Benjamin's PoV
Narito ako ngayon sa opisina ko. Habang nagtitipa ako sa aking laptop biglang may kumatok.
"Sir, I'll be informing you po meron kayong meeting kay Mr. Gonzales, uhm important meeting po 'yon and after po no'n meron kayong interview sa Filtered Magazin, featured daw po kayo for their new release"
Tumango ako isinara nang dahan-dahan ang aking laptop, "Anong oras 'yan?"
Tumingin ang sekretarya ko sa hawak-hawak niyang folder. "Around 2pm po ang kay Mr. Gonzales then 3pm naman po ang interview sir"
Muli akong tumango at tatayo na sana ako nang biglang nanikip ang dibdib ko. Lumapit sa'kin ang secretary ko upang alalalayaan ako at sumabay pa ang pag-ubo ko.
"Sir, magpahatid po kayo sa hospital. Matagal na ho yata kayong may nararamdamang kaka-iba. Ipatingin niyo na po sa doktor"
Imunuwestra ko ang palad ko bilang pagpigil sakaniya.
"Ayos lang 'to. May gamot ako sige na magtrabaho kana"
Binigyan niya akong tubig at natataranta siyang lumabas ng opisina ko. Sinandal ko ang aking ulo sa inuupuan ko at huminga ng malalim.
Binuksan ko ang drawer ko kung saan andoon ang mga gamot ko. Kumuha ako ng isang tableta at ininom ko 'yon. Dalawa nalang ang natitira at mauubos na ang gamot na binibay sa'kin ni arturo.
Ni-rekomenda ito ng kaibigan kong si Arturo. Salamat sakaniya at may mga gamot akong hindi na kailangan ng bayad. Iyon ang sinabi niya sa'kin, dahil kaibigan niya naman daw ako kaya libri na ang gamot ko. May kaibigan siyang doktor kaya naman pinagkakatiwalaan ko ang mga sinasabi niya.
Lalo na't wala akong pamilya, siya lang ang laging andyan para sa'kin at ang mga kaibigan niya ay nagiging kaibigan ko na rin.
Tumingin ako sa aking relo at medyo maaga pa kaya naman kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si arturo. Nakatatlong missed calls na ko sakaniya ngunit wala pa rin at baka abala sa meeting kaya naman nagsend ako sakaniya ng isang text.
To Arturo:
Maaari mo ba'kong padalhan ng mga gamot? Naubusan na'ko. Bayaran ko nalang ibibilin ko sa secretary ko. Salamat!
Agad naman siyang nakapag-reply.
From Benjamin:
Gano'n ba, sige magkita tayo sa opisina ko, mga ala-una. 'Wag mo na rin bayaran ano ka ba. Magkaibigan tayo para ngang kapatid turing ko sa'yo eh. Tanggapin mo na bilang pagkakaibigan.
Balak ko sanang umapila dahil may interview ako pero nakakahiya sakaniya lalo na't ayaw niyang ipabayad ko ang mga gamot.
Ginawa ko nga at dumaan muna ko sa opisina niya. Habang naghihintay ako sakaniyang opisina lumilipas ang oras at lagpas alas-dos na wala pa rin siya. Tinatawagan ko siya ngunit hindi siya sumasagot habang ang sabi ng kaniyang secretary ay papunta na raw.
Tumatawag na rin sa'kin ang aking secretary at ibinalitang andoon na si Mr.Gonzales habang ako ay umaaasang darating si Arturo.
Mag-aalastres na ngunit wala pa rin siya kaya naman napagdesisyunan kong umalis na. Tinawagan ko ang secretary ko at ibinalita niyang umalis na siya sa restaurant na madalas namin pagmeetingan.
Ipinagbahala ko ang mahalagang meeting para sa gamot.
"Sir, umalis na po si Mr. Gonzales. Diretso na po ba tayo sa office niyo?" Tanong niya sa kabilang linya.
Nagbuga ako ng hininga bago sumagot, "Sa interview na tayo dumiretso"
"Okay po sir"
Binaba ko na ang linya at tuluyan na'kong lumabas sa opisina niya.
Lumipas ang mga araw na hindi na nagparamdam si arturo. Mas lumala ang sakit ko hanggang sa sinugod na'ko sa hospital.
"You will be discharge after 13 hours, ie-examine pa namin ang results niyo and if this might happen again please consult to your doctor immediately"
Tumango lang ako at walang ekspresyon. Lumabas na ang doctor at hinayaan kong magpagaling pa rito sa hospital ng mga ilang oras.
Nang gumaling ako agaran naman ako binisita ni Arturo sa aking opisina. Bakas sakaniya ang pag-aalala.
Nagtitipa ako sa laptop nang bigla siyang lumapit.
"Benj, dinalhan kita ng mga gamot na kailangan mo. Pasensya kana at hindi na kita nadadalhan ng mga ilang linggo dahil abala ako sa negosyo. Alam mo naman demand na ang mga produkto ko ngayon. Tsaka gusto ko sanang humingi ng pasensya", nagkamot siya ng kaniyang sentido at nagtaas lamang ako ng kilay, "Kasalanan ko kung bakit ka nahospital dahil 'yon sa hindi na kita nabibigyan ng gamot kaya naman tanggapin mo na 'to"
Nilahad niya sa'kin ang isang paperbag, "Hindi mo naman obligasyon na bigyan ako tsaka binigyan na'ko ng reseta, salamat arturo"
Kumunot ang noo niya, "Sayang naman pala ang pinunta ko rito" bulong niya pero tama lang na marinig ko, "Nang nalaman kong nahospital ka agaran akong humingi ng mga gamot sa kaibigan kong doktor, balak ko rin sanang siya nalang ang gawin mong personal doctor mo kaso wala eh, meron kana pala"
"Bakit ngayon mo lang sinasabi 'yan?"
"Huh?" Nagtaas siya ng isang kilay.
Bumaling ako sa paperbag na hawak niya at tinanggap ko nalamang.
"Salamat sa mga gamot at sa tulong, arturo"
Ngumiti naman siyang kay lapad na para bang wala ng bukas tsaka niya tinapik ang braso ko.
"Walang anuman, kaibigan"
Tuwing gabi ko iniinom ang gamot na binigay sa'kin ni arturo. Marahil tama nga si arturo nang dahil ngang hindi na'ko nakakainom ng mga gamot niya bigla nalamang lumala ang sakit ko.
Andito ako sa aking opisina at may interview na naman dahil sa bagong labas kong story. Kakasimula palang pero ramdam ko na ang pagod.
"Sir, ngiti ho kayo", sabi ng isang photographer pero wala siyang magagawa at ganito na ang ekspresyon ko.
Kahit saang magazine or dyaryo, hindi mo'ko makikitang nakangiti hindi dahil sa malungkot ako, natural na sa'kin ang ganitong ekspresyon sa mukha.
Lumipas ang mga minuto sa interview at bigla nalang akong naghahabol ng hininga.
"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang staff.
Parang inaagawan ako ng hininga at pinagdadamutan ako. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Sir, Sir!" May mga kamay na humahawak sa'kin pero hindi ko inabala 'yon at tanging lahat ng hangin sa'kin ay lumalabas.
Bigla nalang ako nag collapse at nadiskubring nasa hospital na naman ako.
Minulat ko ang mga mata ko at may mga nakalagay na nebulizer at oxygen sa'kin. Hindi ko gaanong magalaw ang ulo ko ngunit tanaw ko ang aking secretary at isang doctor na nag-uusap sa gilid ko.
"Yes ma'am. Yung mga gamot na iniinom niya dati ay isang dahilan kung bakit lumala ang sakit niya. Na immune siya ro'n at once na tinigilan nga niya mas lalala ang sakit niya. So, all we can do is to transfer Mr. Sanchez in the other hospital. Not in a general hospital, baka hindi mafocus ang paggagamot niya"
"Ano po bang sakit niya doc?"
"May lung cancer siya but don't worry hindi pa gano'n kalala at maagapan pa naman. I know a specialist, magaling at talagang magagamot si Mr. Sanchez, ang kaso nga lang sa States pa. Would you ask him about it so I can contact my friend?"
Tumango naman ng dahan-dahan ang secretary ko.
"I'll ask him about that, doc. Thank you po"
"Okay".
Sa araw na'yon, hindi ko na muling isinara ang aking mga mata. Gusto kong malaman ang buong nangyayari sa paligid ko, parang pinagkait sa'kin at parang gumagalaw ako sa hindi katotohonan.
Pumayag akong magpaggamot sa ibang bansa. Ilan taong akong nagpapaggaling at hindi na muling nakatanggap ng tawag man lang kahit sa sekretarya ko.
Hindi ko alam kung sino o paano nalang ang mga naiwan kong kompanya? Kahit nang nasa hospital ako walang araw na hindi ko iniisip ang kapakanan ng mga empleyado ko. Ngunit ang sabi naman sa'kin ng sekretarya ko na si arturo na pansamantala ang namamahala.
Ngunit hindi ako matahimik. Sa pang huling session ng aking paggamot, hindi ko na ito tinuloy at umuwi na'ko sa pilipinas. Kahit na hindi pa'ko lubos na maggaling basta kompleto pa ang katawan ko at huminga, kakayanin kong mamahala sa mga naiwan kong trabaho.
Sa aking pag-uwi, hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin. Pumunta ako sa aking opisina at hindi ko nakita ang aking sekretarya at iba na ang naka-upo sakaniyang desk. Dumiretso ako aking office at laglag panga ako sa nakikita.
"Oh? Ben, buhay ka pa?"
Ngumingising tumayo si arturo papalapit sa'kin.
Lumingon ako sa table ko at nakitang plaque na niya ang nakalagay.
Humalakhak siya, "Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Wala ka pa rin emosyon. Kaibigan" may diin ang huling salita niya.
"Salamat sa serbisyo pero-", hindi ko naituloy dahil umubo ako nang umubo.
"Kaibigan, may sakit ka pa. Umuwi kana at wag nang bumalik..." Napatingin ako sakaniya, "hangga't hindi ka pa magaling".
"Ubo nalang 'to. Ako na ang mamamahala, nasaan ang sekretarya ko?" Umuubo akong lumapit sa table ko. Ngunit, pati mga papeles ko ay nawala at mga gamit.
Patuloy ako sa pag-ubo at bigla akong kinwelyuhan ni arturo.
Tinignan niya 'ko ng mariin at halata ang panggigigil.
"Pwede ba ben, abo ka nalang sa mga ilang araw kapag pinagpatuloy mo pa 'yan. Ako.na.ang.amo.nila"
Tinignan ko siya sa mga mata at kahit hindi man halata, ramdam ko ang inis at umusbong na irita sa akin.
"Anong sinasabi mo?" Kalmado kong tanong.
Inalis niya ang pagkakahawak sa kwelyo ko at napahilamos ng mukha.
"Sabihin nalang natin ng dahil sa'kin, may mga natira pa sa mga negosyo mo. Ako na ang kinikilalang amo nila dahil ako ang nagpalago sa negosyo mo, benjamin"
"Hindi. Hindi maaari. Nagbibiro ka lang"
"Ako mukha ba'kong nagbibiro? Ako ang umusad sa iniwan mong trabaho kaya sa'kin-"
"Pero kailangan munang dumaan sa'kin. Bakit mo ginagawa 'to?"
Humakbang siya papalapit sa'kin, "Bakit hindi?" Hinanap niya ang aking mga mata at bakas ang inis sakaniya, "Naniningil lang ako sa mga gamot na binigay ko sa'yo, benjamin. Wala ka na rin pamilya, walang magmamana ng mga kayaman mo kapag namatay kana, kaibigan. Kaya sa'kin na lahat, kaibigan"
Umiinit ang mukha ko dahil sa galit na umuusbong, dinuruan ko siya at dahan-dahan niyang nilingon ang balikat niyang may laway ko.
Imbis na alisin niya 'yon, humalakhak siya sa tawa. "Ganito ka pala magalit, ano? Nandudura?! Huh! Benjamin eto pa ang pasalubong mo sa'kin sa amerika?"
"Akala ko basura", tipid kong sagot at aambang aalis na'kong nang kinwelyuhan niya muli ako.
Wala na'kong lakas para lumaban at magprotesta.
"Saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko ang abogado ko. Sa'kin nagsimula ang lahat, hindi sa'yo kaya hindi ko hahayaang mapupunta lang sa'yo, sa kasakiman mo"
"Edi sa'kin magtatapos! Lahat ng pinaghirapan mo sa'kin uuwi. Sige! Papuntahin mo ang abogado mo at dito natin malalaman sa mismong opisina mo kung sino ang nararapat sa trono na'to"
Tinawagan ko nga ang aking abogado at nagulat pa siya at kinamusta ang kalagayan ko ngunit iba ang sadya ko kaya ako napatawag sakaniya.
Wala pang kalahating oras, pumasok na ang abogado ko. May pinakita siyang papel sa'kin at bigla ko nalamang nahulog 'yon sa lapag. Nanghina ang mga tuhod ko at bumigat ang katawan ko sa nabasa.
"Mr. Sanchez, nakasaad po rito na ililipat niyo ang lahat ng ari-arian niyo sa isang taong pinagkakatiwalaan niyo kapag nagkasakit na kayo kahit wala pa kayong sinabi kung sino pero huli na, Mr. Sanchez, kailangan niyong sumunod lalo na ngayon may sakit kayo"
"Pero attorney kaya ko pa, malakas pa'ko"
Nagtinginan silang dalawa at nagbuga naman ng hininga ang abogado ko.
Lumapit ako sa abogado ko at bigla ko siyang kinwelyuhan. Hindi maaari. Hindi pwedeng mawawala lahat ng pinaghirapan ko dahil sa isang panloloko.
"Magkano ang binayad sa'yo ng hayop na 'yan?! Magkano, huh?!" Napataas ang boses ko ngayon lang ako nagalit nang ganito.
May mga empleyadong sumisilip sa bintana ng opisina ngunit hindi ko na alintana 'yon, hindi 'yon mahalaga. Importante ay mabawi ko ang sa'kin.
"Pasensya na, nagtatrabaho lang ako Mr. Sanchez", tsaka siya yumuko.
Hinihingal akong inalis ang kamay ko sakaniya at galit kong nilingon ngayon si arturo. "Ang dumi mong makipaglaban. Pinagkatiwalaan kita pero hindi ko akalaing kamumuhian kita ngayon"
"Huwag kanang tumatahol, kaibigan. Umalis kana, shoo! Shoo! Bawal ang askal dito sa loob ng opisina KO. Huwag mo na rin hanapin ang sekretarya mo, pinatanggal ko na. Ikaw nalang ang ayaw umalis, kaya alis. Shoo!" humalakhak siya kaya mas nairita ako dahil sa tawa niya.
Sinuntok ko siya at sa unang pagkakataon, siya ang unang ginawaran ko ng kamao.
Biglang may pumasok ng security guard at hinawakan ako sa magkabilaang braso. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko ngunit nagawa kong alisin ang mga kamay nila at nakaalis ako.
Dali-dali akong umalis sa building ko na hindi ko na rin alam kung mapapasakin pa nga. Dali-dali akong pumunta sa bangko upang icheck ang mga perang tinabi ko ngunit naalala kong ipinagamot ko sa sakit ko ang iba at baka konti nalang ang natitira.
Ngunit hindi na'ko magugulat kung wala nang matitira. Alam ni arturo ang mga impormasyon sa account ko at kung may itinira pa siya, imposibleng mangyari 'yon.
Hindi nga ako nagkakamali, kung gaano niya kadaling kunin ang loob ko, ganoon din kadali para sakaniyang kunin ang lahat ng pera ko.
Mga nagdaang araw, lagi kong sinisisi ang diyos. Alam kong wala akong nagawang mali sakaniya, o kahit kanino pa. Ngunit, bakit nagkakaganito ang buhay ko?
Pati ang bahay at mga lupa ko'y inangkin ni arturo dahil sa tulong din ng abogado ko.
Lumipas ang ilang araw at tanging sa kalsada na'ko naninirahan. May mga nakikilala akong batang nasa lansangan at halos sila ang nagiging kasama kong mabuhay.
Gano'n kabilis naglaho ang lahat. Ano ang nagawa kong kasalanan at nauwi ako sa ganito?
Kasalanan na ba ang magtiwala?
Tinatanaw ko ang building na noon ay sa akin habang bumubuhos ang ulan.
Wala na rin silbi ang buhay ko. Kung pipiliin kong mawala nalang sa mundo, hindi ko na mararanasan pa ang ganitong hirap, hindi ba?
Habang naglalakad ako sa kalsada, walang kain at ligo. Pati na rin sa pagtulog dahil hindi ko alam saan ako maaaring matulog kung ganito kalakas ang ulan.
Paano kami? Paano ang mga walang tirahan? May lugar ba kami sa mundo kung pati tahanan ay pinagdamot ng mundo?
Nakatayo ako ngayon sa isang overpass. Tinatanaw ko sa ilalim ang mga sasakyang mabilis tumakbo. Pinikit ko ang mga mata ko at mahigpit ang pagkakahawak sa riles.
Ipinatong ko ang isang paa ko at bumilis ang tambol ng puso ko. Sa sobrang bilis nakikisabay ang tunig nito sa bilis ng takbo ng mga sasakyan.
Aambang tatalon na'ko nang nakarinig ako ng isang tahol. Iminulat ko ang mga mata ko at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.
Siningkit ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang asong tumatahol sa di-kalayuan ng overpass. Halatang inaabandona na ito ng amo dahil itinatali ito sa may poste.
"Shoo! Ayan! Diyan ka na babagay dahil sa'yo, nakapasok ang akyat-bahay! Walang kwentang aso!" Patuloy ang pagsigaw ng babae habang hirap niyang tinatali ang aso.
Dala ng kuryosidad, bumaba ako at rinig ko pa rin ang pagsigaw ng babae sa aso,
Nilapitan ko ito at dahan-dahan tumatahimik ang tahol.
Binalingan ko naman ang babae at tinignan niya ako ulo hanggang paa.
"Mamang naka-itim!" Turo niya sa'kin, "tulungan mo nga'ko dito. Ang hirap itali ne'to!"
Hinawakan ko nga ang tali ng aso at nagpagpag siya ng kamay.
Ngunit nagulat siya sa ginawa ko. Inalis ko ang binuhol niya kanina at nawala ang pagkakatali sa poste.
"Anong ginagawa mo?!" Tanong niya.
"Ang aso, kahit isang bantay dapat inaalagaan. Hindi ginagawang CCTV o pulis. Kung gusto mong 'wag looban ang bahay niyo, mas mainam na maghanap nalang kayong security guard at ipagbantay niyo buong magdamag"
Kumunot ang noo niya at nagmartsang umalis. Hawak-hawak ko ang aso at dinidilaan niya ang aking binti.
Lumuhod ako at ngayon nalang gumaan ang pakiramdam ko.
Muli siyang tumahol at sa pagkakataong ito, iyong tahol na para bang nagpapasalamat.
Tinapik ko ang ulo nito at sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Gusto kong isipin na niligtas kita sa amo mo. Pero kung iisipin, ikaw ang nagligtas sa'kin. Salamat... Aso"
Natawa ako dahil hindi ko man alam ano bang maaaring itawag sakaniya, lalo na't ngayon lang ako naka-encounter ng isang aso.
Walang pendant man siyang suot o ano kaya hindi ko alam ano itatawag sakaniya.
Nais ko man siyang tawaging kaibigan ngunit ang salitang 'yon ay nadungisan ng isang pekeng kaibigan.
"Salamat, pal" tinapik ko ang ulo niya at muli siyang tumahol.