Chapter 18

2867 Words
Umiiling ako habang nakakunot ang mga noo ko. "H-Hindi... That's not true. You were lying. S-Si mommy ang first love niya! Alam ko 'yon! Since I was young, alam ko 'yon. I witnessed how they really love each other! How they look so sweet infront of me! Now, tell me. How is that possible? How can you say that? The only woman that my dad ever loved was my mom. Siya lang!" She bite her lower lip habang nangingiyak ang mga mata. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at sumikip ang dibdib ko. Noong nabubuhay pa'ko... walang sinasabi sa'kin si daddy na may minahal siyang iba. Laging si mommy lang at alam ko 'yon. I tried to speak again, "... and the man you're talking about is... My... Dad?!" I added. Napataas ang boses ko at bigla siyang nagulat. I felt Eli's hand on mine. Ngayon ko narealize na hindi na nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Kahit na hinawakan niya ang kamay ko hindi ko na magawang maging kalmado. Like, for a moment I will explode because of my... Anger. Now, my face were burning like Red. Nagsalita muli ako na para bang kailangan kong ilabas 'to. "The moment I saw you, hindi nga 'ko nagkakamali. Lahat nakukuha mo. With these gold surrounded. You wanted to claim all. Eli... And now my dad?!" "Wife...", Eli whispered. Dahan-dahan humakbang papalapit sa'kin ang babae. "Martha..." She whispered with a shock in her face. Umatras ako. Bigla nalang akong may naalala noong nabubuhay pa'ko... Ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Ang pamilya ko. I gritted my teeth. "Ibig sabihin... Ikaw ang kabit niya?!" I saw her eyes being teary, "You...", turo ko sakaniya at napatayo ako sa kinauupuan, "Liar" Nalaglag ang panga niya, "T-This can't be happening..." She whispered, "You're not supposedly in here, darling" kalmado ang boses niya habang umiiling siya. "You're not supposedly to be mad... Anymore" Bumagsak ng dahan-dahan ang mga balikat ko at nag-iba ang ekspresyon. At parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Gumaan ang pasan-pasan ko pero andito pa rin ang sakit. Napaawang ang bibig ko na parang gusto ko pa magsalita pero wala ng lumalabas. Bigla naman hinawakan na ni Eli ang aking palapulsuhan, "Martha..." Bulong niya sa'kin at humarap sa babae. "Excuse me". Hinila niya 'ko at nakatulala pa rin ako sa babae papalabas ng kubo. Dinali ako ni Eli dito sa mga hardin. Gulat pa rin ako at hindi ko alam bakit gano'n nalang ulit ako naging impulsive. Galit pa rin ang nararamdaman ko sa loob dahil sa nalaman. Gulat naman dahil sa hindi ko malaman bakit gano'n ang inasta ko sakaniya, lalo na at nasa langit kami. Kung sa mundo, normal ang magalit at magmura pero dito kahit gustuhin ko hindi ko magawa. Pero ano 'to? Why I feel so alive? "Martha..." Hinarap ako ni Eli at ako naman ay nakitingin sa pintuan ng kubo, "Hey, look at my eyes" pagsingit niya. Tumingin ako nang dahan-dahan. I swallowed. "W-Why... Am I feeling this?" Biglang kinurot ang puso ko. Oo... Galit ako dahil ang sakit malaman na iba pala ang sinasabi ng katotohanan sa matagal kong pinaniniwalaan. I was betrayed by my own past. "I felt jealous and..." Tumingin ako sa mga mata niya, "hatred" umiiling ako. "Hindi dapat ako nagagalit dito, hindi ba? Like... Someone punched me to what she've said earlier" He grabbed me and he hug me tight while caressing my hair. "Dinala mo ang galit na meron ka, martha. Hindi mo 'to naiwan dahil ang taong pinagtaniman mo ng sama ng loob ay matagal na palang wala sa mundo. And everything are making sense. This is the time to let go your grudges, martha" "I-Is this normal?" I wanted to cry but no tears are falling instead, puro sakit lang ang meron ako ngayon. Nagkibit-balikat siya, "I didn't know it, either. Pero tulad nang sinabi ko sa'yo, martha. Hindi ako mawawala. Andito lang ako, I promise you that... Dito lang" pabulong ang huling salitang sinabi niya at napakalma ako. Hinalikan niya ang noo ko at sinara ko ang mga mata ko habang dinadama ko ang pagdampi ng labi niya sa aking noo. "I wanna take your anger away. Your hatred. Your pain. I just want to fill the missing piece of yours that was gone for so long... 'Cause you derserve it", he added. I pouted, "I don't even know what was that", sagot ko. He smile, "You'll know", he tapped my head and suddenly the door opened widely. Napalingon kami ro'n at nakita ko ang babae na iba na ang suot-suot. Nakasuot siya na pang uniform na kulay dilaw at may nakaptong sa kaniyang ulo na tingin ko ay ganto ang mga sinusuot sa mga hotel. "Are you alright, now? Can you come with me?" She lend her hand, "I just wanna show you something. For at least to tell you that I'm not lying", she smiled sweetly. Aaminin kong may pag-aalinlangan ako. I didn't know her at all like, yeah perhaps she's also the same with the souls I met here. Stranger. Maybe in memory but not in fate. Lalo na siya, siya ang pinaka pinagtaniman ko ng sama ng loob dati, sinisisi ko siya dahil sinira niya ang pamilya ko. Hindi ko siya kilala at kahit ang kaniyang pangalan. Muli siyang ngumiti, at lumingon ako kay Eli na ngayon ay nakapamulsa at ang isa ay hinahawakan ang kamay ko. "I'll be here" sambit niya. "...I'll wait", he smiled. Sumama ako sa babae at pumasok na kami ulit. Hindi sumama si Eli pero may tiwala ako sa sinabi niya na hindi siya aalis o mawawala. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at doon lang ako nakatitig. Ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Yes, to be honest... She's also beautiful like my mom. Umakyat kami sa isang palapag at pumasok sa isang pintuan. Inside this room, wooden bed and floor. As well as the ceiling and some furnitures. Maganda ang kwarto kahit na makaluma ito. I can even smell the perfume of my dad. "This is the room where he saved me. And the room where I died", the last words became whisper. I surveyed around this room at mapapansin na makaluma ito. Ang mga muebles at lapag ay malinis at kumikintab. Walang bahid ng alikabok man lang. But there's only one object that caught my attention. A wither flower. Hinawakan ko ito at nakalagay pa siya sa isang vase pero lantay na mga ito. "The moment I died, the flowers slowly become wither and dull", humarap na'ko sakaniya and I can see in her eyes the pain. Sa likod ng vase ang isang picture frame na nakatakip gamit ang isang tela. Inalis ko ito at nakita ko ang larawan ng isang lalaking walang damit pang-taas at nakasandal sa isang bangka habang inaakbay ang babaeng naka bistida. They really look like a couple. They are so inlove. "Sino 'to?" Tanong ko sa babae. Kinuha niya 'yon at dahan-dahan niyang hinahawakan ang mukha ng lalaki. "This is your father... And" humarap siya sa'kin, "...ako ang babaeng katabi niya" "He look so happy and... Inlove", tugon ko at tipid akong ngumiti. She blows the picture and she passionately removing the dust, "Kahit man maging luma ito, wala naman pinagbago. Kahit na madumihan na 'to, parehas lang. Letrato pa rin to ng pagmamahalan namin ni Lucas". Her voice is soft and feminine. "Hindi ba kayo nagkatuluyan dahil kay mommy?" Bigla kong tanong. Tinayo na niya ito at sumandal siya sa may lamesa habang may inaalala, "Sort of", nagkibit-balikat siya, "... Pero desisyon ko rin na itigil ang sa'min. He can refuse the engagement but I forced him not to". "Why?" I asked. "Well, I bet it is the right thing to do" she smile, "at hindi nga ako nagkakamali. Hinding-hindi ako nagsisisi" Sumandal din ako sa lamesa at parehas kaming nakaharap sa may kama, "Sa mga taong nakilala ko rito, lagi silang nagpaparaya sa taong mahal nila. Like, they are willing to sacrifice and risk everything just for the sake of their loved one", I said. "Gano'n talaga martha, kapag mahal mo ang isang tao para lang sa kapakanan at isasaya niya... Ibibigay mo. Kahit pa ang kalayaan nila. Love is so selfish, but the people who are in love are selfless", sambit niya. I bite my lower lip, "Uhm... Ms. Martha", I said it hesitantly. Napalingon siya sa'kin at nagulat, "Woah? I didn't know that it was good to hear my name coming from an angel". Even her laugh was soft. I smirked, "Angel my a-"nanlaki ang mga mata ko sa muntik ko nang masabi. Napatikom ako ng bibig gamit ang mga palad. Woah, what was that?! Nagkatinginan kami habang nanlalaki ang mga mata at tumawa kami ng sabay. Naluluha pa siya sa kakatawa, "Hindi ko alam pero parang ang kasama ko ngayon ay hindi isang kaluluwa, kung hindi isang buhay na tao", pinupunasan niya ang mata niyang naluluha, "Hays, you almost curse, darling" Nagbuga ako ng hininga, "I'm sorry" naging bulong ang sinabi ko at naging seryoso. Kumunot ang noo niya, "Don't take it serious, you even made me laugh" habang ngumingiti siya. Umiling ako, "No! I mean... My behavior a while ago" humarap na'ko sakaniya at nakita kong nakatitig na siya sa'kin. "Gusto kong humingi ng sorry. Dito lang kita nakilala sa langit at hinusgahan na agad kita, at dito pa talaga. I was wrong. Plus, I even spilled some foul words against you. Hindi ko alam ang buong story niyo ni daddy kaya I was triggered noong nalaman kong may minahal pa pala siyang iba maliban kay mommy" She sighed and tap my shoulder, "I know what you're feeling and I understand. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit gano'n kabigat ang galit mo at naidala mo rito sa langit. It's... Unsual" Umiling ako sakaniya, "Hindi ko rin maintindihan. Noong una, gusto ko maranasan ang magselos pero hindi ko magawa pero ngayon na naramdaman ko ang selos sa di-inaasahan, iba pala ang epekto sa'kin. My anger and jealousy ruled me" Ngayon naman ay hinawakan na niya ang magkabilaang kamay ko, "Listen honey, don't let jealosy and grudges manipulate you. Kung akala mo malakas ka dahil marunong kang magalit, nagkakamali ka. Dahil ang galit ang kumokontrol sa'yo. Parehas lang tayo, martha" Kumunot ang noo ko habang siya ay nakangiti pa rin, "In what way?" Tumingin siya sa taas na para bang nag-iisip, "hmmm, parehas tayong nabuhay sa galit. Pero ako tapos na. Wala ng galit sa puso ko. Alam mo kung ano na ang meron?" Nagtaas ako ng kilay. "Pagmamahal. Pagmamahal ang pumuna sa puso kong puno ng galit, martha. I will always look ahead that one time, your heart will also filled with love. Kaya mo'ko nakilala rito" "What do you mean?" I asked. Kinuha niya ang vase at ibinigay sa'kin. "You will know it eventually. Drink this water from the vase, at ipapakita ko sa'yo ang kwento ko at ng iyong ama" Tinitigan ko ang vase na may lantay na bulaklak at tubig, "I-Inumin ko 'to?" Tumango siya. "Malalaman mo rin bakit kailangan mo 'yan inumin. Martha... You will able to know how your dad turn my stoned heart melt into a cloud. He made me change without saying. He taked away my grief and replaced it by love. Now... Martha, as you will witness the story of me and your father. I hope you'll find peace in your heart. And may you forgive your father" Nangilabot ako sa mga sinabi niya at dahan-dahan akong tumango. Ginawaran niya ulit ako ng ngiti at dahan-dahan ko ng ininom ang tubig sa may flower vase. Napapikit ako dahil sa pait na para bang tinutusok ang dila ko pero nang nasa lalamunan ko na naging kalmado ako. Third's POV (This is the story of Martha Tolentino and Lucas Salvedo- the father of Martha Salvedo) ~Flashback~ "H-Hindi... Pa! Maaaa! Please ho, tulungan niyo sila!" Kinwelyuhan ni Martha ang isang tauhan ng mga Salvedo habang humahagulgol at napapaluhod na siya sa pag-iyak. "Gumawa kayo ng paraan. Please, po!" "Pasensya na, pero marami rin ang sinasagip ng aming team kaya sasabihan nalang namin kayo kung nakita na ang bangkay ng-" Sinuntok ni Martha ang lalaki, "Walang hiya ka! Buhay sila...K-Kaya wala kang karapatan para sabihin saking bangkay ang makikita niyo!" "Martha... Tama na", umalalay ang isang kaibigan ng kaniyang ina. Humgulgol ulit sa iyak si Martha habang mariin niyang pinagsiklop ang mga kamay sa mga buhangin. Lumubog ang bangkang sinasakyan ng kanilang magulang dahil sila ang napiling ilipat sa kabilang isla. Araw-araw namamangka sila upang lumipat sa isa pang isla na ari-arian ng mga Salvedo upang magtrabaho. Delikado ang kanilang paraan lalo na at puno ang mga sinasakay nilang trabahador at walang mga bahay na ipinapatayo sa bagong isla dahil sa hindi sang-ayon ang mga Salvedo. Tinuturing nila 'tong Sacred Island at halos ang mga kayamanan ng mga Salvedo ay nasa bagong isla nila. Lumipas ang mga taon at hindi na natagpuan ang katawan ng kaniyang mga magulang. Halos poot ang galit ang umusbong kay martha. Alam niya na sa simula palang ay delikado na ang pamaraang iyon pero paaalisin sila sa Isla kapag sumuway sila sa utos ng mga Salvedo. Natuto siyang sisihin ang sarili dahil sa wala siyang nagawa para iligtas ang kaniyang mga magulang. Simula noon ay nagtanim na siya ng galit sa pamilyang Salvedo at pinlano niyang makaganti para sa kaniyang pamilya. "Magandang hapon po, ako si Martha Tolentino. Ako po pala ang pinadalang bagong female bellhop", ngumiti siya ng matamis katapos niyang magpakilala sa mga kasama niyang staff at bellboy/girl sa hotel ng isla. Tumango naman sakaniya ang matandang babae, "Ako si Corazon. Miss Cora nalang itatawag mo sa'kin at ako ang head manager. Kaya kung may problema, sa'kin ka lumapit at hahanapan natin ng solusyon". Mataray at taas noo niyang sagot. "Miss Cora? Huh, bakit Miss eh ang tanda na niya?", bumulong siya sa sarili at umalis na ang kanilang head manager na si Cora kaya hindi na niya ito narinig. Pumasok siyang isang female bellhop sa hotel na isa sa mga pag mamay-ari ng mga Salvedo. Gusto niyang malaman ang buong istorya ng Salvedo dahil gusto niyang makahanap ng butas sa mga ito upang mapalubog ang kayamanan ng mga Salvedo. Umaasa siyang may mahahanap siya dahil iniisip niyang masasama ang mga plano at madumi ang pamamalakad ng mga ito. Isang buwan na siyang nagtatrabaho sa hotel bilang isang female bellhop. Papalubog na ang araw nang pumunta siya sa likod ng hotel at doon ay may maliit na spring. Kweba ito na maliit at malamig ang tubig na nilalabas dito kaya naiisipan niyang dito nalang gumawi at lumangoy. Wala rin masyadong tao dahil na rin sa tago ito. May isang kubo na nakatayo at halos puno ang mga nakapaligid dahil gubat ang katabi nito. Padabog niyang tinatanggal ang butones ng kaniyang uniform, "Wala pa rin asenso. Bwisit! Argh!" Dahan-dahan niyang binabad ang paa sa malamig na tubig. Naka two-piece lang si Martha at lumingon-lingon siya, nagbabakasakaling may makakita sakaniya. Inalis niya ang lock ng kaniyang pang-itaas at inalis niya 'yon. "Madilim na rin naman niyan..." Bulong niya sa sarili. Nilubog na niya ang kaniyang sarili at natira nalang sakaniya ay ang pang-ilalim niya. Bigla siyang may nakitang mga bula galing sa tubig at nanlaki ang mga mata niya. "What the f**k?!" Biglang may umahon na lalaki. Nanatili ang ekspresyon ni Martha at hindi nakapagsalita. Agaran naman tumalikod ang lalaking wala ring pang-itaas habang basa ang kaniyang itim na buhok. Sa kaniyang pagtalikod, nadedepino ang kisig at puti nito. "Bakit ka kase nakahubad?!" Sigaw ng lalaki sakaniya habang nakatalikod pa rin pero napatitig lamang si martha at hindi nakapagsalita. "Umahon kana ba? M-Miss?" Hindi pa rin nagsasalita si Martha dala ng gulat o di kaya ay pagkamangha sa binata. Kinagat ng lalaki ang kaniyang pang-ilalim na labi habang dahan-dahang lumilingon. Sa kaniyang paglingon ginawaran siya ng malakas na sampal ni Martha tsaka siya sumigaw. "Waaaaaah! Maniac! Bastos! Tulooooong! Rapist! Waaaah!" Patuloy sa pagsigaw si Martha at aambang aahon na siya ng naalala niyang wala siyang pang-itaas na kahit ano. Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napatingin sa ibang direksyon dahil sa gulat. "B-Bakit ka namumula?" Kabadong tanong ni Martha habang tinatakpan niya ang dibdib, "Maniac ka talaga!" "Oh damn!" Bulong ng lalaki. "Walang hiya ka!" Pinaghahampas niya ang lalaki gamit ang isang kamay habang ang isa ay nasa kaniyang mga dibdib. "Umalis ka dito! Maniac! Bastos! Perve-" Hindi siya pinatapos at hinawakan ng lalaki ang palapulsuhan ni Martha. Nagkatinginan sila sa kanilang mga mata na para bang nag-uusap ang mga ito, "Sino ang nagsabing pumunta ka dito?" Tugon ng lalaki. "Huh! Hindi ka lang pala maniac! Mayabang ka rin pala!" Umigting ang panga ng lalaki tsaka niya nilapit ang mukha niya kay Martha, "Mayabang hindi... Maniac, Oo" tsaka ito ngumisi. Nalaglag ang panga ni Martha at bigla namang umahon ang lalaki sa tubig. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan lalo na sa tuwing nababasa ang kaniyang katawan. Dinampot niya ang bra at hinagis niya ito kay Martha. Wala na ang lalaki pero gulat pa rin si Martha. "The only son of Salvedos" bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD