Martha's POV
Hindi pa rin ako umaahon sa tubig at nanlilisik na ang mga mata ko kung saan dumaan ang anak ng mga Salvedo. Malamig ang tubig na nandito, pero kumukulo naman ang dugo ko.
Sa ilang minutong interaksyon ko sakaniya, gusto ko na siyang ilunod dito.
Sinuot ko ang uppergarment ko at umahon na sa tubig.
Nang bumalik ako sa hotel, casual lang ako at parang walang nangyari. Pero kinakabahan ako, dahil ang pinapasukan kong trabaho ay ang anak lang naman ng may-ari at ang masaklap pa ay ang nakakita sa dibdib ko!
Napakagat ako ng labi at padabog akong pumasok sa hotel habang nakakunot-ang noo.
Nang dumiretso na'ko sa lobby, nakita ko ang pinakamamahal ng mga salvedo- ang anak nila.
"Oh martha, anyare? Para kang hinubaran ng manyakis sa itsura mo, ah?", Hagikgik ni estella habang may tinutulak na bagahe, isa siya sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Biglang napalingon ang Salvedo sa gawi namin at nagtama ang aming mga mata.
Muli niya kong tinitigan mula ulo hanggang paa. Napakunot ako ng noo tsaka siya ngumisi.
Lumalapit siya papunta sa'min at nakapameywang ako. Ngumingisi siya habang swabeng naglalakad.
Huminto siya sa harapan namin at bumati naman si estella sakaniya habang namumula pa, "M-Magandang gabi po, Sir Lucas", sabi ni estella.
Ohhh... Lucas. Iyon pala ang pangalan niya, tss hindi bagay. More like, uhm... Lucifer? Demon?
Hindi ako bumabati sakaniya dahil sa mga segundong tumititig ako sa mga mata niya... Nakikita ko ang mga magulang ko. Sumisigaaw at humihingi ng tulong sa mga Salvedo pero wala silang nagawa.
Siniko ako ni estella, doon ko nalang narealize na andito rin pala si Miss Cora.
Katabi niya ang Salvedo na nakakrus ang mga kamay kaya nadedepino ang braso nito habang si Miss Cora naman ay nakapameywang... tulad ko. Binaba ko yon at agad humarap sakaniya.
"Magandang gabi, Miss Cora", pagbati ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na kumunot naman ang noo ni estella.
"Dito ka pala nagta-trabaho? Good to know", he smile evilishly.
Nanlaki ang mga mata ni Miss Cora, "Uh, she's our new bell-lady here since last two months. Uhm... D-Do you know her, S-Sir?"
"Yes, I just met her a while ago actually", he smirked.
"Ohhh..." Napabaling sa'kin si Miss Cora na may pagtataka.
Nakapamulsa naman siya ngayon mukhang nag-eenjoy sa nangyayari, ano bang plano ne'to?
"The lady who I got bumped with...", Dugtong ng Salvedo at mas umusbong ang galit ko sakaniya.
"Ahh, yung sinasabi niyo pong biglang sumulpot sa may spring?" Pagsingit ni estella, "Sus, si Martha lang pala", tumawa siya at biglang humina dahil sa natanto. Napasapo siya sa bibig, "Omg, si martha?!!"
Napapikit ako ng mariin, kung wala lang talaga dito si Miss Cora baka kanina ko pa tinapos tong Salvedo na nasa harapan ko! Tatanggalan pa ata ako ng trabaho nito!
"S-Sorry po hehe" in-excuse na ni estella ang kaniyang sarili at umalis na.
"Martha..." Kalmado ang boses at nanlalaki ang mga mata sakin ni Miss Cora. Nakikita ko sa mga mukha niya na kailangan kong humingi ng tawad... Dito sa Salvedo. Pero hindi, hindi ko 'yon magawa dahil hindi naman niya deserve. Hindi nila kailanman maririnig ang paumanhin ko, lalo na sa mga Salvedo. "S-Sir, ipapahatid ko nalang ang mga bagahe niyo, mabuti pa ay magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala kay Martha at mabuti pa ay pumasok na kayo sa inyong kwarto"
Hindi nawala ang tingin sa'kin ng Salvedo na nasa harap ko at hindi man lang niya pinakinggan ang sinabi sakaniya ni Miss Cora.
"Martha, simulan mo na ang trabaho mo", agaran naman akong tumango at hinila ako ni Miss Cora nang hinawakan naman ng Salvedo ang isa kong palapulsuhan.
Napatingin ako ro'n at nagulat at gano'n din sa Miss Cora.
"Miss C, Don't give her a hard time, hindi niya 'ko kilala and my fault", sa'kin parin ang tingin niya habang nakapamulsa ang isang kamay.
Nagulat si Miss Cora ro'n at napaawang ang bibig, "A-Ako na ang bahala sakaniya".
"Miss C" napatingin na siya kay Miss pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko, "My mother just arrived yesterday and she wants me to give you something. I'll go to my room and I'll wait you there Miss C", he smile.
Inalis na niya ang pagkakahawak sa kamay ko at tumalikod na. Sinubaybayan ko siya hanggang sa pagpasok niya sa elevator at nang humarap na siya sa gawi namin, kinindatan pa niya 'ko!
Nanlaki ang mga mata ko at mas umusbong ang inis ko.
"Lumayo ka sa anak ng mga Salvedo, hindi ka nararapat", nagbago ang itsura ko sa binulong ni Miss Cora. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero mapait ito. Umalis na rin siya at pumunta muna sa lobby habang ako ay naninigas sa aking kinatatayuan.
Kailangan ko munang makapaghiganti. Kahit sa anak lang ng mga Salvedo. Kahit siya lang.
Days passed at nanatili rito ang anak ng mga Salvedo. Nabalitaan ko na matagal na siyang nasa States pero hindi ko alam bakit naisipan niyang pamunuan ang islang ito kahit hindi naman pala pinapabilin sakaniya ng mga Salvedo. I wonder what was his plan. Ano na naman bang pina-plano ng mga Salvedo?
Tama lang talaga na dumating din ang Lucas na'to. Wala rin akong mapapala kung wala akong sapat na impormasyon para masira ang pamilyang Salvedo. Ayos na ang anak nila.
Naglilinis ako ngayon sa isang kwarto at ito ang unang beses na nakapasok ako rito. VIP room to at malawak ang kwartong 'to.
Habang nagpapalit ako ng bedsheet, nakakaamoy ako ng pamilyar na scent. Hindi ko alam saan ko ba 'to naamoy.
Sinisinghap ko na unan at ang kumot. Naubos ko na ang amoy hindi ko pa rin matandaan.
Pinanggigilan ko na pero hindi ko pa rin matandaan at hindi ako matahimik hangga't may natitirang amoy.
Patuloy ako sa pag-amoy hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Hindi ko alintana 'yon at nagpatuloy ako sa pag-amoy.
Amoy panlalaki. Amoy...
Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa likod ko dahil sa naramdamang presensya.
"What are you doing?" Tanong ni Sir Lucas na nakatapis lang ang pang-ilalim gamit ang twalya. Napaawang ang bibig ko sa nakikita.
This isn't the first time na makita ko siyang walang damit pang-itaas habang basa ang dibdib niya at tumutulo ang mga patak ng tubig sa buhok. But we are in this close space at nagtaasan ang mga balahibo ko sa kaba. Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mukha ko.
Bigla siyang ngumisi at nakita kong namula siya. Tumalikod siya at pumasok ulit sa banyo.
Napaupo ako sa kama dahil sa panghihihina. Woah. Parang tinatambol ang puso ko at napahawak ako sa aking dibdib.
Kailangan mong maging matapang martha.
Nagbuga ako ng hininga at biglang bumukas ang pintuan sa banyo. Napatayo ako at tinupi ko ang comforter tsaka ko nilagay ang panibago. Tahimik lang siyang naglalakad na para bang walang nakita kanina.
Nakasuot na siyang pantalon at blue fitted long-sleeves.
Nakakahiya ka martha.
Kinakagat ko ang labi ko dahil hindi ako komportable sa ganitong katahimikan.
"Kaya ko inaaamoy-"
"Magtatagal kase ako-"
Sabay naming wika at sabay din kaming nagulat.
"May pamilyar kaseng amoy kaya-"
"Gusto ko kaseng bago ang bedsheet"
Sabay na naman kami kaya napapikit na'ko tsaka ako napatikom ng bibig.
"If you feel you uncomfortable, I'll call another bellhop. Hindi mo naman-"
Umiling ako, "Ayos lang, patapos na rin ako".
Bakit ba ang bait nito ngayon? Nakakainis, paano nalang ang plano ko kung ganito ako kahina?
"Kapag nalaman pa ni Miss Cora na pinapapalit mo'ko baka ano na naman isipin niya. Baka mawalan pa'ko ng trabaho nito".
Nagbuga ako ng hininga at nagpatuloy, "Wala na rin naman sa'kin yung nasa spring eh, nakalimutan ko na 'yon. Ewan ko nalang sa'yo. Hindi naman kita masisisi, sino ba namang hindi? Kalma ako lang..." Natapos na'ko sa ginagawa at humarap sakaniya, "...to"
Wala na pala siya.
Kanina pa'ko nagsasalita, umalis na pala ang ang kausap ko.
Lumipas ang mga linggo at hindi nga umalis si Sir Lucas dito sa Isla. Hindi ko alam paano ako makakakuha ng impormasyon sakaniya o kung paano ko makukuha ang loob niya.
Teka, kailangan pa ba 'yon?
Nababalitaan ko na lagi siya sa Maynila pero hindi ko alam bakit hindi nalang siya do'n tumira. Ang komplikado naman ng gusto niya.
One time, bago siya umalis at pumunta muli sa Maynila, bumyahe kami sa kabilang isla upang tignan ang bagong tayong hotel do'n at tutulong kami sa pamimigay ng relief goods.
Hindi ko alam ano naisipan ng Salvedo na'to at nakonsensya ata at natutong mamigay.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa riles ng bangka at mariin ang titig ko sa tubig. May kalakihan ang bangkang ito ngunit para sa'kin, pare-parehas lang sila.
Mapanganib tulad ng mga Salvedo.
Biglang tumulo ang luha ko dahil bigla kong naalala ang mga magulang ko.
"Are you alright?" Bigla kong naramdaman ang presenya ni Lucas sa aking gilid.
Pinunas ko ang mga luha ko at dali-dali akong umalis.
Hindi niya dapat makita na umiiyak ako dahil baka isipin niya ay mahina ako. At kapag nalaman niya 'yon... Ako ang talo.
Andito na kami ngayon sa bagong isla, at sa mga buwan na lumipas ngayon lang ako nakapunta rito.
Sa aking pagbaba, naglahad pa ng kamay si Lucas na kinagulat ko. Napatingin ako sa likod ko kung ako nga ba ang inaalalayaan niya pero wala naman akong kasunod.
Nakita ko si Miss Cora na mariin ang tingin sa'min at nagtaas ng kilay si Lucas.
Bumaba ako mag-isa at nauna maglakad. Buti nalang walang nakakita sa ginawa ni Lucas pero hindi ko naman masasabi na buti nalang na si Miss Cora ang nakakita, at baka ano na naman isipin niya.
Kasama ko sina Miss Cora at iba kong kasama sa trabaho dito sa may kubo habang nag-aayos ng mga gamit at relief. Natatanaw ko si Lucas na nakikipaglaro sa mga bata.
"Hay, ang gwapo ni Sir kapag kaharap ang laptop niya pero may mas iga-gwapo pa pala siya kapag kaharap ang mga bata at nakikipaglaro" biglang hagikgik ni estella sa kalagitnaan ng paglilipat ng mga de-lata sa box.
Tinuloy ko ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasan tumingin dito sa anak ng mga Salvedo.
Umiling ako at nagbaba ng mga gamit sa box pero bigla akong kinalabit ni estella.
"Hala tignan mo oh, grabe naman kailangan ko ata madapa sa harap ni Sir Lucas para gawin din sa'kin yan! Waaaaah, ang puso ko", hinawakan niya ang dibdib niya natawa lang ako sakaniya tsaka ako napabaling dito sa Salvedo.
Hinihipan niya ang tuhod ng batang babae na may sugat habang tinatapik niya ang ulo nito. Ngumingiti pa ito upang patahanin ang batang umiiyak.
"Wala kase siyang kapatid kaya sabik sa mga bata", pabulog naman ng isa naming kasamahan.
Dahan-dahan akong tumigin kay Lucas at nakita ko siyang may buhat-buhat na bata sakaniyang likod.
Oo totoo ngang mahilig siya sa mga bata pero hindi ibig sabihin ay magbabago na ang pagtingin ko sakaniya. Isa siyang Salvedo at pare-parehas lang sila.
Nanatili kami rito ng isang gabi dahil ayaw ni Lucas na bumyahe ng gabi kaya nagpalipas muna kami.
Naka-upo ako ngayon sa may dalampasigan habang dinarama ang mlamig na hangin ngayon gabi. Nakatingala ako at tinititigan ko ang mga bituin.
Tinaas ko ang kamay ko at pinikit ang isang mata habang tinuturo ko ang mga bituin sa kalangitan.
"Ma, Pa... Ayos lang ako dito. Sana andyan din ako kasama niyo, kumikinang sa madilim na gabi. Kahit na malayo man ang agwat natin basta makasama ko kayo." Umiiling ako habang nakatingala, "h-hindi ko alam..." Nagbuga ako ng hininga at tamad na binaba ang kamay, "hindi ko alam kung para saan ang paghihiganti ko Ma, Pa. Gusto ko, gustong-gusto ko kayo ipaghiganti dahil hanggang ngayon... Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatunayan kung buhay pa po nga ba kayo o wala na. Pero, ano 'to?" Tsaka ko hinawakan ang dibdib ko. "Bakit ko nararamdaman 'to?"
Napapikit ako ng mga segundo at sana tangayin nalang ako ng tubig dito.
Bigla akong nakarinig ng boses ng lalaki sa likod ko.
"Martha..." Narinig ko ang boses ni Lucas, hindi ako nagkakamali. Tamad akong bumaling sakaniya.
Wala talaga siyang pag-aalinlangan na umupo sa tabi ko.
"Una kitang nakita, nagulat ka. Noong nakita kita sa may lobby, nagulat ka rin. Pati na noong naglilinis ka sa kwarto ko, lagi kang nagugulat sa presensya ko. I wonder what were your thoughts right now at hindi ka nagulat ngayon?" Diretso niyang tanong.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.
"No, kakarating ko lang. I saw you from afar gazing the stars alone"
"Bakit masama bang tumingin sa langit ng mag-isa?"
He chuckled, "No" tsaka siya umiling, "pero mas maganda kung may kasama ka"
Gusto ko nga mapag-isa eh. Tss, hindi talaga ako komportable sa isang Salvedo na'to.
Kung ano man ang pinaplano niya, pwes! Hindi ako magpapabitag.
Tumayo ako at tinaas ko ang dress na suot-suot ko at lumusob sa tubig. "Saan ka pupunta?" Sigaw ni lucas.
Tinutulak ko ang maliit na bangka at naramdaman ko si lucas sa likod ko. "Are you crazy?!" Sigaw niya habang papalapit.
"Pwede ba Sir Lucas gusto ko mapag-isa!" Napasigaw na'ko dahil sa inis at irita.
"Bakit kailangan mo pang sumakay sa bangka? Martha, delikado kaya nga hindi tayo bumyahe, remember?!"
Kumunot ang noo ko sakaniya, "Kasama mo ba sa plano ang mag-alala?"
His jaw clenched, "What are you saying?"
Hindi ko siya pinakinggan at kumuha ako ng pwersa para mas itulak ang bangka.
"Martha, ano bang nasa isip mo?!" Mas nadepino ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit.
Napahinto ako sa pagtulak at ngayon ko lang napansin na nababasa na rin siya ng tubig. Eto ang unang beses na makita ko siyang magalit.
"G-Gusto ko lang naman sumakay sa bangka" mahinang sabi ko.
Hindi ko alam bakit bigla nalang naging mainhin ang boses ko.
Biglang lumambot ang ekspresyon niya na para bang tumititig sa kaawa-awang bata, "Yes" tumatango siya, "Yes of course, I'll let you ride... But go with me" dugtong niya.
Sumakay siya sa bangka at bigla niya akong binuhat para maisakay at inupo niya 'ko. "Sir..." Napapikit ako, "bakit mo ginagawa 'to? Kapag nalaman ni Miss Cora baka ano isipin niya, ako ang mapapahamak eh"
Kinuha niya ang sagwan ang umupo pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya, "Kaysa hayaan kitang namamangka, gabi na at delikado"
Nang nakita kong nakakaalis na kami sa pampang, kinagat ko ang mga labi ko at mas hinigpitan ang hawak sa magkabilaang bangka.
Huminto si lucas ang pagsagwan at pinagsiklop niya ang kaniyang mga kamay. "Huwag kang tumingin sa tubig," napatingin ako sakaniya na may nagbabadyang luha sa'king mga mata, "tumingin ka sa taas, mas magandang tignan ang mga bituin" namamaos ang kaniyang boses kaya para akong mas nahele.
Dahan-dahan akong tumingin sa langit at tama nga siya, mas magandang pagmasdan ang nga bituin.
Ayoko man pero eto na naman ako, tumulo na naman ang mga luha ko.
"Hindi ko alam bakit kailangan kong isipin na isa diyan sa mga bituin ang mga magulang ko. Buhay pa sila eh, buhay pa", pumiyok ako sa huling salita dahil sa pagpipigil.
Nakikinig lang siya at hinahayaan akong magsalita, "D-Dito sila nawala..." Bulong ko
Ngayon, bumabalik lahat ng galit at sakit dahil andito ako ngayon.
"Kasalanan lahat ng mga Salvedo. Kung sanang hindi nila pinabayaan ang mga trabahador nila! Kung sana hindi sila naging makasarili! Sana..." Humgulgol ako sa pag-iyak, "Sana ka-kasama ko pa sila hanggang ngayon"
"Sorry", bulong ni lucas.
Napakunot ako ng noo "Huh, sana sa simpleng sorry mo makikita ko mga magulang ko! Kasalanan niyo ang lahat!" Sabay turo ko sakaniya.
Gusto niya 'kong hawakan pero hindi niya alam paano at saan, "A-Alam mo ba kung bakit ako nagugulat? Kase hindi ko akalain na kaharap ko ang anak ng mga kinasusuklaman kong pamilya! Kayo, kayong mga Salvedo!" Napatayo ako dahil sa galit at biglang gumalawa ang bangka.
Napatayo rin lucas ay hinawakan ang magkabilaan kong siko, "Martha... I didn't know" kalmado ang boses niya na mas kinakagalit ko.
Gusto ko magalit din siya, gusto ko mainis siya dahil sinisisi ko siya at sila ng pamilya niya.
Pero hindi... Ni isang mura o sigaw, wala akong narinig sakaniya. Kaya mas nagagalit ako ngayon.
Agresibo kong inalis ang pagkakahawak niya at tinulak ko siya pero gano'n nalang siya kalakas. "L-Lumayo ka... Nandidiri ako sayo" may diin ang bawat salita ko.
"Hear me out, martha please. Hindi ko alam ang nangyari noon. Kaya ako nandito para tulungan at bumawi sa mga-"
Hindi ko siya pinatapos at ginawad ko siya ng malakas na sampal. Nanatili ang ulo niyang nakatagilid at umigting ang kaniyang panga.
"'Wag mong itutuloy... Ayokong marinig"
Ayokong marinig lahat ng dahilan niya at maisip ko na mali ako. Na ang taong pinaghihingantihan ko ay mabuting tao. Na iba pala sa mga nakilala kong Salvedo.
Nakita kong lumunok siya ng mariin at dahan-dahang humarap sa'kin. Pumikit siya at nang minulat niya ang mga mata niya, naramdaman ko ang pagod at awa.
"Sana hindi mo nalang ako sinamahan", sabi ko.
Umiling siya, "Just let me know if there's something I can do, martha. Anything, basta sabihin mo sa'kin"
"Lumayo ka sa'kin. Wala akong pakealam kung ikaw ang may-ari nitong islang 'to. Sana..." Bumagsak ang mga balikat ko, "Sana hindi ka nalang naging Salvedo" naging mahina ang mga salita ko.
"Martha..." He whispered.
Umiiling ako, "I'm in a wrong person in a wrong situation", bigla akong naluha.
"I'm here, martha" his voice become deep.
"'Wag na 'wag mo'kong susundan, or else you'll gonna regret it"
Kumunot ang noo niya, "What are you saying?"
Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi at umaatras sakaniya.
Tumalon ako sa bangka at narinig ko pang nagmura si Lucas bago sinigaw ang pangalan ko.
Takot ako sa tubig. Takot akong sumasakay sa bangka. Takot ako sa malalim. Takot akong mahulog.
Pero eto ako, ginawa ko ang lahat ng 'yon, sa isang iglap.
Gusto ko nang tapusin ang lahat. Siguro, kaya hindi ko sila mahanap dahil hinihintay nila 'ko.
Ma, Pa... Gusto ko na kayong makasama.
Habang papalubog ako sa tubig, dahan-dahan kong pinipikit ang mga mata hanggang sa nakaramdam ako ng bisig sa'king likod.
"Damn, Martha!", bumungad sa'kin ni Lucas at bigla niya 'kong niyakap.
Nauubo pa rin ako nang pinagmasdan ko ang sarili ko... Wala na'ko sa tubig at andito ako sa bangka.
"Anong ginawa mo?!" Tinulak ko siya at sumigaw ako pero pinatong niya sa katawan ko ang t-shirt niya na hindi man nabasa.
"Babalik na tayo sa Isla"
"Hindi!" Apila ko. Napasabunot ako ng buhok, "Hindi ba ang sabi ko 'wag mo'kong susundan?! Bakit mo ginawa?!" Sigaw ko.
"Martha, mag-usap tayo sa isla. Kailangan mong magpalit"
"Lucas naman eh! Alam mo, siguro nga hindi ka naiiba sa mga Salvedo! Ano, gusto mo unti-unti akong nasasaktan kaya ayaw mo pa'kong mamatay?! Ah! Oo nga pala, baka may plano ka rin kase-"
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Oo mamamatay din ako pero ayokong sa mga kamay mo, kaya sana hindi mo nalang ako sinagip! Ano bang plano mo, huh?!"
"Tangina, ayokong mawala ka sa harap ko!" Napasigaw siya at namumula sa galit, "Ayokong mamatay ka na wala akong ginagawa para sagipin ka! Kung alam mo lang, kung gaano ko rin kinamumuhian ang mga magulang ko. Kung alam mo lang, kung ilang mura na ang sinabi ko sa isip ko dahil sa galit ko. Kung alam mo lang, hiniling ko na rin na sana hindi ako naging Salvedo"
Humina ang boses niya, "Martha... If saving you is the only way then I'm willing to risk my life. My family. Even my name"
Kumunot ang noo ko, "Hindi mo'ko kilala" pagsingit ko.
"I do know you", mariin ang titig niya sa'kin at nag-iwas ako ng tingin.
"Bumalik na tayo sa Isla"
Ilang minuto lang ang lumipas, may natatanaw akong ilaw sa may pampang. Nanliit ang mga mata ko para mas tignan iyon at nakita ko sina estella na at ibang mga kasamahan namin habang natatanaw ko si Miss Cora na mariin at kunot noo ang tingin sa gawi namin.
Napakagat ako ng labi.
"Martha!" Biglang kumaway si estella na may pag-aalala. Naririnig ko ang mga bulungan at nanginginig ang mga tuhod ko. Inaalalayaan ako ni lucas pero hindi ko yon tinanggap at bumaba ako mag-isa.
"M-Martha... Basang-basa ka" pinagmasdan ako ni estella at nararamdaman ko si Miss Cora papunta sa'kin.
Ginawaran niya 'ko ng malakas na sampal.
"Miss Cora!" Biglang sigaw ni lucas.
"Miss..." Bulong naman ni estella.
"Hindi ba ang sinabi ko sa'yo 'wag kang lalapit sakaniya?! Inutil!"
Lumapit si lucas at hinawakan niya ang palapulsuhan ko pero binitawan ko 'yon.
"Bumalik na kayo sa loob, andito na si sir Lucas. Magpahinga na kayo!" Sigaw ni Miss Cora sa mga kasamahan namin.
Nakita kong bumaba ang tingin nila Miss Cora sa katawan ni Lucas. Ngayon ko lang naalala na nasa'kin ang damit niya at wala siyang suot na pang-itaas.
Napaluhod ako sa may buhangin. "Martha..." Sambit ni lucas.
"Martha, anong nangyari?!" Kalmado pero may diin ang bawat salita ni Miss Cora.
Tumingin ako sa mga mata niya at nakikita ko itong puno ng pagtataka at galit.
"Miss C, let martha rest for the mean time. She wanted to be alone but I-"
Tumulo ang mga luha ko, "S-Si Sir lu-lucas..." Bulong ko.
Nag-iwas ako ng tingin kay Miss Cora at direkta ang tingin kay lucas.
"Anong nangyari, m-martha?" Tanong ni Miss Cora.
"Ginahasa n-niya ko" hindi nawala ang tingin ko kay lucas na walang ekspresyon na para bang hindi man lang nabigla sa sinabi ko.