Martha's POV
His eyes stuck somewhere far. Para bang may inaalala siya nung nabubuhay pa. Ako naman tumitingin sa paligid at baka makita si Eli.
Really?! Why am I seeking his presence, now? Aba hindi ako ganito kapag may nakikilala akong ibang tao, get yourself back, martha!
Nagbuga ako ng hininga at bumaling nalang muli kay Sir ben na hanggang ngayon ay ang layo hg tingin.
I wonder what would be the lesson that I might learn from him.
"Piliin mong magpakatotoo sa mundong puno ng panloloko", he suddenly said na para bang narinig niya ang nasa isip ko.
Hindi nawala ang tingin ko sakaniya, "Minsan kase hindi natin pinapakita sa iba kung ano ang nasa isip at damdamin natin kaya akala nila sumasang-ayon tayo", tumingin siya sa'kin. "Kung may mali, sabihin mo. Pwede kang magtiwala pero kailangan mo rin alamin kung sino ang kakaibigan mo. Kung ayaw mo sa isang tao, sabihin mo. Martha hija, iyon ang katangian na meron ka noong nabubuhay ka pa. Kaya walang nagbabalak na manloko sa'yo, dahil totoo ka"
Napaisip ako sa sinabi niya. Kaya ba walang kumakaibigan sa'kin maliban kay Ezrah? Hindi dahil sa takot lang sila, kung hindi dahil hindi nila ako maloloko? Gano'n na ba talaga ang intensyon ng mga tao ngayon?
"Pero kailangan mong ipakita na may laman 'yan", tinuro niya ang puso ko. "Sa tagal ng panahon na nakasara 'yan, walang humamak na pumasok. Ganiyan din ako noon pero nang nakikilala ko ang aso kong si Pal. Natuto akong magmahal"
Bigla siyang tumayo at napatingala ako sakaniya, "Halika, may pupuntahan tayo"
Lumilinga-linga ako at baka makita ko sa Eli. Baka bumalik siya at makitang wala na'ko.
"Makikita mo ang hinahanap mo, hintay ka lang", kalmado ang kaniyang boses at walang ekspresyon.
I bit my lower lip, "Saan po tayo pupunta?"
"The last lesson"
I slowly stood up at sumama nga sakaniya. As we're walking in the park bigla akong nagtanong.
"Can I ask?"
"Go on"
"I was just curious, iyong batang lalaking nakita niyo po noong una kayong tumapak sa langit. Bakit hindi niyo po siya kasama ngayon?"
"He is now in the kingdom of almighty"
Tumango ako, "Eh bakit po kayo nandito, kung gano'n?"
"Upang makilala mo rito sa langit at bukod pa do'n, may hinihintay ako"
I pouted while thinking what would it be. Bigla ulit siyang nagsalita.
"'Yong batang nakilala ko rito sa langit, ay ang batang nakita kong nasagasan sa tren"
Napalingon ako sa sinabi niya and I felt goosebumps here in heaven!
"Ibig sabihin may connection ang bata sa inyo?" Sabay turo ko pa sakaniya.
Tumango siya, "Ang batang 'yon ay ang unang amo ni Pal. Inabandona siya ng mga magulang niya katulad ng aso. Kahit saan kami magpunta ni Pal, binabantayan niya ito. Kaya sa huling pagkakataon, nagpapasalamat siya dahil nasa mabuting kamay na ang kaniyang alaga"
My jaw dropped and I can't control a sudden shocked. May ganito palang kwento sa buhay ng mga tao.
"How are you so sure na ligtas nga ang aso? Like, did someone told you na ayos na siya? I'm curious and confuse at the same time, Sir"
"The moment na may mga tumuturing sakaniyang pamilya, alam kong maaalagaan nila ito ng maayos. Hindi lang basta inatatali sa puno at gawing taga-huli ng magnanakaw, kung hindi ituturing nila 'to bilang isang pamilya"
"Paano sumama ang aso sa mga maids ko?"
"After I died, days passed laging bumabalik si Pal sa palengke. Ngunit, nang laging sumasama ang aso ko sa mga katulong mo... Mas napagaan ang loob nila kumpara dati na naaaliw lang. Kaya napagdesisyunan nilng ampunan si Pal at iuwi sa bahay mo"
I played my fingers and realizing what I have done. Paano nga kung tuluyan ng napalaayas ang aso sa bahay ko? How can the dog survive this cruel people?
I'm one of them. Isa ako sa mga taong walang pake sa mga alagang hayop.
But now... I'm slowly changing and learning.
Nagpatuloy kami sa paglalakad nang may naalala ako.
"Ano pong nangyari sa bata bakit siya nasagasaan sa tren?"
"He saved my dog, Pal"
I glanced at him and his eyes darted at the way. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, seryoso at walang ekspresyon.
"Akala ko po ba nakatali ang aso? And why you even know that in details?"
"Nang nakarating ako sa langit, habang may mga nakikilala rin akong ibang tao. Sinabi niya sa'kin ang buong detalye kung bakit siya andoon sa mismong lugar, kung paano siya namatay at ang dahilan nito... Iyon ang iligtas ang kaniyang alaga na si Pal"
Napatigil siya sa pagsasalita at nagbuga ng hininga.
Tinuloy niya ang pagku-kwento, "Nakalaya si Pal sa pagkakatali ko noon dahil sa kinakagat niya ito. Tatawid sana si Pal nang naipit ang tali niya sa may riles at hindi siya makaalis. Nasasakal na siya..." Tumigil siya sa paglalakad at pinikit niya ang nga mata niya, "at nahihirapan upang makawala" Minulat niya ang mga mata niya at may mga luhang nagbabadya sakaniya, "Biglang may tren na paparating. Kaya naman agad inalis ng bata ang naipit na tali ngunit hindi agad nakaalis si pal"
Nabuga siya ng hininga at ngumiti ng tipid, "Muli niyang nakita ang kaniyang amo sa huling sandali", bumuhos ang luha galing sakaniyang mata.
Biglang tinusok ang puso ko and I felt like I am wearing the same shoe like him. Parang ako ang nasa sitwasyon na'yon
"Kaya naman may hinagis na buto ang bata kaya napatakbo si Pal upang kunin 'yon, dahil iyon ang lagi nilang ginagawa. Ngunit huli na. Sa huling pagkakataon, nagawa nila ang bagay na madalas nilang gawin noong nabubuhay pa sila"
I swallowed hard and suddenly I left my tears fall down.
The old Ben saved Pal so the dog can live freely in someone's safe home and same page by the little boy who risk his life so the dog can live.
Love.
You will risk your life because you love the one who you saving for.
No matter how hard your situation, as long as you both loving each other, building each other, and not leaving each other. You both can survive and fight the odds.
Trust.
There's no label who you can trust. A person or a pet. Old or young. Poor or rich. If you love that person, you can trust him or her without hesitation.
We are all wanted to be trusted, but we must trust ourselves before trusting someone.
Be careful who we trust to, words and appearance can be decieving.
Patuloy kaming naglakad at hindi ko namalayan wala na kami sa mismong park. Napunta kami sa isang makalumang riles ng tren. Nangangalawang ang mga ito at may mga bahay na dikit-dikit. Talahib ang nakatayo sa di-kalayuan.
"Ano pong meron dito?", tanong ko.
"Eto ang lugar kung saan ako nilibing ni Pal"
Nanlaki ang mga mata ko, "he did what?"
Tumango siya at naglakad malapit sa may mga talahib at nakita kong may burol na maliit at may lantay na bulaklak at dahon na nakapatong.
"Bumalik siya dito at ginuyod niya ako upang tabunan ng lupa. She buried me and she left me. She left me with these flowers... with her tears"
"I'm sorry po", I sighed and bowed, "I'm too embarrassed to even face you knowing I even scolded your dog and... I even told my maids to rid the dog out of my house. Ngayon pala, wala na siyang amo. She is alone but... Now, I've realized, walang pinagka-iba ang tao sa isang hayop. They also have feelings like humans, they also experienced being lost and abandonment, but the difference is... They can't tell how and when they are hurting"
"That's why martha, treasure the things and person you have. Always be true to your feelings and mind. Never deny it, dahil kapag nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo lalabas ang hinahanap mo"
"But I'm dead"
Umiling siya, "Even so", tinapik niya ang braso ko, "Ang pagmamahal walang pinipiling lugar. Sa mundo man o sa langit o kahit pa sa kalawakan. Kahit saan ka man magpunta, dala-dala mo ang pagmamahal"
Bumaling muli ako kung saan natatabunan si Sir Ben ng lupa.
"Your friend..."
Bigla niyang sambit na kinagulat ko, nanlaki ang mata ko sakaniya at winagayway ang kamay ko bilang di pangsang-ayon.
"Naku, hindi po. I didn't love him. I didn't even know him at all. He's just... He's just my friend. That's all, nothing more". I tried to laugh pero it sounds fake. I can't be an actress.
Umiling siya, "I'm not referring to your guy friend who is in heaven, I'm talking about your friend you left in earth"
I open my mouth at napaatas ang index finger ko, "Yeah! Ezrah, my... Bestfriend"
"I bet you're missing her, am I right?"
Bigla kong naalala, hindi man lang ako nakapag sorry sakaniya dahil hindi kami nagka-ayos. I didn't have the chance to say goodbye.
Ang mas malala pa, napag-isipan ko pa siya ng masama.
"I really miss her", bulong ko.
"Eh ang kaibigan mong kasama mo ngayon dito sa langit? Do you consider him as a friend? Kahit na dito mo lang siya nakilala?"
I nodded exaggeratedly. "Yes, he is! Without him, I think I might be having a hard time figuring the things I must learn in heaven, but with him everything made it light and easy. Like, what I mean is... Baka hanggang ngayon nanghihinayang pa 'ko sa buhay ko. Na hinihiling ko na sana bumalik ako sa lupa but no, I enjoy it here. When I'm with him... I can tell that my death is worth it. I died to meet him"
"Ang soul guide mo dito sa langit ang pinaka-importanteng tao na makikilala mo"
"What do you mean, Sir?"
He smiled and my brows are furrowed waiting for his answer.
"Your friend, Elias. Made a huge mark and stone that mold you when you were alive"
"Paano niyo po nasasabi 'yan? Bakit niyo po alam?"
"Because he's your soul guide, siya ang pinakamahalagang tao na makikilala mo"
"Does that mean, tulad niyo at ng mga nakilala ko pang iba... Malalaman ko rin kung ano ang ambag niya sa buhay ko?"
He nodded and tap my head, "Long way to go, Martha", he smiled at me. "Magpakatotoo ka sa nararamdaman mo, dahil naghihintay ang sagot sa naiwan mong tanong"
He step-back for two times while his eyes blankly stared at mine and suddenly, in a blink of an eye... he was been hit by a train that fast.
Nagulat ako ro'n at tanging pagtakbo ng tren ang nasa paningin ko at ang tunog nito.
I left my tears fall down. Why am I, crying? There's no reason to cry but... My heart suddenly beating so fast just like the speed of a train.
Nagiging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nasa mata ko.
I can't even step forward and can't even move my knees.
My heart is aching... I shouldn't feel this in heaven.
Walang katapusan ang pagbuhos ng mga luha ko, why am I acting this way? What's with the tears?!
Nang natapos ng dumaan ang tren, bigla kong nakita si Eli. Standing tall sa kabilang daan. Nakapamulsa habang nakatitig sa mga mata ko. His eyes full of lost, curiosity and pain.
Why? What happen? Bakit ka nasasaktan, Eli?
I ran towards him. Mabilis akong tumakbo papalapit sakaniya. I open my arms to embrace him. I tightly hug him while my tears are keep on falling down my cheeks. Endless tears. Undying feeling.
I wanna take your pain away. Kung ano man 'yon, Eli. I want to take it.
"A-Akala ko matagal... pa kitang makikita", humagulgol ako sa iyak habang binabaon ko ang ulo ko sakaniyang dibdib.
He slowly put his hands on my back and embrace me too. "Bakit ka umiiyak?"
"I thought... I-I thought, I'll never see you again! A-A-Ang tagal mo, Eli. Ang tagal mo", hindi naubos ang mga luha ko at nanginginig ang boses ko.
I felt his hand caressing my hair, "I'm sorry, ssshhh stop crying. Andito na'ko. Please, tama na, hmm?", he whispered with his soft and calm voice.
Patuloy ako sa pag-iyak at hindi ko alam bakit ako nagkakagan'to.
"Bakit ka umiiyak? Please, tell me. Martha, I beg you... Is there something wrong with my woman?"
"I've missed you", I suddenly said.
He stop breathing for a while, "I miss you even more, martha", he whispered.
"I thought I won't... see you a-anymore", I said.
"That will never happen. Magpalit man ang mundo sa langit, hinding hindi mangyayari 'yon, martha"
"D-Don't leave..."
He kissed my hair, "Hinding-hindi na'ko mawawala sa paningin mo. I'll come with you wherever you go. Just don't cry. Please. I... Am falling into pieces whenever I see you in pain"
"Eli..." I whispered.
"Hm?" Namamos ang boses niya na para bang may pinipigilan.
"I.."
"What is it?"
"I like you", bigla siyang napatigil sa paghinga at mas humigpit ang yakap sa'kin, "I like you, Eli"
Napatigil ako sa pag-iyak. Biglang nabunutan ako ng tinik at ngayon parang totoo ang sinabi ni Sir ben. Once na nagpakatotoo ka sa nararamdaman malalaman mo ang hinahanap mo.
He hug me even more and he kissed my forehead, I bit my lower lip and I feel at ease because of it.
And there, I finally told him what I really feel.
I like Elias, not just a friend but more than that.
"At last, the woman I've waited for so long love me back. 'Yon ang hinihintay ko, martha"
Nanlaki ang mga mata kong bumaling sakaniya. Naging mapungay ang mga mata niya and I can tell that he looks in pain but contenment at the same time.
Does he mean, he like me too?
Here in heaven?
His eyes darted at my lips and I feels so tremble inside me. I look on his lips, too. The blood turn into electrifying flow. The feeling I've never felt before.
Here in heaven.
With Elias.
The man I've fallen in love with.