Chapter 12

2525 Words
As I laid on his shoulder, It feels like I'm alive. Like, my heart is beating, I can breathe normally and no pain can ever destruct. Hindi nawala ang titig ko sa lawak ng amusement park na tinatanaw namin. Ngunit nang hinigpitan ni Eli ang pagkakahawak sa kamay ko, bigla akong nakaramdam ng kaba. I want it but I just can't. Alam ko sa sarili ko kung ano 'to and I'm scared to accept it. Lalo na sa magiging sagot ni Eli. Bigla akong tumayo na ikinagulat ni Eli, dahan-dahan niyang minulat ang mata at tinignan niya ang kaniyang kamay bago bumaling sa'kin. Yes, wala na ang kamay ko kaya tara na Eli. Stop making me confuse" "Uh, I want to walk. Tara", I hesitantly said. Tumango naman siya at tumayo. Pinagpag niya ang kaniyang likod at nauna na'kong naglakad pababa. He again interlocked our both hands and I glance at it. Tumingin naman ako sakaniya habang siya diretso at seryoso ang tingin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at bigla akong nagsalita. Perhaps, this time iba naman ang masasagot niya. "Eli, diba pinapili kita dati kung one or two, right?" "Uh-huh?" "Well, I'll ask you again. Anong pipiliin mo one or two?" He remained silent for a second at nagsalita rin. "One" Kumunot ang noo ko at binagsak ang dalawang balikat, "Okay", I coldly said and pouted. "What's wrong? Ano ba'yon?" He asked. I panickly shake my head, "W-Wala just a random thought. 'Wag mo na isipin" I laugh para takpan ang pagiging cold ko pero halata pa rin ang peke. Ano bang nangyayari sa'kin?! I'm professional in different matters pero bakit ngayon hindi ko alam ano kinikilos ko. I'm not immature and childish but this moment kulang nalang magwala ako sa harapan ni Eli at magdabog eh. Gusto kong isagot niya ay two. But he still choose number one. Ibig sabihin ayaw pa rin akong mawala. Okay, maybe it's because he is my tour guide here in heaven and his responsibility is to take care of me. Okay, I get it. Tamad akong naglakad dahil sa iniisip. Really, martha?! Kailan ka pa natutong umasta nang ganiyan? At dito pa talaga sa langit, huh?! Eli suddenly stop and kneel infront of me but he didn't face me. Instead, nakatalikod siya sa'kin. "What are you doing?" Kunot-noo kong tanong. He double-tap his back, "Sakay ka sa likod ko" "What?" I laugh, "Tumayo ka nga, marunong naman ako-" he suddenly grabbed my hands and pulled it. Sinakay niya ko sa likod niya like piggy back. He is holding my both legs and I felt my butterflies tickling my stomach. I pouted and he stood up. Naglakad siya na para bang walang ka-effort effort akong buhatin. Yeah, right his body. Ano bang naisip ne'to at binuhat ako? Wala tuloy akong choice. But... I smiled and hid it. Laying on his shoulder makes me feel at ease but riding on his back makes me shiver and uncomfortable but I like it here. I know, 'cause I feel it. Nakarating na kami sa mismong amusement park at binaba niya lang ako nang inupo niya 'ko sa isang wooden bench malapit sa mga bike na naka park. He kneel infront of me while caressing my hair. "I'll be gone for a while but I'll be back, okay?" Inalis ko ang kaniyang kamay sa ulo ko, "Saan ka na naman pupunta?" "Babalik din ako. I promise, Martha", he smiled while touching my cheeks with his thumb and he suddenly planted a soft kiss on my forehead. I felt assurance and comfort. Tumango naman ako na parang tuta. Isang puppy na nawawala at biglang nakita ng kaniyang amo. I trust him, though. That's why I must wait him. Tumalikod na siya habang nakapamulsa habang ako nakasandal sa upuan habang nakakrus ang mga kamay. Seconds passed, biglang may umupo sa tabi ko. Isang matandang lalaki. Nakasuot na itim na coat at sumbrero. He smells... Fishy. Literal fish. ---4th Soul--- I swallowed hard and I approached him. "Sir, are you alone?" Lumingon ako sa paligid at baka may kasama pa siya. Umubo siya nang umubo at bakas sakaniya ang katandaan. Tumango siya, "Ano sa tingin mo, hija?" Seryoso ang kaniyang tono pero bigla naman ulit umubo. Hindi ko alam kung lalapit ako sakaniya o 'wag nalang pero habang umuubo siya hindi ko na napigilan kaya lumapit na'ko at tinapik-tapik ko ang likod niya. Tumigil siya sa pag-ubo at lumingon sa'kin. Pinagmasdan niya ako at nakita ko ang kaniyang mukha na seryoso. "Ikaw hija, mag-isa ka lang ba?" Umiling naman ako tsaka may tinuro, "Kasama ko po si Eli, yung kaibigan ko" tsaka ako lumilingon-lingon dahil hindi pa siya bumabalik. "Sa mundo ang tinutukoy ko, hija", napatigil ako sa sinabi niya at bumaling ako sakaniya, "Mag-isa ka lang ba nung nabubuhay ka pa?" Tumitig ako sa mga mata niya at dahan-dahang umiling, "I have ezrah, my bestfriend. And..." Tumingala ako sa taas na para bang nag-iisip, "my maids?" Umayos siya ng upo at inalis niya ang kaniyang sumbrero. Mas nakita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. I think I saw him somewhere. In earth, either magazine or newspaper. Nakita ko na siya, I shouldn't be mistaken but I think he is... "Sir Benjamin?" Tanong ko while I tilted my head. Nanatili siyang seryoso at tumango. Tama ako. Isa siya sa naging author ko dati. Wala siyang emosyon na makikita sa mukha at laging seryoso ang ekspresyon niya. I watched his few interview back then, walang galit, lungkot o kahit kasiyahan man ang ekspresyon niya. But despite of that, isa siyang mayaman dahil sa iba't ibang business na hinahawakan niya at nakakasama sa mga socialite dahil sa yaman na meron siya. Sa sobrang yaman niya, kahit humabol siya sa polotiko maraming boboto sakaniya dahil sikat siya sa pagiging mayaman at maraming kaibigan. But... What happened? He died? When? How? Bakit ganito na ang itsura niya ngayon? Napatigil ang pag-iisip ko dahil nagsalita siya. "We acknowledge friendship because of their presence but have you ever appreciated them through the moment of your crisis?", bigla niyang tanong sa'kin. Tumango ako, "Ezrah", bulong ko sa sarili "She's there when I'm in amidst of tragic and pain. Lagi siyang nandyan kapag nahihirapan ako and kapag masaya ako. That's why, I valued her the most" "You're lucky" "I only have her when I was alive. Andyan din siya bago ako... Mamatay" I pause for a moment because I just think of a sudden conclusion. "Sir, can I ask?" Tumango siya, "What is it?" I bite my lip, "May k-kinalaman ba siya bakit ako namatay?" He raised his one brow, "Are you doubting your friend?" My jaw drop at bigla nalang ako nailang, "I-I don't know. I just thought she work everything. Nung binaril ako sa park agad siyang andyan, hindi ko man sinabi kung nasaan ako and I just heard her crying inside in the ambulance with me. Plus... Before my death, may tinusok sila sa'kin then bigla nalang nagdilim ang paningin ko and after a while, here I am. Nasa langit na'ko" I'm in an urge right now. Gusto ko malaman. Nakakalimutan kong itanong 'to kay Eli. The last time I asked him about this, kung pinatay nga ba nila ako ng tuluyan, he told me that he isn't the one who can tell. Baka isa sa mga makikita ko rito sa langit. Inalis ni Sir Wil ang mga gloves niya sa kamay at mas humarap sa'kin, "You are telling me that your friend, is the one behind of your death? In short, pinagbibintangan mo ang iyong kaibigan, tama ba?" I sighed, "I know, wala akong ebidensya but... Hindi ko rin alam bakit siya iniisip ko sa pagkamatay ko" my tone turned into bitterness and sad. "Martha, you chose the right person to be with but you choose to doubt her" "I just... Really want to know" naging bulong ang sinabi ko. "I know hija, but sometimes the more we wanted to dig something hindi natin alam mali na pala ang nahuhukay na'tin. We shouldn't blame others on the things we aren't sure. Lalo na sa kaibigan. If you're doubting your friend, then where is the trust?" Hindi ako nakasagot sakaniya na para bang pinagsasabihan niya ang isang tutang 'wag gumala sa kalsada. "Ang tiwala dapat ang hinuhukay, hija", he tap my shoulder, "hindi pa tapos ang paglalakbay mo hija, sa huli mo malalaman kung ano ang sagot sa hinahanap mo" Kumunot ang noo ko dahil dalawang bagay ang naiisip ko sa tinutukoy niya. I felt sorry and guilty. Nasa langit na'ko pero dito ko pa pinag-isipan ng masama si Ezrah. Binagsak ko ang dalawang balikat ko sa dismaya sa sarili. I really miss her. Hindi man ako nakapagpaalam sakaniya. Hindi kami nakapag-usap ng maayos dahil sa trabaho at inis na inipon ko sa sarili. "You know what martha, hija", bumaling ako sakaniya, "You're blessed. Maswerte ka dahil isa lang ang kaibigan mo" "Is that good?" He nodded, "One trusted friend is enough rather than a fake thousand friends" he said. "Sa mundo, may tatlong iba't-ibang pagkakaibigan", he added. Inilahad niya ang kaniyang tatlong daliri habang tinuturo iyon. "Una, mga kaibigan na lalapitan ka dahil may kailangan sila sa'yo. Mga kaibigan na andyan sa mga panahon na nagiging matagumpay ka, marunong magpatawa at mga selebrasyon. Ngunit, may mga kaibigan na andyan lang sila sa tabi, yung kahit wala silang kailangan o kahit man lumulubog kana hindi ka iniiwan. Hindi dahil sila ang nasa likod ng paghihirap mo, kung di dahil gusto nilang umangat ka dahil kaibigan ang turing sa'yo, at hindi kaaway" Nag-sink in lahat sa utak ko ang mga sinabi niya. He's right, pero noong nabubuhay ako wala man lumalapit sa'king kaibigan. Maybe they're afraid because of my attitude. I guess. Walang naghamak na makipag-kaibigan sa'kin at tanging si Ezrah lang. Siya lang ang nagtiis sa ugali kong 'to. Tumingin ako kay Sir Ben na malalim ang iniisip habang nakatanaw sa malayo. I furrowed my brows and I remember, how did he end up in heaven? Paano siya namatay? He's rich but howcome he enter the heaven with these clothes and smell? I am not saying that it is bad but he is actually rich. Anong nangyari sakaniya bago siya namatay? "Sir Ben?" "Yes?" "How did you died?" I asked. He left a sighed but still his expression remained serious, "I ended my life to save a friend" My jaw dropped and I can't believe if I'm hearing it right. This is the first time I could encounter in heaven a person who died because of his will. "I know it sounds odd to you, but it was true" Hinawakan ko ang aking sentido at nagsalita, "Why, sir? I-I just can't imagine, a man who can get everything he wants, a man who have countless of friends and a man who can even rule the whole town..." "Ended his life", he continued. "Noong unang beses akong nakarating sa langit, may nakasalubong ako. He is poor. A child who is homeless and beggar. But no one knows, siya pa ang magiging tour guide ko rito sa langit". "Ibig sabihin may nakilala rin po kayong iba't-ibang tao rito?" Tumango siya at wala pa ring emosyon, "Lahat ng tao aabot sa ganoong pamamaraan" "Really odd", sabay iling ko. "Kung sa mundo kaya mong maging mataas at kaya kang tingalain ng ibang tao, dito sa langit lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap" I nodded politely and I look at him with full of adoration. I wasn't able to know him personally when we were alive because I have so much work and things to do. Hindi ko rin alam na kahit laging walang ekspresyon si Sir Ben, malawak pala ang kaniyang pag-iisip at may mabuting puso. I ask him, "Sir, bakit niyo po ginawa 'yon?" "Alin?" he shortly asked. "Ang magpakamatay dahil sa isang kaibigan?" I said it with full of hesitation, hindi ko naman alam ano ba ang tamang terms eh, did I offend him with my question? Hays, I'll be more careful next time. Ngumiti siya for the first time! Tumango din siya sabay ngiti kaya naman nagulat ako ro'n. Gusto ko sanang ngumiti rin dahil sa reaksyon niya pero ang pangit naman dahil hindi akma sa tanong ko. "Ginawa ko 'yon para makaganti sakaniya", my expression suddenly changed. Napakunot ako ng noo sa pagtataka, "Kapag na-aalala ko 'yon, gumagaan ang pakiramdam ko at napapangiti nalang ako" "Bakit po? Ganti? Akala ko po ba kaibigan niyo 'yon?" Tumango siya muli, "Tama ka, kaibigan ko nga. Pero hindi lahat ng ganti ay nauuwi sa kasamaan. Ginawa ko 'yon para mabuhay ang kaibigan ko dahil sa mga panahon na walang wala ako, siya ang naging ka-agapay at hindi kailanman siya nawala sa tabi ko" "Paano po kayo namatay?" "Tumalon ako sa riles ng tren. Ang dali lang sabihin, hindi ba?" Nagbuga siya ng malalim na hininga at sumandal sa upuan, "Ngunit, nahirapan akong gawin dahil nagdadalawang isip ako pero itutuloy ko kung iyon ang kailangan. Ayoko ng mahirapan ang kaibigan kong tumatawid at naghihintay sa tabi ng riles ng tren para hintayin ako. Ayoko ng iniiwan siya sa may palengke habang napagtitripan siya ng ibang tao. Gusto ko may umangkin na sakaniya, dahil sa kabila ng lahat. Wala na'kong maibibigay pa sakaniya kung hindi pasakit" Biglang kinurot ang puso ko sa naririnig, a memory with me and Ezrah. Tuwing sinusundo niya 'ko sa police station o kahit saan mang lugar na may gulo at nandoon ako. "Nasaan na po ang mga kayamanan niyo? Bakit sinasabi niyong wala na kayong maibigay sakaniya?", tanong ko. "Na bankrupt ang dalawang negosyo ko. Ang iba naman ay ibinenta ko simula nang nagkasakit ako, ilang taon kong napabayaan hanggang sa napagdesisyunan kong ibinenta nalang din ang natitira at ipinambayad sa panggamot at hospital ko. Hindi na rin ako nakakapagsulat. Ang mga taong pinagkatiwalaan ko, kinuha ang iba kong pera at ako ang pinabayaan nila" "Kaya po ba ang tinutukoy niyong kaibigan ay ang natira sa lahat ng mga kaibigan niyo?" Tumango siya. "Hindi ko po alam ang nangyari sa inyo dahil ilang taon na rin po ang lumipas nang hindi ko na kayo napapanood sa mga interview" Hindi siya nagsalita at nanatili kaming tahimik. Walang mga tao o kaluluwa ngayon sa park at tanging kami nalang ang nandito. Napalingon ako sakaniya nang nagsalita siya ulit. "Sa ngayon, masaya na'ko. Kuntento na'ko dahil nasa mabuting kamay na ang kaibigan ko" I tilted my head and look at him while he is smiling that full of contentment. "Nasaan na po siya?" I asked. Lumingon siya sa'kin, "Nasa bahay mo pa rin siya, martha" My mouth form into round while thinking. Sino? "Sa bahay ko'po? Sino?" "Si Pal. Isang aso", ngumiti siya muli habang ako kunot-noong nag-iisip. Wala akong aso and kailan pa nagkaroon ng aso ang bahay ko? Nanlaki ang mga mata kong bumaling muli kay Sir Ben na ngayon ay nakataas na ang kilay. "Iyong asong nakita ng mga katulong mo sa palengke, na dinala sa bahay mo at pinaliguan. Siya si Pal. Ang kaibigan ko", mas lumapad ang ngiti niya at bakas sa mga mata niya ang nagbabadyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD