba ako? Sorry po! May mga pinagdadaanan lang-", hindi niya ako pinatapos at humalakhak siya. "Hindi hija, hindi ako naniningil sa'yo o anong parusa pa man. Andito ako para tulungan ka, para matuto ka" "Nakita ko po siya umiiyak sa opisina niya, dahil po ba 'yon sa nagawa ko? Pasensya na po talaga", pinagdikit ko pa ang kamay ko as a sign of begging for forgiveness. Hinawakan niya ang kamay ko at binaba niya. "Hindi hija, katulad mo lang din siya. Ayaw magpatalo. May ibang dahilan kung bakit lumulubog ang pinaghirapan ko, pinaghirapan ng anak ko, at pinaghirapan ng mga apo ko" Kumunot ang noo ko at nanliit ang mga mata, "Hindi ko po maintindihan, ano pong ibig niyong sabihin?" Ngumiti siya ng malapad, "Ang rason kung bakit siya umiiyak ay dahil sa pag-ibig, hindi sa trabaho. Walang customer na dumarayo hindi dahil may problema sa kanilang benta o pangangalaga, kung di dahil ang mismong nangangalaga ay may problema" Nagbuga siya ng malalim na hininga, "Ang papel na binabasa niya, isa 'yong divorce paper. Binabalak niyang makipaghiwalay sa asawa niya dahil minamaliit siya ng manugang at iba pang kamag-anak na kaniyang napangasawa" "Bakit po gano'n? I mean kung ayaw niyang magpatalo kailangan niyang ipaglaban. Bakit kailangan pa magpadivorce?" "Para sakaniya, upang hindi magmukhang mahina, ipapakita niya sa pamilyang 'yon na kaya niyang bitawan ang asawa niya sa pamamagitan ng papel, iyon ang divorce paper" "Pero mahal niya naman po diba? Bakit nagpapa-apekto siya sa pamilya ng napangasawa niya?!" Umupo siya sa isang bench na katabi nito ay mga bike, tumabi ako sakaniya. "Ibinenta niya na ang shop na 'yon, ang alam naman ng lahat kaya nagsara ay dahil sa eskandalong nangyari, pero ang hindi nila alam dahil 'yon sa problema ng apo ko. Tumitira na siya ngayon sa kapatid niya at doon nagtatrabaho. Balak niyang mas yumaman pa dahil sa pamamaliit ng pamilyang 'yon sakaniya" "Eh yung asawa niya po? Ano pong ginagawa niya?" "Hindi niya pinirmahan ang divorce paper pero hinayaan niyang magpakalayo ang asawa niya" "Ang gulo", bumulong ako. "Gan'on talaga martha, lalo na kung nabubuhay ka sa karera. Ang gusto ng apo ko manalo sa huli, gusto niyang ipamukha sa pamilyang 'yon na nasa kaniya ang huling halakhak at palakpak" "Kamusta na po ang coffeeshop na 'yon?" Lumingon siya sa'kin at bakas ang lungkot sakaniyang mukha. "Wala na, isinara na. Walang bumili sa coffeeshop, wala ng mga empleyado, wala ng mga dumarayo..." Lumingon siya sa'kin, "Wala na rin ang mag-eeskandalo" tumawa siya at gano'n din ako. Ako 'yon. "Hindi ho bale, balang araw, mababawi rin ng apo niyo 'yon. At kung darating man ang araw na'yon, sisikat ang shop na inalagaan niyo" Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko, "Nag-iba ka nga talaga" sabay iling niya. Nagkibit-balikat ako, "Hope so" Nagbuga siya ng hininga, sa kaniyang labi ay may ngiti ngunit sakaniyang mga mata ay bakas ang lungkot. "Uhm, may tatanong po pala ako..." Hindi siya lumingon sa sinabi ko. "Ano 'yon, hija?" "Kung kayo po ang may-ari ng coffeeshop, bakit kayo pinaalis sa shop na'yon nung una ko kayong nakita?" Ngumiti siya, "Dahil gano'n ako nagsimula, lahat ng makikilala mo, makikita mo muna sila sa kung paano sila nagsimula sa kani-kanilang buhay" Tumango ako, "Nanghihinayang po ba kayo?" "Saan naman, hija?" "Na agad po kayong namatay? Hindi pa po kayo gano'n katanda eh, pero para pong agad kayong namatay?" "Nanghinayang din, kapag may nagawa pa tayong hindi pa natin natatapos, parang gusto natin tapusin ito at baguhin para magampanan ang ating tungkulin naiwan sa mundo" "Tama po kayo, ganiyan din po ako ngayon sa trabaho. Hindi man lang ako nakapagbilin man lang o kaya gumawa ng tama bago mamatay" "Pero wala tayong magagawa, martha. Kapag oras na ng kamatayan, oras mo na. Nasa plano ng diyos, iyon" Tumango ako sakaniya. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Sapat na ang naiwan ko sa mundo, nais ko lang maipagpatuloy 'yon kahit hindi na ako. Kahit ang mga apo ko lang o ang magiging apo nila. Dahil ang tanging gusto ko lang umabot pa ito sa mga kani-kanilang apo at angkan" "Alin po? Ang coffeeshop?" Tumango siya, "Oo, gano'n din ang pangalan ko" Humarap ako sakaniya at nakitang nakatanaw siya sa malayo. "Ano po bang pangalan niyo?" Lumingon na siya sa'kin. "Goryo, Ako si Apung Goryo" Goryo's PoV ~Flashback~ Ala-singko palang ng umaga, gumigising na'ko para pumunta sa bakery. Sa edad kong labing-tatlong gulang, ang bakery na'to ang pinakagusto kong puntahan. "Pabili ho ne'to, magkano 'to?" Tanong ko sa nagtitinda sabay turo sa cinnamon. "Ilan ba hijo? Bentsingko lamu anam (25 cents, anim)" Binigay ko ang bayad pero hindi pa rin ako umalis do'n. Umupo ako sa gilid ne'to at kinain ko ang binili. Wala na'kong mga magulang dahil namatay sila sa gera at inampon ako ng mga sundalo. Ngunit, hindi biro ang nasa kamay ng mga Hapon sa dalawang taon na paghihirap. Kinupkop nila ako, pinakain at binihisan para sa huli kalabanin ang sariling bansa. Sa kabila ng lahat, hindi ko magagawang pagtaksilan ang bansa ko. Tumakas ako at pumunta rito sa Pampanga. Hindi ko rin naman gustong pinapakain nga nila ako pero pinagmamalupitan naman. Nagtrabaho ako ng kahit ano, para mabuhay. At masasabi kong nagbago ang buhay ko simula nang lumipat ako rito. Labing-walong gulang na'ko at mas napalapit ako sa bakery na'to, bukod sa mura ang mga tinapay dito, eh sobrang sarap ng mga tinitinda. Nang natapos ang pananakop ng mga Hapon sa ating bansa ay muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas at patuloy pa rin na nagsi-tayuan ang mga istraktura. napag-iwanan ang bakery na'to. Walang bumibili at nagiging luma na. Sa bagong pinapasukan ko na isang coffeeshop at bakery, naka-ipon ako ng pera para sa pag-aaral ko. Pumasok ako sa sekondarya at naghanap ng iskolar. Sa umaga, isa akong baker sa isang bagong tayo na coffeeshop na amerikano ang may-ari. Pinagsasabay ko ang trabaho at pag-aaral hanggang sa nagbago ito nang pumasok ako sa isang bagong tayo na bakery, na Morning Shop. "3 muffins and 2 cinnamon, please!" Narinig ko ito galing sa counter ngumiti ako at itinuloy ang ginagawa. Ginilasan ko ang paggawa pero bakas ang saya ko. Habang nag-aaral ako, nagbabasa rin ako kung paano gumawa ng mga tinapay. Nag-ipon pa'ko para makabili ng libro bilang gabay. "Yo, ako na diyan may pasok ka pa hoy", tumabi sa'kin si Felix, isa rin baker na tulad ko. Lumingon ako sakaniya, "hindi ayos lang, hindi na muna ako papasok ngayon. Nagpadala na rin ako ng liham kay Profesor Asuncion na hindi ako makakadalo sa kaniyang pagtuturo" lumingon ako sa labas at binalik na ang tingin sakaniya, "maraming lumuwas ngayon kaya maraming kostumer" tsaka ako ngumiti sakaniya. Dumaan ang mga araw, at hindi ko na naitapos ang kolehiyo. Bukod sa, hindi ko na masustentuhan ang sarili sa pag-aaral mas naging abala rin ako sa bakery. Nakapila kami lahat ng mga empleyado habang ang nasa harap ay ang tagapamahala namin na nagsasalita na nagsasalita sa gitna. Namimili siya ng ng sesisantihin niya at magpapasok ng bago. Para sakaniya, ang pabago-bagong empleyado ang sangkap para mas dumami ang mga kostumer. Nang natapos na, lumabas muna kami ni felix para magpahangin. "Diyos ginoo, kinabahan ako do'n ah! Akala ko mawawalan na rin ako ng trabaho", umupo si felix sa gilid at ako naman ay malalim ang iniisip. Nakapamaywang ako at nakatingin sa sahig habang nag-iisip. Paano ang mga kakapasok palamang tapos matatanggal na agad sa trabaho? Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon para makabawi ang ibang empleyado. Sana naman sa susunod na may makapasok, hindi agad matatanggalan sa trabaho. Sana nga. Hinawakan ni felix ang balikat ko at tinatapik ito, "Y-Yo, tignan mo may p-paparating...", kunot noo akong lumingon sakaniya at nakatitig siya sa malayo habang laglag panga. Tumingin ako kung saan siya nakatingin at parang sa mga librong nababasa ko biglang bumagal ang ikot ng mundo. Huminto ang pagtakbo ng oras at tanging napako ang titig ko sa isang taong papalapit. Isang babaeng morena ang kulay, maitim na mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at mahahaba ang mga pilik-mata nito. Nakasuot siya ng pulang bistida. Huminto siya sa mismong tapat namin at parang nahipnotismo ako sa bawat kilos niya. Umubo siya ng kaonti, "Uhm, magandang araw mga ginoo. Maaari ba 'kong ba magtanong? Eto ba ang morning shop?" pati ang kaniyang boses ay malambing para akong hinehele. Nagtaas siya ng mga kilay tsaka ngumiti, "Uh, kapampangan ba kayo? Ingles?" Tanong niya. "U-Uh, oo ano uhm naiintindihan namin kahit ano hehe", pagsingit ni felix at bigla niya 'kong siniko tsaka naman ngumiti ang babae. Tumango siya at biglang bumaling sa'kin tsaka ngumiti. " Salamat" Umalis siya sa harapan namin at itong felix ay sinundan ang tingin sa babae habang ako ay tulala. Humalakhak si felix sabay turo sa'kin, "Ikaw ah yo, kaya pala todo ang pagtanggi mo sa mga amerikanong babae, dahil pilipina lang pala ang bibihag sa puso mo! Ano yo, isa na bang mamon ang puso na 'yan?" Humalakhak siya at kumunot ang noo ko sakaniya. "Anong mamon?" Tanong ko sakaniya. "Hindi mo pa ba natitikman ang tinapay na 'yon? Mamon daw ang tawag ro'n sa malambot na may halong puting asukal at keso. Galing iyon sa Visayas at pinadala lamang dito. Pag-aralan mo 'yon. Tiyak na masarap 'yon" Napaisip naman ako dahil ngayon ko lang narinig ang tinapay na 'yon. Kung gano'n, mukhang masarap at mabenta 'yun kung sakali. "Mahal siguro ang mga sangkap no'n" bulong ko. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Felix. "Sinasabi ko na nga ba at ngayon ay nabihag ang iyong mamon" pagtawa niya at napailing naman ako. "Ewan ko sa'yo, magtrabaho na tayo palibhasa ikaw kinindatan ka lang ng mga babae bumibigay kana", ngumingisi siya sa pagpasok namin. Pumasok na kami sa kusina at nakitang nandoon ako ang mga ibang empleyado. Nakapamilog at para bang may pagpul pulong na nagaganap. "Anong meron?" Tanong ni Felix sa'kin. "Parehas lang tayo nasa labas kanina aba malay ko anong meron" sambit ko sabay suot sa apron at lumapit sa mga kasamahan namin. Nanlaki ang mata ko sa nakikita. Nagsi-taasan ang mga balahibo ko at tinatambol ang puso ko. "Magandang umaga, ako si Feliza De Guzman, at isa ako sa mga bagong serbidora. Sana mas makilala ko pa kayo at mas makatulong ako sa inyo. Salamat!" Ngumiti siya at nagsi-tanguan naman sila. Siya ang babaeng nakita namin sa labas, ibig sabihin makakasama ko siya sa trabaho? Napangiti nalang ako bigla. Ilang linggo ang lumipas at mas nakilala ko si Fel, mabait at sobrang mapagbigay na tao. Alam ko sa sarili kong paghanga ang pumukaw sa'kin para sakaniya pero hindi ko inaasahan na aabot sa puntong pati ang kaniyang kalooban ay magugustuhan ko rin. Lagi kaming pumapasok ng sabay at hinahatid ko rin siya pauwi. Hindi ko man masabi sakaniya ang nararamdaman ko ay kampante na'ko sa kung ano man ang meron kaming dalawa. Pero hindi ko aakalain na noong umamin ako sa totoong nararamdaman ko para sakaniya ay nakatanggap ako ng swerte sa buhay ko. Inamin niya rin na gusto niya 'ko kaya simula no'n ay araw-araw ko siyang nililigawan. Hinihintay namin magbukas ang shop habang nakaupo kami. Nakasandal ang kaniyang ulo sa aking balikat at nakatanaw kami sa papasikat na araw, "Goryo..." Bulong niya. "Hm?" "Anong pangarap mo?" Napaisip ako sa tinanong niya at nagbuga ng hininga. "Marami, hindi ko masabi lahat kung ano basta alam ko marami akong gustong mangyari" "Sa trabaho gano'n o kaya sa sarili mo" Nagbuga ako ng hininga,"Pangarap kong magtayo ng sariling bakery at balang araw tulad ng pagsikat ng araw, magbibigay liwanag ito sa mga tao" Humarap siya sa'kin at ngumiti, "tutulungan kita" hinawakan niya ang kamay ko, "Bubuo tayo ng sarili mong shop" Hinalikan ko siya sa noo at sumaya ako sanabi niya. Manatili ka lang sa tabi ko Fel masaya na 'ko. "Ikaw fel, anong pangarap mo?" Tumingin siya ng direkta sa mga mata ko. "Pangarap ko, matupad lahat ng mga pangarap mo", ngumiti siya. Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya at nilapat ko ang kaniyang mga labi. Hinalikan ko siya habang nakatanaw ako sa kaniyang mga mata. Biglang tumilaok ang manok kaya napatigil kami at sabay tumawa. Lumipas ang mga buwan at nanatili kaming masaya ni Fel. Mas nakilala ko siya at gano'n din siya sa'kin. Ngunit may hangganan din pala ang lahat...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD