"A-Anong... Anong ginahasa, martha?" Pumiyok ang boses ni Miss Cora at biglang napasapo ng bibig si estella gamit ang dalawang palad.
"Ginahasa ako ni Sir Lucas..." Diretso kong sinabi at walang emosyon akong nakikipagtitigan kay lucas.
Nanginginig ang kamay ni Miss Cora na sinampal si Lucas sa pisngi na ikanagulat namin. Kahit kailan sa buhay ko hindi maiisip na gagawin niya 'to, lalo na sa isang anak ng Salvedo.
Bigla akong niyakap ni estella.
Nakita kong napatagilid ang mukha ni Lucas at binalingan kami ni Miss Cora. "Estella, dalhin mo na siya sa kwarto, ngayon na"
Nanghihina akong tumayo habang inaalalayaan ako ni estella.
Tamad akong bumaling sakanila papalayo at nakita kong walang bahid ng emosyon ang mukha ni lucas. Nakatalikod naman si Miss Cora sa gawi namin habang si lucas ay madilim at walang ekspresyon ang mukha.
Sa gabing 'yon, tanging kaming apat lang ang nakakaalam. Ngunit, kaming dalawa lang ni lucas ang nakakaalam sa katotohanan. Ngunit, hindi ko man lang narinig na umapila siya.
Sa sumunod na araw, akala ko sasabihin niya kay Miss Cora ang totoong nangyari, ngunit nalaman ko na maagang umalis si lucas sa isla.
Nalaman kong umuwi siya sa Maynila at hindi ko alam kung babalik pa ba.
Hindi ko masabi kung nagbago rin ba ang trato sa'kin ni Miss Cora pero nalaman ko kay estella na siya ang dahilan bakit pinauwi si lucas pabalik ng Maynila.
Pinili ni Miss Cora na sa kabilang isla magtrabaho muna dahil napatayo na ang bagong hotel do'n.
Hindi ko alam kung umiiwas ba siya sa'kin o dahil kailangan talaga siya doon sa bagong site?
Tanging kaming apat lang ang nakakaalam. Kaming apat lang.
Lumipas ang mga linggo, at hindi na nga bumalik dito si lucas.
Maybe this is a way better.
Ayoko na muling ma-involve sa mga Salvedo.
Perhaps, this is over. No more revenge. No more attachment. No more feelings from the only son of Salvedos.
"Uhm, martha..." Kanina pa tahimik si estella at ngayon niya lang ako kinausap.
Andito kami ngayon sa isang kwarto at nag-aayos ng kama.
Nagtaas ako ng kilay sakaniya, "Hm?"
Nababalisa siya at hindi ko alam ano nasa isip niya. Kaninang pagpasok ko hindi niya 'ko binati at nginitian lang ako.
Napakagat siya ng labi at napakunot ako ng noo, "May tinatago ka ba sa'kin?" Pabiro kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya, "Martha! Ano kase..." Tinigil niya ang pag-aayos at tumingin sa'kin, "Si -S-Sir lucas... Babalik daw dito sa isla" napahinto ako sa ginagawa ko.
Isang buwan na siya hindi bumalik dito at wala akong pake kung hindi na siya bumalik, pero ano 'to? Bakit bigla nalang akong kinabahan at nasasabik?
"Martha, sorry!" Bigla akong nilapitan ni estella, "Sorry talaga! Dapat hindi ko talaga sasabihin sa'yo ang kaso alam naman ng lahat na babalik si Sir, baka sa iba mo pa malaman tapos hindi nila magustuhan ang reaksyon mo at baka magtaka sila"
Tumingin ako sa mga mata ni estella, "Kailan daw siya babalik?" Kalmado kong tanong.
Nagulat siya, "Huh? Ah b-bukas daw ng maaga. May kasama siyang kliyente ata, importanteng kliyente. Pero huwag kang mag-alala, bumalik lang naman ata si Sir para raw sa business ng mga Salvedo."
Nagbaba ako ng tingin at tinuloy ang ginagawa ko. Bakit ba bigla-bigla nalang akong nasasabik at bigla nalang madidismaya?
Nagbuga ako ng hininga. "Alam ni Miss Cora na babalik si Sir Lucas" wika ni estella.
"Anong sinabi ni Miss Cora?" Habang tinutuloy ko ang ginagawa ko.
"Wala naman siyang sinabi, alam din niyang babalik dito si Sir. Ang hindi ko lang alam ay bakit hindi babalik dito si Miss Cora gano'ng alam naman niyang andito na niyan si Sir Lucas", binagsak niya ang balikat niya tsaka siya ngumuso.
Tumango naman ako, "Ahhh"
Biglang hinawakan ni estella ang aking siko, "Ayos ka lang ba niyan, martha?" Lumingon ako sakaniya at nakita kong puno ng pag-aalala ang mukha niya.
Tumawa ako at napakunot naman siya ng noo.
"Oo ayos lang ako hahaha", hindi ako tumigil sa pagtawa at inalis ko nang dahan-dahan ang kamay niya sa aking siko, "... Tapusin na natin 'to. Okay lang ako, ano ka ba"
Buong araw kong iniisip ang sinabi ni estella. Hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas o paano ko haharapin si lucas kung sa mismong harapan niya ay nagsinungaling ako.
Katapos ng insidenteng 'yon, wala na'kong narinig na bulungan man lang sa mga kasamahan ko, gano'n sila takot kay Miss Cora.
Kailangan kong umaktong parang wala lang. Wala na rin naman na sa isip ko ang maghiganti, itutuloy ko nalang ang paglayo ko sa anak ng mga Salvedo.
Kahit pa kasalungat nito ang totoong nararamdaman ko para sakaniya.
Kinabukasan, na-assign nga kami ni Ma'am Sonya- iyong pumalit dito kay Miss Cora, na pagsilbihan si Sir Lucas at ang bisita niya.
Kabaliktaran ang ugali ni Ma'am Sonya kay Miss Cora, masyadong mabait at maunawain si Ma'am Sonya dahil siguro ay mas bata ito kaysa kay Miss Cora.
Andito kami ngayon sa VIP area ng restaurant dito sa hotel at awtomatikong bumibilis ang t***k ng puso ko nang nakita ko si Sir Lucas na nakasuot ng puting sleeves at nakataas ang maitim na buhok nito.
Masasabi kong mas pumuti siya sa noon na andito sa isla. Naka-upo siya habang nakasandal sa upuan. Tinaas niya ang kaniyang long-sleeve kaya mas nadepino ang ugat nito sa kaniyang mga kamay at ang kumikinang niyang relo. Masasabi kong ang taga-pagmana ng isla na 'to ay isang modelo at hindi isang negosyante lang.
Sa kaniyang harap ay isang lalaki na tingin ko ay ka-edad lang niya. Nakasuot ng corporate attire at laging tumitingin sa gawi namin.
Nasa dulo sila habang kumakain ng almusal at ako ang naatasan magserve sakanila.
Nagbababa ako ng salad nila at ramdam ko ang titig sa'kin ng lalaking kasama niya dahil sinusundan niya ang bawat galaw ko kaya naiilang ako. "Please, let me know if you need anything Sir". Wika ko nang natapos na.
Umigtig naman ang panga ni Sir Lucas at binalingan ng tingin ang kasama niya. Tumalikod na'ko at bigla naman akong tinawag ng kasama niya, "Miss..."
"What do you need?" Tanong ni Sir lucas sa kasama niya.
Tumingin ako sa kasama niya at ngumiti, "Yes Sir?" Tsaka ako mas lumapit sakanila.
Ngumiti siya sa'kin, "Walang spoon and fork". Malalim ang boses niya pero sa pagkakasalita niya mukha naman mas matino 'to kaysa dito sa Salvedo.
Napatingin nga ako at wala ngang kutsara't tinidor. "I'll be back, Sir". Tumango naman siya at bumaling ako kay Sir lucas na mariin ang pagkakahiwa sa tinapay.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kutsara at tinidor, saktong pagbukas ko ng pintuan ay bumungad si estella. "Aish! Nagulat naman ako, asan na raw yung kutsara at tinidor?" Tanong niya.
"Ah eto na nga bibigay ko na" sabi ko at aalis na sana.
"Sandale, ako na" pagpigil niya at hinawakan pa'ko, "Hinabol pa kita para diyan no"
Napakunot ako ng noo, "Asan na, ako nalang daw sabi ni Sir Lucas" dugtong niya.
Nagtaas ako ng kilay at kinuha niya sa kamay ko ang hawak na kutsara at tinidor.
Nang natapos ang trabaho ko sa pagseserve sakanila. Nagserve na rin muna 'ko ng mga pagkain kada-kwarto at naglinis bago ko naisipang pumunta sa dalampasigan.
Break time ko ngayon at gusto ko sanang lumigalig sa dati kong pinupuntahan at iyon ang spring pero simula nang bumalik si Sir Lucas, nag-aalangan na'ko.
Ayoko naman manatili sa loob ng hotel dahil andoon si Sir Lucas kaya dito ko nalang naisipang manatili bago magsimula ulit ng trabaho.
Naka-upo ako sa may white sand. Nakapang-uniporme pa'ko habang kumakain ng tinapay.
"D'you mind if I accompany you a li'l time?" Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki. Napalingon ako at nakita kong umupo sa tabi ko ang lalaking kasama ni Sir Lucas.
Tinaas niya pa ang pants niya at tinupi niya ito hanggang tuhod. "Hayyy, I love the breeze", dugtong niya habang pinagpagpag ang mga kamay.
Hindi ako makasagot at nakatingin lang ako sakaniya na puno ng pagtataka. Anong ginagawa niya dito?
Lumingon siya sa'kin at naglahad ng kamay, "Jacob" tsaka siya ngumiti. Sumilaw ang malalim niyang dimples at ang makakapal niyang kilay. Gwapo siya at mas mukhang matino kaysa kay sir lucas.
Hindi ako nakipag-kamay at nginitian ko lang siya, "Magandang hapon, po"
Nanlaki ang mga mata niya tsaka siya tumawa. Kahit sa pagtawa niya ay maririnig mo ang malalim na boses.
"'Wag ka ng mag-po, mukha naman hindi nalalayo ang edad nating dalawa. That will only make us more awkward", he chuckled. "Let's be casual, okay?" nagtaas ako ng kilay, "What's your name, anyway?" Tanong niya.
"Ahh, martha. My name is martha", sabi ko.
Napaawang ang mga labi niya, "Woah, you're name suits you so well. You look like an angel. Martha? Hm?" Tumingin pa siya sa taas, "I like your name" he said.
Tumango naman ako at nahiya sa biglaang papuri niya, "Salamat" bulong ko.
Lumingon na'ko sa dagat at sa'kin na ngayon ang kaniyang tingin. "Ngayon mo lang ba nakita ang boss mo?" Bigla niyang tanong.
"Si sir lucas?"
Tumango siya, "Yeah"
Umiling lang ako, "He's my boss since last two months. Ngayon nalang ulit siya bumalik"
"Kamusta naman siya as a boss?"
Dahan-dahan akong tumingin sakaniya, "He's... Good and nice" tipid kong sagot.
I swallowed hard at narinig kong humalakhak siya, "Really? Are you close with him?"
Napakunot ako ng noo, ano bang trip ng kasama ni sir lucas?
Umiling ako, "N-No..."
"Well, if that's the case he's i***t". Hindi siya tumigil sa kakatawa at pinapanood ko lang siya. "If I were him, I'll tie my shoe and make a move. I don't have any idea what goes in his mind at napakaseryoso sa trabaho. I told him na kahit hindi na niya ipakita ang isla na 'to, makikipag-negotiate pa rin kami" ngumisi siya kaya, "Honestly, he wasn't the man I knew several years ago. He changed himself without telling"
"Bakit niyo po sinasabi 'yan?"
'Aishhh, I told you 'wag ka ng mag pa-po sa'kin, Okay?" Kinindatan niya pa'ko.
Nagtaas lang ako ng kilay sakaniya.
"I can say that he is a chick magnet. Bunches of girls could line up just to get lucas' attention. Bago pa man siya, pumunta sa Amerika, he's an asshole" tumawa siya habang nakatanaw sa may dagat. "Kaya buti nalang hindi ka niya pinormahan"
"H-Huh?"
"I mean, you're damn pretty and sexy. Nagtataka lang ako bakit hindi ka man lang niya pinormahan" umiiling siya habang natatawa, "He's lost"
Lumingon na siya sa'kin at bumagsak ang tingin niya sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko habang dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa'kin.
Napatayo ako at nababalisa. "M-Magsisimula na ako sa trabaho..."
Mabilis akong tumalikod at naririnig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko.
Tumakbo na'ko papasok sa hotel at pinagpapawisan ako. Kahit kailan hindi pa'ko nagkaroon ng interaskyon sa kahit kaninong lalaki, tanging sa isang tao lang.
Aakyat ako para mag-ayos ng kwarto sa VIP at mas mabuti na 'yon para hindi ko na maisip ang interaksyon sa lalaking kasama ni lucas
Pagbukas ng elevator, papasok na sana ako nang biglang bumungad sa'kin si lucas sa loob ng elevator.
Lumunok ako at pumasok na nang hindi man lang siya binabati.
Tahimik kami sa elevator hanggang sa bigla siyang nagsalita, "Where are you heading to?" Tanong niya habang nakapamulsa ang mga kamay at naramdaman kong lumunok siya dahil sa paggalaw ng kaniyang adams apple.
"Maglilinis ng room sa VIP, Sir" kalmado kong sagot. Kailangan hindi niya maramdaman na kinakabahan ako.
Tumango naman siya habang hindi ko pa rin nililingon.
"I'm sorry", bigla niyang sinabi.
"H-Hindi ako magsosorry", wika ko. "Binalaan kita noon bago ako tumalon sa tubig, ang sabi ko 'wag mo'kong susundan dahil pagsisisihan mo", pagdedepensa ko.
"I'm not. Kahit pa anong gawin mo, hindi ako nagsisisi na sinagip kita"
Biglang kinurot ang puso ko. Ang sakit. Bumalik ang ala-ala na kung saan sinagip niya 'ko kahit hindi ako humingi ng tulong.
"S-Sana... Sana hindi ka nalang bumalik", yumuko ako.
"Martha..."
Lumingon ako sakaniya na may nagbabadyang luha, "Kahit pa ikaw ang may-ari dito. Kahit anak ka pa ng mga Salvedo" umiiling ako, "Wala na'kong pupuntahan. Ikaw, mayaman ka! Kahit saan pwede kang tumira, pero paano ang tulad ko?! G-Gusto ko man umalis dito pero wala akong mapupuntahan. K-Kaya... Sana ikaw nalang ang lumayo" pabulong ang huling sinabi ko.
Yumuko ako at napansin ko na umigting ang panga niya.
Biglang tumunog ang elevator at bumukas na ito. Dali-dali akong lumabas at tumakbo papunta sa kwarto.
Nang pumasok ako sa kwarto, nakita ko si estella na nagpapalit ng bedsheet.
"M-Martha, anyare sa'yo? Bakit namumula mga mata mo?" Nilapitan niya 'ko at tumawa naman ako.
"Ahh hahaha napuwing lang ako sa may dalampasigan, mahangin do'n eh"
Tumango naman siya nang may pag-aalinlangan.
Nagsalita ako para ipakita sakaniyang ayos lang talaga ako, "Oh, bakit papalitan ulit ang bedsheet? Kakapalit lang ne'to nung isang araw, ah?"
"Ah! Gusto ni sir lucas ng bago eh"
Nanlaki ang mga mata ko, "Kanino kwarto 'to?"
Kinagat niya ang pang-ilalim niyang labi, "Ito ang kwarto ni sir lucas. Uhm, martha... Tatanungin sana kita kung ano, uhm ayos lang ba sa'yo kung ikaw muna mag-ayos sa kwarto ni sir at ako naman sa kwarto ng isang kasama ni Sir lucas?"
Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Eh kase, hindi pa naaayos 'yon. Biglaan lang din na dito raw muna siya magpapalipas ng gabi"
Tumango ako, "Ahhh..."
"Pero martha, ayos lang din kung palit tayo. Ikaw do'n sa kwarto ng kasama ni sir lucas at dito naman ako. Ano sa tingin mo?"
Naalala ko ang interaksyon ko kanina sa lalaking 'yon.
Jacob.
Umiling ako, "Dito nalang siguro ako, ayos lang ako dito"
"O-Oh sige..." Kinuha niya ang ibang gamit at lumabas na nga ng kwarto.
Binagsak ko ang mga balikat ko at tinuloy ko ang inayos ni estella. Kalahating oras na'kong naglilinis dito nang may bumukas sa pintuan.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at dahan-dahan akong lumabas ng banyo.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang lalaking kasama ni Sir Lucas na ngumingisi nang nakita ako.
"Martha!" Tinaas niya pa ang kaliwang kamay niya habang hindi na pantay ang mga lakad niya.
Napakunot ako ng noo at puno ng pagtataka. Anong ginagawa niya rito? Hindi ba't hindi dito ang kwarto niya?
"S-Sir..." Bulong ko.
Bigla niyang hinawakan ang beywang ko at tinulak sa pader. Napalunok ako at nilalapit niya ang mukha niya sa'kin. Maliit nalang ang distansya naming dalawa kaya amoy na amoy ko ang hininga niyang nay bahid ng alak.
"Sir, a-anong ginagawa niyo?" Tinutulak ko siya pero masyado siyang malakas at mahigpit ang pagkakahawak sa aking beywang.
"Bakit hindi ka sa kwarto ko maglinis?" Naging malalim ang boses niya habang ngumunguso siya.
Iniiwas ko ang tingin ko sakaniya habang ang mukha niya ang nasa leeg ko. "S-Sir... Please, Sir... Jacob!" Napasigaw ako pero hindi ko pa rin magawang makawala.
"Martha, ngayon lang..." Naging ungol ang mga salitang binitawan niya habang walang kahirap-hirap niyang inaalis ang butones ng pang-taas ko. Mas hinigpitan niya ang hawak sa'kin. Wala akong magawa kung hindi umiyak nang umiyak.
Nanghihina ang mga tuhod ko habang naging agresibo ang paghalik niya sa aking dibdib pababa.
Nasira ang damit kong pang-itaas at narinig kong umiiyak na si Jacob sa aking leeg.
Humihina ang pag-iyak ko nang narinig kong umiiyak na rin si sir jacob.
Sinuntok niya ng malakas ang pader at napapikit ako ro'n. Sumigaw siya habang hingal na hingal at dahan-dahan umaatras. Nakita ko sa mga mata niya na puno ito ng sakit.
"I'm sorry..." bulong niya habang nakayuko na.
Sa isang iglap biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si lucas.
Si lucas na puno ng galit sa mga mata at nanlilisik pa ang mga ito.
"f**k you!" Bigla niyang sinuntok si jacob. Napahiga ito at isa pang suntok ang ginawad niya rito.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang tinatakpan ko ang aking dibdib na wala ng saplot.
Huminto sa pagtulo ang mga luha ko.
Tumayo si lucas at may hinilang twalya sa may upuan at binalot sa'kin. Umigting ang panga niya at nabalot naman ng madilim na ekspresyon ang kaniyang mukha.
Nilapitan ako ni Lucas at bigla niya 'kong niyakap, "I'm sorry, martha. I... Am so sorry. Andito na'ko"
Naramdaman kong umigting ang panga niya at sa mga oras na 'to wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko.
Sa pangalawang pagkakataon, sinagip na naman niya 'ko.
Sa kwartong 'to. Sa kaniyang kwarto.