Chapter 10

2679 Words
Third's PoV EARTH Sunday ( 11:34 am) "Nabalitaan niyo, sinugod daw si Ma'am Martha kanina sa hospital!" Bulong ng isang waitress na kasamahan ni Marites sa trabaho habang nasa burol sila at nakikilamay. "Hala totoo? Parang noong isang gabi lang nag-eskandalo pala-" "Shhh! Ano ka ba!" Pagpigil naman ng isa pa nitong kasamahan. Bigla silang nanahimik nang napalingon sakanila si Marites. Lumipas ang mga minuto at nagsi-alisan na ang mga nakiramay. "Condolences" yumuko ang babae, "Kung nasaan man ngayon ang anak mo paniguradong payapa na siya at ligtas" Pilit na ngumiti si marites sa mga bumisita sa burol ng kaniyang anak na si Gabriel. "Abuloy namin, tes. Magpahinga ka rin, hija", bilin sakaniya ng isang kamag-anak niya na lumuwas pa galing probinsya. "Salamat po", yumuko siya. Tinapik ng matanda ang balikat ni Marites, "Alis na kami baka gabihin pa kami sa byahe" Tumango naman ito. Mag-isa nalang siya ngayon at halos kulang siya sa tulog, gano'n din sa kain. She feel so hopeless and lifeless without her son. She suddenly cried out loud, seeing her son laying in a casket looking so pale and lifeless. She mourned the death of her son that she can't even bear to live anymore. Tumayo siya at lumapit sa kabaong ng kaniyang anak, ayaw man niyang madampian ng luha ito pero hindi niya mapigilan. "I...I'm so sorry, Gab! Sorry, hindi ka nabantayan ni mama. S-Sorry, anak! Sobra-sobra ang pagsisisi ko. S-Sana mapatawad mo si mama, a-anak!" Patuloy siya sa paghagulgol at dinarama ang sakit at oras na nakikita niya ang anak bago ito ilibing. Loosing someone without saying goodbye is painful. Like, something is missing and it's hard to find out. Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa tuluyan siyang nakatulog. Katabi nang kaniyang anak, parang ramdam niyang niyayakap siya sa kaniyang pagtulog. Umaasa siyang kahit sa panaginip makita man lang niya ang anak. Kahit makahingi man lang siya ng tawad dahil sa pagsisisi na nararamdaman niya. Ngunit sa lalim ng kaniyang tulog, bigla siyang nakaramdam na may humahawak sakaniyang braso kaya naman nagisingbsiya at napasigaw. "Gab!" Hingal na hingal si Marites at nang bumaling siya sa braso niya ay may kamay na nakahawak. "Marites, ayos ka lang? Binabangungot ka ata, tignan mo pawis na pawis ka!" Histerya ng bumisita sa kanila. Isa sa kaibigan ni Marites sa trabaho na si Mona. "Wala may napanaginipan lang", sambit niya habang hinihingal pa. Kumuha ng tubig sa Mona at binigay niya kay Marites, "Oh tubig, uminom ka muna", nagbuga siya ng hininga, "Tes, 'wag mo naman pababayan sarili mo, kung buhay si Gab hindi niya gugustuhing nakikita kang ganiyan", bumaling naman si marites sakaniya, "Sige na, magpahinga ka na muna. Ako muna magbabantay" Walang tugon si Marites at parang may iniisip ng malalim. "Tes?" Tanong ni Mona. Bigla naman tumayo si Marites at nagmamadaling kinuha ang bag. "Mona, ikaw na muna bahala kay Gab, ah? Pupunta ako sa presinto. Kailangan kong pumunta, hindi ko..." Bumaling siya sa burol ng kaniyang anak, "hindi ko pwedeng hayaang mawala ang hustisya ng anak ko bago siya ilibing" tsaka na siya bumaling kay Mona, Tumango naman si Mona na may pag-aalala sa mukha, "S-Sige, ako na bahala. Basta mag-ingat ka, tes" "Salamat", lumingon siya sa kaibigan at tumalikod na. Dali-daling pumunta sa presinto si Marites. Kahit kulang siya sa tapang ngunit para sa anak naglakas-loob siyang humarap sa mga pulis at alamin ang mga nakalap na impormasyon batay sa kaso. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin. "Sir, may lead na po ba kung sino nakabunggo sa anak ko? Gabriel, Gabriel Cuenco ho pangalan nung biktima. Ako po yung nakausap niyo nung isnag gabi, yung-" "Ah! Oo, natatandaan ko. Patuloy pa rin naman paghahanap sa suspect kaso..." Nagsitinginan lang sila at umiling, "Misis, kailangan niyo rin ng abogado para mas mapadali ang paghahanap sa ebidensya", sabi ng isang pulis na may katabaan habang umiinom ng kape. "Abogado? Wala akong kilalang abogado tsaka... Wala akong perang pambayad" Ngumisi ang pulis, "Hindi na ho namin 'yan problema, Misis. Sakto, yung magaling na abogadong hindi nagpapabayad sa mga mahihirap naku," nagsi-tinginan sila, "Ayun dinala sa hospital kani-kanina lang" Kumunot ang noo ni Marites, "Please, Sir. Parang awa niyo na kahit sabihin niyo lang ho sa'kin na may iniimbestiga man lang kahit papano. A-Ako na ho bahala, maghahanap ako ng abogado, basta... Basta ho 'wag niyong isasara yung imbestigasyon", pinagdikit niya ang palad na para bang humingi ng tulong. "Maghahanap ka?" Tumawa sila, "walang tumatanggap na libri ngayon misis. Kahit madaling kaso pa 'yan, hindi kayo tatang-" Hindi natuloy ng pulis ang sasabihin nang ginawaran siya ng sampal. "Wala kayong karapatan maliitin ako!" May diin ang bawat salita niya, "Anong klaseng trabahong meron kayo at bakit hindi niyo magawa ng maayos at kailangan niyo pang tapakan ang pagkatao ko?!" "Misis, pulis kami hindi kami diyos", wika ng isa at siya naman ang nasampal. Biglang may lumapit na mga babaeng pulis, "Misis, tama na ho. Nasa presinto ho kayo" "Wala akong pakealam kung nasaan man ako, dahil wala kayong karapatan para maliitin ang tulad naming mahihirap!" May pang-gigigil siya sa bawat salitang binibitawan niya. Tinitigan lamang siya ng mga pulis habang hinahawakan ng dalawang pulis ang kanilang mga pisngi. "Wala kase kayo sa posisyon ko eh...", tumulo na ang mga luha ni Marites at pinipilit niyang magsalita ng maayos. "Kailangan ng anak ko ang hustisya. P-Parang-awa niyo na... Wala akong magawa para sa anak ko, kahit ang hustisya man lang niya. A-Ayokong iyong taong nakabunggo sa anak ko namumuhay ng payapa habang ang anak ko... Habang siya, nililibing sa ilalim ng lupa. P-Parang-awa niyo na, pitong gulang palang siya. Nagmamakaawa ako bilang ina" Napaluhod si Marites dahil sa bigat na pasan-pasan kasabay nito ang pagtulo ng mga mabibigat ng luha sa kaniyang mga mata. Humagulgol siya sa iyak at tanging nanigas ang mga pulis sa kinatatayuan. Hindi pa lumilipas ang isang minuto, biglang may dumating na lalaki. "M-Misis Cuenco", boses ng isang lalaking nasa edad korenta. Malalim ang boses nito dahil sa edad at bakas ang panghihina. Pagod na lumingon si Marites at kita sakaniyang mga mata ang pagod at pangungulila. Dahan-dahan lumapit ang lalaki sakanila at tinulungan naman makatayo si Marites ng mga babaeng pulis. "K-Kayo po ba ang ina ng batang nasagasaan malapit sa Whelms Palace Restaurant?" Tumango naman si Marites at yumuko ang lalaki. "Ako po si Fernando... A-Ako po ang nakasagasa sa batang si Gabriel Cuenco. Patawad-" Nanlilisik ang mga mata ni Marites at ginawaran niya ng sampal ang lalaki. "Wala kang-awa! Pinatay mo ang anak ko!" Sumisigaw siya at sinakop nito ang buong presinto. "S-Siya nalang ang meron ako, b-bakit niyo ginawa sa anak k-ko" Pinaghahampas niya ang dibdib ng lalaki gamit ang mga kamay at patuloy siya sa pag-iyak. Hindi man magawang magprotesta ng lalaki dahil alam niya sa sariling kasalanan niya ito at inaasahan niya na ang mangyayari. Ngunit sa dala ng pagod at pinaghalong emosyon na meron si Marites, hinawakan niya ang kaniyang sentido tsaka siya biglang natumba at nahimatay. Oras ang lumipas at naggising siya sa mga ingay. Doon niya lang nalaman na nakatulog siya sa presinto, sa isang sofa at pinagmasdan niya ang paligid. Nakita niya si Mona na naka-upo at may kausap na pulis. Dahan-dahan siyang umupo at nakita niyang papalapit na sakaniya si Mona. "Marites, ano kamusta pakiramdam mo?" Sabay hawak ni Mona sa likod na Marites. Lumilingon-lingon siya na para bang may hinahanap, "Nasaan na ang nakabunggo kay Gab? Mona, may umamin na! A-Ano na ang susunod na gagawin natin?" Hinagod ni Mona ang likod ni Marites upang kumalma, "Kinausap ko na ang mga pulis at nagsalaysay na rin ang suspect. Ang mga pamilyang Whelms na rin ang bahala sa kaso at gano'n din sa burol ni Gab" Kumunot ang noo ko, "Huh? Bakit naman nila gagawin 'yon? Nakakahiya sa mga Whelms" Tipid na ngumiti si Mona, "Iku-kwento ko sa'yo sa bahay. Halika kana, para makapagpahinga kana rin" Biglang tumayo si Marites, "Nasaan si Fernando? Kailangan ko siyang kausapin" "Nakakulong na siya, tes. Tsaka kailangan mo munang magpahinga" Bumaling siya kay mona, "Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko" "Pero tes, wala kang kasalanan. Wala kang ginawa, 'wag mong sisihin ang sarili mo" "Iyon na nga eh!" Sabay iling niya, "Wala akong nagawa para mabuhay anak ko. Wala akong kwentang ina, dahil pinabayaan ko si Gab!" Hinawakan ni Mona ang mga kamay ni Marites, "Hindi mo ginusto ang nangyari kay Gab, tes. Bago ka humingi ng tawad sa ibang tao, kailangan mo munang mapatawad ang sarili mo" Natahimik si Marites sa sinabi ng kaibigan, "Tes, mapapatawad ka ng anak mo dahil mahal ka niya. Alam kong ginagawa mo ito para mapatawad ka ni Gab, oo naiintindihan kita dahil ina rin ako. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko, pero... Yung sarili mo, kailangan mong patawarin ang sarili mo" Yumuko si Marites, "Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko sana binuhos ang buong oras ko sa trabaho. Kung sanang mas binigyan ko ng pag-aalaga si Gab, edi sana naagapan ko. Sana hindi siya nasagasaan. Sana... Buhay pa ang anak ko" Niyakap ni Mona ang kaibigan, "Walang perpektong ina, tes. Malaki man o maliit, ang pagsubok hindi nakikita sa bandang huli. Sa ating buhay, laging nauuna ang pagsubok bago ang aral" Nagbuga ng malalim na hininga si Marites, "Salamat" tsaka siya tumango, "Pero kailangan kong maka-usap si Fernando", umalis siya sa pagkakayakap. Tipid na ngumiti si Mona at tumango naman ito sa kaibigan, "Hihintayin kita, tes" Lumapit si Marites sa pulis at tinanong kung nasaan si Fernando. "Mr. Domingo, kakausapin ka ni Misis Cuenco" Mariing tinitigan ni Marites si Fernando. Nang nakita niya na ito, umupo silang dalawa at nag-usap. "Gusto kong sabihin mo lahat", seryoso at may diing sabi ni Marites. Nagbuga ng hininga si Fernando at pinagsiklop niya ang mga kamay. "Sana mapatawad mo'ko-" "Wag kang humingi ng tawad sa'kin, dahil hindi kita mapapatawad. Humingi ka ng tawad sa anak ko... Pero, wala na siya" Tumango nang dahan-dahan si Fernando, "Nauunawaan ko..." "Isalaysay mo paano mo pinatay ang a-anak ko" "Hindi ko pinatay ang anak mo, aksidente ang lahat..." Yumuko ang lalaki at tinuloy ang kwento. "Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan, dahil nagmamadali kami-" Kumunot ang noo ni Marites, "Kami? Ibig sabihin may kasama ka pa?" Tumango naman ito, "Driver lang ako. At yung amo ko naka-upo sa likod. Sa mga oras na'yon, nabalitaang inatake ang asawa niya at dinala sa hospital kaya naman agaran kaming umalis sa restaurant at nagmaneho na'ko, Maluwang ang daan kaya binilisan ko na pero... Hindi ko napansin na may batang tumatawid, bumusina naman ako pero h-huli na" Yunuko siya at may mga namumuong luha sa mga mata ni Marites. "Titigil na sana ako nang sinabi ng boss kong dumiretso nalang dahil... Wala naman nakakita dahil madilim", naging bulong ang huling sinabi niya. "Nasaan ang amo mo?" Hindi magawang tumingin ni Marites ng diretso sa mga mata ni Fernando at nakatingin lang 'to sa malayo. "Hindi ko alam. Sa totoo lang, sinabihan niya 'ko na magtago rin pero... Hindi ko na kaya. Ayokong magtago pero nabubuhay ako sa konsensya" "Saan siya nagtatago?" "Hindi ko alam" "Sinungaling ka" "Totoo ang sinasabi ko hindi ko alam! Ang huling pagkikita namin ay sa hospital. Kung saan sinugod ang asawa niya tapos kinabukasan na yon tinawagan niya ko sabi niya 'wag na raw akong pumasok at dahil pupunta sa siya malayo, magpapakalayo na siya" "Sino ang amo mo?" Nag-iba ng tingin ang lalaki at hindi nakapagsalita. Naghahabol ng hininga si marites na para bang nagpipigil ng galit. "Magdudusa ka sa kulungan", tumingin na ng diretso ni Marites sa mga mata ni Fernando, "Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ka ina. Hindi mo alam kung paano mawalan ng isang anak" May diin at galit sa bawat salita niya at ang mga mata ni Fernando ay puno ng awa at panghihina. "Alberto Whelms", biglang sambit ni Fernando. "Siya ang amo ko, siya ang taong kasama ko sa sasakyan na nakabunggo sa anak mo" Biglang hindi nakagalaw si Marites dahil sa narinig, "Siya ang may ari ng Whelms Palace Restaurant", pagtuloy ni Fernando. Nanghina si Marites at bumuhos muli ang mga luha nito. Umiiling siya na para bang hindi makapaniwala sa nalaman. "B-Bakit siya n-nagtatago?! Bakit hindi niya harapin ang kasalanan niya?!" Napataas ang boses ni Marites. "Natatakot siya, hindi niya matanggap", tipid na tugon naman ni Fernando. Kumunot ang noo ni Marites, "Kaya pala..." Sabay iling nito, "Kaya pala ang anak niya ang namamahala. Kaya pala inako nila ang gastos sa anak ko kase..." Hindi matapos ni Marites ang sasabihin at humahulgol sa iyak, tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad. "Sa araw na'to, isasama niya ako kung saan siya nagtatago...", biglang sambit ni Fernando na nagpatigil kay Marites sa pag-iyak. Kinagat ni Marites ang kaniyang labi at nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata. "May plano na kami. Ayaw niyang manatili ako rito dahil alam niyang mapapahamak siya. Isasama ko pamilya ko at mamumuhay ng tahimik" "Walang hiya ka! Mga wala kayong puso!" Napatayo si Marites at sumigaw, nanggigigil sa galit. Tumingala sakaniya si Fernando at ngumisi. Biglang lumapit ang mga pulis, "Ibabalik na namin siya sa kulungan", hinawakan na ng mga pulis ang magkabilaang siko ni Fernando. Tatayo na sana sila nang nagsalita si Fernando. "Kaso napanaginipan ko ang anak mo. Nagmamaka-awang sumuko na'ko at eto, andito ako ngayon. Pinili kong makulong para sa anak mo" Iminuwestra ni Marites ang kaniyang palad sa mga pulis bilang pagpigil at sabay iling. Tumingin ulit siya kay Fernando, "Namatay ang anak ko dahil sa'yo, dahil sa inyo. Tapos, aasahan mong magpapasalamat pa'ko sa'yo dahil sumuko ka?" Nagbuga ng hininga si Marites, "Dapat lang. Dahil sa ayaw at sa gusto niyo, makukulong kayo" Biglang umalis muli ang mga pulis, habang nakatingala naman si fernando kay marites. "Hindi mo man lang ba tatanungin ano ginawa ng anak mo sa panaginip ko?" Ngumisi siya. Biglang nanghina si Marites at napa-upo. Ilang segundong katahimikan ang bumalot at nagsalitang muli si Fernando habang nakatulala sa malayo. "Naglalaro sila ng anak ko, kasing-edad lang niya si Tom. Nasa isang palaruan sila, may hawak silang laruan na kotse. Alam mo kung sino ang nandoon?" Nagtaas ng kilay si Marites at naghihintay ng sagot. Bigla naman humalakhak si Fernando at naluluha pa sa kakatawa. "Ako!" Tsaka siya tumawa muli, "Bigla akong bumaba sa isang sasakyan at nakita ko ang anak kong naka-upo habang umiiyak sa may gilid ng kalsada", naging seryoso na ang kaniyang eskpresyon at boses, "nang nilapitan ko ang anak ko tinanong ko kung nasaan na ang kaibigan niya, at ang sabi niya... Ayun, bumangga daw siya sa sasakyan na dapat ay para sa anak ko" naging bulong ang huling sinabi ni Fernando. "Niligtas ng anak mo ang anak ko sa panaginip ko", pumatak ang mga luha ni Fernando, "Doon ko nalaman na makita lang ang anak kong nasa gilid ng kalsada at umiiyak... Para kang pinapatay ng sakit. P-Paano pa ang nasa sitwasyon mo" Hindi rin napigilan ni Marites ang mga luhang bumuhos sakaniyang mga mata. "Gusto kong suklian ang ginawa ng anak mo sa pagsagip niya sa anak ko kahit sa panagip lang 'yon, k-kaya pinili kong sumuko dahil e-eto lang alam kong... M-Magagawa ko. Dahil sa konsensya na babaunin ko habang buhay. Pinili ko ang trabaho ko laban sa buhay ng isang tao" Hinawakan ni Marites ang kaniyang dibdib dahil sa kirot na nararamdaman. "Sana mapatawad ako ng a-anak mo. P-Patawad! Patawad!" Naging malabo ang tingin ni Marites dahil sa mga luha. Sa mga oras na'yon, naghahanap lang si Marites ng taong maaari niyang sisihin. Dahil alam niyang may parte siyang pagkakamali sa pagkawala nang kaniyang anak. Ngunit ngayon na alam niya na kung sino talaga ang may sala, panibagong dahilan ng sakit ang hindi niya matanggap. At iyon ang pagkawala ng kaniyang anak. Sumuko na nga ang driver ng sasakyan ngunit hindi na maibabalik ang buhay ng kaniyang anak. Sa mundo, may mga bagay na kahit meron solusyon, merong hustisya, merong gamot. Pero may isang bagay na kahit anong gawin mo hindi na maiibalik pa... Ang buhay ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD